"Congratulations!" Nagtoast kami nila Ysa at Chris kasama ang iba pa naming blockmates rito sa Vikings Avenue.
Nagcelebrate kami for passing our third year in college. Next year, graduating na kami!
At isa pa, nakapasa rin ako! Kaya sobrang saya ko.
Tinext ko agad 'yong boyfriend ko na nagcecelebrate kami. Sabi lang nya 'Have fun and take care.' Susunduin rin naman niya ako later.
Hanggang ngayon, kinikilig parin ako sa idea na may boyfriend na ako.
Kumain lang kami, at nagreminisce ng mga kalokohan namin. Kahit hindi magkakasundo ang lahat, wala namang sumira ng party.
Nag exchange gift rin kami na parang high schoolers lang. Sobrang hina rin pala ng tolerance ni Ysa kaya lasing na siya agad.
Pinagtatawanan nalang namin siya dahil from strict, bigla siyang naging friendly bigla. Buti nalang at inalalayan siya ni Chris.
Nang malapit na kaming matapos, nagulat ang lahat nang dumating si Aldwin sa venue. Of course, susunduin niya ako.
"Bakit po kayo andito sir?" Tanong ng babae kong ka-blockmate. Pinalibot ni Aldwin ang paningin niya na parang may hinahanap.
"I'm here to pick up my girlfriend." Sabi nito kaya nagsimulang magbulungan ang mga tao dito.
Nang makita naman ako ni Aldwin ay lumapit siya saakin. Saamin tuloy ang atensyon ng lahat.
"Let's go?" Sabi nito at inioffer ang braso niya saakin. Tinanggap ko naman 'yon at sabay kaming naglakad palabas ng venue.
"Nag-enjoy ka ba?" Tanong nito saakin habang hinahaplos ang buhok ko.
"Oo naman. Ikaw, sa'n ka galing?"
"Nagreview. My exam's near you know?" Paalala niya.
"Goodluck babe!" Sabi ko sabay halik sa pisnge niya. Kumaway naman ako at pumasok na sa bahay.
Pag naging Civil Engineer na si Aldwin, pwede na kaya kaming maglive-in?
Kinaumagahan, nagising ako sa paulit-ulit na pagriring ng phone ko. Wala namang klase kaya bakit may tumatawag?
Pagtingin ko, si Ysa lang pala. Nagtaka naman ako kaagad kung bakit siya napatawag.
"Bakit? Ang aga pa ah." Napasulyap ulit ako sa orasan at siniguradong 7:24 AM palang.
["Check mo social media mo! Dalii."] Sabi nito at ibinaba na ang tawag. Naalerto naman ako sa tono ng oananalita niya. Parang may nangyaring hindi maganda.
Kinakabahan akong chineck 'yung social media account ko, at halos mapamura ako nang makitang andaming notifications, message request and friend request 'yong account ko.
Hindi naman ako famous para magkagan'to kaya chinceck ko kaagad 'yong pinagmimention nila saakin.
Nadirect ako sa isang video. Kinakabahan ako nung pinanood 'yon. Tae! Eto 'yung sa Vikings kagabi!
Makikita sa venue na lumapit saakin si sir at humawak ako sa braso niya. Pagkalabas namin, parang nakakita ng multo ang mga tao ro'n. C'mon! Para namang 'di nila inexpect na may something kami.
Binasa ko naman 'yong caption, 'How can a brainless passed the semester? Simple! Make your prof your boyfriend.'
Nakapost siya sa main page ng school publication namin. At ang daming negative comments!
Hindi ko 'yon pinansin at naghanap nalang ng mga positive comments. Nakita ko 'yong comment nila Ysa.
Ysabelle Real: Nakapasa kasi inspired. Mga inggit d'yan tamang bash nalang.
Christian Jace Marquinez: Oh nauulol na 'yong mga hindi pinili.
Hineart ko naman 'yon. Ang dami ko nang kaaway ngayon, pero bakit ba? Wala ba silang sariling buhay?
Hindi ko nalang pinansin, kahit ang totoo medyo nangangamba ako. Ang sama na ng image ko. Well, totoo naman na malandi ako at nagtatanong ng mga kung ano-anong kalokohan kay Aldwin during class. Pero sobra naman ata 'yong nakipagsex for grades?
Inoff ko 'yung phone ko at nagkulong sa kwarto.
Bakit ganun? Wala namang klase pero ang iissue parin nila? Tumahimik na ako ah? 'Di na ako gumagawa ng g**o o nagsaskandalo pero away na mismo ang lumalapit saakin.
Bumaba ako para kumain pero nagulat ako nang si Aldwin ang sumalubong saakin. Nasa sala siya at umiinom nang juice. Tumayo naman siya nang makita ako.
"Babe,"
"Aldwin, anong ginagawa mo rito?" Kesa sagutin niya ako bigla niyang akong hinila para yakapin. "Uh..."
"I'm sorry. Are you fine?" Tanong niya habang nakayakap parin.
Hinigpitan ko ang yakap sakaniya. Ayoko namang sabihing hindi, at mas lalong ayokong nagpaapekto sa mga mean comments na 'yon.
Wala akong pakialam sa iniisip ng iba.
"Okay lang ako."
Nang maghiwalay kami ng yakap ni Aldwin, walang nagsalita saamin at nagtinginan lang kami.
"Uh... Gusto mo bang makita 'yung kwarto ko?" Tanong ko sakaniya.
"I'm fine here." Sabi naman niya.
"Wala akong gagawing masama sa'yo, kung 'yon ang iniisip mo." Pambibiro ko sakaniya.
Napakamot siya ng batok niya at pumayag narin.
Pinakita ko sakaniya ang kwarto ko at para siyang nasa museum na tumitingin tingin sa paligid. "I like your room," Sabi niya.
"Mas like kita."
Umupo siya sa sofa na malayo sa kinaroroonan ko. "Tell me if you're not okay." Sabi niya.
"I will. So bakit ka nga andito?"
"I'm concerned about you."
"Okay lang talaga ako. Sanay na ako sa masasamang salita, tsaka 'di naman ako nagfofocus sa mga haters ko lalo pa't may katulad mo na pinapahalagaan ako." Binigyan ko siya ng assurance smile at umupo sa tabi niya. "Thank you babe."
Ngumiti naman siya pabalik saakin, "I'm so proud of you." Sabi pa niya.
Inopen ko naman 'yong laptop ko para magscroll ng magandang dating place.
"After ng exam mo, pasyal tayo?" Pag-aaya ko rito. Pumayag naman siya agad at sinamahan akong magscroll ng places.
"How about beach?" Suggestion niya. Napaisip naman ako.
"Sige beach nalang! Sa'n kaya? La Union kaya?"
"Wherever babe."
Naghanap kami ng place at nagbook ng hotel. Medyo nastress lang ako kasi ako halos pinapili niya. Malay ko ba kung anong gusto niya. Pero sa huli nakapagbook rin kami.
"Next week na exam mo, ready ka na?" Paalala ko sakaniya.
"Yeah, just short review then relaxation will do."
Nanood lang kami ng Netflix maghapon at nagdala rin ako ng makakain namin.
Nakaupo kami sa sofa habang nanonood sa tv. Isinandal ko naman ang ulo ko sakaniya habang siya ay inakbay saakin ang kamay niya.
Gano'n lang pwesto namin hanggang naging uncomfortable 'yong atmosphere para saakin dahil sa scene. Nahalikan bigla 'yong dalawang bida.
Tinry kong maging normal at huwag gumalaw, pero nahihirapan akong huminga. Napatingin naman ako kay Aldwin at parang wala lang sakaniya. Buti pa siya.
Tinanggal ko ang ulo ko sakaniya at chineck 'yong phone ko, pangpawala lang ng dirty thoughts.
"Hey, don't check your socials." Paalala nito saakin kaya bigla kong binaba 'yong phone ko.
"Ay oo nga pala hehehe," Sabi ko nalang.
"Are you okay?" Tanong ulit nito saakin. Hindi ko alam, pero nakita yata niyang namumula ako.
"Okay lang ako."
"C'mon here," Sabi niya at inilagay ang ulo ko sa dibdib niya sabay yakap ng braso niya. "It will be fine." I think ang tinutukoy noya is 'yong mga bashers ko? Eh hindi naman 'yon ang problema ko eh!
Siya ang problema ko! Bakit kasi ang hot niya? Tapos ang bango pa? Tapos tae, ganyan pa palabas?!
Bigla ulit nagmakeout 'yung dalawang bida kaya mas nag-init ang mukha ko. Ito na ba 'yung tinataeag nilang Netflix and chill?
"Uhm Aldwin,"
"Yeah?"
"Gusto mo ng umuwi? Gabi na oh. Magrereview ka pa." Sabi ko nalang. Ayoko siyang ipauwi kaso baka iba magawa ko sakaniya rito. Nakakahiya naman.
Narinig ko siyang nagpilit ng tawa kaya napatingin ako sakaniya, "Anong nakakatawa?"
Hinalikan niya ako ng mabilis bago ngumiti, "You're uneasy aren't you?" Tanong niya. Mas gusto ko tuloy itago ang mukha ko.
"Hindi ah. Concerned lang ako sa exam mo." Pagdadahilan ko. Umupo naman ako ng maayos para magkaharap kami.
"Then, I'll go home." Tatayo na sana siya ng pigilan ko siya. "What?"
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ayoko siyang pauwiin eh.
"Kasi..."
Napatingin ako sakaniya, at nakita kong iba na ang ekspresyon niya. "Stop me if its too much," mahinang sabi niya bago ako sinunggaban ng halik.
Napaungol ako sa pagkabigla. Tinugon ko rin iyon. Nqpahiga ang sa sofa habang nakapatong siya saakin. Hawak ng isa niyang kamay ang binti ko. Hinalikan rin niya ang leeg ko kaya napapikit ako habang pinaglalaruan ng buhok niya. "Hmm~"
Wala akong balak pahintuin siya kaso biglang tumunog ang phone niya. Ginulo pa niya ang buhok niya bago sinagot 'yong phone. "What?!" Bakas ang frustration sa boses niya.
"Fine. I'll go home." Tanging sabi lang niya. Humarap siya ulit saakin at binigyan ako ng apologetic look "Sorry may emergency." Sabi niya.
"Ano raw nangyari?"
"Uh, don't worry about it." Hinalikan lang ako nito sa noo at umalis na. Hinatid ko pa siya sa kotse niya bago bumalik sa kwarto ko.
Bigla ko namang naalala 'yong ginawa namin. Feeling ko lalagnatin ako eh.
Naging busy na si Aldwin sa mga sumunod na araw. Naiintindihan ko naman since malapit na exam niya. Minsan, dinadalhan ko siya ng pagkain sa condo niya para makabond siya kahit puro libro kaharap niya.
"Kakain ka o kakainin kita?" Banta ko pa sakaniya. Minsan kasi ay kinakaligtaan na niyang kumain.
Nang araw ng exam niya, binigyan ko siya ng maraming goodluck kiss.
"Jarelle, I have exam." Paalala niya saakin.
"I know. Kaya ito pang isang kiss," Then binigyan ko siya ng peck sa lips ulit pero bigla niyang nilapit ang katawan ko sakaniya. Lumayo naman ako kaagad.
"Should I just skip the exam?" Tanong nito saakin habang mapurok ang tingin sa mga mata ko. Hinampas ko tuloy ang braso niya.
"Sige na nga, 'di na kita ikikiss. Goodluck!" Sabi ko nalang rito.
After ng exam niya, tumuloy kami sa La Union. Mahaba-habang byahe nga lang pero nagsastop over kami.
"What do you wanna eat?"
"Gusto ko ikaw!" Pabiro kong sabi. Kinunutan ako nito ng noo. "Joke, chicken pala."
"Does that mean that I taste like chicken?" Tanong niya. Agad naman akong umiling.
"Hindi ah," Sabi ko kaagad, "You tastes like peppermint."
Dahil sa haba ng byahe, nag-ooffer rin ako na ako na magdrive. Salitan lang kami dalawa hanggang marating namin 'yung hotel room namin.
Inayos muna namin 'yong gamit at nagpahinga. Medyo nagkunwari pa akong nagulat nung nakita 'yong higaan namin.
"Hala, isang bed lang pala." Kunwaring reaksyon ko. But duh, nagtabi na kaya kaming matulog. Keri lang 'to noh.
"I can sleep on the floor or couch if you're uncomfortable." Sabi nito.
"No. Kasya naman tayo eh." Sabi ko kaagad.
Umupo naman ako sa kama at parang nagdadalawang isip siya kung do'n rin ba siya pupwesto. Bandang huli, nauna pa siyang humiga saakin. Inilagay niya lang 'yong braso niya sa mga mata niya. Sobrang pagod siguro siya.
Nagpahinga na nga kami habang nasa tabi ko si Aldwin. Pinagmamasdan ko lang siyang umidlip hanggang makatulog na rin ako.
"Hey, wake up." Naramdaman ko namang may yumuyugyog saakin kaya naalimpungatan ako. Bumungad naman saakin si Aldwin na nakawhite sando at beach shorts na.
"Anong oras na?" Tanong ko.
"2 PM. We should grab some late lunch." Tumango naman ako at dumiretso sa banyo.
First na outing namin 'to. Dapat memorable. Excited akong sinuot 'yong yellow na two piece ko. Nilagyan ko rin :'yon ng maong shorts at pinatungan ng see through na shirt.
Pagkalabas ko, pinasadahan ako ni Aldwin ng tingin. I know, ang hot ko tingnan so nagflip hair pa ako.
"You're wearing that?" Bigla niyang tanong kaya napatigil ako.
"Oo. Pangit ba?"
"No. Its just... Revealing." Wow conservative!
"Ha? Eh huhubarin ko pa nga 'to mamaya pag nagswimming." Sabi ko pa. E' di mas revealing sakaniya 'yong nakatwo piece?
"Are you serious?" Tanong pa niya.
"Bakit, gusto mo magpajama ako?" Tanong ko pa rito. Akala mo 'di nagpupuntang club eh. Conservative lang?
"No, I'm sorry. Ayoko lang na pagtinginan ka." Paliwanag niya.
Paglabas nga namin ng hotel, isang malaking scam 'yong sinabi ni Aldwin na pagtitinginan daw ako dahil siya 'yong pinagtitinginan ngayon What the heck diba? Ang lalagkit pa tumingin ng mga babae.
Dumating na kami sa kainan. Sinervan naman kami ng iba't ibang seafoods. Sobrang natatakam na ako.
Habang kumakain, nadidistract ako do'n sa mga tumitingin kay Aldwin. Hindi ba nila napapansing may jowa siya? Sarap lang tusukin ng mga mata.
"Babe, patikim ng pagkain mo." Sabi ko bigla.
"Huh? We're eating the same thing." Nagtatakang tugon niya saakin.
"Hindi kaya. May special ingredient 'yong sayo."
"Special ingredient?"
"Yung laway mo," Sabi ko rito pero kinunutan lang ako nito ng noo. Nadugyutan ata sa tanong ko.
"I get it, gusto mong magpasubo?" Tanong niya at itinaas ang kutsara. Tumango naman ako kaagad.
Sinigurado kong makikita ng mga babae na susubuan ako ng lalaking kanina pa nila pinagpapantasyahan.
Sinubo na nga niya 'yong pagkain niya, "Ang saraaap!"
Pagkatapos naming kumain, saktong hindi na mainit 'yong araw kaya naisipan naming magswimming.
Hinubad ko 'yong shorts ko at 'yong pantaas ko. "Do you relly have to put this out?" Tanong ni Aldwin. Ngumisi nalang ako.
"Bakit? Ang sexy ko noh?" Pang-aasar ko sakaniya pero umiling nalang siya at tumingin-tingin sa paligid.
Nagswimming na nga kami at pumunta ako sa medyo malalim para sundan niya ako, pero paglingon ko, hindi pala siya nakasunod saakin.
"Hi miss," sabi ng lalaki na nasa hindi kalayuan. Papalapit siya saakin kaya bigla akong nataranta.
"Mag-isa ka lang?" Tanong ulit nito.
"Hindi, kasama ko boyfriend ko." Sabi ko kaagad.
Ngumiti naman siya na parang nagsasabi ako ng joke, "Wala ka namang kasama eh,"
"Gusto mo samahan nalang kita?" Sabay tingin sa cleavage ko. Eww manyak!!
"Kasama ko po talaga-- Oh my god!" Nagulat ako ng biglang tumapon sa tubig 'yong lalaki dahil sa suntok ni Aldwin.
"Let's go." Sabi nito saakin at hinila ako para umahon.
"Why did you go there?!" Bakas ang galit sa boses niya.
"Akala ko kasi susundan mo ko,"
"You should have told me! Paano kung hindi kita nakita? E' di namanyak ka na? I told you not to wear that!" Teka ba't napunta sa suot ko?
"Hindi 'to tungkol sa suot ko Aldwin. Kung manyak ang lalaki, mangmamanyak talaga sila!" Inis na sabi ko sakaniya. Ba't ba siya nagjajudge sa pananamit?
"It is! You're attracting them, can't you see?"
"Eh bakit ikaw rin naman ah! Andami kayang tumitingin sa'yong babae, eh naka sando ka naman! Wala 'yon sa pananamit!" Depensa ko ulit rito.
"Its not my fault that they're looking at me." Sabi niya pero sobrang naiinis na ako. Ang toxic naman nung mentality niya!
"Pero ako, kasalanan kong nilalapitan ako ganun ba? Alam mo, nakakastress ka." Sabi ko rito at iniwan siya sa hotel room namin.
Bahala na siya do'n pero mainit ang ulo ko. Nakakainis, first vacation namin 'to eh. Tapos ako na nga 'yong minanyak, ako pa may kasalanan. Wow ha!
Buti nalang at may nahanap akong area na walang tao. Gabi narin kasi kaya wala nang nagsuswimming. Do'n lang ako nagpalipas ng oras. Naglaro lang ako ng candy crush dahil ayokong i-on 'yong data ko. Magpapalipas lang ako ng oras.
Nang mag alas diyes, naisipan 'kong pumunta sa beach party na meron dito. Kahit saan na ako makarating, basta ayoko munang makita si Aldwin.
"One margarita," sabi ko sa bartender.
"Hey," bati na naman ng isang lalaki. "You look familiar." Sabi niya saakin.
Napatingin naman ako sakaniya. Tama siya, familiar nga siya.
"Baka nakita na kita sa club?" Walang ganang sabi ko. Pero hindi ko pinahalatang hindi ako interesadong kausapin siya.
"I think no." Natatawang sabi niya. "Maybe on social media?"
"Huh?"
"Right! I remember. Ikaw 'yung nagtrending sa twitter about dating her prof."
"W-what?" May nakakaalala pa no'n? Akala ko humupa na 'yon ah.
"No worries, hindi ako judgemental." Sabi pa niya nang mapansin ang disagreement ko.
Kilaka kasi ang university ko kaya hindi na ako magtataka kung umabot pa 'yon sa mindanao. Pero 'yung maalala pa siya after weeks?
"Hindi na 'yon prof. Mag-iengineer na siya."
"Woah! That's great. By the way, kayo parin?"
"Oo. Medyo may away lang kami ngayon."
"Really? Bakit naman?"
"Ayaw niya akong ipasuot ng two piece!" Inis na sabi ko. Pag naaalala ko 'yong kanina, mas naiinis ako eh.
Natawa naman 'tong kausap ko. "Possessive huh?"
Nagkwentuhan lang kami habang umiinom. Hindi naman ako nagpakalasing at cocktails nalang ang mga sumunod kong ininom. Buti nalang at mabait itong lalaking 'to. Nalaman ko rin na dj pala siya dito sa beach pero hindi siya nakaassign ngayon. Nagkaro'n pa tuloy ako ng bagong kaibigan.
Nang mag alas tres na, naisipan ko nang bumalik ng hotel room. Naabutan ko naman si Aldwin na nagsicellphone.
Ba't kaya gising pa siya?
"Sa'n ka galing?" Tanong nito in a straight voice. Napataray nalang ako at hindi siya pinansin. Antok na kaya ako.
"I saw you earlier." Sabi pa niya habang naghahanap ako ng pamalit na damit. Alam naman pala niya kung saan ako galing, nagtatanong pa siya.
"You were with a guy," yung tono ng pananalita niya, parang may kasalanan pa ako ah.
Pumasok na ako sa bathroom para maligo. Paglabas ko, gising parin si Aldwin. Problema nito?
"Hey, galit ka pa ba?" Tanong niya.
Malamang!
Umupo ako sa kama. At bigla ko siyang naramdaman sa likod ko, "I'm sorry," tapos hinalikan niya 'yong balikat ko.
Ano ba 'yan! Galit pa ako eh.
"Babe," sabi niya in bedroom voice. s**t! Malandi pa naman ako. "Don't do this to me. Kanina pa kita hinahanap. I was worried."
"Then I saw you with a guy."
Masyado na akong nag-iinit sa mga haplos niya kaya hinarap ko na siya, "So ano, kasalanan konulit na may kausap akong lalaki?"
"No." Sabi niya agad.
"I wanted to say sorry. I won't judge what you wear, who you talk to and whatever you do. I'll just protect you." Sabi nito. Kita ko naman ang sincerity sa mga mata niya.
"Forgive me please?" Sabi pa niya at hinaplos ang mukha ko. Kainis naman, ba't ang lambing niya?
"Kainis, ba't ang hirap mong tiisin?" Sabi ko bago sinunggaban siya ng halik.