"Gabing gabi na girl, akala ko magkaclub tayo tapos coffee shop lang pala?"
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama ko. Hindi talaga ako makatulog!
Paano ba naman? Nagrereplay sa utak ko 'yong sinabi niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko!
Tinext ko si Karylle na magkita kami sa coffeeshop na nasa midpoint lang ng mga bahay namin. Nagdrive ako hanggang do'n para lang mailabas 'tong nasa isip ko.
"Pagpahingain mo naman ang katawan mo."
"Fine. Order lang ako, wait here. 'Wag kang lalandi ha, akin 'yung guy do'n." sabay turo sa kabilang table. Napailing nalang ako. Kahit saan yata kami, maghahanap ng lalaki si Karylle.
Inorderan narin ako ni Karylle.
"So what's the tea?"
Ikinwento ko kay Karylle na dalawang beses na akong nagising sa condo nung prof. Mukhang hindi pa siya nagulat do'n. "And so?" Sabi pa niya.
"Lagi kaming nagkikita, nagkakausap tapos nagchachat..." Sabi ko pa.
"Umamin na ba siya?" Sabi niya sabay sip sa coffee niya. Napredict niya agad, iba talaga.
"'Yon nga yubg problema ko eh. Umamin siya. Hindi ko alam 'yung gagawin ko. Ayoko na makipagrelationship sa prof tapos malalaman ko na gusto niya ako?"
"Girl, ayaw mo ba sakaniya? Okay lang ba sa'yo na agawin siya ng iba?" Tanong ni Karylle.
Napakagat naman ako ng labi, nakakainis isipin pero siguro okay lang? "O-oo?" Hindi ko siguradong sabi.
"Ganito nalang. Isipin mo, aahasin ko sayo 'yang prof mo. What would you feel?"
"Alam mo tae ka. Bestfriend kita pero kaya kitang sabunutan." Naiisip ko palang, nangangati na kamay ko.
"There!" Malakas noyang sabi, "You like him too! Ano pang hinihintay mo? Maagaw siya ng iba? Push na 'yan girl."
"Kaso professor ko siya. Ayoko na sumugal sa gano'ng relasyon."
"People are differenet from each other. For sure, magkaiba rin sila ng ex mo. Give it a try." Ngumiti saakin si Karylle. "Don't regret the memories you could make together."
Pagkagising ko kinabukasan, nagrereplay parin sa utak ko 'yung sinabi ni Karylle. I think tama siya, kailangan ko lang subukan ulit.
Pero kaya ko ba?
"Hey," napalingon naman ako agad. Hindi pa ako ready na harapin siya eh, pero nakatayo na siya agad rito sa harap ko.
"U-uhm, hello?" Parang bigla akong tumiklop. Hindi naman ako ganito eh. Mas makapal pa mukha ko sa encyclopedia.
"Breakfast?" Aya nito. Automatic namang napatango ako kahit hindi pa nagpaprocess sa utak ko 'yung imbita niya.
The next thing I knew, nasa labas kami ng school at kumakain. Teka? Wala bang klase?
"Sir baka may klase ka." Sabi ko rito.
"Nah, and I'm sure wala ka ring class." Sabi nito at ngumiti saakin.
"And don't call me sir outside school." Dagdag pa niya.
"Ano palang dapat ko itawag sa'yo?"
"Aldwin will do."
Aldwin? Parang 'di ako sanay ah. Nakakapanibago. May pachange name agad?
Ba't ba ako nagustuhan nito? Tsaka, akala ko ba hindi siya pumapatol sa studyante? Sinabi niya 'yon saakin eh. Scammer ba siya?
"Don't think too much. Wala akong binabalak na masama." Pambibiro ni sir, pero hindi ko alam kung natutuwa ba ako o hindi.
"Honestly, hindi pa kasi ako sigurado sa'yo. Sorry kung malandi ako ha." Sabi ko rito.
Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya, "Hindi sigurado?" Tanong niya.
Tumango naman ako. "Oo."
"Why?"
"Kasi ang tipid mo magsalita."
"Is that a problem?" tanong nito na parang hindi big deal yung pakikipagcommunicate.
Tumango ulit ako, "Oo."
"Why?"
"Kasi hindi ko alam kung anong iniisip mo. Kung seryoso ka ba, kung trip mo lang ako. Oh kung bakit bigla mo nalang sinabi na gusto mo ako."
Natahimik naman siya sa sinabi ko. Eto na nga ba ang tinutukoy ko. Hindi ko na naman alam kung anong tumatakbo sa isip niya.
"Tingnan mo! nakakaconfuse ka," hindi ko alam kung itutuloy ko ba yung sasabihin ko. "...Aldwin."
Nagulat pa siya sa sinabi ko. Sabi na eh, ang weird pakinggan. Tinry ko lang naman.
"Sorry, dapat may sir 'yun eh." Biglang pagbawi ko.
"No it's fine, it sounded great." Sabi nito. "By the way, malapit na klase mo, we should head inside." Sabi nito. Napatingin naman ako sa oras at tama nga siya.
Pero teka... "Ba't alam mo sched ko?" Tanong ko rito.
Naphinto rin siya sa paglalakad at napatingin saakin. Para tuloy kaming nagbabasahan ngayon ng iniisip.
"Its just that, I'm close with your major advisor."
"Edi tinanong mo sched ko?" Medyo nasobrahan ko yata ang pagkagulat sa tono ng boses ko.
"No. Nakita ko lang." Sabi pa nito.
"Stalker ka sir!"
"Are you the one who stalked me?" Paninisi niya saakin. Nistalk ko ba siya? Hindi naman ah! Feeling!
"Pinagsasabi mo?"
"Aren't you following me whenever I go to night clubs?" Assuming nga siya.
Napailing nalang ako sa sinabi niya. "Fate kasi 'yon. Maliban sa f*******:, 'di pa kita nas-stalk."
"f*******: huh?" Napatahimik naman ako. Nadulas na naman ako.
"Late na ako, bye sir!" Kumaway na ako rito at na kaagad. Baka kung ano pa masabi ko eh. Nakita ko pa siyang umiiling habang may nakapaskil na mapanlokong ngiti sa labi niya.
Pumasok na agad ako sa klase ko. Sinalubong naman agad ako ni Ysabelle.
"Hoy! Ba't may balita na kalandian mo raw si sir Aldwin?" Salubong saakin ni Ysa. Nagtaka naman ako. Paano naman umabot 'yon rito?
Napatingin rin saakin 'yong iba pa naming blockmates.
"Hi Jarelle, totoo ba 'yong balita?" Sabi ng isa kong blockmate.
"Grabe ha, ang iisue niyo!" Depensa ko sakanila. Natawa naman 'yong iba.
"Weee?" Pangangasar pa ng iba.
"Sino ba nagsasabi sainyo ng false news na 'yan, ha?"
"Si sir Lorenzo." Wow ha. Isa rin 'yong teacher na 'yon eh. Mas matanda lang kasi siya ng konti kay sir Aldwin, at bukod pa do'n, close rin siya sa studyante niya.
Pero hindi parin 'yon reason para ikalay niya 'yon!
"Kaya pala ang taas ng grades mo nung midterm." Biglang sabi ng isa kong kaklase. May galit yata 'to saakin eh.
Napatahimik kami dahil sakaniya. Nagkatinginan 'din kami ni Ysa.
"Kat, ano ng ulit score mo?" Biglang tanong ni Ysa sakaniya.
"Thirteen mistakes lang, bakit?" May pagkamayabang na tanong nito.
"Alam mo kung ba't hindi ka highest?" Mataray na sabi ni Ysa. "Kasi puro issue laman ng utak mo. Insecure ka ba?"
Napa-woah naman 'yong klase sa tanong ni Ysa.
"Baka ikaw 'yong insecure, kasi nakuha ng kaibigan mo si sir. 'Di ba gusto mo siya?" Biglang sabi ni Kat.
Nagkainitan naman agad sa classroom. "Bakit mo dinadamay si sir?"
"Eh kasi, ang hilig-hilig niyong landiin siya. Ikaw Jarelle? Kapit teacher ka lang naman eh, pero hindi ka naman katalinuhan talaga."
Naiyukom ko kaagad ang kamao ko. Ito ang dahilan kung bakit ako nakick-out sa dati kong school eh. Kailangan kong magtimpi.
Ayokong madisappoint ulit si daddy, pero nakakairota talaga siya! Ang tagal na niya akong pinaparinggan ng masasamang salita, pero hindi ko 'yon pinansin.
"Ang bitter siguro ng lovelife mo, kaya hindi mo alam 'yong word na inspired." Sabi ko rito. "Sabagay, 'di ka naman kapatol-patol." Dagdag ko pa.
"Ang kapal talaga ng mukha mo, malandi ka!" Susugurin na sana niya ako nang mapigilan siya ng iba naming kaklase.
"Tumigil ka na Kat. Walang mangyayari sa pagsaskandalo mo." Sabi pa ni Ysa. "Everyone, go back to your seat!" Striktong sabi niya. Nakakatakot ngayon 'yong aura niya kaya hindi na rin ako nakapagsalita.
Umayos na ang klase, at dumating narin 'yong prof.
"Good morning. This class looks so cold, may nangyari ba?" Tanong ng prof. Walang nagsumbong kaya nagklase nalang kami.
After ng klase tumambay muna kami nila Chris sa garden na pinakamalapit sa building namin.
"Matagal na talaga akong naiirita sa Kat na 'yon eh!" Pagrereklamo ni Ysa.
"Sayang talaga, 'di ko nakita 'yong kanina!" Sabi naman ni Chris na late nang pumasok.
"Totoo bang may something kayo ni sir?" Biglang tanong saakin ni Ysa.
Bigla namang napunta saakin 'yung atensyon. Hot seat lang.
"Paanong something ba? Magkaibigan kami." Sabi ko sakanila.
"Sure ka? Walang romatic something?" Tanong pa ulit ni Ysa.
"Ano," hindi ko sigurado kung dapat ko bang sabihin sakanila, o wag na muna. "Diba nga crush ko siya? So ayun, nalagyan siguro ng malisya." Paliwanag ko. Naniwala naman sila agad.
Pero honestly, hindi ko alam kung may something ba kami n8 sir o wala. Basta sinabi niya saakin na gusto niya ako at alam ko rin sa sarili ko na gusto ko siya.
Anong susunod do'n? Hindi ko alam.
Kinagabihan, kinuha ko 'yong phone ko para ichat si sir Aldwin.
Jarelle AU: Sir may irereto ako sayo.
Aldwin Montero: huh? I don't need someone.
Jarelle AU: Pumayag ka nalang sir.
Aldwin Montero: I can't.
Jarelle AU: Bakit naman? Reto lang eh.
Aldwin Montero: I already like someone.
Nagwala naman agad yung puso ko. Hindi man niya sabihin at assuming man pakinggan, pero parang ako 'yon.
Jarelle AU: itanong mo muna kasi kung sinong irereto ko.
Aldwin Montero: Not interested.
Jarelle AU: sir naman eh!
Aldwin Montero: sir?
Jarelle AU: ba't ayaw mo? Ano gusto mo, love? Sweetie? Toothie?
Aldwin Montero: Whatever you want.
Jarelle AU: itanong mo na sino irerero ko.
Aldwin Montero: Fine. Who?
Napangiti naman ako agad. Pinahirapan pa niya akong banatan siya ha.
Jarelle AU: Ako. Hehehehe
Aldwin Montero: I change my mind. Ireto mo na ako.
Jarelle AU: Okay, date daw kayo bukas. Goodnight :)
Aldwin Montero: Can't wait for tomorrow. Goodnight.
Hays, ganito pala feeling pag may kaharutan ulit. Its been a year.
Kinabukasan, excited akong pumasok sa school. Nagsuot ako ng skirt and fitted top with denim blazer. Usually, I wear pants, pero dahil special ang araw na 'to, iba ang sinuot ko.
Hindi ko narin dinala 'yong kotse ko, papahatid nalang ako kay sir.
"Bihis na bihis ha. Parang may date." Natatawang salubong saakin ni Chris.
"Ba't bawal?"
"Hindi naman. Curious lang ako kung teacher ba yung kadate mo."
"Wag ka nga maingay, baka may makarinig!" Napatawa naman siya sa sinabi ko.
"Ano ba pinakain mo kay Aldwin?" Tanong niya. "Don't tell me..." Napatakip siya ng bibig na parang gulat, "Inalay mo sarili---" hindi na niya natuloy ang sasabih8n niya dahil hinampas ko siya ng malakas.
"Ang dumi ng isip mo Chris. Bahala ka na nga d'yan."
Bigla ko namang naalala nung gabing lasing ako. Hindi ko naman sinasadyang halikan siya no'n eh, pero ngayon okay na saakin kesa naman ibang lalaki pa malandi ko.
Nung pumasok si sir Aldwin, mas lalong nagtaka 'yong mga kaklase ko. Nadagdagan niya 'yong issue na nakapalda ako. Usually ka, formal wear 'yung suot niya. Pero ngayon, nakamaong siya, puting t-shirt amd brown na jacket. Ang hot niyang tingnan. Nakakainlove.
"Sabi ko na eh." Bulong ni Ysa. Bigla ko namang naalala na gusto rin pala ni Ysa si sir. Okay lang kaya sakaniya?
Napansin yata ni Ysa na nakatingin ako sakanoya. Tipid lang siyang ngumiti.
Nang matapos 'yong klase, dumiretso agad ako sa parking lot. Alam ko naman kung anong itsura ng kotse ni sir eh.
Pahdating ko do'n, nakita ko na so sir na nakasakay. Kumaway agad ako rito at agad na pumasok sa kotse niya.
Medyo kinakabahan pa ako. First date uata namin 'to.
"Where do you wanna go?" Tanong nito saakin. Napaisip naman ako. Kahit saan kasi, okay lang saakin basta kasama ko siya.
"Sa favorite place mo." Sabi ko nalang. Gusto ko pa siyang makilala eh.
"Are you sure?" Tanong niya na parang ayaw akong dalhin do'n.
"Ayaw mo ba?" Bakas ang disqppointment sa boses ko. Siguro nga, hindi pa ako gano'n ka-special sakaniya para dalhin sa favorite place niya.
"Its not that. I just--nevermind. Let's go there." Sabi nito at biglang niliko ang kotse. Napangiting matagumpay naman ako.
Nakakagigil lang si sir. Ang sarap niyang kasama, kahit ang ikli niya magreply at direct to the point siya, mas gumagwapo lang siya sa paningin ko.
Seryoso siyang nagdadrive na parang nay malalim na iniisip. Ano kayang gumugulo sa utak niya?
"Don't stare. I can't focus on driving." Biglang sabi nito. Napanguso naman ako.
"Kasalanan ko bang gwapo ka?" Mahinang sabi ko, hoping na hindi niya marinig.
"You look stunning, but I stopped myself from staring at you." Nagulat naman ako sa sinabi niya at pasimpleng nagpigil ng ngiti. Ba't ba napapakilig niya ako? Keenes ke nemen ser.
Maya-maya pa, dumating kami sa pamilyar na lugar. Naunang lumabas si sir kaya sumunod ako sakaniya.
"Ba't tayo nandito?" Medyo kinakabahan ko pang tanong.
Nagpatuloy lang siya sa paglakad hanggang sa dumating kami sa unit niya. "This is my favorite place. Do you still wanna see it?" Tanong niya.
Bigla naman akong tinamaan ng hiya. Sana pala, tinanong ko muna siya kung saan 'yon. Ang bobo ko talaga!
Hindi ko nalang pinahalata sakaniya na awkward saaking pumunta rito ng hindi lasing. Pwede naman akong manood nalang ng movie 'di ba? Or makikain? Or maglibot sa unit niya? Or tingnan 'yong mga lesson plan niya?
Tama! Andito ako para mas makilala siya.
"What do you want to eat?" Tanong niya mula sa kusina. Pinuntahan ko naman siya.
"Ikaw ba magluluto?" Tumango lang siya bilang sagot.
"Tutulong ako." Sabi ko kahit hindi naman talaga ako marunong. Nagiguilty lang ako na nakaupo ako tapos siya nagtatrabaho.
"No need. Just tell me what do you want to eat."
Napaisip naman ako... Bukod sakaniya, ano pang gusto kong kainin? "Uh... 'yung specialty mo sana." Sabi ko rito.
"Got it. Just watch there or you can read my books. Suit yourself, I'll be fast." Sabi nito at tinalikuran na ako.
"Teka hindi ba talaga ako pwedeng tumulong?" Pamimilit ko rito.
"You're my guest. And besides, my specialty has secret recipe on it. Bawal mo makita." Wow ha.
"Fine." Bumalik na ako sa living room.
May nakita rin akong unfamiliar sketch. May floor plan, and house model. Nakakamangha 'yong pagkagawa. Sakaniya kaya 'to?
Civil engineering nga pala siya. Siguro pag pumasa na siya sa board exam, hindi na magiging unethical 'tong ugnayan namin.
Nang matapos magluto si sir, dumiretso kami sa hapag kainan. At sa totoo lang? Napakabango ng mga luto niya. Nagugutom na tuloy ako.
"Ang galing mo sir!" Sabi ko at kumuha agad ng serving.
Pinanood lang niya ako habang sinusubo ko yung first bite ko. "Masarap?" Tanong niya.
Nginuya ko muna saglit 'yong pagkain at biglang ngumiti. "Ang sarap! Pero mas masarap ka pa rin." Sabi ko roto sabay thumbs up pa.
Nauno naman siya bigla, kaya narealize ko kaagad na mali 'yong biro ko. Lalo na't nandito kami sa lugar niya.
"Kain ka na din." Sabi ko nalang.
Tinanong ko lang sakaniya kung pa'no siya natutong magluto habang kumakain kami. Nakakatuwa lang kasi close pala sila ng nanay niya dati, at lagi noyang sinasamahan ito sa kusina pag nagluluto. Sobrang miss na siguro niya 'yong nanay niya.
Pagkatapos kumain, tinanong ko kaagad sakaniya 'yung tungkol sa mga sketch na nakita ko.
"I did not design the house, but I'm the one who created the plans." Paliwanag nito, napatango naman ako.
Pinakita niya rin saakin 'yong iba pa niyang sketches at hindi ko mapigilang mamangha sa talent niya.
"This is rhe house I wanna build for my future family." Sabay pakita saakin ng bahay na drawing.
Sobrang ganda nung bahay, nakakamangha. Dalawang palapag siya at may pagkalaki rin.
"Wow sir, parang gusto ko rin ng ganiyang bahay." Sabi ko rito. Bigla naman siyang natawa at ginulo ang buhok ko.
"So we should live together para tipid?" Tanong niya na para bang 'yon din ang gusto kong ipahiwatig, kahit hindi naman. Pero pwede rin.
After naming tingnan 'yong mga sketches niya, libro naman ang pinagdiskitahan ko. Wala akong interest sa books, pero gusto kong malaman kung anong libro ang binabasa niya.
Nakita ko naman agad yung 'How to Talk to Anyone' na libro kaya kinuha ko agad 'yon at umupo sa sofa. Medyo natawa pa ako. Siguro socially awkward si sir. Hmm?
"Sir mahilig ka pala sa self-help books?" Tanong ko bigla.
Umupo rin naman siya sa sofa. "Yes, I think I need it."
Nagscan naman ako sa libro. Medyo natatawa lang ako pag iniisip ko kung bakit kailangan pa nito ni sir.
Napatingin naman ako sakaniya. Seryoso siyang nagbabasa rin ng libro. Sa sobrang seryoso, hindi ko malaman kung anong iniisip niya.
"Sir," pang-aagaw ko ng atensyon niya. Napatingin naman siya saakin. Kita ko pa kung paano gumalaw 'yung adams apple niya.
"Why?"
"Ba't ang ikli mo sumagot?" Tanong ko rito. Inilapag naman niya 'yung librong binabasa niya. Nafeel siguro niyang gusto kong makipag-usap.
"I just feel its uneccessary to speak other words." Sabi nito. Napatango naman ako.
"Pero diba, pwede mo namang sabihin kung anong iniisip mo? Para ka kasing snobber kung lagi kang tahimik."
"Kung 'di rin ako tinatanong, I preferred to remain silent." Naiintindihan ko maman agad 'yung punto niya.
E' di tatanungin ko nalang siya.
"Sir, what do you think of me?" Matagal ko na 'tong gustong itanong eh.
Malalim na tingin ang ibinato niya saakin. "I think you're quiet guillable. But you can also lift up the mood by your presence."
Napakunot naman ang noo ko. "Guillable? Bakit niloloko mo lang ba ako?"
"No. I mean, you easily believe what you saw. Kulang ka sa research." Siguro tinutukoy niya ay 'yong nahuli ko siyang may kalandian sa club.
"I hate research." Sabi ko nalang. Hindi naman niya 'yon pinansin.
"Eh sir!" Naagaw ko ulit 'yong atensyon niya. "Anong iniisip mo ngayon?"
Naiiintindihan ko naman na hindi mahilig si sir na ishare 'yong feelings niya. So ako nalang magtatanong. Masyado kasing tahimik kapag walang magsasalita.
"Are you seriously asking me that?"
"Of course. Hindi mo naman shinishare thoughts mo kung 'di ko tatanungin."
"You don't have to know."
"Sir! Napaka-KJ mo naman! Hindi ko na nga alam kung anong pag-uusapan natin, ayaw mo pa akong pagbigyan." Medyo inis kong sabi.
Ayoko namang manahimik nalang kami dito noh.
"Its not important." Depensa pa nito. Kung ayaw noya e' di wag.
"Naubusan na ako ng topic, uuwi nalang ako." Sabi ko. Ako lang naman kasi nagbubuhat ng convo namin eh.
"Fine. I was thinking of why I put myself in this situation. I was thinking how should I act with you around my home. I was thinking if you really liked my food or are you still hungry. I was thinking why are you pretty. I was thinking how to control myself right now. I was thinking if I bored you." Sunod-sunod niyang sabi. Halos malaglag naman ang panga ko sa haba ng sinabi niya.
"And I was thinking why are you still calling me sir."
Naspeechless ako sa sinabi niya. Ang dami pala niyang iniisip, at lahat 'yon may kinalaman sa akin?
"Then, dapat tinanong mo ako."
"I'm sorry."
Napabuntong hininga naman ako. Maybe isa siya sa mga taong takot magtanong. Naiintindihan ko naman 'yon pero hindi na ako stranger eh. So dapat hindi na siya saakin matakot.
"Nadidiscomfort na ata kita. Sige na sir-- I mean A-aldwin, uwi na ako." Tumango naman siya agad at kinuha 'yong susi niya.
Tahimik lang kami sa byahe. Para kaming nag-away eh first date palang namin. Nakakaloka naman.
Dumating na kami sa tapat ng bahay ko pero wala ni isa saamin ang gumalaw at nagsalita. Ayokong umuwi ng ganito 'yong atmosphere namin.
"Uh," sabay na sabi namin kaya nagkatinginan kami.
"I'm sorry." Sabi niya. Ngumiti naman ako agad.
"Okay lang, naiintindihan ko. Tsaka, thanks you for dating me." Sabi ko rito.
Qrat5
Ngumiti naman siya pabalik. So okay na siguro kami noh?
Tinanggal ko na yung seatbealt ko at binuksan 'yung pintuan. Pero lumingon muna ako sakaniya ulit,
"Okay lang ba na Aldwin nalang itawag ko sayo?"
"I actually preferred that." Nakangiting sabi niya.
"Thanks! Ingat ka, goodnight." Sabi ko rito.
"Goodnight."
I lean forward to give him a peck sa cheeks niya bago ako dali-daling lumabas.
Nag-iinit pa ang pisnge ko sa ginawa ko.
Pagkapasok ko sa bahy, nakatanggap agad ako ng message.
Aldwin Montero: You have to pay back what you stole :)