MMAC 13

2670 Words
"Girl, sagutin mo na nga 'yan!" Iritang sabi ni Karylle nang magring ang phone ko for the 27th time. Lahat 'yun galing kay Aldwin at wala akong balak sagutin kahit isa do'n. "Ayoko." Sabi ko bago inairplane mode ang cellphone ko at tinago 'yun sa bag ko. Kailangan ko munang kumbinsihin ang sarili ko na hindi niya 'yun babae. Na okay lang kahit parang tinatago niya 'yung phone niya. "Is there a problem again?" Tanong ni Karylle saakin. Kasalukuyan kaming nakatambay ni Karylle sa favoritr naming coffee shop. Ayokong magpuyat dahil puyat na nga ako kakaisip kay Aldwin, kaya fruit shake nalang inorder ko. "Pakiramdam ko lang, nagchicheat saakin 'yung boyfriend ko." Sabi ko kay Karylle. Nagulat naman siya at napa-woah. Hindi ko naman totally masasabi na nagcheat siya since wala akong sapat na pruweba. Speculation ko lang 'yun at guts. Nag-iisip naman ako ng pwedeng palusot do'n. Kaso wala eh. Hindi naman pwedeng wrong send dahil nakasave ang pangalan nung babae sa phone ni Aldwin. Pangalawa, alam nun na pumasa si Aldwin sa exam. Isa pa sa iniisip ko ay kung bakit love ang tawagan nila. Ano 'yun? Bagong friend call? Wala rin naman siyang nababanggit na Avianna na kaibigang babae. Zyanna lang naalala ko. Bwisit, puro may anna! "Hey! Baka mabuhos 'yung drink mo." Sabi nito kaya niluwagan ko naman ang hawak sa cup ko. Disposable nga lang pala 'to. "Manloloko ba talaga lahat ng lalaki?" Tanong ko kay Karylle. Alam ko kasing mas marami siyang experience saakin pagdating sa mga lalaki. Napaisip naman siya saglit at ngumiti ng malungkot, "As much as I don't want to hurt you, but all boys are cheater, based on my experience of course. Pinanganak silang polygamous by nature. And there's even researches about that!" Napaisip naman ako sa sinabi ni Karylle. Baka nga may babae si sir. Nakauwi na ako sa bahay ng i-on ko 'yung phone ko. Mas dumami 'yung missed call ni Aldwin. Chineck ko rin 'yung social media ko ang finlood niya ako ng message do'n. Puro pangalan niya nakikita ko! Nireplyan ko muna siya sa messenger, buti nalang at hindi siya online. Jarelle AU: Do'n ka muna sa babae mo. Then binlock ko siya. Bumati naman saakin 'yung isang kasambahay kaya napatingin ako sakaniya. Ang unusual lang. "Bakit po?" Tanong ko rito habang nakatingala sakaniya dahil nakatayo siya. "May dumalaw po kaninang lalaki ma'am, hinahanap ka. Naghintay siya ng limang oras bago umuwi. Pinapasabi niyang babalik raw po siya bukas," sabi nito. Tinanguan ko lang ito at umalis na siya. As expected, mangungulit talaga siya. Kinontact ko kaagad 'yung security sa village namin para ipabanned 'yung plate number ni Aldwin. Buti nalang, madali silang kausap. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Siguro hindi ako magiging ganito ka-childish kung hindi ko napagdaanan 'yung saamin ng ex kong teacher rin. High school palang ako nun kaya hindi ko pa alam kung ano 'yung pag-ibig. Kumbaga, sumusubok palang ako nun. Pero binigay ko sakaniya ang lahat maliban sa p********e ko, kaya nahuli ko siyang may ka-make-out na ibang babae. Mula nun, nagising ako sa katotohanan na hindi lahat ng mababait, hindi pinagpapalit. Nagsimula na akong magclubbing nun at makipag make-out sa ibang lalaki. Pero si Aldwin? May iba sakaniya na hindi ko maintindihan. Nag-iiba 'yung takbo ng sistema ko kapag siya 'yung kasama ko. Hindi ko maipapaliwanag sa salita, pero iba talaga siya. Kung malandi ako, mas nagiging malandi pa ako pag andiyan siya. At ngayon? Iniisip ko kung nagkulang ba ako sa kaniya ng mga tanong. Bakit parang hindi ko parin siya lubusang kilala. Kinontact ulit ako ni Karylle kinabukasan para lang sabihing kinukulit daw siya ni Aldwin at mag-ayos na raw kami. Hindi rin daw totoong may babae siya. Pero sino ba namang manloloko ang aamin? Kinontak rin ako ni Xander na pagsabihan si Aldwin na 'wag siyang guluhin. Nang makalipas ang ilang araw, hindi na rin ako ginulo ni Aldwin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Pero hinayaan ko nalang. Bahala siya sa buhay niya. "Naka-enroll ka na?" Malapit na palang magpasukan pero heto parin ako at walang ganang asikasuhin 'yong mga enrollment papers ko. Buti nalang ay kinontact ako ni Ysabelle para daw magbonding kami ulit since malapit na ang pasukan. Pumayag naman ako agad dahil bored na bored na rin ako sa bahay. Ayoko munang makipag kita kay Aldwin, kasi nasasaktan lang ako tuwing naiisip kong marami siyang tinatago saakin. Hindi ko rin maiwasan 'yung mga nang-aaway saakin online, everytime na gagamit ako ng social media. Buti nalang at medyo hunuhupa na 'yung issue. "Hindi pa." Sagot ko kay Ysabelle. Napatango naman si Ysabelle sa sagot ko. Maya't maya rin ay dunating si Chris na may dala-dalang tray ng mga pagkain namin. "Ito na mga order niyo senyorita." Sarcastic na sabi niya dahil siya 'yung pinag-order namin. "Sabay-sabay nalang tayo, para same sched." Suhestyon ni Ysa. Tumango naman ako. "Kailan tayo mag-eenroll?" "Bukas na, para makapagreserve tayo." Pumayag naman ako agad. Kailangan ko rin ng mapapagkaabalahan nitong mga nakaraang araw. Gusto ko kasing kalimutan lahat ng mga masasamang naiisip ko, sa huli kasi, tayo rin ang sisira sa sarili natin. Pero alam kung hindi sapat ang pag-enroll lang. Ito ang dahilan kung bakit nakakamiss mag-aral eh. "Kumusta kayo ni sir?" Pag-iiba ni Ysabelle ng topic. Bigla namang nag-iba ang mood ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin sigurado kung may babae siya o wala. Tinry ko siyang i-stalk pati nga kaibigan niya, pero ang linis ng social media nila. Ni hindi ko nga mahanap 'yung social media ng Avianna na 'yun, e. "Paano niyo malalaman na niloloko lang pala kayo?" Seryosong tanong ko kaya napatigil sila sa pagkain. Halata namang nagulat sila. "What do you mean? Si sir, niloloko ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ysa. Napakagat naman ako ng labi para pigilan ang pangamba ko. Umiling ako, "Hindi pa ko sigurado." "Hindi ka no'n lolokohin." Biglang sabi ni Chris kaya napatingin kami ni Ysa sakaniya. Mukha pa siyang kampante sa sinasabi niya. Alam kong pinsan niya si sir, pero kilalang kilala ba niya ito? Kahit ang sagot sa tanong na 'yun ay hindi ko alam. Ni hindi ko nga marate 'yung relationship level nila. "Pa'no mo naman nasabi?" Tanong ko kay Chris. "Alam ko lang. Ikaw, paano mo naman naisip na niloloko ka lang?" Seryosong nakatingin saakin si Chris na parang alam niya lahat. Pakiramdam ko tuloy, may hindi rin siya sinasabi saakin. "Nabasa ko chat ng babae niya. Love pa nga tawagan, tapos inaaya siya magdate." Pagkukwento ko sakanila. Naiisip ko palang, naiirita na ako. Nung gabing nalaman ko 'yon, hindi ako makatulog. Napapraning ako. Tapos lahat pa ng insecurities ko biglang lumilitaw. "Anong pangalan nung love niya?" Tanong ni Chris nakataas pa kilay nito. "Avianna daw." Sabi ko rito bago uminom ng tubig. Nagulat naman ako ng humagalpak sa tawa si Chris kaya napatingin ako agad sakaniya, "Anong nakakatawa?" "Alam mo bang kapatid niya 'yun?" Hindi makapaniwalang sabi niya saakin. Hindi naman ako nakareact agad sa sinabi niya. Ang tanga ko! Sabi na eh, hindi dapat ako nag-isip ng kung ano-ano! Nakakahiya! Iniiwasan ko pa man din si Aldwin nitong mga nakaraang araw. Bakit ba kasi hindi ko tinanong ang pangalan ng kapatid niya? At bakit hindi rin niya saakin sinabi ang pangalan ng kapatid niya? What the fuuuck! "Hoy ayos ka lang ba? Pati kapatid pinagseselosan," hindi makamove-on na sabi ni Chris. Si Ysa naman ay nakikitawa nalang rin sa katangahan ko. Itinuon ko nalang ang pansin sa kinakain ko habang ang dalawa ay patuloy parin sa pangangasar saakin. Ano nang gagawin ko? For sure, nagtataka na rin si Aldwin kung bakit ko siya iniiwasan. "Eh bakit naman kasi may love, pwede namang bro o kuya!" Depensa ko ulit sakanila kaya natigil sila sa pagtawa nila. "Ganun talaga silang magkapatid," biglang natawa ulit si Chris. Asar! Bakit kasi hindi ako nagkaroon ng kapatid? Hindi ko tuloy alam 'yung feeling na meron. Pero ang OA rin kasi nina Aldwin! May pa-love love pa silang nalalaman. Iniisip siguro nila Chris ngayon kung gaano ako katanga! Si Aldwin rin, nagtataka na siguro 'yun kung may kasalanan ba siya saakin o wala. Pagkatapos namin kumain, dumiretso agad ako sa condo ni Aldwin. Kailangan kong bumawi para sa magdadalawang linggong pag-iignore ko sakaniya. Nagdala rin ako ng peace offerings like fruits and cakes. Masyado na kasi akong guilty, dapat celebration day niya 'yun pero nagalit ako sakaniya. Hindi ko pa pinapansin 'yung mga messages niya hanggang sa tumigil 'yun nung binlock ko siya. Partida, sinabihan ko pa 'yung guard ng village namin na ibanned siya sa pagpasok rito. I feel so sorry. Ngayon, hindi na niya ako magulo. At lahat 'yun ay kasalanan ko. Siguro nga tama siya, ang childish ko. Nagpractice ako ng mga sasabihin habang papunta ako sa unit ni Aldwin. Sana lang mapatawad niya ako. Hindi ko rin mapigilan ang excitement na mayakap siyang ulit at mahalikan. Sobrang namimiss ko na pat8 ang amoy niya. Kung hindi ba naman kasi ako tatanga tanga, edi sana tambay pa r8n ako ng condo niya at nagcucuddle kami araw-araw. Nagdoorbell ako pero hindi ito agad binuksan. Naghintay ako ng mga 1 minute bago may bukas rito. Bumungad saakin ang isang magandang babae na nakabath robe. Bigla ko namang naisip na baka siya na nga si Avianna. Sinuri pa ako nito at tiningnan 'yung mga dala ko, "We didn't order for that kind of food." Sabi niya sabay turo sa mga dala-dala ko. Ang weird kasi iba boses niya sa phone. "Actually, dinala ko talaga 'to para sa kapatid mo. Gusto mo rin ba?" Genuine na tanong ko sakaniya. Dapat makuha ko rin ang good side ng kapatid niya noh! Kumunot naman ang noo nung babae. "Excuse me but---" "Natasha, did our order arrived?" Napalingon naman ako sa kakalabas lang sa kwarto. Si sir Aldwin rin na nakabath robe. Nagpabalik-balik sakanilang dalawa ang tingin ko. Avianna Natasha or Natasha Avianna ba ang pangalan ng kapatid niya? Pero bakit parang hindi sila magkapatid? O napapraning lang ulit ako? Nakita ako ni Aldwin at para siyang naestatwa sa kinatatayuan niya, "J-jarelle." Tangina, ba't siya nagsastutter? Wala naman siyang kasalanan ah? Bakit siya tumitingin saakin na parang may mali siyang ginawa? Wala naman diba? Baka nagulat lang siya sa pagdating ko. "Hi," ngumiti ako sakaniya ng medyo nahihiya pa. Pero ewan ko ba, ang sama ng kutob ko. "Now I finally meet your sister." Tiningnan ko naman 'yung babaeng nagbukas ng pinto at nginitian. "Hey! What are you talking about?!" Nakacross arm ngayon 'yung babae at inis na tiningnan ako, "I'm not her sister!" Napatingin naman ako kay Aldwin. Nakita ko naman kung paano gumuhit ang guilt sa mga mata niya, isa sa bagay na ayokong makita. Ayoko ring i-sink in sa utak ko na may ibang babaeng nakabath robe rito sa condo niya. Pero ano 'to? Kaya ba siya tumigil sa pangungulit saakin dahil may nahanap siyang iba? Ayaw na ba niya saakin? "Jarelle let me explain." Sabi ni Aldwin at sinubukan niyang lumapit saakin nang pigilan siya nung Natasha. "Stop! I'm your fiancee for f**k's sake!" Sigaw ng babae sa harap ni Aldwin. Nabitawan ko naman ang mga pagkaing dala ko kasabay ng pagbuhos ng luha ko. "Fiancee?" Mahinang bulong ko pero sapat na para marinig nila. Marahas kong pinunasan ang luhang sunod-sunod sa pagpatak at dali-daling tumalikod sakanila. Hindi ko yata kakayaning manatili pa dito. Lumabas ako ng unit nang may humigit sa pulsuhan ko at dinala ako sa may fire exit. "Ano ba!" Sabay tabig nung kamay niyang nakahawak saakin. Nanlalabong mata ko siyang tiningnan, "Bakit mo ba ako sinundan?" Pinunasan ko rin agad gamit ang likod ng kamay ko ang luhang tulo ng tulo. Tumingala rin ako para mabawasan 'yung luha ko. Ayokong umiyak sa harap niya! Pero ba't ayaw tumigil? "Let me explain, please?" Nakikita ko kung paano niya ako gustong yakapin, kung paano niya ako gustong patahanin. Pero may pumipigil sakaniya, dahil nga cheater siya. "Hindi na kailangan, Aldwin." Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagluha. Sobrang sakit na. "Malinaw na saakin lahat." Nakikita kong sobrang concern na siya saakin at may nagbabadyang luha na rin sa mga mata niya. Pero alam kong palabas lang 'yun para ipakitang inosente siya. "It's not what you think. That girl---" "Sabi ko, hindi na kailangan!" Sigaw ko na ikinatahimik niya. "Hindi lang naman ito 'yung problema eh. Hindi lang naman 'yung babae o 'yung fiancee mo!" Napaatras ako palayo sakaniya at napahawak sa railing ng hagdanan. "Ikaw 'yung may problema, e." Nagpunas ulit ako ng luha. "Kailangan pa kitang tanungin para sabihin mo saakin 'yung totoo. Alam mo bang nagmumukha na akong tanga? Ni itsura ng kapatid mo, hindi ko kilala." Naalala ko 'yung unang beses akong nagselos nung nasa kotse pa niya kami. Tapos 'yung text message naman. Dalawang beses kong pinagselosan 'yung inosente niyang kapatid dahil lang hindi ko siya kilala! Sinubukan niya akong hawakan pero nilayo ko kaagad ang sarili ko sakaniya, "Alam mo ba anong ipinunta ko rito? Magsosorry sana ako kasi ang tanga tanga ko. Pinagselosan ko ba naman yung kapatid mong Avianna pala ang pangalan. Anong magagawa ko? 'Di ko siya kilala eh." "I... Don't know." "Girlfriend mo na ako pero ang dami mo pa ring sikretong tinatago. Minsan iniisip ko kung kilala ba talaga kita o hindi? Tapos ngayon, malalaman ko na... Na may fiancee ka na?" Bumuhos ulit ang luha ko. Kainis naman! Ang hirap pigilan. Naiintindihan ko naman na ayaw niya akong ipakilala sa tatay niya. Pero yung hindi rin niya ako pinapakilala sa mga kaibigan niya personally? Pakiramdam ko kabit ako eh. Parang sinampal saakin nung fiancee niya na kabit ako. "Pa'no nalang ako? Ni minsan ba, naisip mo akong gawing long-time partner?" Hindi siya agaf nakasagot sa tanong ko. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit habang pinapanood siyang tumingin saakin. Wala akong pakialam sa iniisip ng ibang tao. Pero 'yung gaguhin ako ng taong mahal ko? Ibang usapan na 'yun. Sabihan na ako ng lahat ng bobo, malandi, pariwara, spoiled, kapit-magulang. Hindi naman saakin nagmamatter 'yun. Basta may mga taong nandiyan na totoo saakin, okay na ako. Pero bakit si Aldwin pa? "Sabihin mo ng childish ako, immature, selfish at kung ano-ano pa. Pero Aldwin, sinubukan naman kitang intindihin, eh. At ngayon, malinaw na saakin ang lahat. Hindi pa nga talaga kita kilala." Nasasanay na ako eh. Nasasanay na akong andyan siya parati. Pero hindi pala pwede 'yun. Humugot ako ng maraming lakas para sabihin ang huli kong mensahe, "Alam mo, mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo. Baka hindi talaga tayo para sa isa't isa." Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Ginamit ko 'yung cue na umalis nalang. Akmang tatalikod na ako nang magsalita siya. "How about you?" Napalingon naman ako nang sakniya ulit. Halata sa boses niya na nasasaktan rin siya pero ayokong magpadala. "Can you even fight for me?" May luhang tumulo na sa mga mata niya. Pinanood ko lang ang pagpatak no'n kahit na gustong-gusto ko 'yung punasan. "You can't even fight for me. Basta ka nalang susuko? That's it? You'll discard me that easily? I've been contacting you! I even contacted your friemds but you never let me explain." Bumalik naman saakin kung paano ko siya basta-basta nalang iniignore. Biglang hindi ko siya papansinin. Wala akong narinig na reklamo sakaniya nun, pati yung almost 2 weeks kong pang-iiwas. Pero ang sakit naman kasi ng bawi niya. Ibang babae? Sana iniwasan rin niya ako. Sana nagalit nalang rin siya saakin. Hindi 'yung may kapalit na 'ko kaagad. "You don't have to explain now. Wala ka rin namang balak sabihin saakin kung hindi ko pa nakita, diba?" "I have plans... For us." Nakapahalumbaba niyang sabi. "Tanginang plans 'yan! 'Di mo man lang ba naisip 'yung mararamdaman ko?" Napasabunot ako sa buhok sa sobrang frustration. "Kung nirerespeto mo 'yung naging relasyon nating dalawa, parang awa mo na. Wag mo na akong guguluhin." Then I stormed my way out. Hindi ko hinayaang mahabol niya pa ako. Ibinuhos ko lahat ng hinanakit ko sa kotse. Do'n ako umiyak ng umiyak. Inaalala lahat ng pinagsamahan namin ni Aldwin. Akala ba niya, madali sa part kong idate siya knowing na professor ko siya? Wala akong pakialam sa mga nangmamata saakin, basta akin na si Aldwin. Pero hindi ko raw siya kayang ipaglaban? Kanino? Do'n sa Natasha? Gago ba siya? May laban ba kong jowa lang sa fiancee niya? Partida wala pa akong masyadong alam sakaniya? Bigla naman akong nakareceive naman ako ng message habang nag-iisip pa. From Babe I don't wanna let you go, but I wish you will be happy. I'm sorry for making you cry, and always remember that I love you. May luha pa ba akong iiyak?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD