MMAC 7

2336 Words
Saturday nang gabi nang maisipan kong matulog. After a week nung midterm, naging exciting at inspiring 'yong araw ko. Maganda 'yong mga naging response saakin nung mga teachers for my midterm exam, lalo na sa engineering math. Nakakatuwa lang, pakiramdam ko, achievement 'yon. Ngayon, matutulog na naman akong masaya. Chinat ko muna si sir Aldwin bago matulog. Halos araw-araw narin kasi kaming nagchachat. Jarelle AU: Sir, baka mapanaginipan mo ako ha. Goodnight :'> Matutulog na sana ako nang tumawag saakin ni Karylle. Agad ko naman 'yong sinagot. "Anong kailangan mo?" Tanong ko rito. ["What are you doing ba?"] "Matutulog." ["Eww that's too boring!"] Reklamo nito. Ba't sinabi ko bang matulog rin siya? "Malamang, kaya ng amtutulog 'di ba? Ano gusto ming gawin ko?" ["Let's party! Tinanggihan mo na kami last time, I won't let you do that this time."] Sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako. Maybe I could party a bit? "Fine. Text mo asan kayo ha. Hindi ako magpapakalasing kaya wag niyo ako masyadong painumin." Sabi ko rito. Tumayo naman agad ako at nagbihis. Nagsuot lang ako ng white tube at leather jacket pati leggings. Hinalf ponytail ko rin ang buhok ko at naglagay ng grunge-style makeup. Paalis na ako ng bahay nang biglang may nagnotif sa phone ko kaya binuksan ko kaagad ito. Aldwin Montero: Wag unfair, dream of me too. Napangiti ako sa nabasa ko. Kaso hindi ako matutulog eh, kaya mamaya na kita papanaginipan sir. Sumalubong saakin ang malakas na tunong ng musika at usok ng club. Hinanap ko kaagad sila Karylle. Hindi raw sila kumuha ng vip table at malapit lang sila sa stage para madaling makapunta sa dance floor. "Finally! Pumunta ka na!" Inapiran ako ni Xavier. Pagkaupo ko sa couch, inabutan agad ako ni Xander ng shot glass. Agad-agad? Sinamaan ko siya ng tingin, "Teka lang ha, hindi nga ako papakalasing eh." Sabi ko rito. "Winiwelcome lang kita," palusot nito. "Ganda ng salubong eh," "Malamang nasa club ka." Ang ending, ininom ko rin 'yon. Naghihintay lang ako ng shots ko dahil ayokong magpakalasing. "Hoy 'yung prof mo andito oh!" Sabi saakin ni Xander. Napalibot agad ang tingin ko sa paligid. Bigla ko namang siyang nakita. This time, may kasama siyang babae. Unfamiliar 'yong mukha pero halatang close sila. Bumubulong yung babae kay sir Aldwin at nagtatawanan sila pareho. Tapos si sir Aldwin naman yung bubulong sa babae kaya hinahampas nung babae sa braso si sir. Ang saya naman nilang tingnan. Akala ko ba matutulog na si sir? Scammer amp! "Oh anong tingin 'yan? Professor lang pala katapat mo eh HAHAHAHA!" Pangangasar ni Xavier. "What a glare!" Natatawang sabi naman ni Karylle. Tinungga ko yung Jose Cuervo dahil sa inis ko. Hindi ko alam kung bakit pero naiirita ako. Siguro nga, antok lang ako. "Wow, 'di raw magpapakalasing." Komento ni Xander pero tinarayan ko lang siya. Pinagtitripan na ata nila ako dahil marami silang pinainom saakin. Bigla naman akong hinila ni Karylle patayo, "Let's dance!" Wala narin akong nagawa kung 'di ay ang sumunod sa dancefloor. Sumayaw lang ako hanggang sa nagkahiwalay kami ni Karylle. Nakikipagsayaw na ako sa kung sino-sinong lalaki at wala akong pakialam kung anong mangyari. "Hey sexy," bulong ng kasayaw ko ngayon. Nginitian ko lang siya. "I'm Madrid by the way. What's yours?" "Poopy." Pagsisinungaling ko. Pinadausdos niya ang kamay niya sa braso ko habang patuloy parin ako sa pagsayaw. Infairness, ang gwapo ng isang 'to! After that dance, inaya niya akong uminom ng drinks. Nakipagtoast naman ako sakaniya. Nang mahilo ako, muntik na akong natumba. Buti nalang ay nahawakan niya agad ako. "Are you okay?" Tanong niya. Nakapikit naman akong tumango. "Do you want me to bring you home?" Tanong ulit niya pero umiling ako. "Gusto ko pa magsaya whoooooh!" Sabay taas ng dalawa kong kamay. "Alright," sabi niya pero bigla ko siyang hinila sa kwelyo sabay tingkayad para abutin ang mukha niya. Nagulat pa siya sa ginawa ko pero nabawi rin 'yon agad. "Gusto mo nagmake out, tama ba?" "What? Yeah sure--no. I mean, are you sure?" "Oo, pero samahan mo muna ako." Hinila ko siya palapit sa table nila sir Aldwin. Alam kong may tama na ako but I don't care. Kailangan kong ipakita sakaniya na hindi lang sita 'yong may kalandian. "Hi sir!" Bati ko rito. Mukhang nagulat pa sila sa pagsulpot ko. Natawa naman ako sa mga itsura nila. "This is my guy by the way." Pagpapakilala ko sa lalaking kasama ko. Hindi ko na nga maalala name niya eh. "Sorry, she's drunk." Sabi ng lalaki ko pero hinampas ko lang siya, "No, I'm just tipsy!" "And you," tinuro ko si sir. "Hindi lang ikaw ang may kalandian." Ikininublit ko ang kamay ko sa braso ng lalaking nasa tabi ko at diretsong tiningnan si sir. "...ako rin!" Mukhang nagtanong pa yung babaeng kasama niya kung sino ako. Pero kesa sagutin ay tumayo lang si sir at hinawakan ako sa pulsuhan. "I should take you home." "Wait, she's mine already." Sabi naman ng kasama ko. That's right, pag-awayan niyo lang ako. "I don't care. I'll take her home." Sabay agaw saakin from my guy. "Look man, you should get your own fcking girl too." "Exactly what I'm doing. So move you f*****g hands on her!" "Wow, how can I even trust her to you? Sino ka ba?" And everything went black. Pagkagising ko, bumungad na naman saakon ang familiar na kwarto. s**t, ano na naman kayang nangyari kagabi? Lagi nalang! Pag nalalasing ako, nagbablackout lagi. Ayoko na. Tapos ngayon, ba't andito na naman ako? Anong nangyari? Napatingin ako sa dsmit ko and this time, nakasuot na ako ng oversized shirt. s**t! Sino nagbihis saakin?! Inaalala ko 'yung nangyari kagabi nang biglang nakarinig ako ng tunog sa labas ng kwarto. Nagpanggap kaagad akong tulog. Aaalalahanin ko pa kaso 'yung mga kahihiyang ginawa ko. Pumasok si sir Aldwin at saglit na tumayo sa tabi ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nasistress na siguro siya saakin. Pangalawang beses ko na 'to rito eh! Pero teka... Asan 'yong babae niya kagabi? Asan 'yong lalaki ko? Ba't kami ang magkasama ngayon? "Hey," naramdaman kong inalog niya ako. "Wake up." Napatakip naman ako ng kumot. Inis nga pala ako sakaniya. Napakasinungaling. Paasa! "Hey, it's already 5," Sabi ulit niya kaya this time napatingin ako sakaniya. "What?" Nakakunot pa ang noo ko. "Its 5:00 PM." Hala? Antagal ko palang natulog? "Ba't hindi mo ako ginising?" Inis na ssbi ko. "I tried already, kumain ka na," tinanggan niya 'yung kumot saakin para patayuin ako. "Sa bahay na ako kakain." Walang ganang sabi ko. Nagtaka naman siya, "You can eat here." Matigas na sabi niya. Tinarayan ko lang ito at lumabas ng kwarto niya. Naamoy ko kaagad 'yong mga hinanda niyang pagkain. Sabagay, gutom nga naman ako. Sumunod siya saakin at ngayon, magkatapat kami sa hapag-kainan. Napapansin kong tumitingin tingin saakin si sir kaya mas naiirita ako. Ba't ba kaso niya ako tinitingnan, huh? "Ba't ako nandito?" Tanong ko nalang. Ayoko rito eh. Mamaya, pang bente pala ako sa babaeng dinadala niya rito. Kadiri naman. "You're wasted so I brought you here." At talagang dito pa ha? Hindi pa niya ako inuwi sa bahay. "I mean, ba't ikaw 'yong kasama ko?" "I don't see any problem with it." Mas nadagdagan tuloy 'yong inis ko. Parang wala lang sakaniya? Ang playboy niya! "As far as I remember, hindi ikaw 'yong kasama ko kagabi," Napahinto naman siyang kumain sa sinabi ko. Tiningnan niya ako ng matagal habang dinilaan ang ibabang labi niya. "So mas gusto mo sumama sa mayak na 'yon?" "Hindi siya manyak," pagtatanggol ko. Kahit hindi ko naman talaga kilala 'yong lalaki na yun. "Then how will you explain the way he touches your body?" Napanganga ako sa tanong niya. Pa'no niya nalaman 'yon? "Wala ka na do'ng pakialam," sabi ko. "Eh iyong babae mo? Asan na?" "Babae?" Wow ha. Maang-maangan pa siya. "Yung kabulungan mo. Tapos kung makatawa pa kayo, parang wala ng bukas. Ang saya niyo nga tingnan eh, ano ba pinag-uusapan niyo? Pa-share naman oh!" Hindi ko na napigilan ang pagkairita sa boses ko. Minasamaan ko pa siya ng tingin. "Are you jelous?" Napatawa ako sa tanong niya. Ambisyoso. Ako? No way! Kinuha ko 'yong bag sa tabi ko at tumayo. "Ang feelingero mo. Do'n ka na sa babae mo, aalis na ako." Sabi ko pero napigilan niya 'yong kamay ko. Tiningnan ko siya ulit at napansin kong nagpipigil siya ng tawa. Pwede ba manapak? "Anong nakakatawa, ha?!" "Si Zyanna 'yon. She's not even allowed to go in club that's why we're laughing." Pagpapaliwanag niya. "Wala akong pake." Zyanna amp! Edi sila na. "Maligo ka na, I've sent your clothes to the laundry, since you puked last night." Speaking of my clothes, "Ikaw ba nagbihis saakin?" "Walang malisya, unless you put meaning into it." Casual na sabi niya. "Manyak!" After kong maligo, pinahiram ulit ako ulit ni sir ng damit. Sinuot ko 'yong t-shirt niya at jogging pants. Madilim na ang langit nung lumabas ako sa kwarto niya. Nag-offer pa siya na ihatid na raw ako dahil gabi na. So pumayag ako, pero inis parin ako sakaniya. "Why are you so quiet?" Tanong niya habang nasa kotse kami. "Kanina ka pa tanong ng tanong!" I hissed. Sumisilip siya saakin habang nagdadrive ka medyo 'di rin ako mapakali sa kinauupuan ko. Sa bintana nalang ako humarap habang nakahalukipkip. "She's just my friend." Napatingin ako sa kaniya. Ba't ba siya nag eexplain? "Wala nga akong paki. Kahit ilang babae pa landiin at iuwi mo sa condo mo, wala na ako do'n" "Wala nga akong babae," igiit niya. "No need to be grumpy." "Hindi ako galit, okay?" Naiinis lang ako, kasi parang nasampal saakin na ang layo-layo ni sir Aldwin. Tipong hindi ko pala siya kayang abutin. Medyo naging kampante ako dahil iba si sir sa ex kong teacher. Pero ang layo pala talaga niya. Hindi ko pa siya kilala. Napansin kong ipinara niya ang kotse niya sa isang restaurant. Nagtaka naman akong bumaba kasunod niya. "Bakit tayo nandito?" "Let's eat first. I'm hungry." Sabi niya at dumiretso sa loob. Hinabol ko naman siya. "Kakakain lang natin ha?" "That's 3 hours ago." Wala na nga akong nagawa at umorder nalang rin. Small dish lang kinuha ko since medyo may laman pa ang tiyan ko. "This is a special place for me and my mom." Biglang pag-oopen topic niya. Tumigil ako sa pagkain para ituon sakaniya ang buong atensyon ko. "Bakit mo sinasabi sa'kin 'to?" "I want you to know me." Okay? "Eh bakit mo naman ako dinala rito?" "Because you're the only women, except my mom, that I brought here." Paliwanag niya. I guess may first time talaga sa lahat ng bagay? Ilang babae kaya balak niyang dalhin rito? Pero diba wala na 'yung nanay niya? Tahimik lang kaming kumain. Akala ko ba gusto niyang mas makilala ko sya? Eh ba't 'di na niya ako kinakausap? Uminom ako ng tubig, "Sir, what do you think of me?" Matagal akomg tinitigan ni sir. Nailang ako kaya napaiwas ako ng tingin. Halatang expert mang akot ng babae eh. "What do you think?" Pambabalik niya saakin ng tanong. Sumeryoso naman ang tingin ko sakaniya. Sasabihin ko ba? Baka totoo kasi 'yong iniisip ko. Ayokong masaktan. "Busog na ako. Gusto ko ng umuwi." Sabi ko rito. Tinapos muna namin 'yong natirang pagkain bago umalis. Hinatid niya agad ako. Usually, kumakaway muna ako at hinihintay siyang umalis, pero ngayon? Ayoko muna siyang makita. Buti nalang at wala kaming klase sakaniya every Monday. Kinabukasan, ginreet kami ni sir Lorenzo, 'yong prof ko sa chem. Wala ako sa mood buong klase at alam kong nahalata noya 'yon. Bida-bida kaya ako sa klase niya. Sino ba namang hindi? Eh sa Chem lang ako magaling. "Ms. Austin, please see me outside." Nakangiting sabi nito. Ang friendly, biti pa siya. Kung sakaling magiging professor or teacher ako, kakaibiganin ko lahat ng studyante ko. Pero syempre, ayaw ni daddy na magturo ako. Wala raw future do'n. Sinundan ko si sir Lorenzo after ng class. Dumiretso kamo sa faculty. Ayoko sana kasi baka andito si sir Aldwin, pero no choice. "Wait here, may kukunin lang ako." Paalam nito. Naiwan ako sa labas ng faculty room. Pinagtitinginan ulit ako ng mga teachers. "Hi Jarelle, tawagin ko ba si sir Aldwin?" Tanong ng prof ko sa communication. Vocal kasi ako sa mga teachers ko about sa crush ko, pero nakakairita din pala kapag gan'to. "Hindi ma'am. Si sir Lorenzo po pinunta ko." Sabi ko sabay ngiti. Medyo nagulat naman siya bago pumasok sa faculty. Hindi pa nakakalipas ang ilang minuto nang nakita kong lumabas si sir Aldwin. Nagkatinginan kami pero iniwas ko rin agad ang tingin ko. Dangerous siya, alam kong pagpinagpilitan ko pa ang sarili ko sakaniya, masasaktan lang ako. "Why are you here?" Lumapit na siya saakin. Papansin. "Hindi ikaw pinunta ko." Pagkaklaro ko rito. Lumabas naman si sir Lorenzo kaya lumapit ako rito. "Ito 'yong activity niyo last time. Distribute mo nalang sa mga kablockmates mo, nakalimutan ko kasing dalhin kanina." Sabi nito. Tinanggap ko naman agad 'yon. "Thanks sir. Pero ba't ako? Hindi naman po ako 'yong secretary." "Bakit hindi ikaw?" Naramdaman ko naman si sir Aldwin sa likod ko. Napatingin si sir Lorenzo sakaniya habang ako naman, hindi siya pinagtuonan ng pansin. "Sige na," bigla namang pinat ni sir Lorenzo 'yung ulo ko. "Baka may magalit na saakin eh. Hahaha." Bulong niya bago pumasok sa faculty. "Ehem," napalingon ako kay sir Aldwin. Nginitian ko muna ito bago lumabas sa faculty. Baka kasi isipin niya, snobber ako. "Hey." Napalingon agad ako. Nashook ako nung makitang sinundan pala ako ni sir palabas. "Bakit po?" Magalang na sabi ko rito. "Are you still mad?" "No. Wala naman akong karapatan, right?" "I don't know why you're so mad. But the girl last night is just my friend!" Sabi pa nito. Hindi ako nagsalita. Hindi lang naman kasi tungkol do'n. Narealize ko lang na wala kaming patutunguhan dalawa. "Please tell me what's the problem?" Mukha na siyang despirado. Baka may makakita saamin dito. Kinagat ko muna ang labi ko. Sasabihin ko ba? "Sir... Wala kang kasalanan." Tiningnan ko siya sa mata. "Narealize ko lang na ang ambisyosa ko pala. Tinatry kitang abutin kahit ang layo-layo mo." "Alam kong pagpinagpatuloy ko pang gustuhin ka, masasaktan lang ako." Pag-amin ko rito. "How about me? Aren't you going to ask me?" Tanong nito. "Malinaw naman saakin lahat." "Did you even know what I did to your guy last night?" Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko, "Anong ginawa mo?" "I made him taste his own blood." "What?!" Sinuntok niya? Ba't may dugo? "Bakit mo ginawa 'yon? Wala naman siyang ginagawang masama sayo ha?" "Because I'm jelous!" Teka nabibingi ba ako? "H-ha?" "Nagseselos ako." Sabi niya ulit. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. Anong gagawin ko? Nagcoconfess ba siya? s**t. "B-bakit?" "Kasi gusto kita." Sabi niya. Para akong nabingi sa narinig kaya hindi ako nakasagot. "I like you." Pag-uulit nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD