MMAC 9

2673 Words
"How's school?" Araw-araw kaming nagkikita ni Aldwin. Kung walang klase ay sabay naman kaming kakain. Medyo marami narin ang nakakakita saamin pero hindi na namin 'yon pinapansin. Konti lang naman 'yung age gap namin at hindi siya magpoprof ng matagal. Nag-open up rin saakin si Ysa na naiinggit siya saakin. Pero duh, mas naiinggit kaya ako sakaniya dahil ang talino at responsable niyang tao. Si Chris naman ay panay paalala saakin na mag-ingat daw ako sa pinsan niya. Pagkalabas ko nang university, sinalubong agad ako ni Aldwin. Kinawayan ko agad siya at dali-daling lumapit sakaniya. "Parang tatay lang? Okay lang po itay." Pambibiro ko. Pinitik naman niya ang noo ko. Pumunta kami sa coffee shop para magstudy. Dahil lagi kaming magkasama, napag-isipan namin na maging study buddies nalang kami. Tinutulungan niya ako sa subjects ko habang siya ay gumagawa ng lesson plan at nagrereview para sa exam niya. "Aldwin." "Yeah?" "Kelan mo sisingilin 'yung ninakaw ko sayo?" Seryosong sabi ko. Nung marealize naman niya agad 'yung tinutukoy ko, bigla siyang napaubo. May masama ba sa sinabi ko? Actually, ilang araw ko na rin siyang hinihintay na i-kiss ako eh. Kahit sa noo lang. "Mag-aral ka nalang." Sabi nito. Napasimangit naman ako. Damot. After naming mag-aral, umuwi na ako dahil makikisleepover daw si Karylle saakin. May problema ata siya kaya saakin muna siya magpapalipas ng gabi. Pagkauwi ko ng bahay, nauna pang dumating si Karylle at feel na feel niya ang paghiga sa kama ko. "Wow ah, bahay mo?" Tanong ko. Naagaw ko naman ang atensyon niya. "Sa'n ka galing, huh?" Tanong niya na parang may ginawa akong masama. "Nag-study." Sabi ko naman. "With who?" "With Aldwin, 'yung prof ko." "What the heck? First name basis? Study ng ganitong oras? Kayo na ba? Jowa?" Sunod-sunod na tanong niya. Bigla naman akong natigilan. Hindi ko nga pala jowa si Aldwin. "MU?" Hindi ko sigaradong sabi. "Is he even courting you?" Tanong ni Karylle. Nakagat ko ang ibabang labi ko at umiling. "Balak niyo bang unahin ang s*x bago label?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Grabe ka Karylle! Mahiyain kasi 'yon. Ako nalang manliligaw sakaniya." Sabi ko pero inikutan lang ako nito ng mata. "Whatever." "Just tell me kung niloloko ka lang niyan. May mga bata tayo." Sabi nito habang tinutukoy sila Xander at Xavier na 'bata' raw namin. Kinaumagahan, naalimpungatan ako sa pagyugyog ni Karylle saakin. "Ano ba?!" Inis na sabi ko rito. Ang aga aga pa kasi, hindi pa nga tumutunog 'yong alarm ko. "Hoy bruha! Nasa labas MU mo!" Sabi nito. Napabalikwas ako ng bangon nang magprocess saakin 'yong sinabi niya. "MU ko?" "Your professor, duh!" Nanlaki ang mata ko. "Anong ginagawa niya rito?!" Hindi ko mapigilang sigaw. Baka makita siya ni daddy! Pa'no na 'yan? Hindi kasi nagpapaalam ang isang 'yon. Malalagot talaga kami nito. "Mag-ayos ka na dali, baka maunahan ka ng tatay mo." Paalala ni Karylle kaya tumakbo agad ako sa C.R. Madaling ligo lang ang ginawa ko at madaling ayos lang. Wala na sa kwarto si Karylle pagkatapos ko. Bumaba naman ako agad at halos malaglag ang puso ko nang kasabay kong lumabas si daddy sa kwarto niya. "D-daddy!" Nahalata naman niya na may iba sa boses ko, lalo pa't nagstutter ako. "What's the matter?" Tanong niya. "Wala daddy! Aalis ka na ba? Baka may nakalimutan ka? Your keys? Documents? Wallet?" Kinakabahang sabi ko rito. Hindi pa ako handang ipakilala si Aldwin. Ni hindi pa nga kami. "None. Baka malate ako, may kailangan ka ba?" Tanong nito at naglakad na pababa. Sinundan ko siya pero hindi ko na siya napigilan. Nagkita na nga sila ni Aldwin. "Hi sir," Biglang tumayo si Aldwin para batiin ang tatay ko. Nakita ko naman si Karylle na ini-entertain si Aldwin. Napalingon saakin si daddy at binigyan ako ng 'whats-the-meaning-of-this-look' "Who are you?" Tanong ni daddy. Ako kinakabahan rito eh. Ba't ba siya biglang sumusugod rito ha? Hindi ba siya kinakabahan o natatakot? "I'm Aldwin Montero." Pagpapakilala nito. Tinaasan naman siya ng kilay ni daddy. "How are you related to Montero Prime?" "I'm not related to them, sir." "Daddy malilate ka na diba?" Pagpapaalala ko rito. "Mag-uusap pa tayo mamaya Jarelle. And bring that guy with you." Sabi nito at umalis na. Minasamaan ko naman ng tingin si Aldwin. "Bakit ka nandito?!" "I'm going to pick you up?" Hindi siguradong sabi niya. Nasapo ko naman ang noo ko. "Advance mag-isip tatay ko. Iisipin niya, 'toot' lang habol natin sa isa't isa." Paliwanag ko rito. "Toot?" Nagtatakang tanong niya. "Lol, she mean sex." Paepal ni Karylle. "Paano na 'yan? Kakausapin raw tayo ni daddy mamaya." Problemado kong sabi. Lumapit naman agad saakin si Aldwin at hinaplos ang buhok ko, "Don't worry, I'm not scared. I can fight for you, you know?" Napatingin ako sa mga mata niya and I can see sincerity. Nabigyan naman kaagad ako ng assurance. "Wow sana ol, kaya ipaglaban." Napatingin naman kami kay Karylle. Pumunta na kami ni Aldwin sa school. Pero hindi ko talaga maintindihan ba't kailangan pa niyang pumasok sa bahay. Tinanong ko naman siya, tapos ang sinabi lang niya saakin ay wala naman daw siyang kinakatakot. Sa huli, hinayaan ko nalang siya. Pero medyo hindi ko talaga 'yon nagustuhan. Atleast, magpaalam man lang siya 'di ba? First time akong sinundo ni sir, pero hindi ako gano'n kasaya. After school, sabay ulit kaming umuwi. Dumiretso kami sa bahay, specifically sa office ni daddy. Kinakabahan ako pero parang wala lang kay Aldwin. "Seat down." Ma-awtoridad na sabi ni daddy. Ako talaga kinakabahan. Parang wala lang naman kay Aldwin eh. Nginingitian pa niya si daddy. "Are you her boyfriend?" Unang tanong ni daddy. Kaso unang tanong palang ekis na eh. "If Jarelle would let me." Sabay tingin saakin. "How about your future plans?" "I'm currently reviewing for my licensure exam in civil engineering. After getting my license, I will work for 5 years to gain experience then invest one-fourth of my money for real estate and half of my salary to create my own construction firm." Nalula naman agad ako sa plano ni Aldwin. Samantalang ako, kapit lang sa pera ni daddy. "I see. How about your achievements?" Napatingin naman ako kay Aldwin na parang nanghihingi ng sorry. Ang dami kasing tanong ng tatay ko. "I graduated as Suma c*m Laude at Mapuá University. I was funded by a scholarship. I have also volunteered in several engineering activities. Uh... and I was the Student Council President." Mas lalo tuloy akong naliliit sa pinagsasabi ni Aldwin. s**t, andami niyang achievements! Tapos may pangarap pa siya sa buhay? Ano nalang ako? "You're quiet competitive." Nasisense ko na na aapprove sakaniya si daddy. Sino ba namang hindi? "You wanna work in my company?" Nanlaki naman ang mata ko sa offer ni daddy. Seryoso ba siya? "Thanks you sir, but unfortunately I have to decline. I have already hired by another company." Napatingin naman saakin si daddy at napailing. Syempre ipagmalaki ba naman ni Aldwin 'yong mga narating niya, walang wala 'yon saakin. "Lugi ka sa anak ko." Sabi bigla ni daddy. "Dad!" Natawa naman si Aldwin, "She's like an energizer sir. Her presence is enough to light me up." Sabi ni Aldwin. Bigla namang napakunot ang noo ni daddy. "She's not open for 'that thing' yet." Babalang sabi niya. "I don't have plans to do 'that thing' sir." "Are you sure?" "Certainly," "Then take care of her. Pagkakatiwalaan kita, don't disappoint me." Sabi nito. Nagkamay pa sila ni daddy. Halos mawala 'yong kaba ko, pero mas nanliliit na ako ngayon kay sir. Suma c*m Laude? Scholar? SC President? Professor? Already hired by a a company? "Mukhang mas magkakasundo pa kayo ni daddy." Sabi ko sakaniya pagkalabas namin ng bahay. "I told you, I got it. Kaya kitang ipaglaban." "Nakakainlove ka naman." Sabi ko bigla. Natigilan pa siya saglit sa sinabi ko. Hinawakan niya ako sa ulo at marahang hinalikan ang noo ko na siyang ikinapula ng pisnge ko. "It's alright, I'll promise to catch you." Sabi nito. Kinilig naman ako, since malandi ako. Pumasok na siya sa kotse niya kaya kumaway ako at pinanood siyang umalis. Pagpasok ko sa bahay, kakausapin daw ako ulit ni daddy kaya pumunta ulit ako sa offixe niya. "Why dad?" "Hindi ba talaga siya related sa Montero Prime?" Tanong nito na ipinagtaka ko. "Anong meron sa Montero Prime?" "Matagal na akong nakikipagnegotiate sakanila, they're a big company of property development." "Wow, pero tingin ko hindi. Kung tunay ngang related siya do'n, hindi siya magtuturo." "Magtuturo?" "Uh, he's my professor kasi." "Your what?!!" "Sorry dad, hindi naman siya forever teacher eh. Mag e-engineering siya." Paliwanag ko rito. "Jesus Christ Jarelle! You're dating you're professor? Is that even ethical?!" Inexplain ko naman kay daddy na hindi niya kailangang mag-alala dahil hindi narin naman magtuturo si sir next year at bukod pa don, konti lang ang age gap namin. Sinabi niya saakin na pwede naman daw kami magdate kapag hindi ko na siya prof, kaya sinabi kong 'di ko pa siya sinasagot dahil ayoko ring magdate ng teacher. Nang magsabado, napag-isipan kong bumili ng regalo para kay Aldwin. Balak ko din siyang surpresahin sa condo niya. Do'n lang naman siya tumatambay pag wala siyang ginagawa, since 'favorite place' nga niya 'yon. Honestly, palusot lang 'yong surprise. Gusto ko lang gumanti sa bigla niyang pagpunta sa bahay namin. Nagdala lang ako ng Pizza and chicken tapos dumiretso na ako sa condo niya. Nagulat pa siya nang makita akong pumasok na may bitbit na mga pagkain. Good thing, alam ko na ang passcode ng unit niya since nasilip ko nung pumasok kami rito nung isang araw. "What are you doing here?" Tanong niya agad saakin. "Surprise?" Sarcastic na sabi ko. Pero pinapasok rin naman niya ako. As usual, malinis ang condo niya at organized. Inilapag ko 'yung pagkain sa dining table niya, "Kain tayo." Sabi ko rito. Pero tinanguan lang ako, busy yata siya sa ginagawa niya. So wala siyang balak na pansinin ako? "Sir Aldwin," banggit ko sa pangalan nito. Pero hindi ako nito pinansin. Weekend ah, tapos busy siya? Lumapit naman ako agad para istorbohin siya. "Naririnig mo ba ako?" Sabi ko nang makalapit ako sakaniya. "What?" Tanong niya. Napasimangot naman ako. "Ano? Hindi ba ako welcome dito?" Hindi ko mapigilang sabihin. Kunot noo naman niya akong tiningnan. "What are you saying?" "Ba't hindi mo ako pinapansin? Gumanti lang naman ako kasi sinurprise mo 'ko sa bahay namin." Inilapag niya 'yung librong binabasa niya at seryoso akong tiningnan. "I don't feel comfortable with you here." Nakaramdam ako ng pagtatampo sa sinabi niya, "So ayaw mo ako rito? Sana sinabi mo agad. Hindi na sana ako nag-abala." Sabagay, sinabi lang naman niyang like niya ako. Pero hindi niya sinabing as women. Malay ko bang he likes me as a student? Napaka-assumera ko naman. May nalalaman pa akong liligawan ko siya. "No, that's not it." "E' di ano?" Bakas 'yong frustration sa boses ko. Ang g**o niya kasi, ang hirap niyang basahin. Napalunok siya ng laway bago tumingin saakin. Naging mapanganib 'yong tingin niya pero hindi ko 'yon pinansin. "You keep teasing me when you're here." Sabi niya na parang ang hirap ilabas no'n. "Ha? 'Di naman kita inaasar ah?" "I mean, in seductive way." Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Am I really a tease to him? Napangisi naman ako nang may pumasok na idea sa utak ko. Hindi ko malalaman kung totoo unless itry 'di ba? Lumapit ako sakaniya at inilagay ang dalawang braso ko palibot sa batok niya, "Really?" I said in a sexy tone. Mas inilapit ko pa ang mukha ko sakaniya. Naamoy ko na ngayon ang hininga niya. My heart was beating so fast, pero kailangan kung malaman kung totoo bang may epekto ako sakaniya. Marahan kong hinaplos ang labi niya at mapanuyong tumingin sa mata niya. "Stop it." Parang hinihingal niyang sabi. "Ibabalik ko lang 'yong ninakaw ko, pwede?" Sabi ko sakaniya. Halos pigilan ko ang tawa ko ng makita ang reaksyon niya. "I'm warning you." Pagbabanta niya. "Try me." Nanigas naman ang tuhod ko nang maramdaman ang mapusok niyang halik. Hinigit niya ang bewang ko palapit sakaniya at agresibo akong hinalikan. Hindi ako nakagalaw, gulat na gulat sa nangyari. Bumitaw rin siya at naiwan akong tulala. Naririnig ko pa kung gaano kabilis 'yong puso ko. Para akong hihimatayin. "Does that answer your question?" Tanong niya. Nanlambot ang tuhod ko kaya napaupo ako sa sofa niya. Pangalawang beses na 'to, pero iba parin talaga ang feeling kapag hindi ka lasing. Naging awkward ulit kami kaya itinuon nalang namin ang sarili sa pagkain ng mga pinamili ko. Walang nagsasalita saamin at tanging pag nguya lang ang naririnig ko. Nakakabingi na nga eh. Pagkatapos, nagbihis na siya at kinuha 'yong susi niya ng sasakyan. "Aalis na tayo?" Tanong ko kaagad. Tumango naman siya, "Oo, before I can't stop myself from doing anything to you." Straightforward na sabi niya. Pagkahinto namin sa bahay ko, hindi muna ako bumaba kaagad. "Curious lang ako. Gusto mo ba ako bilang babae, o bilang studyante?" Tanong ko rito. Humarap siya saakin, "I like you as a person." Buti naman. "Kung gano'n, pwede ba kotang ligawan?" Tanong ko rito kaya bumakas ang disgusto sa muka niya. "Should I be the one who needs to court you?" Tanong nito. Hinawakan ko ang kamau niya at ngumiti. "Kung hihintayin pa kitang gawin 'yon, baka maubos 'yong forever natin." Pambibiro ko rito. "But I'm already doing it." Sabi noto na ipinagtaka ko. "Huh?" "I'm already courting you." Mas lalo naman akong nagtaka sa sinabi niya. "What do you mean?" "Uh, I bring you home, we always have study date, and I personally presented myself to your dad. Isn't that all part of it?" Kaya siya pumunta sa bahay no'n? What the heck? 'Di man lang niya ako ininform na nanliligaw na pala siya. Chinika ko naman agad kay Karylle 'yong sinabi ni sir habang nasa kwartyo ko kami. Nakisleepover na naman kasi ang bruha. "Approve ako sakaniya girl! Kaso lang..." Pambibitin ni Karylle. "Kaso lang?" "Be careful pa rin. You know guys, some of them are full of flowering words. If he told you he's interested, then ge should act one." Paliwanag ni Karylle. "Pa'no mo ba malalaman na interested sayo ang guy?" "Well duh, first of all he'll ask you tons of questions! Then papansinin rin niya bawat kilos mo, as easy as that. Sometimes it can get annoying, but that's how it works." Napaisip naman ako bigla. Aldwin is not a vocal type of person. Hindi siya magtatanong kung unnecessary at kadalasan, ako 'yong nagtatanong sakaniya. Does that mean na mas interesado ako sakaniya? Kinabukasan, tinry kong itesting 'yong sinabi ni Karylle. May study date ulit kami ni sir kaya gumawa talaga ako ng bagay na pwede niyang ikacurious. Inorder ko 'yung unusual coffee na inoorder ko. Hindi naman siya nagtaka. Ininuman ko rin 'yong coffee niya, at okay lang rin 'yon sakaniya. Next kong hinawa ay tumawa ako mag-isa habang nakatingin sa phone, pero tiningnan lang ako nito saglit bago itinuon ang atensyon ulit sa ginagawa. So hindi siya curious saakin? Or nahihiya lang siyang magtanong as usual? "Aldwin," pagtawag ko rito. "Yeah?" "Kilala mo si Manu Rios?" Tanong ko. "Crush ko 'yon." Dagdag ko pa. Naagaw ko naman 'yung atensyon niya. "Eh ako?" Tanong niya. "Ikaw 'yong jojowain ko." Sabi ko. Nakita ko namang nagpigil siya ng ngiti. I knew it. Hindi lang siya pala tanong, but it doesn't mean na hindi niya ako gusto. Nagpatuloy kami sa pag-aaral nang biglang may kumaway saaking pamilyar na mukha. "Yow Jarelle!" Napatakip naman ako ng bibig at halos manlaki ang mata sa nakita. "LUKE!!" Hindi ko mapigilang sabi. Dali-dali akong lumapit sakaniya at yumakap. Natawa naman siya sa ginawa ko. "Masyado mo namang pinapahalatang miss mo ako." Natatawang sabi niya. Bakit naman hindi? He's my guy bestfriend since childhood! Tapos sa New York na siya na sistay for good. "Namiss naman talaga kita! Kelan ka pa bumalik? 'Di ka na nagsasabi!" May pagtatampo sa boses ko. "Last week lang. Hinintay mo pala ako?" Ginulo pa niya 'yung buhok ko. "Ehem." Bigla nama kaming napalingon kay Aldwin. "Ay oo nga pala, Luke si sir Aldwin, prof ko. Sir si Luke, childhood bestfriend ko." Naghi naman si Luke kay sir. "Wow, nagpapatutor ka?" Tanong ni Luke. Alam kong pangasar 'yon dahil alam niyang humina ako sa acads mula nung nagcollege ako. Chat nalang kasi kami nag-uusap. "No, we're on a date." Biglang sabi ni Aldwin at umakbay saakin. Medyo nagulat naman si Luke at binigyan ako ng mapangutyang tingin. "Next time nalang Ja! Mukhang may magagalit." Sabi nito at nagpaalam na. Hinarap ko naman si sir, "Let's just go home." Walang ganang niyang sabi. Hinabol ko naman siya hanggang makasakay ako ng kotse niya. "Bestfriend ko lang 'yon." Sabi ko rito. "And me? You introduce me as your professor am I right?" Tama nga naman. Pero ano ba dapat kong sabihin? Professor with benefit? Sugar daddy? "Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi naman kasi kita boyfriend." Paliwanag ko rito. "Then let's be together." "Huh?" "Will you be my girlfriend?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD