"Hi miss, can I sit here?"
Napalibot ako ng tingin sa cafeteria namin at napansin kong marami pa namang available seats. Nabaling naman ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko. Schoolmate ko ata siya pero hindi ko naman siya kakilala kaya bakit siya makikiupo rito?
"May mga kasama kasi ako eh, sorry." Sabi ko rito ng puno ng sinseridad.
Agad namang dumating si Ysabelle, at Chris dala-dala ang mga tray nila. Ako kasi pinagreserve nila ng upuan, at sila narin ang umorder para saakin.
"Hanep ka talaga! Iniwan ka lang namin saglit, may lalaki ka na." Natatawang sabi saakin ni Chris.
"Lalaki ka jan! Eh nagtatanong lang 'yun kung nay nakaupo ba rito o wala." Pagdedeny ko.
"Omsim pre, galawan 'yun ng mga dumidiskarte." Sabi pa ni Chris.
"Tigil-tigilan mo nga Chris, si Jarelle. Baka isipin 'kong crush mo rin siya." Sabi ni Ysa kaya napailing nalang ako. Malisyosa talaga kahit kailan hahahaha.
After naming kumain sa Cafeteria, tumambay muna kami sa quadrangle. Tutal absent naman 'yung prof namin, eh 'di gagala muna kami.
"Cutting class 'tong ginagawa natin." Pagpapaalala saamin ni Ysabelle. Actually, kami lang naman talaga ni Chris 'yung ayaw pang pumasok.
"Wala namang teacher. Chill ka lang jan, 'di ka madadrop-out Ms. President." Pangangasar ni Chris rito.
"Ano naman kung walang teacher? Malay niyo may iniwang activity." Pangangatwiran ni Ysa. Sobrang studious kasi 'yan, tsaka responsableng tao. Hindi na ako magtataka kung bakit student coucil president siya.
"Think positive, walang activity." Komento ko naman pero sinamaan niya lang kami ng tingin ni Chris.
"Kung gusto niyo lang magdate, wag niyo na ako idamay." Sabi nito at naglakad na papuntang building namin.
Wala naman kaming nagawa ni Chris kung hindi ay ang sumunod nalang sakaniya. Pagpasok naman namin, nagulat ako nang magkasalubong ang mata namin ni sir Aldwin.
Anong ginagawa niya rito?
"Why are you late?" Tanong ni sir saaming tatlo. Hindi naman ako nakapagsalita kaya si Chris nalang ang sumalo saaming lahat.
"Akala kasi namin walang prof. Anong nangyari? Sub ka?" Casual niyang tanong kay sir Aldwin. Close nga pala sila.
"Just get back on your seat. May pinapagawang activity sainyo." Sabi ni Sir. Mabilis rin siyang napasulyap saakin bago itinuon ang pansin sa laptop niya.
"Sorry po talaga sir, hindi na mauulit." Paumanhin ni Ysabelle.
"If you have questions, kindly ask me. But please, don't ask personal question." Sabay tingin nito saakin na para bang ako 'yung pinapatamaan niya. Sorry naman. Wala na rin akong balak gawin 'yun dahil sa kahihiyan ko nung linggo. Argh! Hindi ko parin nakakalimutan 'yun. At ang mas malala pa, naalala ko na kung pa'no ko siya hinalikan at kung pa'no ako kumapit sakaniya na parang linta. s**t.
Nagtatype si sir ngayon sa laptop niya. Busy'ng busy siya eh. Masyadong seryoso ang mukha niya at focus na focus siya sa ginagawa niya. Hindi mo maiimagine na ang isang tulad niya ang makakasalubong mo sa club, at mag-uuwi sayo sa condo.
"Sir kanina ka pa tinitingnan ni Jarelle, may tanong ata." Biglang sabi ni Chris. Sinamaan ko naman ito ng tingin pero nginisian lang ako. Bakit ko nga ulit naging kaibigan 'to?
"Yes Ms. Austin?" Formal na sabi ni sir Aldwin. Hindi ko naman alam 'yung itatanong sakaniya, pasikat lang talaga si Chris.
Napatingin na rin saakin yung iba kong mga kaklase. Iniisip siguro nila na magtatanong na naman ako ng kabulastugan.
Lumapit ako kay sir dala-dala yung yellow pad kong wala pang sulat maliban sa pangalan ko.
Medyo nahihiya na nga ako eh. Ang awkward tuloy, pero mukhang wala lang naman sakaniya 'yun.
"Sir di ko po alam gagawin." Sabi ko nalang. Totoo rin naman kasi.
"Bobo talaga." I heard someone say but I don't care. Pansin ko namang narinig din 'yon ni sir kaya tumukhim siya. Naalerto naman siguro yung nagmura.
Tinuro saakin ni sir yung instruction in very basic words. Naappreciate ko naman 'yon, lalo pa't nasisilayan ko ng mas malapit yung mukha niya.
Hindi ako makapaniwalang nahalikan ko siya. This professor? Napakaimposibleng tingnan pero 'yun ang nangyari. At ano pa? Niyakap ko pa siya! His perfume, yun yung scent niya nung gabing 'yon.
"Stop staring at me." Halos pabulong na sabi nito.
"Assuming ka sir. By the way, thanks for the instructions." Sabi ko at bumalik sa upuan ko. Sinigurado ko ring madadaanan ko yung pwesto ni Chris para sipain.
Nung uwian, pagkalabas ko sa building namin ay sinalubong agad ako nung lalaki kanina sa Cafeteria. Ngumiti ito saakin which is weird.
"Hi," Sabi pa niya. Ang creepy lang. Stalker ko ba 'to?
"Hello, may kailangan ka?" I politely ask him.
"Pwede bang mahingi number mo?" Sabi nito at ngumiti ulit saakin. Okay?
"Bakit?"
"Mula kasi nung naligaw ka sa room namin, crush na kita." Parang nahihiya pa niyang sabi. May hiya pa pala siya?
"Ganun ba? Hindi pa kasi kita kilala eh, sorry." Sabi ko rito. Akmang aalis na sana ako nang iharang niya ang sarili niya. Medyo kinabahan naman ako.
"Sige na miss, kahit konting chance lang. Matagal na kitang pinagmamasdan sa malayo." Mas nacreepy-han tuloy ako dahil sa sinabi niya.
"I appreciate you're feelings. Pero, hindi ko talaga binibigay yung number ko basta-basta. Sana maintindihan mo." Sabi ko pero persistent talaga 'tong lalaking 'to eh.
"Hindi ka magsisisi, promise." Sabi pa nito. Gusto ko nang umuwi, sana naman tigilan niya na ako.
"Miss Austin, can I talk to you?" Laking pasasalamat ko naman nang tinawag ako ni sir Aldwin. Para akong nakahinga ng maluwag.
Umalis na ako dun sa creepy guy at sinundan si sir papuntang ewan. Nakatingin lang ulit ako sa gwapo niyang likod.
Ano naman kayang sasabihin niya saakin? About ba acads? Syempre may iba pa ba?
Nang makarating kami sa may likod ng building, humarap siya saakin bigla kaya napaatras ako. Kinakabahan tuloy ako, ano bang sasabihin niya? Magtatapat ba siya ng pag-ibig? Ba't nagtititigan lang kami rito?
"Sir bakit po?" Ako na ang unang nagsalita.
Tumikhim muna siya bago nagsalita, "I'll be honest with you, you're failing my class." Sabi nito na parang nakakagulat iyon na balita.
"Alam ko po."
Mahina ako sa math, 'du ako active sa recitation and mababa scores ko sa paper works. Ano pang aasahan ko do'n? Tsaka ba't ba niya sinasabi 'to ngayon, eh hindi pa naman tapos ang sem?
"You what?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Don't worry sir. Gagawan ko po 'yun ng paraan." Sabi ko at ngumiti sakaniya.
"Aasahan ko 'yan." Nagimula naman siyang lumakad paalis habang nakapamulsa. Aalis narin sana ako nang tawagin niya ulit ako, "Miss Austin,"
"Yes po?"
"I can drop you off if you want."
Medyo napatigil ako sa offer niya. As in? For real? Napatingin ako sakaniya at binabasa ko 'yung ekspresyon niya kung sure ba siya.
"You're going or not?" Tanong ulit nito. Napakagat nalang ako sa labi ko sabay tango sakaniya.
Sinundan ko naman agad siya papuntang parking lot. Malapit lang pala 'yun dito sa likod ng building. Tinext ko rin yung driver ko na huwag na akong susunduin.
Alam na rin naman ni sir Aldwin 'yung address ko, since hinatid niya ako kahapon nung may hangover pa ako.
Pero pagkasara ko ng pintuan, bigla akong nakaramdam ng awkwardness. Nagduda tuloy ako kung tama bang pumayag ako o hindi.
Tsaka ba't ba niya ako inaya? Close na ba kami? Friends na ba kami?
"Don't misunderstand. Nagkataon lang na dadaan ako sa bahay niyo." Pagpapaliwanag nito na parang nababasa 'yung nasa isip ko.
"Wala akong sinasabi." Sabi ko at isiniksik nalang ang sarili sa dulo.
Hindi ko lang mapigilang tingnan minsan si sir Aldwin habang nagdadrive. Pati ba naman dito, ang seryoso niya. Diretso lang ang tingin niya sa daan at hindi ko rin mabasa kung anong iniisip niya. Ito na ba 'yung tinatawag nilang 'mysterious guy'? Ang clichè naman!
"Don't stare, you're distracting me." Sabi nito kaya napaiwas ako ng tingin. Ibinalik ko sa bintana 'yung tingin ko.
"I'm not even staring. Assuming ka."
"I can see you through my peripheral vision, you know?" Pangangasar nito saakin. Pansin ko ring medyo lumiwanag 'yung mukha niya.
"Oo nga, pero tumitingin lang ako. Masama bang tumingin? Masama ba? Edi sana 'di ako biniyayaan ng mata." Reklamo ko rito. Napansin ko namang medyo umangat yung gilid ng labi niya. Nakakatawa ba 'yun? Tsk. Walang sense of humor.
"Ba't defensive?" Tanong lang niya pero tinarayan ko lang ito.
Ang gwapo mo kasi, badtrip!
"Huh?" Tanong niya na ikinagulat ko.
"Anong huh?" Kinakabahang tanong ko.
"Is that intentional?"
"Yung alin?" Maang-maangan ko pang sabi, but I'm sure narinig niya 'yon!
"Nothing." Mukhang nahalata niyang ayokong pag-usapan 'yun.
Bigla namang nagring 'yung phone niya. Nakaconnect pa sa speaker ng sasakyan. Hala, okay lang kayang marinig ko usapan nila?
Sinagot naman agad niya yun.
["Hey! Can you pick me up?"] Sabi sa kabilang linya. Boses 'yun ng babae. Girlfriend niya ata.
Sa itsura naman ni sir Aldwin, imposible nga naman talagang wala siyang jowa.
"Where are you?" Tanong nito sa telepono.
["BGC, my legs hurt na. Can you make bilis? Argh damn this heels!"] Sounds spoil. Kaya siguro naiirita ako sa boses niya. Jowa talaga 'yan ni sir?
"Okay. Hang in there, I'm on my way." Tapos binaba na niya 'yung tawag.
Wag naman sana niya akong dalhin sa babae niya, nakakahiya 'yun. Feeling ko tuloy kabit ako. Lalo na't nahawakan at nahalikan ko na siya, kahit pa lasing ako no'n.
"Dito nalang ako bababa." Sabi ko. Ayoko namang ipahiya pa siya sa girlfriend niya.
"Huh? Wait." Inihinto niya sa gilid 'yung kotse niya. Tinanggal ko naman agad 'yung seatbelt ko. "Are you okay here?" Tanong niya.
Syempre hindi. Pero 'di ko nalang sasabihin 'yun. Manhid ba siya? Malamang ayokong magpakathird wheel rito.
"Okay lang po. Thank you for the ride sir. May kailangan lang po akong daanan rito." Sabi ko. Naniwala naman siya sa palusot ko. Pinanood ko lang ang kotse niya habang papalayo.
So asan na nga ulit ako? Tumingin ako sa paligid bago tinawagan 'yung driver ko. Buti naman on-call lang siya. Naghintay nalang ako sa may malapit na coffee shop hanggang sa dumating na ang sundo ko.
Medyo nakakadisappoint lang, akala ko kasi talaga ihahatid niya ako. Hayys.
Dumating na si sir Aldwin sa classroom namin para magturo. May assignment siyang pinagawa, buti nalang ay may assistant ako para gumawa noon.
Nagdiscuss lang si sir at as usual, pinilit kong makinig kahit wala akong maintindihan. Napahikab ako kaya naman napatingin agad saakin si sir Aldwin. Naulit pa 'yon ng naulit kaya tinawag na niya 'yung atensyon ko.
"If anyone here, wants to sleep during my class, please do it outside." Hindi siya nagmention ng pangalan pero nakatingin naman siya saakin. Napaiwas nalang ako ng tingin.
Naiinis pa ako sakaniya sa pagditch saakin nung Monday. Pero hindi na iyon importante. Mag-iiba nalang ako ng prof crush. No big deal.
Nung uwian, napagdesisyunan kong mamasyal sa MOA kasama si Ysabelle. Hindi daw sumama si Chris dahil may dinidiskartehan na itong babae. Hindi ko alam kung seryoso siya, o landing landi lang talaga. Wala naman akong pakialam.
"Mamimili lang ako ng books." Sabi ni Ysa at pumasok sa fully booked. Ako naman ay naglibot-libot para maghanap ng skincare. Nagkasundo kami na magkikita sa Bistro Ravioli para kumain ng dinner.
Kung saan-saan naman ako napadpad.
"Jarelleee!" Napalingon naman ako sa sigaw na 'yon. Si Xavier lang pala.
"Oy! Anong ginagawa mo rito?"
"Naggrocery ako. Tapos naisipan ko na ring maglibot. Sama ka?" Nakangiti pa ito saakin. Umiling lang ako.
"Si Xander pala, asaan?" Tanong ko sa kakambal niya.
"Wow ha. Nakakatampo ka, ako nandito tapos si Xander hinahanap mo." Nagtatampong sabi nito na tinawanan ko lang. "Tamad 'yon kaya 'di 'yon maggogrocery." Paliwanag niya.
"Sige. May gagawin ka pa ba? Baka hinihintay na ako ng kasama ko." Sabi ko rito.
"Wala na, baka umuwi na rin ako, ayaw mo kasi akong samahan eh." Matampuhin talaga.
"Sorry naman, busy person ako eh. Daming ganap, you know?" Pagmamayabang ko rito, pero as a joke.
"Halata nga. Pati professor ng school niyo, pinagkakaabalahan mo rin." Pangangasar nito saakin kaya nahampas ko tuloy siya.
"Wag kang maingay. Teacher ko 'yon sa isang subject ko." Nanlaki naman agad ang mata niya sa sinabi ko.
"Holy s**t! Iba ka talaga." Umiiling-iling na sabi nito. "Pa'no ba 'yan? Next Saturday ulit?"
"Always G ako. Chicheck ko lang sched ko. Sige na Xavier, naghihintay na kasama ko." Paalam ko rito.
Kumaway naman siya saakin. "Ingat!"
Pagkarating ko sa resto, napakunot ang noo ko nang makitang may mga kasama si Ysa. May kausao siyang dalawang tao, isang babae at isang lalaki na nakatalikod saakin.
Kinawayan naman niya ako nang makita ako kaya lumapit na ako at umupo sa bakanteng upuan which is sa harap nung lalaki.
"Nakita ko sila Ma'am Kayla and sir Aldwin, okay lang naman na sumabay tayo sakanila 'di ba?" Makahulugang sabi ni Ysabelle saakin.
Matik namang napatingin ako sa lalaki at halos lumuwa ang mata ko nang makumpirmang si sir Aldwin nga 'yon. So kakain talaga kami ngayon ng sabay?
"Hello po ma'am," tumingin ako sa babae na hindi ko kilala, "sir." At kay sir Aldwin, kaya nagtagma ang paningin namin na agad ko ring iniwas.
"Close po pala kayo nila Ysa?" Magalang kong tanong sa mga gurong nasa harapan ko.
"Yes, adviser kasi ako ng student council. And I believe, Aldwin is your prof right?" Tanong nung babae. Hindi niya kaboses 'yong nasa telepono. Hindi ko tuloy alam kung anong relasyon nila ni sir. Ang alam ko lang ay ang dami palang babaeng nakapalibot sakaniya.
"Prof rin siya ng Engineering math, nagkataon lang na si sir Aldwin 'yong teacher natin." Pagpapaliwanag pa ni Ysa. Napatango nalang ako.
This is awkwsrd for me, pero hindi ko 'yon pinahalata.
"Ang cute niyo naman pong couples." Pagpuri ko sa dalawang prof na nasa harap ko. Parang kinilig pa si Ma'am Kayla habang naismid naman si sir Aldwin. So I guess, hindi sila magjowa? Yung babae sa telepono kaya 'yung jowa ni sir?
"Sana nga." Malanding sabi ni Ma'am. Nagfake laugh nalang ako.
"Grabe, ang lakas pala talaga ni sir Aldwin sa babae noh? Crush ko din siya ma'am eh." Sabi ko na parang wala sa harap ko si sir. Nashock naman sila sa pagkavocal ko. Si sir Aldwin naman ay nagfake cough pa. "Kaso may jowa na 'yan." Dagdag ko pa kay ma'am Kayla. Para naman matauhan siya, kawawa rin kasi 'yung jowa ni sir kung sakali.
Nagtatakang napatingin naman saakin si sir. Pero nginitian ko lang ito.
Si ma'am Kayla naman, parang natauhan sa sinabi ko. Crush din talaga niya si sir noh?
Siniko naman ako ni Ysabelle, pero hindi ko nalang pinansin. Napapansin ko namang nagiging awkward yung atmosphere, ang daldal ko kasi, kainis. Hindi naman ako source of awkwardness eh, ngayon lang!
Pagkatapos namin kumain, nagseparate agad kami ng landas. Dala ko 'yung kotse ko kaya dumiretso ako sa parking lot.
Nakakatawa lang dahil familiar saakin 'yung sasakyan sa tabi ko. It was sir Aldwin's. And speaking of...
Nakita ko siyang naglalakad palapit saakin. He's wearing a navy blue sweater and pants matched with his white rubber shoes. Ang casual lang ng suot niya ngayon, pero attractive parin siyang tingnan.
Naalala ko naman agad 'yong nangyari kanina. Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko 'yon. Bibig ko kasi eh, napakadulas.
Napaiwas naman ako ng tingin nung nagtagma ang mata namin. Feeling ko, kailangan kong magsorry.
"Sir," napahinto siya sa pagbukas ng pinto. Medyo lumapit naman ako sakaniya. "Sorry po sa kanina." Sabi ko rito.
Tiningnan niya lang muna ako. Nailang naman ako agad. "It's fine." Simpleng sabi niya. Hindi lang ako convinced.
"Sorry talaga. Feeling ko kasi, ang dami ko nang kasalanan sayo," Pag-amin ko rito. I see amusement in his eyes nung sinabi ko 'yon. Pero hindi ko alam kung bakit.
"I told you, it's fine. Don't bother." Then he flash a quick smile. Like WTF! First time niya akong nginitian! Kinilig naman ako, pero syempre hindi ko ipapahalata.
May girlfriend na nga pala siya! Awit.
"Okay po, thank you sir." Sabi ko at binuksan na ang driver seat.
"Actually," papasok na sana ako nang magsalita pa siya kaya napaharap naman agad ako sakaniya.
"I don't have a girlfriend."