MMAC 4

2122 Words
"Hmm..." Ipinalibot ko 'yong tingin sa kabuuhan ng National Bookstore at hinanap 'yung ballpen section. Balak ko kasing bumili ng ballpen, notebook and books narin. Bigla namang nagvibrate ang phone ko kaya tiningnan ko 'yong text message from Karylle. Busy na rin siya lately kaya madalang nalang kami nagkikita. From Karylle Wer r u? Let's drink? Napailing nalang ako sa nabasa ko. Magaling talaga sa inuman ang babaeng 'to. To Karylle Nasa bookstore ako. Check ko kung wala akong gagawin mamaya. From Karylle What the heck? Naliligaw ka ba? Wyd at a bookstore? Napangiti naman ako sa reply niya at naalala kung bakit ba ako nandito. To Karylle I'm inspired :) Nang makuha ko na ang gusto kong notebook, dumiretso ako sa book section para maghanap ng math books. Namili nalang ako nang makapal para marami akong natutunan. Kumuha rin ako nang iba pang klaseng makakapal na math books para more knowledge to come. Sa sobrang dami siguro ng kinuha kong libro, hindi na nakayanan ng kamay ko na buhatin sila kaya nahulog ang mga ito. Buti nalang may good samaritan na pumulot. At halos abot langit ang ngiti ko nang makitang si sir Aldwin ito. Wow. Destiny na ba ito? "Oh, you're studying?" Parang gulat na gulat na tanong nito nang makita 'yung mga libro ko. Nakaramdam ako ng hiya kaya nakagat ko ang ibabang labi ko bago marahan na tumango, "I want to." Sabi ko rito. May kinuha siyang libro sa math section rin at iniabot 'yun saakin habang bitbit-bitbit pa niya 'yong mga nahulog kong libro. "This is better than these books." Sabi niya saakin. Napatingin ako sakaniya at ngumiti. "Sige, ito nalang." Ibinalik naman niya sa bookshelf 'yung nga kinuha kong libro. Ramdam ko parin ang presensya ni sir sa tabi ko. Napasulyap ako sakaniya at saktong napasulyap din pala siya saakin. Agad namang binalik ko ang tingin sa librong binigay niya. "U-uh," Nagdadalawang isip ako kung iimbitahin ko ba siyang magdinner o wag na. Pero ang laki na ng kasalanan ko sakaniya, tapos hindi pa ako nakakabawi. Tinulungan pa niya akong maghanap ng libro. So why not diba? "Do you want to eat or something?" Agad naman akong napalingon sakaniya. Syempre hindi ako 'yung nagtanong. Magsasalita palang ako, kaso naunahan niya ako! Hindi ako makapaniwala. Pero at least, siya yung nag-aya. Choosy pa ba ako? "Sige po, bayaran ko lang 'to." May binili rin siya sa NBS pero sa kabilang cashier siya nakapila. Mas naunang natapos 'yong sakaniya kaya naghintay siya sa labas. After kong makuha 'yung pinamili ko, dumiretso kami sa Pizza Hut. Sabi ko kasi, Pizza nalang kainin namin and pumayag naman siya. "I'll be looking up for your performance after you read that book." Sabi nito saakin. "Sure po, mag-aaral na po talaga ako ng mabuti." Sabi ko naman. After ilang subo niya ng pizza, uminom siya ng tubig bago seryoso akong tiningnan. Well, lagi naman siyang seryoso. "Can you please drop the 'po' when we're in public? It sounds awkward." Pag-amin nito kaya napatango nalang ako. Of course gusto ko 'yon! Sino bang hindi? I can drop the respect naman pala. "Okay lang?" Napatango siya sa tanong ko. I think sir Aldwin is a lowkey friendly guy. Mukhang close sila ni Chris, and ni ma'am Kayla. Marami pa siguro siyang ibang ka-close, hindi lang halata since he's too focused on his job. Tsaka kung hindi siya friendly, ba't niya ako inaya magdinner diba? "I prefer it actually." Naging komportable namin ako throughout the dinner. Feeling ko makakasundo ko 'tong si sir Aldwin. Hindi naman pala siya masyadong closed sa tao. "Sir, kung okay lang, bakit po kayo nagtuturo?" "I'm currently reviewing for my Civil Engineering exam." Sabi niya saakin. Na-amaze naman ako since pinagsasabay niya 'yung review at pagtuturo. "So bakit professor? Hindi ba dapat nagrereview ka for your licensure exam?" "This is how I review." Sabi pa niya. Nag-usap lang kami about sa school hanggang sa natapos kaming kumain. Ngayon, nawala lahat ng awkwardness ko kay sir. Komportable na siyang kasama, and I kinda like spending time with him. "Bawiin mo grade mo." Paalala saakin ni sir. Tumango naman ako at kumaway sakaniya. Bigla namang bumilis yung t***k ng puso ko nung kumaway rin siya pabalik saakin. Simple lang 'yon at parang tinaas lang niya ang kamay niya, pero kahit na. s**t ka sir, paasa. Pag-uwi ko sa bahay, binasa at inaral ko 'yung librong kinuha saakin ni sir Aldwin. Naiintindihan ko naman kahit papaano dahil ang basic ng pagkakaturo. Pinicturan ko 'yong libro at ni-myday ko sa f*******:. Ang dami namang nag-haha reacts, kesyo amplastik ko daw. Wow ha. Nagchat rin yung mga friends ko sa GC namin. Karylle Zamora: You're really studying? Ang creepy mo ha! Kulang ka ata sa alak teh. Jarelle AU: Inspired nga ako. Bawal ba? Xander Lucio: After the prof, may bago ka na naman? Babae talaga mga manloloko eh. Jarelle AU: Wala akong bago hoy! Yun pa din. Karylle Zamora: OMG I knew it! You're such a malandi talaga! Xavier Lucio: Yung teacher mo ba yan? HAHAHAHA road to student-teacher relationship! Hindi ko nalang sila pinansin sa GC at hinanap nalang 'yong f*******: account ni sir. Inadd ko naman siya agad. Ang gwapo niya sa profile niya. Hayys. Gusto ko pa sanang istalk kaso ang private niya, or wala lang talaga siyang posts? Wala pang isang oras ay tumunog ba 'yong phone ko. Inaccept na pala ni sir 'yong friend request ko. Ni stalk ko naman siya at tama nga ako, wala ni isang post do'n maliban sa dalawa niyang profile pictures. May nagnotif rin agad sa messenger ko na may nagcomment daw sa myday ko, kaya agad ko 'yong tiningnan. Aldwin Montero: Are you getting it well? Kinilig naman ako nang mabasa ang chat niya. Siya unang nagchat eh. Nayakap ko 'yung unan ko at ngiting-ngiting nagreoly. Jarelle AU: Okay lang. Medyo nahihirapan pa ako ng konti. Agad naman niyang naseen 'yong reply ko. Aldwin Montero: I have consultation period, you know. Nag-ooffer ba siya saakin? Kasi kung oo, I'm glad to accept it. Jarelle AU: Pwede ba ako magpaconsult? Aldwin Montero: Of course. Sinend naman niya 'yung consultatiin period niya. Kaya naisipan kong bukas na bukas rin ay pupunta ako. Kinabukasan, wala kaming class kay sir Aldwin pero excited ako kasi mamimeet ko siya ng uwian. 3 PM out namin ngayon, at 4:30 PM naman 'yong consultation period niya. "Hoy! Ba't may bitbit kang math book? Ikaw ha!" Pangangasar saakin ni Chris nang makita 'yong librong hawak ko. "Magpapaconsult ako. Bakit, inggit ka?" "Wews. For sure, didiskarte ka lang." Nakangising sabi ni Chris. "Bakit bawal? Ikaw rin naman dumidiskarte sa nililigawan mo, may sinabi ba 'ko?" Pangangasar ko rin rito. Napabuntog-hininga naman siya na parang may mali sa sinabi ko. "Wag mo ngang banggitin 'yon." Naiiritang sabi niya. I guess may hindi magandang nangyari sakanila. "Ay baket? Basted ba? Kawawa naman." Sasakalin na sana ako nito nang may umubo sa harap namin. Nasa gitna kasi kami ng hallway. "Uyy sir Aldwin! San ka? Didiskarte-- este magpapaconsult daw 'tong si Jarelle sa'yo." Sabi ni Chris. Nabaling naman saakin 'yong tingin ni sir. "Let's go to my consultation room." Sabi nito. Napatingin naman ako sa oras. Wala pang 4:30 ha? Nagpaalam muna ako kay Chris, pero ang sinabi lang ay "Galingan mo!" Kaya muntik ko nang mabatukan kung hindi lang siya umalis agad. Sumunod naman agad ako kay sir Aldwin. Marami ulit bumabati sakaniya pero tinatanguan lang niya. Dumiretso kami sa consultation room. Napatingin naman ako sakaniya na kasalukuyang hinuhubat 'yong coat niya. Naka long sleeves naman siya na polo sa loob at neck tie. Inayos pa niya 'yong salamin niya bago umupo sa harap ko. "Sir, akala ko ba 4:30 pa 'yong consultation mo?" Tanong ko agad rito. "Na-cancel last class ko because of some activities." Simpleng paliwanag niya. Sinimulhan naman naming mag-aral pero nadidistract talaga ako sakaniya eh. Ang bango bango niya tapos mas gumagwapo pa siya pag kaming dalawa lang nasa kwarto. "Stop staring at me and listen." Sabi nito saakin. Ako lang ba? O parang may pang-aasar sa boses niya. "Tumitingin lang ako. OA naman ng staring." Depensa ko sa sarili ko but I just saw him smirked. Ibinalik ko ang tingin sa sinusulat niya. This time, sa boses naman niya ako nadidistract. May pagkahusky na ang lamig pakinggan. Ang sarap sa tenga. "Kumakanta ka ba?" Bigla kong tanong kaya napahinto siya sa pagdidiscuss. "Nakikinig ka ba?" Balik na tanong nito saakin. Nakikinig naman ako, wala lang talaga akong maintindihan. "Oo naman. Ikaw nagtuturo eh, makikinig talaga ako." Sabi ko pa rito. "So kumakanta ka?" Tanong ko ulit. "Dati." Napa-wow naman ako. Suddenly, gusto ko nalang marinig 'yong boses niya. "Bakit dati lang? Sample nga sir. Hahaha!" "May naintindihan ka ba sa tinuro ko?" Pagchichange topic nito. "Meron, syempre magaling ka eh." Sabi ko sabay thumbs up. Napailing nalang ito saakin. "Sir parinig na ng kanta." Sabi ko pa ulit. "I don't sing." "Sabi mo dati. Edi kumakanta ka parin, duh!" Sabi ko naman. "Then tell me how to solve this." Tinuro niya ang isang problem sa textbook ar saktong hindi ko alam ang sagot do'n. "Sir pwedeng ito nalang?" Turo ko sa problem number 1 na mas madali. "This is so basic." Pangangatwiran niya. "Don't tell me, ito lang kaya mong isolve?" Awkward naman akong ngumiti sakaniya. Nagets naman siguro niyang oo 'yung sagot ko sa tanong niya. "Midterms are coming. If you passed, I'll let you hear me sing." Nanlaki ang mata ko sa offer niya. "Deal!!" Saturday, tinurn off ko 'yung offer ni Karylle na magclub. Naisip kong magsastudy nalang ako sa araw na 'yon since ang dami ko pang hindi alam sa engineering math. Nag-aral talaga ako nang mabuti para sa offer ni sir Aldwin. Sa sobrang desidido kong makapasa sa subject niya, every consultation period niya ay nando'n ako. Feeling ko nga, nagsasawa na 'to sa mukha ko. "San ka? Gala tayo!" Umakbay bigla saakin si Chris. "Busy ako, papaconsult. Asan bebe mo? Dun ka sumabay." Sabi ko rito pero bigla namang sumama ang timpla ng mukha niya. "Sabi nang wag mo siyang babanggitin eh." Sabi nito "Tsaka consult na naman? Iba na 'yan ah." Pagbabalik niya saakin ng topic. "May deal kami ni sir Aldwin eh," proud na sabi ko. "At ano namang deal 'yon?" Tanong niya. "Pag nakapasa ako sa midterms, kakantahan daw niya ako." Proud na sabi ko. "Kantahan amputa! 'Di na nga kumakanta 'yun eh HAHAHA." Tinap pa niya ang ulo ko para inisin ako. "Okay lang yan, walang masamang umasa." Sabi nito. Inirapan ko nalang siya. Makikita niya, kakantaha ako ni sir. "Teka ba't alam mo?" Tanong ko bigla sakaniya. "Alam ang alin?" "Na 'di kumakanta si sir?" Tanong ko pa rito. From magkasalubong na kilay, bigla naman siyang tumaya. "What a clueless person we have here." Pangangasar niya pa saakin. "Ano nga kasi?" "Magpinsan sila." Bigla naman akong napalingon kay Ysabelle na kararating lang. Magpinsan sila? At di man lang sinabi saakin? Alam nilang crush ko si sir? Omayghad! "Hala weh? Totoo?" Hindi ko makapaniwalang tanong. "Oo nga. Ano lakad ba kita? Magpalakas ka muna saakin." Natatawang sabi ni Chris. Napahalukipkip naman si Ysa. "Wag mo paasahin," Sabi nito kay Chris. "Wala kang pag asa do'n." Sabay baling saakin ng tingin. "False news! Nabasted lang 'yan ni sir, kaya bitter." Pangangasar sakaniya ni Chris. Nabatukan tuloy siya ngayon. "Hindi ah. Sabi niya, wala raw siyang balak maggirlfriend." Depensa nito sa sarili. Teka naman, too much information ata ito about kay sir. Nagconfess sakaniya si Ysa at pinsan niya si Chris? What a connection I have here. Iniwanan ko na sila at excited na pumunta sa consultation room ni sir. Ang dami ko kasing dalang chismis at mga tanong para sakaniya. Nag-order rin ako ng Starbucks para may mainom kami habang nag-aaral. Pagdating ko sa room, nagulat ako nang may box do'n ng J.Co, "I brought these, so we can feed ourselves wile studying." Pag-eexplain niya. Napatango naman ako at inilapag rin ang binili kong drinks. "Mukhang parehas tayo ng iniisip sir. Ito, panulak." Nagsimula na nga kaming mag-aral. Nakinig talaga ako ng husto hanggang maisipan naming kumain na. "Sir pinsan mo pala si Chris?" Panimula ko rito. "Yeah why?" "Akala ko, lowkey friendly ka lang." Pag-amin ko. "Marami ka bang ka-close?" Kinagatan niya muna yung doughnut niya bago sumagot, "Not really." "Eh si ma'am Kayla? Magkasama kayo no'n sa MOA diba?" Tanong ko pa. Curious ako sa buhay niya eh, ba't ba. "We met unintentionally. I find it rude to just ignore her." He explained. Napatango naman ako. I just wanna make sure na wala siyang potential girlfriend as of now. Popormahan ko talaga siya, pero charot lang. Masama 'yon hahahaha. "Eh 'yung nasa phone?" Tanong ko kaya nagkasalubong ang kilay niya. "What do you mean?" "Yung araw na ihahatid mo sana ako." Hindi ko sinasadya, pero siguro nahalata niyang may pagtatampo sa boses ko. Nagtatampo naman kasi talaga ako no'n eh. "Ahh, my sister?" Lihim naman akong napangiti. So far, wala pa pala akong nakikitang karibal ko sakaniya. Hindi ko naman mapigilang mapangiti. Peo syempre tinnago ko 'yon noh. "So wala ka talagang social life?" "I have guy friends." "How about girl na friends?" Tanong ko pa. Siguro ay nadadaldalan na ;to saakin. Pero wala akong pakialam. Nagtagma agad ang tingin namin. It was a long stare kaya napainom ako sa kape ko to ease the awkwardness. "I have you," Naibuga ko bigla 'yong kape. "Didn't I?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD