"What do you want to try next?"
Kinabukasan, inexplore namin 'yung sea water activities. Nagscuba diving kami, banana boat, jetski and Island hopping. Grabe sobrang nag enjoy ako.
Basang basa 'yong suot namin nang mapagpasiyahan naming kumain. Good thing, hindi na masyadong big deal kay Aldwin 'yung suot kong one piece na pinatungan ko ng see-through dress.
Napasulyap naman ulit ako sa topless niyang katawan for the nth time.
"Underwater s*x!" Sabi ko kaagad sakaniya kaya naibuga niya 'yong iniinom niya.
Humagalpak naman ako ng tawa. Ang epic ng itsura niya! Syempre joke lang 'yon.
"f**k!" Mura pa nito. Nililinis niya ngayon 'yong katawan niya na nabasa ng tubig. "Don't joke like that." Sabi pa niya.
Napailing nalang ako. Narealize ko rin na ang conservative pala talaga ni Aldwin, pero dumadayo ng club? Lol.
Naalala ko kasi kagabi, muntik nang may mangyari eh. Kaso alam niya kung paano ikocontrol sarili niya. Hindi ko tuloy alam kung natutuwa ako o hindi.
Pagkatapos naming kumain, naglibot-libot kami. Syempre, holding hands para feel.
Pinanood namin 'yong sunset habang pinaglalaruan ang buhangin. "Babe, gusto mo magpicture?" Tanong ko rito.
Pumayag naman siya kaagad kaya nagselfie lang kami hanggang lumubog ang araw. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang namimili ng magandang picture na ipopost.
"Ang cute mo dito, mukha kang bata." Pangangasar ko sakaniya habang tinuturo 'yong picture na nakadukmo siya.
"Delete it." Sabi niya kaagad kaya inilayo ko 'yong phone sakaniya. "Wag!"
Hinayaan naman niya ako kaya pinagpatuloy ko ang pagtingin ng litrato.
Speaking of bata, "Kung ikaw magkakaanak, ilan ang gusto mo?" Tanong ko sakaniya. Sinilip ko siya at nakita kong nakatangin lang siya sa malayo.
"How about you, how many do you want?" Balik niyang tanong saakin. Napaisip naman ako.
"Siguro tatlo. Panganay dapat lalaki, tapos pwedeng kambal 'yong huli." Sabi ko rito.
"Then I want three too." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Umayos ako ng upo at humarap sakaniya. Seryoso ko rin siyang tinitigan, "Tingin mo tatagal tayo?"
Alam kong risky 'yong tanong ko. Pero sana siya na nga. Pakiramdam ko, hindi ko na kakayanin kung mawawala siya.
Bigla naman niya akong hinalikan ng mabilis. "Do you want me to marry you right now?" Sabi niya pero umiling ako kaagad.
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin."
"Then what?"
"Sigurado ka na ba saakin? Gusto mo ba talaga ako? Hindi ba fling lang ang tingin mo saakin or something?" Marami akong gustong itanong sakaniya dahil hindi pa ako nasasapatan sa mga assurance na binibigay niya.
"I love you."
Natahimik naman ako. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa narinig ko. Tapos parang lahat ng pangamba ko nawala. Tatlong salita... 'yon lang pala ang kailangan ko.
"Hey, baka nilalamig ka na. We should head inside." Sabi nito disregarding my silence. Inakbayan niya ako papasok sa unit namin.
"Why are you so quiet?" Tanong niya. Kumuha naman ako ng tubig sa ref. Paglingon ko, nakasandal lang siya sa dingdig habang nakahalukipkip ang braso't nakaharap saakin.
"Did I say something wrong?" Tanong niya.
Umiling naman ako bago uminom. "May nakalimutan lang akong sabihin." Sabi ko.
"What is it?"
"I love you too."
Ngayon ko lang narealize na nauna pa kaming maging official bago mag-I love you sa isa't isa.
Lumapit naman siya saakin at bigla akong niyakap. "Now you're trapped. I won't let you go, ever."
Next day, bumili lang kami ng mga souveniers para sa mga kaibigan namin. Napansin ko namang namimili siya ng accessories ng pambabae kaya hindi ko napigilan ang sarili kong makialam.
"Para kanino?" Pagtukoy ko sa kwentas na hawak niya.
"My sister." Sabi niya. Bigla ko namang naalala na may kapatid siya. Never ko pa kasi namimeet 'yon eh.
"Kelan ko siya pwedeng makilala?" Tanong ko ulit kaya napatigil siya sa ginagawa niya at itinuon saakin ang atensyon. "Soon."
Nagtaka naman ako. "Soon? Eh 'yong family mo, kelan ko makikilala?" Tanong ko ulit.
Naisip ko kasi na hindi ko pa pala kilala ang family niya. Samantalang siya, nakausap na ni daddy.
"You don't have to meet them." Sabi niya na ikinagulat ko.
Bakit ko naman sila hindi imimeet? Wala ba siyang balak ilegal ako?
"Bakit? Pamilya mo 'yon eh." Casual na sabi ko. Ayokong iparinig sakaniya na disappointed ako sa narinig ko.
Ibinalik niya ang tingin sa kwentas, "I don't wanna be related to them anymore." Sabi niya at naglakad na paountang cashier. Sumunod naman ako.
"Bakit?" Tanong ko ulit.
"I just don't want to. It's a long story." Medyo naiinis niyang sabi.
"Okay. Curious lang naman ako eh." Sabi ko pa. Naunan na akong lumabas ng shop at dumiretso sa kotse niya. Lumabas na rin siya agad at pinaandar ang makina no'n.
Tahimik ang byahe. Ang awkward tuloy ulit. Kababati lang namin eh.
Nagpatugtog ako ng music, pero 'yong pakiramdam na magkaaway kami ay binabagabag ako.
"Are you mad?" Nagsalita na siya. Lumingon siya saak8n kahit nagdadrive siya.
"Hindi. Disappointed lang ako." Pag-amin ko rito. "Bakit kasi hindi ko pwedeng mameet ang family mo?"
Napatingin ako sakaniya na ngayon ay diretso lang sa daan ang tingin. Parang may malalim na iniisip. Hindi ko nalang siya ginulo.
"Remember when I told you about my parents?" Biglang tanong niya. Naalala ko naman agad 'yong kwento niyang hindi nagmamahalan ang parents niya at walang pakialam ang tatay niya sa pagkamatay ng nanay niya.
"Oo, bakit?"
"I'm not in good term with my dad. He hated everything I do. He wanted me to take Legal Management and proceed sa Law but I took engineering. He wanted me to start working in his company but I choses to teach. Napagdesisyunan ko na, I will not include him with my life anymore."
Napatitig naman ako sakaniya dahil sa sinabi niya.
"Eh 'yong kapatid mo, balak mo ba akong ipakilala sakaniya?"
"She already knew. Actually, Chris told her and the other cousins. Madaldal kasi 'yon." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Alam na alam ko na madaldal si Chris. Ang lalaking 'yon talaga!
"But she always travel around so I don't know when to introduce you personally to her."
"Naiintindihan ko." Sabi ko rito.
Natahimik naman ako habang hinihintay ang pagbalik namin sa Manila. Nang mapansin kong napagod na siya, ako na 'yong nagdrive.
Hinatid niya ako sa bahay namin at kinawayan ko naman siya habang pinapanood ang pag-alis niya.
Umakyat ako sa kwarto at inayos ang mga gamit ko. Naghanap rin ako ng picture na pwedeng ipost sa social media ko.
Nang makahanap ako ng pinakacute naming picture nung nagsunset, pinost ko kaagad with caption na 'Just like how the sun fall, I will fall for you everyday."
Pagkatapos ay nagquick shower ako para makatulog na.
Pag-open ko ng phone ko, nagflood agad ang notification ko. Matutuwa sana ako kaso puro hate comments ang nando'n. Bakit andaming trolls bigla?
Hinayaan ko nalang sila, since wala naman akong pakialam sa iniisip ng iba. Oo nakakahurt, pero pag pinakita kong apektado ako, para ko narin sinabing panalo sila.
Saka na ako magpapakawarfreak ulit kapag sobra na.
Napagdesisyunan kong tumambay muna kina Karylle kinabukasan. Nagulat pa nga ako kasi nag-iba siya ng addrees. Baka gano'n lang talaga siya kayaman at bumili na naman sila ng bagong bahay. Nagpaalam naman ako kaya hindi na siya nagulat ng makita ako.
"Wow, ang ganda ng bahay niyo ah!" Papuri ko rito pero hindi magandang ekspresyon ang isinukli niya.
"I like the older one though."
Naglibot naman ako sa bagong bahay nila. Sa tingin ko, mas maganda at malaki ito kesa sa una nilang bahay. Marami lang sigurong memories do'n si Karylle kaya mas gusto niya do'n.
"Dapat gabi ka na dumating so we could party!" Sabi niya saakin nang makaupo kami sa living room.
Hinatiran naman kamk ng biscuits at juice ng kasambahay nila. Nagthank you naman ako.
"Pwede naman. Wala akong date buong araw." Sabi ko sakaniya kaya kumislap ang mata niya.
"Gosh! You should invite some of your friends, para dumami naman tayo!" Sabi nito saakin. Naisip ko naman agad si Luke. Papayag kaya 'yon?
"Sure!"
Nagkwentuhan muna kami ni Karylle sa living room ng bahay nila at ibinigay ko rin sakaniya 'yong pasalubong ko from La Union.
Habang nagkukwentuhan kami ay may lalaking bumaba ng hagdan para pumunta ng kusina. Napakunot naman ang noo ko, para kasing familiar siya at bukod pa do'n, wala namang lalaking nababanggit si Karylle saakin.
So sa'n ko nga ba siya nakita?
"May iba na palang nakatira rito sainyo? Sino 'yong lalaki?" Tanong ko kaagad kay Karylle
"Uh, Kapatid ko."
"May kapatid ka?!"
"Obviously, anyway let's check my room!" Pag-iiba niya ng topic kaya umakyat kami agad sa kwarto niya. Napamangha naman ako sa pastel theme niyang kwarto. Ang girly talaga ni Karylle!
Sabi ni Karylle, manghiram nalang daw ako sakaniya ng damit pangbar namin mamaya. Kaya heto kami ngayon at namimili ng susuotin mula sa walk-in-closet niya.
Sinuot ko 'yong pencil skirt at bralette na binigay niya saakin. Habang siya naman ay red dress na kita yung side boobs niya at likod. Ready na kami para mamaya at nakontact ko narin si Luke na sumama. Sabi ko rin na magdala siya ng mga friends niya. Si Karylle naman ay kinontact sila Xander and Xavier, lagi naman 'yong g sa inuman.
Pagkarating sa club, ando'n na si Luke kaya pinakilala ko kaagad sakaniya si Karylle.
"Anyari sayo?" Tanong ko rito.
"Tingin ko babalik ulit ako ng New York." Sabi niya at nagpakawala ng malungkot na tawa.
"Huh? Bakit naman?"
"Nagcheat eh. Nakita ko, nasa kotse sila. Umaalog pa nga eh." Tinungga niya 'yong whiskey shot niya. Napailing naman ako.
Alam kong girlfriend niya 'yong tinutukoy niya. Pero nagcheat? Bakit naman kaya?
"Alam mo, iinom mo nalang 'yan. Itong si Karylle, magaling 'tong mang-entertain." Sabi ko at iniharap sakaniya si Karylle.
Hinayaan ko naman sila do'n at nag-enjoy ng sarili ko.
Nakita ko rin sila Xander at Xavier na may dalang mga babae.
Bigla namang tumawag si Aldwin kaya lumabas ako ng wala sa oras. ["Where are you?"]
"Club, punta kaa!" Sabi ko sa kabilang linya.
["What?! Wait there, don't be drunk! Just get away from alcohol"] Sabi nito at binaba ang tawag.
Anong gagawin ko sa club kung 'di ako iinom? Sinasabi ba niyang lumandi nalang ako gano'n?
Pagpasok ko sa club, bumungad saakin 'yong kaibigan ni Luke. Nagpakilala naman siya agad at inentertain ko naman agad. Ako nag-invite sakanila eh.
Nagkwentuhan lang kami tungkol kay Luke pati do'n narin sa girlfriend niya. Masaya siyang kausap at hindi bastos. Malalaman mo naman kasi agad kung sino yung mga gumigimik lang para lumandi eh.
Nagtatawanan kami nung kaibigan ni Luke nang biglang may humigit sa braso ko. Napatayo ako ng wala sa oras at paglingon ko, si Aldwin lang pala!
"I told you not to be drunk!" Galit na sabi niya saakin.
"Hindi ako lasing." Sabi ko rito. Kasi hindi naman talaga. OA niya, nakita niya lang na may hawak akong black label!
"Easy bro." Sabi naman nung kausap ko kaya nabaling sakaniya ang atensyon ni Aldwin, at hindi magandang tingin ang binato sakaniya.
"Who are you?" Nakakatakot na tanong ni Aldwin.
"Woah, I'm just talking to her, don't worry bro." Sabi nito at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko siya. Umalis 'din kaagad siya do'n kaya naiwan kami ni Aldwin.
Hinatak niya ako papuntang kotse. "Hindi pa ako nagpapaalam sa mga friends ko." Sabi ko sakaniya pero hindi niya 'yon pinakinggan at nagdrive na paountang condo niya.
Bakit ba dito na naman niya ako dinala? Hindi naman ako lasing ah.
Nauna na siyang bumaba kaya sumunod nalang ako hanggang makarating kaMi sa unit niya.
"Anong problema?" Tanong ko habang nagtatanggal ng sapatos. Siya naman ay dire-diretsong ibinagsak ang sarili sa sofa na parang frustrated sa buhay niya.
"Hindi ko talaga lalaki 'yon promise. Galit ka ba?" Nilapitan ko na ito. Hindi rin naman kasi ako nagpaalam na magkaclub kami, kaya may kasalanan rin ako.
"It's not about that guy, it's not about you. I'm just..." Napasabunot siya sa buhok niya. "f*****g tired of my life!" Sabi niya.
Nagulat naman ako, he looks so devastated. Parang mas kailangan pa niya ng alak kesa saakin.
"Why do they try to control me? It's my life." Mahinang sabi niya pero damang-dama 'yong sakit.
Niyakap ko naman siya agad. Ngayon ko lang nakita ang ganito niyang state. Napakaweak niyang tingnan. Kanina naman habang nagdadrive siya, mukha siyang manununtok anytime.
"What's wrong?" Pang-eenglish ko.
"I wish I had another dad, I wish I had another life. I hate being Aldwin Montero! I f*****g hate it!" Mas lalo ko namang siyang siniil ng yakap. Dama ko 'yong sakit niya sa pananalita niya.
"Nandito lang ako. Pwede mo sabihin saakin ang problema mo." Sabi ko habang pinapat ang likod niya.
Naramdaman ko naman ang yakap niya pabalik, "I don't wanna associate you with my problem." Sabi nito.
"Girlfriend mo naman ako."
Bumitaw siya sa yakap at hinawakan ang dalawang balikat ko, "I know. And I promise that whatever happens, I'll protect and fight for you."
"Ano bang nangyari?" Tanong ko ulit sakaniya disgmregarding 'yong sinabi niya.
"My dad wants to control me. That's it. I don't want to worry you anymore." Sabi pa niya.
Nagtaka naman ako do'n. Bakit ba ang hilig siyang controlin ng tatay niya? Sino ba talaga ang tatay niya? Gusto kong magtanong kaso baka mainis lang siya saakin. Ayoko namang maging annoying girlfriend.
Kinomfort ko nalang siya at nagsorry din dahil dumagdag pa ako sa iniisip niya. Do'n na rin ako sa condo niya nagpalipas ng gabi at hinatid niya nalang ako kinaumagahan.
Nagpapractice akong magbake nang tumawag saakin si Aldwin. Inipit ko naman 'yong phone sa tenga at balikat ko habang pinupunasan 'yong pawis ko. "Yes babe?"
["Results are out. Can you look for it? Natatakot akong tingnan eh."] Sabi niya pagtukoy do'n sa exam niya. Napangiti naman ako at finlat pa 'young dough na ginawa ko.
"Sure. Punta ako d'yan mamaya, sabay nating titingnan." Sabi ko rito. Naghugas muna ako ng kamay para makausap siya ng maayos.
["I'm scared."] Sabi lang nito. Medyo natawa naman ako.
"C'mon! Ang talino mo kaya, tiwala lang, pasado ka."
["I hope so."]
Tinuloy ko na ang paggawa ng cookies nang matapos ang tawag.
Ang totoo kasi niyan, alam ko na 'yong result. Pagkalabas palang tiningan ko na. And gusto ko siyang isurprise.
First time kong magbake ng cookies, at masasabi ko namang madali lang siya. Sinunod ko lang 'yong instructions at nilagay sa oven.
Nagbihis na ako at dumiretso sa condo niya.
Pagbukas niya ng pinto, pinaputok ko naman 'yong party popper ko, "Congratulations!" Bati ko rito. Medyo nagulat pa siya pero nung marealize niya kung ano 'yong tinutukoy ko, dali-dali niyang tiningnan 'yong laptop niya at nang maconfirm niyang pasado siya, niyakap naman niya ako agad.
"I did it!" Masayang sabi niya. Natuwa naman ako para sakaniya. Hindi na niya kailangan pang magturo.
"At dahil magaling ka, nagbake ako ng cookies!" Sabi ko at inilabas ang box ng cookies ko.
Napatingin siya do'n at ibinalik saakin ang tingin, "I didn't know you can bake." Sabi niya sabay binuksan 'yong box.
Pinanuod ko naman siyang kumuha ng isang piraso, "First time ko yan, actually." Pag-amin ko.
"Then, is this burnt?"
"No! Chocolate cookie yan kaya ganiyan ang kulay!" Sabi ko kaagad.
"Okay relax. I was just teasing you." Natatawang sabi nito. Tinikman naman niya yung cookie kaya pinanood ko talaga 'yong pagnguya niya. "Masarap?"
Hindi siya nagsalita kaya napilitan akong tikman 'yong ginawa ko pero bigla ko ring naisuka agad.
"Sunog nga." Wala sa sariling sabi ko.
"Its fine, I can still eat it." Sabi naman ni Aldwin kaya inilayo ko kaagad sakaniya 'yong niluto ko. "Hindi pwede! Pag nagkasakit ka, ako pa sisihin mo." Sabi ko rito.
Sayang lang 'yong preparation ko.
"So what should we eat? I haven't prepared anything yet. What do you want?" Tanong nito at ready na pumunta sa kusina.
Pilyong ngiti naman ang isinukli ko sakaniya, "Ako nalang kainin mo."
Gumuhit naman ang gulat sa mata niya pero nawala din 'yon agad at dumiretso pa rin siya ng kusina. Sumunod naman ako.
"Magluluto ka?" Tanong ko kahit obvious naman.
"Yeah, I hope steak is okay with you." Sabi nito.
"Ba't pa magsisteak, pwede namang ako nalang." Bulong ko sa sarili ko bago pumunta ng living room.
Inaliw ko ang sarili ko habang hinihintay maluto 'yong pagkain. Bigla namang nagbeep 'yong phone ni Aldwin kaya naisip kong tingnan ito.
Never ko pa kasi nahawakan ang phone niya or any gadgets. Nirerespeto ko kasi dati na professor ko siya at magiging unfair kung nay access ako sakaniya. Pero ngayon, pwede na siguro.
Bumungad saakin ang unfamiliar name.
Avianna: Congratulation for passing love! Let's celebrate?
Para naman akong nanlamig sa nabasa ko. What the heck? Sino 'to?
Tinry kong iopen 'yong phone pero may password! Bakit may love? Ano 'to?
Niloloko ba ako ni Aldwin?
"Babe, food's ready. Let's eat." Sabi niya. Nagpanggap naman akong walang nabasa at pumunta na ng dinning room.
Tinulungan niya akong kumuha ng servings at inilagay 'yon sa plate ko. Susubo na sana ako nang makita siyang nakatingin saakin.
"Hindi ka kakain?"
"I wanna watch you first." Napatango naman ako sa sinabi niya at sinubo na 'yong pagkain.
"Masarap?" Tanong niya.
Tumango naman ako at inubos na ang pagkain ko. Ayokong magsalita, baka matanong ko siya agad. Baka naman wrong sent lang 'yon o isa sa mga babaeng habol ng habol sakaniya.
Pero sino bang niloloko ko?
Ako na naghugas ng pinggan. Hindi pa rin ako mapakali sa idea na baka nga may iba siyang babae. Hindi ko maisip, hindi ko kayang isipin.
Paglabas ko ng kusina, nakita ko siyang kinakalikot ang phone niya. Agad naman akong umupo sa tabi niya kaya inoff niya 'yung phone niya at niyakap ako.
Doon pa niya inilagay sa medyo malayo saakin yung phone.
"May kachat ka?" Tanong ko rito.
Hinalikan muna niya ako sa noo, "Yeah, my friends."
"Ilan bang friends meron ka? Ipapakilala mo ba ako sakanila?" Tanong ko pa ulit. Napaisip naman siya.
Bakit kailangan pang isipin 'yon?
"I think you've already meet them."
Napakunot naman ako ng noo, "Saan?"
"At club?"
Tinanggal ko 'yong ulo ko sa pagkahiga sakaniya at pinagkrus ang mga braso ko. "Lasing ako no'n." Medyo nahalata ang pagkairita sa boses ko.
"Then I'll introduce you again to them. Don't be childish." Teka, childish? Childish na ako ngayon?
Napaiwas naman ako sakaniya ng tingin. So 'yon pala tingin niya saakin. Isip-bata? Bakit? Dahil mabilis akong magalit, magtampo at mainis?
Tingin ko lang naman, hindi pa siya sobrang honest saakin eh.
Hindi na ako nagsalita at mukhang nakaramdam naman siya sa katahimikan ko. Balak ko na rin sanag umuwi nang bigla niya akong hinalikan sa pisnge at niyakap.
"I'm sorry, I didn't mean that." Narealize na siguro niyang hindi ko nagustuhan 'yong pagtawag niya saakin ng childish.
Kumalas ako sa yakap niya at muli siyang hinarap, "Naalala ko, may gagawin pa pala ako." Sabi ko rito.
For sure naman kasi may date pa siya! Tsaka hindi ko masikmurang pakisamahan siya ngayon. Lalo pa't 'di ko na sigurado kung ma6 iba ba siyang babae o wala.
"That fast? Are you sure?"
"Oo." Tumayo ako at kinuha 'yong mga gamit ko. Napasulyap pa ako sa phone niyang tumunog na naman ulit.
Napansin niya atang nakatingin ako do'n kaya kinuha niya 'yon at sinabing, "It is Lloyd." Bago nireplayan.
Hindi ko na siya pinansin at dumiretso sa labas ng condo niya. Naramdaman ko namang nakasunod siya saakin kaya hibarap ko siya for the last time.
"Dala ko kotse ko," sabi ko kaagad. Napansin ko kasing dala niya ang susi niya at balak yata niya akong ihatid.
"Okay, take care." Sabi nito at hahalikan sana ako sa labi nang iiwas ko ang mukha ko kaya napunta iyon sa pisnge.
Pinanood ko siyang lumakad paalis bago tumulo ang luha ko.
Ang sakit.