MMAC 10

3043 Words
You said no?!" Gulat na tanong saakin ni Karylle. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko at marahang tumango. "Pa'no na 'yan?" "Why? Is there a problem?" Tanong nito. Napailing ulit ako. "Ako kasi 'yung hindi sigurado. Oo gusto ko siya, pero hindi ko alam kung naiintindihan ko ba siya. Never pa kasi siyang naging fully open saakin." Pakiramdam ko, ang dami ko pang hindi alam sakaniya. "Baka boring type lang talaga siya girl?" "I don't know. Pero somehow, nanghihinayang rin ako eh." Pag-amin ko. Sabi naman ni Aldwin, okay lang daw. No pressure. "Boba ka talaga, I told you! Don't regret the memories that you can make together." Paalala nito. "Alam ko. Tsaka ikaw ha, napapansin na kita! Bahay mo ba 'to? Halos araw-araw ka na rito ah." Pagpuna ko sakaniya. Bigla namang naging malambot ang ekspresyon niya at nagpeace pa saakin. Naguilty ako sa pag 'no' ko kay Aldwin kahit ang totoo naman ay kating kati na ako jowain siya. Kaya dinalhan ko siya ng cupcake from my favorite pastry shop nung sumunod na araw. Dahil may consultation siya ngayon, do'n ko nalang siya bibisitahin. Wala rin kaming klase sakaniya. "Wow penge ako!" Sabi agad ni Chris. Pero tinago ko sa likod ko 'yong cupcake. "Hindi 'to para sayo noh!" Sabi ko sakaniya. "Hulaan ko, kay insan 'yan noh?" Tinarayan ko nalang siya at dumiretso sa consultation room. Pero napaatras agad ako nang makita kong may kinoconsult siyang ibang studyante na babae. Masyado pang magkalapit ang mukha nila at nung binuksan ko 'yong pinto, para silang nagulat kaya bigla silang naglayo. "I'm sorry, I thought this was Ma'am Kayla's consultation room." Sabi ko kaagad. Hindi ko alam kung may consultation ba ngayong araw si Ma'am, but whatever. Importante makaalis ako do'n. Napatingin pa si Aldwin sa dala ko kaya tinago ko agad 'yon sa likod niya at isinara na ang pinto. Dali-dali akong dumiretso sa parking lot. Thank God at dinala ko 'yong kotse ko ngayon. Badtrip nga lang, kasi mukhang masasayang 'yong cupcake. Tinawagan ko agad si Karylle. "Sa bahay ka matutulog mamaya?" ["Later babe, I'm in the middle of--- hey stop~ its my bestf-- ohh it tickles hahahaha!"] Napasapo nalang ako sa noo ko nang marinig si Karylle. Weekday for f**k's sake! Tapos 5:00 PM palang? WTH? Binaba ko naman agad 'yong phone. Kanino ko kaya 'to pwedeng ibigay? "Jarelle! Pasok ka." Masayang bati saakin ni Luke pagkatapos buksan 'yong pinto ng condo niya. "Thank you! By the way, nagdala ako ng cupcakes para iwelcome ka." Sabi ko nalang. Agad naman niyang tiningnan 'yong cupcake na parang bata. "Wow! Yummyy." Pumunta ako sa kusina para kumuha ng utensils. "Wait! Is this really for me?" Tanong niya bigla. "Ba't mo tinatanong?" Sabi ko nalang. Ayoko mahuli noh. Mamaya, malaman niya na second option ko lang pala na sakaniya ibigay 'yong cupcake. "May mini card eh. Nakalagay, 'I'm sorry about yesterday. Would you be my boyf---" Inagaw ko kaagad kay Luke 'yong letter. s**t, nalimutan kong tanggalin 'to. Mapangasar na nginisian ako ni Luke. "'Yan ba 'yung prof mo?" Natatawang sabi niya at inemphasize pa yung 'prof'. Tinarayan ko nalang siya. Nagtsismisan lang kami buong gabi. Nagkwento siya about sa buhay niya sa ibang bansa at mga nakalandian niya do'n. Nagkwento rin naman ako ng akin. Pagkatapos, nagselfie kami with cupcakes as remembrance daw na may welcome gift siya from his childood bestfriend, kahit na hindi naman talaga para sakaniya 'yon. Pinost rin niya sa myday ko 'yong picture namin at tinag ang sarili niya. After no'n umuwi na ako. Ihahatid pa sana niya ako, kaso dala ko ang kotse ko. Pagod akong dumating sa bahay. Pagpasok ko ng kwarto, wala si Karylle. Mukhang hindi siya rito matutulog ngayong gabi ah? Inopen ko naman 'yong phone ko para ichat siya, pero message ni Aldwin ang bumungad saakin. Aldwin Montero: You look good together. Nireply niya 'yon sa myday ko. Alam ko naman na sarcastic 'yon, pero duh? Sino bang hindi nagchat na may nakasched pala siyang consultation? Tapos sa babaeng studyante niya pa na mukhang mas malandi saakin? Jarelle AU: kayo rin nung studyante mo :) Nagshower na ako at niready ang sarili matulog. Nakahiga na ako nang may nagreply sa myday ko. Christian Marquinez: Aww, akala ko para kay Aldwin 'yan. Sinabi ko pa naman 'yieee may cupcake siya!' LOL kaya pala disappointed ang gago. Christian Marquinez: 'Di mo kasi sinabi saakin na para pala sa iba 'yan! Pinaasa mo si Aldwin, lagot ka! Nainis tuloy ako bigla kay Chris. Napakatsismoso talaga! Pagkacheck ko ng phone ko kinabukasan, bumungad ulit saakin yung pangalan ni Aldwin. And this time, ang dami na niyang chat! Aldwin Montero: That's just my student. Aldwin Montero: She needs consultation kaya tinulungan ko. Aldwin Montero: I'm not even interested in her. Aldwin Montero: I waited for you. Aldwin Montero: But the thing that I just saw? I don't like it. Aldwin Montero: Let's talk. Aldwin Montero: I'll pick you up, 6:30 in the morning. Aldwin Montero: I'm omy. Nanlaki naman ang mata ko sa huling chat niya. Napatingin agad ako sa oras ko. Napamura nalang ako nang makitang 6:20 na pala! Mabilisan akong naligo at simpleng outfit lang ang nasuot ko. Saktong pagkatapos ko, tumatawag na si Aldwin. Medyo nataranta ako pero sinagot ko rin agad. "Hello?" ["I'm downstairs."] Sabi niya. Nagmadali naman akong kinuha ang mga gamit ko at bumaba kahit basa pa ang buhok ko. Doon ko nga siya nakita na nakaupo. "Ba't nandito ka?" Tanong ko in a neutral voice. "Ayaw mo ba?" Tanong niya kaya napataas ang kilay ko. "Gusto, pero galit pa ako sayo!" Sabi ko rito. "Let's talk in my car." Dumiretso naman kami sa kotse niya. Tahimik lang akong nakatingin sa unahan. "What did you and that guy did yesterday?" Tanong ni Aldwin. "Nagkwentuhan lang kami. Eh, ikaw? Anong kaharutan ang ginawa niyo nung studyante at parang gulat na gulat kayo nang makita ako?" "I told you, it's pure academic. How about that guy? Why does he have cupcakes?" "Duh, para sa'yo sana 'yon pero mukhang enjoy ka na sa iba. E' di sakaniya nalang." Napatigil naman siya sa sinabi ko. "Then you should give me what's mine." Sabi nito. "Wala nang sa'yo." "If that's the case, could you be mine instead?" Natahimik naman ako sa tanong niya. Bakit hindi ko nalang sabihin na 'Oo'? Ang dali-dali lang naman bigkasin no'n! Pero paran^ may bumabara sa lalamunan ko na hindi ko alam. "It's fine. No pressure, as long as hindi ka maagaw ng iba." Sabi niya at pinaandar na ang makina ng sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala naman siyang sinabi saakin, until huminto kami sa tapat ng condo niya. "Akala ko ba, ayaw mo ako rito?" Tanong ko sakaniya. "Hindi ko ayaw, I was just nervous with you around." Sabi niya. Napangiti naman ako. Nakakatuwang may gano'ng epekto ako sakaniya. Pag-akyat namin sa unit niya, binagsak ko agad ang sarili ko sa sofa. "Hey, you wanna drink something?" Tanong niya. "Beer nalang or wine!" Sabi ko rito. Nag-okay naman siya. May inilapag rin siyang biscuits sa table ng living area. "Hindi ka ba nabobored rito? Like ang lungkot kayang nag-isa." Sabi ko kay Aldwin. Umupo siya sa tabi ko, "Minsan, its more sad to be with the person you hate than being alone." Nginitian naman niya ako, but it was a sad smile. "Sino namang ayaw mo makasama?" "My father. He's the reason why my mom was dead right now. At hindi ko siya mapapatawad dahil do'n." "I'm sorry." Binigyan ko siya ng apologetic look. "It's fine." "Eh bakit ka pa nagprof? Pwede namang nagfocus ka nalang sa review?" "So I will not have to use my father's money." Ang independent pala ni Aldwin. Nakakatuwa naman. "And bakit Civil Engineering? Sorry, curious lang." "It's fine. You can ask as many as you want," Ngumiti siya saakin. "Because I planned on taking over his empire. I have to get back what belongs to my mom. And he doesn't deserve it." Bakas ang galit sa boses niya. Naiisip ko tuloy kung ga'no niya kinaiinisan ang tatay niya. Hindi talaga mapipigilang magkaro'n ng mga ilfated relationships noh? Kahit sa pamilya mo pa. "I thought my parents we're so inlove with each other. Lumaki ako na kompleto at marangya ang pamilya. I thought it was perfect until I noticed that they're relationship was all for convinience. My dad wants my mom's money, and he doesn't even care about her f*****g life!" Naiyukom niya ang kamao niya kaya hinawakan ko ito. Hindi ko alam kung paano siya icocomfort. Niyakap ko nalang siya. Tagos na tagos 'yong mga salita niya. "Magiging okay rin ang lahat. Your plans? Your goals? Maaabot mo lahat nang 'yon, magiging successful ka. Ikaw pa ba?" "Thanks Jarelle." Bulong niya. "And you should know that you're included in it." Nang mag lunes, kumatok agad saakin 'yong kasambahay namin dahil may naghihintay raw saakin sa baba. Alam ko namang si Aldwin 'yon dahil nagtext siya na on the way na raw siya. Buti nalang at nakaayos na ako. Sinalubong ko siya at sabay kaming pumasok sa University. Naghiwalay lang kami dahil pinuntahan ko sila Ysa sa cafeteria. "Uyy kumusta? Nag-away kayo? Bati na kayo?" Bungad saakin ni Chris. Nagtaka naman si Ysa sa pinagsasabi ng lalaking 'to. "Alam mo, ang daldal mo rin eh noh?" Sabay ngiti sakaniya ng peke. Nagtaka naman si Ysa kaya since madaldal si Chris, siya na nagkwento kay Ysa ng nangyari. "Oh ba't naman siya magagalit? Nagseselos ba siya? Kayo na ba?" Tanong ni Ysa. Napailing naman ako. Sabihin ko ba sakanila? "Nanliligaw pa lang." "Seryoso?!" Gulat na tanong ni Ysa. Tumango naman ako. "Pakain ka naman jan oh! Baka naman, ehem." Sabi naman ni Chris. Inasar lang ako ni Chris buong magdamag habang si Ysa naman ay binibigyan ako ng advices about sa iisipin ng society lalo na ng school namin. Wala naman akong pakialam do'n. After class, sumabay ako ulit kay Aldwin umuwi. Gano'n lang ang routine namin hanggang sa magfinals. Nag-aaral kami ng sabay, kaya confident akong papasa ako this term. Sadly, next year 'di na siya magtuturo. Malapit na kasing natapos ang school year since 2nd sem na ako pumasok. Kick out nga kasi. "How's your finals?" Tanong ni Aldwin saakin. Niyakap ko naman agad siya. "Thank you talaga! Hindi ko mapapasa lahat ng subjects ko kung hindi mo 'ko tinulungan." Hindi naman siya sumagot sa sinabi ko at para siyang naestatwa sa kinatatayuan niya. The next thing I knew, ipinalibot niya sa bewang ko ang braso niya. "Anything for you." Sabi nito. Napangiti naman ako. Ang swerte ko talaga. These past few weeks, narealize ko kung paano nabago ni sir-- I mean Aldwin 'yong grades ko. Nabawasan narin ang night out ko dahil lagi kaming nagsastudy date. Medyo satisfied naman si daddy sa resulta ko, pero needs improvement parin daw. At least, 'di na ako napapagalitan. I know very well na nakakabuti sa health ko si Aldwin. Siya na ang pinaka-ideal sa lahat ng lalaking nakilala ko. Nagfifreakout na nga si Karylle dahil baka isipin ko na daw na demonyo siya. Well, hindi naman 'yon mangyayari dahil bestfriend ko siya at magsistay ako sa tabi niya kahit anong mangyari. May date kami ngayon ni Aldwin at hindi ko alam na sa fine dining restaurant niya pala ako dadalhin. Syempre kinilig ako noh. Umorder siya ng steak and pasta. "Thank you ha. Gutom pa naman ako." Sabi ko rito. Kinuha naman niya 'yong table napkin at pinunasan 'yong gilid ng labi ko. "There's a dirt." Sabi pa niya. Nagthank you nalang ako. "Uh, since tapos na ang finals, pwede na akong gumimik noh?" Sabi ko habang pinagmamasdan ang reaksyon niya. For sure naman, papayag siya eh. Nagpaalam lang ako para alam niya. "Kung gusto mo, sama ka rin!" Dagdag ko pa nung hindi siya sumagot. "Send me the address. You get wasted every party." Sabi nito. "Hindi ah! Natyempuhan mo lang na gano'n ako." Depensa ko sa sarili ko. "Really? The first time I saw you there, you kissed me. Then the second time, you introduced some random guy." Paalala nito saakin. "I don't think your alcohol tolerance is high." Sinasabi ba niyang weak ako? "At sasama ako. I don't trust your drunken state." Dagdag pa nito. Nang nagweekend, nagprepare naman agad ako para sa party. Sabi ni Aldwin susunduin raw niya ako. So sabay kami pupunta. Ready na rin akong ipakilala siya sa mga kaibigan ko kahit hindi pa kami. Since hindi ko na rin naman siya teacher. Magququit na siya eh. Nagsuot lang ako ng black fitted long sleeve dress na abot hanggang itaas ng tuhod ko. Backless rin siya at glittery. Pinartneran ko ng skin-toned heels and beige bag. As for my makeup, smokey lang. Napangisi ako nang makita ang ayos ni Aldwin. Ayos na tipong lalapitan ng mga babae kung wala ako. Ang hot kasi, kelan ko kaya matitikman? Charot! Pagkarating namin sa venue, namangha ako. Nirentahan kasi nila 'yung buong bahay para lang ganapin 'tong event. "Halika, pakilala kita sa friends ko." Sabi ko kay Aldwin. Pinakilala ko naman siya agad kila Karylle, at sa kambal. "Ang hilig mo talaga sa prof!" Sabi ni Xavier habang tumatawa. Si Xander naman ay nginisian lang ako habang si Karylle ay mapangasar akong tiningnan. "Hi sir!" Sabi pa ni Karylle na may halong pangangasar. Good thing, magkakilala pala si Xander at Aldwin. Iniwan ko muna sila do'n para kumuha ng drinks namin. "Uy Jarelle! Andito ka rin?" Namangha naman ako nang makita ko si Luke habang may bitbit na bote ng whiskey. "Well, ganun na nga. Ikaw? Ba't andito ka?" "Girlfriend ko 'yong naghohost nito." Sabi niya saakin. Nakwento nga niya saakin na may jowa siya, isa sa reason kung bakit umuwi siya ng Pilipinas. "Really?" "Yup! Pakilala kita, 'lika." Nagpahila naman ako kay Luke hanggang sa makarating kami sa malaking grupo ng tao. "Babe, this is the childhood bestfriend I'm talking about." Pakilala saakin ni Luke sa may lahing babae. American perhaps? Masaya naman niya akong binati at nakipagbeso pa siya saakin. "I finally meet you! I heard a lot about you." Sabi nito saakin. "Me too. Ang ganda mo pala talaga, akala ko exaggerated lang magkwento 'tong si Luke." Sabi ko sakaniya. Natawa naman siya. "Thank you. Ikaw rin." Natuwa naman ako sakanila for a moment kaya nakalimutan kong dapat pa pala akong bumalik sa table namin. Nag-excuse ako agad at bumalik sa table namin nila Aldwin. "Hey! Ba't ang tagal mo?" Tanong ni Karylle. Umupo naman ako sa tabi ni Aldwin. "May nakasalubong akong friend." Sabi ko rito. "Guy ba? Reto mo 'ko." Sabi ni Karylle. Napailing nalang ako. "Baliw, may jowa!" Nagparty lang kami buong gabi hanggang sa naramdaman ko nang tinatamaan na ako ng alak. Buti pa si Aldwin, mukhang nasa katinuan pa. Niyakap ko siya para suportahan 'yong sarili ko. Okay lang naman sakaniya. Hays, ang bango talaga. "Hoy Jarelle, maghunos dili ka!" Narinig kong sabi ni Xavier. Hindi ko naman 'yon pinansin. Mas idinikit ko lang ang sarili ko kay Aldwin. Pakiramdam ko kasi, teddy bear ko siya. "Ang bangooo, masarap din kaya?" Tanong ko sa sarili ko habang inaamoy si Aldwin. "Hey, you're drunk." Narinig kong sabi ni Aldwin saakin habang hinahaplos ang buhok ko. Tumayo naman ako para ipakitang hindi, "I'm just tipsy!" Sabi ko, kaso bigla akong naout of balance at napaupo sa lap niya. Humagikhik naman ako nang makita nang mas malapitan ang itsura niya. Mukha siyang gulat na hindi mapakali. Hinawakan ko ang mukha niya at idinikit ang noo ko sa noo niya. "Kiss mo ko ulit hihihi." Sabay lagay ng kamay ko sa batok niya. Napaiwas naman siya ng tingin saakin. "Jarelle, you're drunk. Uwi na tayo." "No!" Pagpigil ko kaagad. "Hindi tayo aalis hanggang walang kiss!" Sabi ko pa. Nakita ko namang napailing siya kaya mas lalo akong nahilo. Ipinahinga ko nalang ang mukha ko sa leeg niya. Buti nalang ang bango niya s**t. Ano kayang lasa? "J-jarelle stop!" Mahinang bulong niya nang maramdaman ang dila ko sa leeg niya. Titikman ko lang naman eh, ang bango kasi. 'Di ba pag mabango, masarap din? "Iuwi mo na 'yan. Lasing na." Narinig kong sabi ni Xander. Or is it Xavier? Malay ko. "Ayoko, dito lang ako." Sabi ko at mas binaon ang ang sarili sa leeg ni Aldwin. Nakakaadik naman. Naramdaman kong lumapit sa tenga ko 'yong bibig ni Aldwin, "Jarelle don't do this to me. Uwi na tayo please?" Halos magmakaawa niyang sabi. Hindi naman ako sumagot. Feel ko inaantok na ako kaya hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sakaniya. Pagkagising ko kinaumagahan, bumungad saakin ang natutulog na mukha ni Aldwin. Hindi pa agad nagprocess sa utak ko 'yong nakita ko. Wait, ibig sabihin tabi kami natulog? OMG! Napatingin agad ako sa suot ko at nakita kong hindi na ito 'yong suot ko kagabi. May nangyari ba? Sana. Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha. Nagpakawala ako ng mahinang tawa. Ang cute niya kasi nakakagigil. Ang perfect ng fearures niya eh, parang hindi tao. Ang haba ng pilik-mata, ang tangos ng ilong, at yung lips? Oh no. Nakakatemp. Sige na nga, isa lang! Ninakawan ko naman agad ng halik si Aldwin. Pero nung narealize ko na dalawang beses na pala kami nagkiss, nagnakaw ulit ako. Hanggang naging tatlo... apat... lima... Ang lambot eh, at it is so heartwarming to feel his lips on mine. Feeling ko tuloy ang manyak ko na. "Last na talaga, promise." Sabi ko sa sarili ko bago nilapat ang labi ko kay sir. Hindi ako gumalaw at hinayaan ko lang na gano'n yung pwesto namin nang naramdaman kong bigla niyang ginalaw ang labi niya at siniil ako ng halik. Halos malaglag puso ko sa gulat ng ginawa niya 'yon. Ikinulong rin niya ako sa bisig niya kaya nakapatong na saakin 'yong kalahati ng katawan niya saakin. Nang bumitaw siya, hindi ko alam kung paano siya haharapin. Ang manyak ko kasi eh. "You kept stoling kisses from me, huh?" Sabi niya. Nakaramdam naman ako ng hiya. Feeling ko tuloy nasober up ako. Pero teka? Lasing pa ba ako kanina? Tumaas yung isang gilid ng labi niya nang makita ang reaksyon ko. "Sorry, nacarried away lang." Palusot ko rito. "That's the last time I will kiss you." Sabi nito. "Ha?! Bakit?" Bigla naman siyang napangiti sa sinabi ko. Hindi ko alam, pero nabakas yata ang disappointment sa boses ko. "Because you're still not my girlfriend." Sabi nito. 'Yun lang ba reason niya? Sabagay, antagal na rin niyang nanligaw-kuno. "E' di girlfriend mo na ako mula ngayon!" Sabi ko bigla na ikinagulat niya. "What? Just because you want kiss?" Hindi nakapaniwalang tanong niya. Umiling naman ako, "Actually, hinihintay ko lang na tanungin mo ako ulit. Pero 'di mo na ginawa." "That really means na tayo na?" Paniniguro niya. Pinisil ko naman ang pisnge niya, "Matagal ng tayo pero ako lang nakakaalam." Pambibiro ko rito. Kita ko naman agad ang tuwa sa mga mata niya. Siniil niya ulit ako ng halik at tinugon ko naman agad. Naging malalim 'yon at bumaba hanggang sa leeg ko. Nakagat ko ang labi ko sa sensasyong binibigay niya nang bigla siyang tumigil. "You're such a tease, especially when you're in my bed." The he gave me a peck on my lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD