"Ayoko sir! Hindi ako kakanta." Sabi ko bigla.
Dumating na kami sa may seaside ng MOA, kaya humalukipkip ako at walang balak na bumaba.
Wala naman sa kasunduan naming kakanta rin ako eh. No way talaga!
"Aren't we gonna go out?" Napabuntong hininga na ito.
Nag-aral ako ng mabuti para pakantahin siya tapos ito gaganti niya saakin? Bahala siya d'yan.
Akala ko pa magdidate kami pero nung sinabi niyang kakanta ako? Date noya mukha niya! Alam ko namang friendly-date lang 'to eh, pero 'di nakakatuwa.
Nakapatay na ang makina kaya sobrang tahimik na namin. Nakasandal lang siya sa upuan niya habang ako ay nakamugto.
"Why are you so grumpy?" Pambabasag niya sa katahimikan.
"You know why I stopped singing?" Napatingin naman ako sakaniya.
"Bakit?" Walang ganang sabi ko.
"Because I used to lullaby my mother when she's still alive." Nagulat ako sa sinabi niya.
Wala narin ang mommy niya? Ang sakit no'n ah.
Para akong naguilty na ewan. Ang alam ko lang sabihin ngayon ay humingi ng tawad. "Sorry, hindi ko alam." I lost my mother too. Pero hindi na niya 'yon kailangang malaman.
"It's fine," Malungkot na sabi niya. "Eversince, hindi na ako kumanta. I hated my voice, I just remembering the pain with it." Nakagat ko ang ibabang labi ko nang marinig 'yon.
Naoakaheartless ko naman pala! Tapis magrerequest akong kantahan niya? What the heck Jarelle.
"Hindi ko alam kung paano hihingi ng tawad sa pagpilit sa 'yong kumanta. Sorry talaga sir." Sabi ko rito.
"I told you, its fine."
Dahil sa narinig ko sakaniya, parang okay na saakin kahit hindi siya kumanta. Worth it na siguro, na nisispend niya 'yong oras niya with me.
Pagkatapos naming nag-usap sa kotse, naisipan na naming bumaba. Ang dami palang couples dito, awkward lang.
Hindi kami tumuloy sa centerstage kasi sinabi kong huwag nalang siyang kumanta. Kumain nalang kami sa restaurants at nagpahangin sa may shore.
"Sir puro couples pala rito noh?" Tanong ko.
"Yeah," parang wala lang na sagot niya.
"Hindi ba awkward na studyante mo 'yong kasama mo?"
"They will not know that you're my student unless you call me sir." Sabi niya sabay lingon saakin.
"No choice eh. Pwede ba kitang tawagin ng walang sir?"
"Do what you want. Wala naman tayo sa school." Sabi nito at marahang ngumiti saakin.
Nag-usap lang kami about random stuffs nang may makita kaming batang umiiyak. Nilapitan ko agad 'yon.
"Are you lost baby girl?" Naawang tanong ko rito.
Bigla namang tumawa si sir Aldwin na ipinagtaka ko. Lumapit rin siya sa bata, "Are you lost baby girl?" Panggagaya niya sa sinabi ko pero medyo weird 'yong pagkakasabi niya kaya medyo nahampas ko siya.
"Weird mo sir." Sabi ko rito pero nginitian lang ako.
"Where's your parents?" Pang-iignore saakin ni sir.
"H-hindi ko p-po alam huhuhu," halos humagulgol na 'yong bata.
"Shh, hahanapin natin sila. Wag na iyak,"
Sinamahan naming maghanap 'yong bata. Hawak-hawak namin siya ni sir sa magkabilang kamay.
"Sir, sa'n natin hahanapin parents nito?" Tanong ko.
"I don't know. Let's just keep walking."
Napalingon naman agad saakin 'yong bata, "Bakit po sir tawag niyo sakaniya?" Nagkatinginan naman kami ni Sir Aldwin sa tanong nang bata.
Tumingin ako sakaniya na parang humihingi ng tulong, "Kasi sir pangalan niya." Palusot ko agad.
Natawa si sir sa sinabi ko pero hinayaan na namin 'yon.
Since seaside 'to, hindi namin alan kung saan pwedeng magtanobg except sa guard. Isang way lang naman 'to kaya paniguradong mahahanap din namin agad 'yong parents niya.
"You want ice cream?" Biglang tanong ni sir.
Nahihiyang tumango 'yong bata. Lumapit kami sa ice cream stall at nag order para saaming tatlo.
"Ang cute naman po ng pamilya n'yo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nung tindera. Awkward akong napalingon kay sir. Babawiin ko na sana kaso si sir Aldwin na ang sumagot, "Thank you." At umalis na nga kami.
Hala! Baka namisunderstood ng tindera 'yon! Nakakahiya naman.
"Sana, kasing sweet nyo yung nanay at tatay ko." Sabi nang bata nung umupo na kami sa may shore. Pati siya namisunderstood na kami ni sir. Nakakastress naman.
"Uhmm, actually..." Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko 'yong totoo. Kaso mukhang nagmomoment 'yong bata eh.
"Lagi nalang nag-aaway sila mommy at daddy. Kahit umiyak ako, hindi sila tumitigil."
Naglabas saamin ng sama ng loob 'yobg bata. Sinabi niya na ang lubgkot daw sa bahay nila at kaya raw siya nawawala ngayon ay dahil wala naman daw pakialam 'yong parents niya sakaniya. Umiyak pa siya saglit kaya nayakap ko siya.
I know how it feels na laging hindi magkasundo ang parents mo. "Magiging okay rin ang lahat." Sabi ko sabay himas ng likod niya.
Napatingin naman ako kay sir habang yakap yakap ang bata. Nginitian lang ako nito. I don't know, pero I can see admiration in his eyes.
Finally, may tumakbong parents palapit saamin. Mukha silang middle class, sobrang halata na nagworried sila sa bata. "Thank you for taking care of my Lily." Sabi nung babae.
"Kung hindi mo sana inuna 'yong tawag mo, edi hindi nawala si Lily," sabi nang tatay.
"Hon, not in front of them please."
Totoo ngang hindi sila magkasundo. Napabuntong hininga nalang ako.
After tiring night, umuwi narin kami. Hinatid ako ni sir Aldwin sa bahay namin. Nagpasalamat lang ako, kumaway at pinanood siyang umalis.
Hindi ko nga siya napakanta pero kasama ko siya buong gabi. I thinks that's more than enough.
Chinat ko ulit si sir para magthank you for the second time.
Jarelle AU: Thank you ulit sir, naenjoy ko. Sana may next time HAHAHAHA
Sana makalusot. Lol!
Hindi nagreply agad si sir, driving pa siguro. Pagod na rin ako kaya naghalf bath na ako at naligo.
Aldwin Montero: Sure. Whatever you want
"Who wants to answer this on the board?" Tanong ni sir Aldwin nang magklase kami sakaniya.
Napatingin naman saakin halos lahat nang itaas ko ang kamay ko. "Me sir!" Ang dali lang ng question sa board.
Lumapit ako kay sir Aldwin at ngumiti. Nakita ko ring nakatitig siya saakin, o sa sagot ko?
"Very well miss Austin." Sabi niya.
"Jarelle nalang sir, baka pamilya ko matawag mo kakabanggit ng ms. Austin." Pambibiro ko rito. Wala akong pakialam sa naging reaksyon ng mga kaklase ko.
"Sure, Jarelle."
Lunch break nang nahotseat ako ni Ysa at ni Chris. Hindi ko alam kung saan nila napulot 'yong balitang may something raw kami ni sir, kahit wala naman. Friendly connection lang meron kami. Bawal makipag friends? Duh.
"Wews Jarelle. Kunwari nalang hindi kayo nagdate kahapon." Pangangasar ni Chris.
"Friendly date nga lang 'yon!" Frustrated kong sabi. Ang bilis kasi nila magbigay ng malisya.
Napatingin naman saakin si Ysa, "Edi sana, nag 'friendly-date' rin kami no'ng umamin ako sakniya. Unfair!" Reklamo nito.
Napahawak nalang ako sa ulo ko. Nakakastress naman 'to.
"Bakit ba ayaw niyong maniwala? Hindi ako type ni sir okay?" Pagkaklaro ko sakanila.
"Ahh, kaya pala willing siyang kantahan ka." Natatawang sabi ni Chris.
"Eh hindi nga natuloy diba?"
"Okay Miss Austin-- este Jarelle. First name basis amp." Okay, so ayaw talaga ako tigilan ni Chris.
"Naiinggit ako sa'yo. Anong ginawa mo kay sir ha?" Sabi naman ni Ysa.
"Ang mamalisyoso niyo. Bahala na nga kayo sa gusto niyong isipin." I said in defeat.
Akala ko, sila lang 'yong nag-iisip ng iba sa friendship namin no sir, pati rin pala ibang studyante at faculty. What the heck?
Meron kasi akong late activity na isusubmit sa chemistry prof ko. Pero pagkarating ko sa faculty, iba 'yong trato nila saakin.
"Hi Jarelle, si sir Aldwin ba? Teka, tawagin ko lang." Sabi nang isang prof na hindi ko kilala sabay pasok sa faculty kaya hindi ko na siya napigilan pa. At ang matindi, first name basis na rin siya saakin? Close lang?
"Oh, nasa loob pa si Aldwin." Sabi naman ng isang prof na palabas ng faculty.
Hindi ako makapagsalita na hindi si sir 'yong hanap ko. Hindi man lang nila ako binibigyan ng pagkakataon! Ano ba 'yan!
"Hey, why are you calling me?" Bungad saakin ni sir. He even flasged a smile. Pero napasimangot lang ako. Yes I wanna see him, pero hindi sa ganitong paraan. Misconception 'to eh!
"Sir pasensya na ha, pero si sir Lorenzo kasi 'yong hinahanap ko." Sabi ko rito. Nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha niya at pumasok sa loob ng faculty.
Nasilip ko pang tinapik siya ng co-prof noya at binulungan ng "Its okay." Pero hindi ko na 'yon binigyan ng pansin.
Lumabas si sir Lorenzo na medyo alanganin pa, "Yes?"
"Sir yung activity po kanina." Sabi ko sabay abot ng laboratory worksheets.
Tinanggap niya agad 'yon at ngumiti saakin. Napalingon siya sa loob ng faculty bago ibinaling saakin ang tingin, "Mukhang may mababadtrip" Natatawang sabi niya.
Napakunot naman ang noo ko. Bakit may girlfriend ba siya? Grabe naman 'yon, student kaya ako. Dapat excused 'yon 'di ba?
Napasilip rin tuloy ako sa faculty para hanapin 'yong jowa ni sir Lorenzo, pero ang nakita ko lang ay si sir Aldwin na nakakunot ang noo. Nagtagma ang oaningin namin kaya agad rin siyang umiwas.
"Sino ba jowa mo jan sir?" Pangangasar ko rito.
Napatawa naman siya kaya naagaw 'yong atensyon ng ibang professor. "Wala akong jowa. Hahahaha!"
"Ay ganun ba?"
"Hoy Troy, kay Aldwin na 'yan!" Sabi ng isang professor kay sir Lorenzo na kakalabas lang.
Napanguso naman ako. Hanggang dito talaga 'yung issue, hayys.
Nagpaalam na ako sa faculty. Buti nalang at hindi na masyadong closed-minded ang school ngayon sa student-teacher since college na kami. Pero unethical parin 'yon, kaya bakit nila iniissue? Wala namang namamagitan saamin.
Oo crush ko si sir, pero hanggang do'n nalang 'yon. Baka may gusto pala soyang ibang babae tapos inaasar nila saakin si sir. Anong mararamdaman niya? Baka maging uncomfortable siya.
"Uuwi ka na Jarelle?" Tanong ni Ysa.
"Oo, ingat kayo." Sabi ko at nauna nang naglakad. May pag-uusapan raw kasi kami ni daddy, kaya kailangan kong umuwi ng maaga.
On the way ako sa kotse ko nang makasalubong ko si air Aldwin. Kumaway at nginitian ko ito habang papalapit naman siya saakin.
"Hey, are you going home?" Tanong niya. Tumango nalang ako.
"Bakit sir, sabay ka?" Pangbibiro ko rito.
Nakita ko naman ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Saglit siyang napakagat sa labi niya bago ako tiningnan, "If it's okay with you?"
Napaawang naman ang bibig ko. Hindi ko inexpect na makikisabay nga siya.
"S-sure."
Sumakay siya sa passenger seat habang ako ay nasa driver. Medyo awkward nung una kasi ako magdadrive para sakaniya.
"Uhm, do you like music?" Tanong ko rito. Para lang mawala 'yung katahimikan.
"Yeah, it's fine,"
Pinatugtog ko agad 'yong stereo. Buti nalang alam ko kung saan siya ihahatid. Nakapunta na rin kasi ako sa condo niya, pero mali 'yon kaya dapat ko na ring kalimutan.
"Can I ask?" Tanong niya. Tumango naman agad ako, "Syempre naman. Ano 'yon?"
"What did you say to Mr. Lorenzo?" Napatingin ako sakaniya para suriin kung seryoso ba siya sa tanong niya. Pero seryoso nga siya.
"Bakit sir?" Hindi ko mapigilang itanong.
"Nothing, I'm just curious." Sabi niya. Napangisi naman ako nang may maisip na idea sakaniya.
"Nagseselos ka ba?" Pilyo kong sabi.
Napatingin naman siya saakin habang magkasalubong ang kilay, "Why would I?" Sagot niya kaagad.
"Exactly. Bakit mo tinatanong?"
"They're teasing me after it, okay?" Paliwanag niya kaya napatango nalang ako.
Imposible nga namang magselos siya. Hello, sino ba naman ako? Studyante lang. Hindi kami magkalevel, professional siya at ako ay hindi.
"Pinasa ko lang 'yung worksheet, tapos tinanong ko kung may girlfriend ba siya." Casual kong sabi.
"Why would you ask that?" Okay, ang weird na niya. Bawal ba itanong 'yon?
"I mean, tinanong ko kung asan 'yong girlfriend niya." Pagk-iclear ko nung sagot ko.
"I see, you're interested in him huh?" Napabreak naman ako sa sinabi niya. What the heck? Pinagsasabi nito?
Napalingon ako kay sir nang medyo naiirita. Ba't naman kasi niya iniisip na interested ako kay sir Lorenzo? Ni wala nga siya sa kalingkingan ni sir Aldwin eh. "Sir, ang malisyoso mo na rin." Sabi ko rito.
"Student shouldn't ask if they're professors has girlfriend or not." Sabi pa nito.
"Wow sir ha! Sorry naman, interested kasi ako sa'yo eh kaya ko 'yon tinanong."
"And you're also interested to sir Lorenzo." Pagcoconclude niya. Hindi man lang patanong 'yonh pagkasabi niya.
Nakakafrustrate naman 'to. Ano bang pinapalabas niya? Ano bang gusto niya? Ano naman kung sakaling gusto ko si sir Lorenzo?
"Sir, ang g**o mo. Iisipin ko talagang crush mo rin ako eh." Sabi ko nalang out of irritation.
"Why? Am I not allowed to have crush on my student?"