Naghihiyawan ang mga tao nagpapalakpakan habang napailanlang ang malamyos na musika sa buong paligid,
napakhigpit nang pagkakayapos ni David buhat sa aking likuran na hindi natatabingan nang tela ang sinuot kong gown,unti unting dumadausdos ang kanyang mga palad at habang ang mga labi ay hindi magkandatuto sa kakagalugad sa aking mga labi, pakiwari kong marahil na bura na din ang aking suot na lipstick at bumahid na din sa labi at pisngi nito ang mantsa bunga din sa mga tugon kong hindi ko mapangalanan kung sadyang nadadala lamang ba ako at nagtataksil ang aking sariling katawan o tumutugon nang dahil sa aking sariling kagustuhan,
nasa ganoon kaming ayos nang mga magsalita sa aming likuran na siyang kinatigil din at kinagulat ni David,
"Am I late cousin?" ani to
isang matikas na bulto nang isang lalaki na tingin ko ay kasing tangkad din ni David, mas moreno ito sa kanya, madyo mangulot ang mga hibla nang buhok, mahaba din ang mga pilikmata at matangos ang ilong,
nahahawig din ito sa kanya,marahil sa kanyang tinuran,magkamaganak sila,
pinsan siya ni David, matagal kona din nadidinig ang kanyang pangalan siya ang unico hijo nang matandang Del riva na kapatid ni Daddy,since nakabase ang mga magulang ni David sa singapore at mas pabalik balik buhat singapore to U.s, ang kapatid nitong ama ni Leonel ang pinamanahan nang Hacienda Del Riva at nangangalaga nito, higit na mas maraming properties ito sa pilipinas partikular sa batanngas sapagkat sakanila ipinagkatiwala ang mga lumang ari arian nang kanilang abuelo ,kesa sa Daddy ni David mas pinili nitong bumili nang sariling mga properties sa Maynila,singapore at america na mismong galing sa sariling sikap nito, ganoon din si David, mas nakuha niya ang prinsipyo at sipag nang Daddy niya na Ni minsan ay hindi naman tinutulan nang kaniyang Mommy,kung sa ibang pagkakataon siguro ay hindi ganoon, sa mga nababasa kong nobela o mga palabas sa Tv ang mga ari arian ay dapat nahahati nang husto at sapat sa bawat isa,lalo na kapag mas nakakatanda ang isang anak sa pamilya kagaya nang Daddy ni David.
"Am I missing Something here? " anitong muli at nakangiti saaming magasawa.
si David naman ay tila nahimigan ang pangaasar nang pinsan at natigilan ito,
"Ahm... Ellizze, by the way that is Leonel my cousin, i guess you know him by name if its familiar with you?" anito habang ginagagap ang aking palad at ang kabilang kamay ay kinukumpas at tinuturo naman ang binata sa ibaba nang stage.
"He is the only son of my Uncle, Antonio Del Riva the owner of the big hacienda of The Del Riva's he is the one whose responsible with everything right now since Tito Antonio is with her wife at state for like almost months already,for his upcoming operation" mahabang litanya nito.
oo naman bakit ko naman,makakalimutan ang matandang Del riva isa sila ang nanggipit kila Mamu at Papu hindi ba, binili nila ang mga arian na binenta nila tiyang Magda para sa mga pangsusugal at bisyo nila, nang walang alam sila Papu ukol dito, isa sila sa nagpagulo sa pamilya namin,marahil sa ibang pagkakataon maituturing kong Saviour si David kung hindi niya siguro ito kamaganak pero hindi sinalo lamang niya ako sa mga ito,kapalit nang aming mga pinakaingatang pagaari ay ako,
nasa ganoong akong malalim na pagiisip at nakakaramdam nang lungkot na naman nang maalala ang tungkol sa aking pamilya nang magsalita ang huli.
"Hello,Mrs. Ellaizza Luis Del Riva," matamis na ngiti pa nito at nakatingin sa aking mga mata.
"Can I borrow for a while your so stunningly handsome at the moment, we have something important to talk about, if you will excuse us.?" tango pa nito bilang paghingi nang permiso saakin. at siya namang tingin kay David,
napatingin ako kay David at ganoon din siya,nagpasalit salit ang kanilang mga mata saakin, hindi ko matanto ang biglang kinikilos ni David ,tila nagugulumihanan siya sa mga oraa na ito, kaya isang tango na lamang ang sinagot ko upang bigyan sila nang oraa makapagusap at hinawi ko na din ang kanyang kamay sa akin.
habang papalayo sila papasok sa loob nang mansion at nakatanaw ako sa kanilang dalawa ay muli ko na namang naalala ang mga huling nangyari walong buwan nang nakakaraan,
nalulungkot ako dahil si Ellie ang sabi ni David nakita na siya pero hanggang ngayon wala pa din akong balita sakanya ,wala pa din assurance
kung nasaan na siya,marahil sinasabi lang ni David na natagpuan na siya upang hindi ako mabahala, nais kong pumunta sa karatig barrio ,sa barrio namin gusto kong makibalita sa mga kapitbahay, sa mga trabahante naminn sa maliit na sakahan, sa coffee shop, sa aking mga kaibigan ,kay Mildred at kay Thomas.... kamusta na kaya sila?
pagtapos siguro nang pagtitipon na ito magpapaalam ako kay David kung maaring makadalaw ako bukas sa ancestral house namin,gusto kong makibalita ,gusto kong makita ang kapehan sila kuya Rixor nang coffee shop,andun pa din kaya sila?
"okay kalang?"natigilan ako bigla sa aking malalim na pagiisip, si Shellane,
"yeah" at tipid na ngiti lamang ang aking sinukli dito habang siya naman ay hinahagod ang braso upang palubagin ang aking loob nakatingin din kila David habang unti unting naglalaho sa dagat nang tao sa paligid,
Hindi din naman Lingid sakanya ang tunaw na dahilan nang mabilisang pagsulpot ko sa kanilang pamilya partikular na sa buhay nang kuya niya, alam niya ang tungkol sa Contract marriage,alam niya ang tungkol sa utang ko sa pamilya nang Del Riva, alam niya na nawawala ang kapatid ko,
liban nalang kila Mommy at Daddy since lagi silang nakabase sa ibang bansa hindi nila alam ang totoong mga nangyayari, at ayaw na din marahil ni Shellane na makarating pa ito sa matatanda dahil maaring ikagalit pa nila ito sa kanyang kuya o ikasama nang loob ang nangyari sa kapatid na Del Riva, madami na silang pinagkakaalabahan mahirap nang pati ito problemahin pa nila.
"lika na, lets enjoy this night, o wait Ill introduce you first to my friends they are also here."ngiti nito at pangungulit saakin.
"nasaan si Dylan,?tulog na ba?" hanap ko sa cute na cute na anak nito, naku kasama nang nanny teka nga at tatawagin ko siguro ,magdinner na tayo muna kasama niya mamaya iaakyat na yon nang nanny para matulog ang kulit din daw kasi halos hindi daw maawat si kuya sa pakikipaglaro hindi daw natulog nang hapon,sabi nang nanny ,stress na stress si ate glory, parang second mamita(lola) na din yung eh sobrang strikta sa alaga niya" mahabang salaysay pa nito habang inaakay ako pababa nang hagdan sa stage.
"hehe,ganon talaga ata kapag sabik sa bata,pagpasensyahan mona ang kuya mo" ani ko.
"naku,ok lang naman minsan lang naman sila magkita na magtito, saka hindi naman ako ang nsstress yung nanny niya" sabay Kindat pa nito saakin.
"buti nga ang swerte ko kay Ate glory eh,until now nasa amin siya siya na din kasi ang kinalakhan nanny ni kuya ko non,pero siguro mga seven years old na ko non,bumalik siya sa amin as nanny umuwe daw kasi para magasawa,dalaga kasi non nakuha ni mommy, si kuya talaga ang inalagaan niya since birth,since mom has to continue working still that time.ayon saakin ibang nanny kinalakhan ko...pero so far okay naman and we trust her well and I know she love Dylan so much as her own apo also...and we also treat her as a family member nadin...." kuwento pa niya...habang papalapit na kami papasok nang bahay,
"kaya ikaw Ellizze,nothing to worry about when you will bear child Ate glory is here naman..."
"excuse me" ani nang isang baritonong tinig buhat sa aming likuran na siyang kinatigil sa pagdadaldal ni Shellane.
sabay kaming napalingon sa tinig buhat saaming likuran,.
hindi ko kilala o ni pamilyar ang lalaki sa palagay ko si Shellane ang tinutukoy nito, nabanaag ko din ang biglang pagkagitla sa mukha ni Shellane nang mapagsino ang Binata,maaring malapit na kakilala talaga niya ito.
nanahimik ang paligid at dagling napawi ang ngiti sa mga labi ni Shellane habang nagkukuwentuhan kami.
"ahm Shellane, " hawak ko sa braso niya, "mukang may bisita ka, " ani ko,
hindi napupukaw ang bawat mata nila sa isat isa kaya't bumulong na lamang ako sakanya mukang kailangan silang magusap nang personal, kung sino man ito,
"Ako na munang bahala kay Dylan, susundan ko sila ni ate glo," ani ko pa at nagtungo na sa loob,
iniwan ko sila at hindi kona hinintay ang nais sabihin nito,
muli ko lamang nilingon sa akin likuran sila upang makita kung saan gagawi mukang magtutungo sa hardin upang makapagusap nang masinsinan.
"mukang seryosong usapan,baka ex niya"
Nangingiting bulong ko, hindi naman lingid saakin kaalaman na dating play girl daw ito noon bago nabuntis at nagkaroon nang Dylan....
Sa loob nang Mini bar nang Mansion:
"Akala ko hindi mo ko kakausapin eh, " anito bago muling sumisimsim sa kopita nang whisky na aking nilagay.
pagkababa nito ay muling aking sinalinan.
"eeppp eeppp, insan naman nilalasing mona ako agad" ngisi pa nito,
"Ang sabi mo saakin nakita niyo na si Ellie? so where is she?" at aking sinalinan din ang aking kopita,
"hindi pa siya nagpapakita saakin uli, " sabay tungga muli nang basong aking sinalinan tila sumeryoso ang muka pagkatapos nang tinuran,
"What are you talking about Leonel?"
gusto kong sumigaw ngunit pigil na pigil kilala ko ang pinsan ko ,kung may binabalak o may kalokohan na naman na naglalaro sa isipan nito, Ten years gap ang pagitan namin at tinuring ko na din siyang batang kapatid, kung maloko at babaero ako sa mga edad na gaya niya ay alam kong mas maloko siya at tila salit salitan ang babaeng pinaglalaruan nito. hindi kona alam kung anong nangyagari sa huling turan niya, nasa poder niya ito, ngunit ngayon ay iba ang binabalita niya saakin, at iba din ang lamlam nang mata nito tila ba malaki din ang binagsak nang katawan niya, hindi ko alam kung maaawa ako na baka masyado ko siyang pinupursiging hanapin ang dalaga bagkus dahil aming responsibilidad ito, ang gulong nangyari sa buhay nang kambal lalo na nang kanyang amang mapanglinlang at mapanglamang.
"Easy...easy...cousin, masiyado kang mainit eh, leave it to me..."
biro pa nito,kahit minsan ay laging nakukuna pa nitong magbiro.
"Leonel, kahit kaylan Happy Go lucky ka padin,be Matured naman, show us that you are a grown man!!!"
ani ko at sumimsim muli nang alak.
"That's not true,malaki na din ang pinagbago ko, parang ikaw hindi ba kuya David?" ngisi pa nito.at tapik sa balikat ko,
"mukang inlove na inlove ka eh, ang swerte sayo ni Ellizze mahal na mahal mo, " at biglang nagseryoso na naman ito.minamasdan kolang siya habang
nagsasalin muli sa bawat kopita nang whisky.
"You know what, dati hindi ko alam kung bakit hindi mopa magawang tingnan c ate Olivia as a wife eh, ang tagal niyong naging live in, live in nga ba, o f*ck buddies?"
tawa pa nito na tila tinatamaan na nang alak,
"Leonel your mouth" sansala ko dito at matamang inaabangan ang bawat kilos at salita,
"No,I just kindof reminiscing it.,kasi meron palang babaeng matagal nang nakatadhana para sayo, hinihintay mo pala talaga yung tamang pagkakataon or panahon ano? " ani nitong muli
"Paano kaya kung hindi dumating yung panahon na yon? ate olivia is also a Good catch,but then you let her go, and you wait for like long time for someone even with no assurance,like what the f*ck? paano kung tumandang binata ka nalang??? hahaha" ,
Hagikgik pa nitong muli at sumimsim nang alak,hindi ko alam bakit mas apektado pa siya nang nakaraang istorya nang buhay ko kesa saakin, ni minsan hindi ko naisip na tatandang binata ako, ni minsan hindi ko naisip na sayang ang panahon at sayang ang pagkakataon kung hindi naman tamang tao ang dadating sa buhay ko, mas apektado pa sakin ang G*go may pinagdadaanan ba ito?
"You know what Leonel, I think you Drank too much, mukang walang saysay tong paguusapan natin,mukang nakainom kana kanina pa,bago pa tayo nagkita eh," ani ko
"No,there is alot of sense in here,I still remember how it started ,how it all started, haha,nakakatawa but I really didnt realize after all this years"litanya nito.
"ano bang sinasabi mo?" seryosong tugon ko.
"si Ellizze yung batang sinasadya mo malapit sa hacienda noon, diba? haha yung Ellaiza na tinutukoy mong may kambal?diba?" nangingiting turan nito.
"Leonel Stop it!"
"Hindi, nakakakilig nga eh, diba? she is the reason why,you were like alway flying back and forth to U.s when you are still studying your masteral right? the little girl in The coffee shop, i guess she was 15 years old at that time,Oh God!!"
"will you shut the f*ck up,you annoying man"
Sa inis ko ay pinipilit ko pa siyang itikom ang bibig at pinapasakan nang tissue ito dahil kung baka ano pa ang masabi,
"Why??? it actually sounds cute you know ? sana ako din diba? makita ko din yung tamang babae para sakin"
Natatawang napapatingin ako sakanya at kumukulit na talaga ang huli.
"David!" na kinagulat naming dalawa,
nadinig kaya niya?
itutuloy....