"Look at your notes, I thought finals nyo na."
Next week na ang midterm namin, at confident ako sa mga nireview ko. Humanda ka talaga saakin sir Aldwin, mapapakanta kita.
Pero parang nangangsar yata 'tong si Karylle nang makitang kalat ang notes ko. Napangiwi pa siya na parang karumal-dumal na lugar ang nakita niya.
"May kasunduan kami ni sir Aldwin e,." Paliwanag ko rito.
"I see. But you know what? If you like that prof or something, you're so kupad. Like make a move na girl!" Nakangising sabi nito. Napailing nalang ako, gawain kasi niya 'yon.
"I wanna take it slow." Pag-eenglish ko. Desperada na ata akong magkacrush life? Ay ewan.
"Take it slow my a*s. Pag ikaw naunahan, don't cry to me."
"Edi sa iba ako iiyak." Natatawang sabi ko.
Napaisip rin naman ako sa sinabi ni Karylle. Wala naman talaga akong balak magkaroon ng deep relationshio with sir. I don't know, but I feel better with him.
I learned my lessons parin. Teachers, professors and mentors ay pang happy crush lang. Lalo na kung estudyante ka palang.
Pinicturan ko 'yong notes ko at agad na sinend sa messenger ni sir Aldwin.
Aldwin Montero: Goodluck on your exams
Napangiti naman ako sa reply niya.
"You're creeping me out." Biglang sabi ni Karylle kaya tinarayan ko nalang ito.
Jarelle AU: Ihanda mo na 'yung kanta mo sir :)
Sabado at naisipan kong pumasyal muna. Sa lunes start ng midterm kaya kailangan kong nang magtake ng day-off sa pagrereview ngayon.
Dumiretso ako sa Glorietta. Konting shopping at konting gala.
Naghahanap ako ng designer shoes nang may lumapit saaking lalaki. Familiar siya pero 'di ko maalala kung saan ko ba siya nakita.
"Hey, Jarelle right?" Tanong nito saakin. Nagkasalubong naman ang kilay ko. Now I know na nagneet na kami somewhere.
"Yeah, and you are?" Tanong ko rito.
"Its Lester." Inabot niya ang kamay niya kaya nakapagshakehands ako. Now that he mention his name, familiar nga siya.
"Oww. Naalala na kita. Pa'no mo 'ko nakilala?" Sabi ko rito habang tumatango. Siya iyong lalaki sa club. Mas mukha na siyang desente tingnan ngayon.
"How can I not?" Makahulugang sabi nito.
Bigla naman may sumulpot na isa pang lalaki, "Hoy bawal 'yan! Malalagot ka talaga!" Pagbabanta nito kay Lester.
"I'm Kio by the way." Pagpapakilala nito. Nakita ko rin ata siya sa Xylo nung gabing 'yon, pero may kamakeout siya kaya 'di ko na masyadong pinansin.
"Hi," nginitian ko lang sila.
"Hypocrite." Umiiling na sabi ni Lester kay Kio.
"Kung hindi rude pakinggan, pwede kang sumabay sa lunch namin. Dun lang kami oh." Then tinuro ni Kio 'yong restaurant na pinakamalapit rito.
"Oh and I heard student ka ni Aldwin Montero. He's our friend, andun rin siya." Sabay turo ulit ni Lester sa kainan.
Nung narinig ko 'yung pangalan ni sir Aldwin, sumama na agad ako sakanila. Kahit medyo nangangamba ako nung una, pero worth it nung nakita ko 'yong gulat na expressuon ni sir.
Nung mapansin kong magkakaibigan pala sila rito, dun ako nakafeel ng awkwardness. "Okay lang bang nandito ako?" Sabay tingin kay sir Aldwin na parang nanghihingi ng permiso.
"Syempre okay na okay lang 'yan kay Aldwin, diba pre?" Sabi nung Kio sabay siko sa kaibigan niya. Kinunutan lang siya ng noo ni sir bago uminom ng tubig.
Tama bang andito ako?
Umorder na sila ng pagkain. Ako naman, nakisama nalang. Hindi naman kasi sila mahirap pakisamahan, medyo confusing lang 'yong tingin nila saakin.
"Jarelle nagkaboyfriend ka na?" Tanong nung Kio. Nahuli ko namang pasimple siyang siniko ni sir.
"Uhm... Oo?" Di ko pa siguradong sagot. As much as possible, ayokong pag-usapan ang tungkol do'n.
"Pero ngayon, may jowa ka?" Tanong ulit nung Kio.
"Wala eh." Natatawang sabi ko.
"Ay sakto! Retuhan kita? May kilala akong single and ready to mingle." Sabi nito at itinaas baba pa 'yong kilay niya.
Nakisakay nalang ako sa trip nila. Nakakahiya naman kung hindi. "Sige asan ba?" Pabiro kong tanong.
"Ms. Jarelle, this is my friend Aldwin. Aldwin, si Jarelle nga pala."
"f**k you." First time kong narinig magmura si sir. I guess may social life nga siya.
"Ay-- you guys already know each other na pala!" Natatawang asar saamin ni Kio. Nakitawa nalang ako sakaniya.
"s**t Kio!" Bigla namang react ni Lester.
"Bakit? Hala anong nangyari?"
"Magkakarabies ata ako! We have to go to the hospital." OA na sabi ni Lester. Paano siya magkakarabies eh wala namang aso rito?
"Oh no my friend. Wag mo muna akong iiwan! Pa'no ba 'yan? Kailangan naming pumunta sa hospital. Una na kami." Sabi naman ni Kio.
"Don't worry about me, enjoy your meal. Ouch!" Hinawakan pa ni Lester 'yung dibdib niya para magpanggap na may sakit.
Rabies daw pero sa dibdib nakahawak? Napailing nalang ako.
"Sorry, they're really weird sometimes." Sabi saakin ni sir Aldwin. Nabaling sakaniya ang atensyon ko at napansin kong kami nalang pala dalawa ang natira rito.
"Okay lang. Ang ko-kyot pala ng friends mo. Hahahaha." Sabi ko rito pero sinamaan lang ako ng tingin.
"They're not even close to cute." Sabi nito.
"Edi cool nalang. Ang cocool pala ng friends mo."
"They're not. Don't compliment them." Sabi nito. Natawa lang ako sa tono ng boses niya.
"Pero syempre sir, mas cool ka. Ikaw parin yung pinakadabest!" Pangchicheer up ko rito. Mamaya, bumaba self-esteem niya, kasalanan ko pa.
Pansin ko namang napangiti siya.
"How was your review?" Tanong nito saakin.
"Humanda ka na ng kakantahin mo, I'm confident." natatawang sabi ko.
"How about the other subject?" Tanong nito. As if namang ikayayaman niya pagnagreview ako? Ba't siya curious? Kinikilig tuloy ako enebe.
"Ba't mo tinatanong?" Nakangisi kong sabi.
"Bawal?" Sabi nalang niya.
"Sa subject mo lang naman ako mahina. I hate math, I hate solving. Hindi ba pwedeng isolve nila sarili nilang problema?" Pagrereklamo ko.
"Sometimes you need someone to fix you," makahulugang sabi nito.
Napatingin ako sakaniya at nabasa ko kung gaano siya kaseryoso sa sinasabi niya. May pinagdadaanan kaya siya?
"Ikaw ba sir, kakailanganin mo ba ng iba para ayusin ka?" Tanong ko rito.
Napaisip muna siya saglit, "I think I can overcome it on my own."
"Yun naman pala eh! Bakit yung math hindi nalang maging katulad mo?" Inis na sabi ko. This is how much I hate math.
Nahalata naman niya 'yon kaya napansin kong marahan siyang napatawa.
"Bakit ba galit na galit ka sa math?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Kasi napakadependent nila!" I hissed.
"And so?"
"Ayoko lang. Pwede bang kausapin ang DepEd na ipatanggal nalang sila?"
Napailing nalang si sir sa sinabi ko. "Why?"
"My ex also teaches math." Napabuntong hininga ako. Wala na, nasabi ko na.
"You're ex?"
"Kain na tayo." Pag-iiba ko ng topic. Ayoko sanang ibring-up 'yun. Nadulas lang ako dahil ang kulit magtanong ni sir.
Napansin naman niyang ayokong pag-usapan 'yon kaya kumain nalang kami.
After kumain, tahimik lang kami. It was awkward. Bakit kasi kailangan ko pang sabihin yung tungkol sa ex ko?
"Did you bring your car?" Tanong nito saakin.
"Oo. Pero, ayoko pang umuwi." Nakapanglumbaba kong sabi.
Napatango naman siya. "Then let's go somewhere." Sumunod naman agad ako sakaniya. Papunta kami sa open field ng greenbelt, buti nalang. Gusto ko oa namang magpahangin ngayon.
Umupo kami sa may bench. May long silence between us bago nagsalita si sir.
"Are you alright?" Tanong nito. "Kanina ka pa tahimik."
Napatingin ako sakaniya. Parang nagwoworried pa siya pero why would he?
Napabuntong hininga ako. Ayoko rin maging tahimik eh, so unlike me. Baka nabobored na si sir na kasama ako ah!
"Sir,"
"Yes?" Sabay lingon saakin.
"Why is it unethical to have student-teacher relationship?"
Napaubo naman siya bigla sa tanong ko.
"Because they don't belong in the same level. Teachers are professionals while students aren't. It's like a rich and a poor, falls into a relationship."
"Rich and poor, may ganun namang nagkakatuluyan diba?"
"Yeah. But they're being judged by others. Same din sa tanong mo. Why?"
Huminga ako ng malalim ulit nang maalala yung past ko. Crush ko lang siya, tapos malay ko bang magiging kami. At the end, mas pinili niya 'yung career niya kesa saakin dahil high school palang ako no'n.
"Nagka-ex ako ng teacher," Pag-amin ko kay sir. Hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko kaya tinitigan pa niya ako para suriin kung tama ba 'yong narinig niya o hindi.
"Math teacher rin siya tulad mo. Matalino, pero hindi strict, hindi hot at hindi kasing gwapo mo." Dagdag ko pa.
Natuon naman saakin ang buong atensyon niya habang ako, inaalala lahat ng nangyari saamin.
"Masyado ata naging malandi, kaya naging kami." Nginitian ko ng mapait si sir.
"Masaya na eh. Ayun na. Halos lahat sa friends ko, chinicheer ako. Hanggang sa, pinaghihinalaan nila na siya 'yong dahilan kung bakit ang tataas ng grades ko, which is not true." napaiwas ako ng tingin kay sir nang makita kong tutok na tutok siya saakin.
Bakit ba nakakakita ako ng concern sa mata niya?
"Unfortunately, nalaman ng board of school. In short, kinailangan niyang mamili kung ako o trabaho niya. Syempre sino ba naman ako no'n para piliin niya?"
Nakamove on na ako sakaniya eh. Pero tuwing naaalala ko kung paano ako nasaktan no'n, bumabalik 'yung kirot. Feeling ko nga, anytime tutulo na ang luha ko.
Wag naman sana sa harap ni sir Aldwin.
"Willing ako no'n maexpelled. I'm running for high honors, pero bibitawan ko 'yon para sakaniya. Kahit si daddy, iiwan ko para sakaniya, yung mga friend ko, inaway ko para sakaniya. Even the school, kakalabanin ko para sakaniya... Pero," at tumulo na nga 'yung luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Pinunasan ko agad 'yon. "Ba't ko ba sinasabi 'to sayo?" Naiiyak ko paring sabi. Ano ba yan! Ang immature ko na sigurong tingnan.
Patuloy na bumubuhos ang luha ko at pinupunasan ko rin naman 'yon agad.
Nagulat nalang ako nang makaramdam ko ang mga bising ni sir na nakapalibot sa katawan ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Shet! Amoy na amoy ko yung pabango ni sir Aldwin, ramdam ko rin yung matipuno niyang katawan. Kaya ko ba 'to?
Para akong nanghina na hindi alam ang gagawin. It feels so good, pero tama ba?
"You don't deserve him," bulong lang niya saakin. Mas lalo tuloy akong naiyak sa balikat niya.
Hinaplos naman niya ang likod ko para patahanin. "Shh, its okay."
Nang mahimasmasan ako, do'n ko lang napagtanto na ang awkward pala naming tingnan. Baka akalain ng mga tao na magjowa kami! Naco-concious tuloy ako bigla.
Nagpaalam ako na uuwi na kaya dali-dali akong umuwi.
"Ang bobo mo talaga Jarelle! Talagang kay sir Aldwin ka pa umiyak-iyak!" Hindi ko makapaniwalang sabi sa sarili ko.
Naitawid ko naman 'yung midterms ko that week. Confident rin ako na mapapakanta ko si sir Aldwin. Medyo nahihiya nga lang ako sakaniya dahil ang drama ko. Oero nagchachat parin kami paminsan-minsan about sa acads.
Jarelle AU: Sir ano sagot dun sa test II no. 25?
Aldwin Montero: secret.
Jarelle AU: Luh, tapos na nga exam eh. Checking na sa monday :P
Aldwin Montero: You've asked several times already, yan din palusot mo.
Jarelle AU: Sabihin mo nalang kasi.
Napanguso naman ako habang nagtatype.
Aldwin Montero: I don't give unequal treatment to my students.
Napataray nalang ako at ibinagsak 'yung phone ko sa kama nang may maisip akong ireply.
Jarelle AU: Fine. Pero pag ako highest sa exam mo, ako mamimili ng kakantahin mo.
Aldwin Montero: highest? Let's see.
Akala mo ha. Matalino kaya ako dati, sa math lang talaga hindi. Pero dahil nag-aral ako, who you ka saakin.
Checking of papers lang kami ngayon and start of new topics.
"I'll be distributing your test papers now," pag-aannounce ni sir Aldwin.
Tinaas ko naman agad 'yung kamay ko.
"Sir, pwede po bang sabihin niyo kung sino yung highest?" Panghahamon ko rito.
Napatingin naman siya sa test paper bago lumingon saamin.
Ngumisi lang ako, at hinintay siyang magsalita.
"Highest got one mistake in your class," proud na proud pa ako na ako 'yon. Ang hindi ko lang naman alam ay yung test II no. 25. "Ms. Ysabelle Real." Nagpalakpakan naman 'yong klase.
Napasimagot naman ako. So hindi ako 'yong highest? Sabagay, si Ysa naman talaga 'yong pinakamatalino saamin.
Pero sayang talaga. Akala ko talaga ako. Napadumo naman ako habang u***g katabi kong si Ysa, ngiting ngiti.
Edi siya na!
Tinatamad akong nireceive 'yong test paper ko. Tinaasan pa ako ng kilay ni sir Aldwin nang padabog ko itong kinuha.
Bumalik ako sa upuan ko at nagdukmo. Badtrip eh.
"Anong score mo?" Tanong saakin ni Ysa. Wala na akong pakialam sa score ko. Ba't kasi ang talino niya?
Iniabot ko nalang sakaniya 'yong test paoer ko bago inilublob 'yong nukha ko sa mesa.
"Parehas tayo ng score?" Biglang tanong ni Ysa. Napatango nalang ako.
Inangat ko ng tingin ko para harapin si Ysa, kaya nagtagma ulit 'yong tingin namin ni sir.
"Oh?" Maikling tanong ko kay Ysa. Hindi ko pa napoprocess ang sinabi niya nang, "HALA! TALAGA??" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Tumaas ang boses ko kaya napatingin na naman lahat saakin. Pero wala akong pakealam, importante parehas kami ni Ysa na highest score!
"Why are you shouting Ms. Austin?" Tanong saakin ni sir.
Ngumisi ako rito bago nagsalita, "Parehas kami ni Ysa ng score. Highest na din ba ako?" Tanong ko pa rito. Mukhang hindi siya nagulat sa sinabi ko. What the--! Alam niyang mataas ang grade ko pero 'di niya sinabi!
Narinig ko naman ang bulong-bulungan na nangopya raw ako kay Ysa. Like ano raw ginawa ko or cheating method ko. Inikot ko nalang ang mata ko sakanila. Importante, may mapapakanta ako.
After ng dismissal, saktong pinuntahan ko si sir sa faculty. Wala siyang consultation ngayon kaya dadalaw nalang ako.
"Oh, Jarelle right?" Tanong nung teacher na nakasama namin dati ni Ysa. "What brings you here?" Nakangiting tanong niya saakin.
"Si sir Aldwin po?"
"Maagang umalis eh, may date ata."
"Ahh ganun po ba?" Wala namabg jowa si sir eh. Baka may pinuntahan lang. "Sige po, salamat." Unalis na ako ng faculty. Siguro, bukas nalang, since may consultation siya.
Kinabukasan ng uwian, dumiretso agad ako sa consultation room ni sir. Kailangan ko siyang singilin noh!
Pagkapasok ko sa room, wala siya. Dumiretso ulit ako sa faculty. Nakita ko siyang nakikioag-usap sa isang faculty member kaya naghintay ako.
Pagkalabas niya, sinalubong ko agad siya. "Sir!" Bati ko rito.
"Hey, what can I help you?" Tanong nito.
"May usapan tayo sir!" Masayang sabi ko sakaniya.
Ang gwapo niya ngayon sa ayos niya. Nakasuot siya ng black polo with pants. Tapos may relo rin sa kaliwang kamay niya.
"Wait here, I'll grt my things." Paalam nito.
Bumalik siya sa loob para mag-ayos.
"Ikaw ah, student na pala type mo ngayon!" Pangangsar nung co-prof niya. Humagikhik naman ako nang marinig 'yon.
"We just have to do something." Paliwanag ni sir pero mas naging mapanukso 'yong tingin sakaniya.
"Oo kunwari naniniwala ako. Enjoy your date!" Natatawang sabi nung professor na 'yon.
Lumabas si sir kaya nagpanggap akong nagcecellphone at hindi nakikinig sakanila.
"Let's go?" Sumunod agad ako sakaniya nang mapansing sa kotse niya kami pupunta.
Teka lang, diba kakanta lang siya? Ba't ma6 pajoy-ride?
"Sir, saan tayo pupunta?" Tanong ko pagkasakay agad.
Sumulyap siya saakin bago itinuon ang atensyon sa daan. "I thought you wanna hear me sing?"
"Oo nga, pero pwede ka namang kumanta kahit saan." Pangangatwiran ko rito.
"Okay." Napangiwi ako sa sagot niya.
"So saan nga tayo pupunta?"
"Centerstage sa MOA." nagulat naman ako at napatingin sakaniya.
"Huh? Ba't KTV pa? Baka isipin kong date 'to."
"Then let's call this a date," napalunok naman ako sa sinabi niya. I felt strange emotions. Parang naeexcite ako at the same time, natatakot. "Besides, I wanna hear you sing too."