"Ellizze nag paalam kana ba kila mamu ang Papu mo, " ani Mildred habang malaking sumusubo nang,
kanin na sinabawan nang adobo,
"na magssleep over tayo bukas, para sa ginagawa nating feasebility studies?" ani ko habang binubuklat ang punong file case nang mga drafts namin para sa feasibility studies naghahabol na kami nang oras dahil kailangan na din namin magawang nang soft copies ito at print out para ipa bind na din then after that defense naman nitong mismong feasib,
habang nalalapit ang last semester nang taon nang third year dumadami kami nang dumadami nang ginagawa,
"Huy, ambisi bisi mo galawin mo na nga yang pagkain mo,sigi ka kakainin ko yan" ani Mildred,
"saglit nalang inaayos kolang tong filing natin,kasi para organize na siya pag nasulat na tayo nang summarize nito, hoy ikaw ba yung pinapainterview sayo nila naneth na factory nagawan mona,esp yung research dun sa factory nang feeds na ano bang Brand non B-meg, ?"
"opo nakuhanan kona nang permit yung sa B-meg alam mo naman hindi basta basta pede magconduct nnag interview nang walang permiso nang mga ganon no,aba malaking company na din yun,"paliwanag pa nito at dumudukot sa kanin nang baunan ko,
"Sige ka babagal bagal ka baka mamaya maunahan tayo nila Bridgette alam mo naman yung grupo nila ayaw palamang ,gusto laging sila yung the Best naku!!!"ani ko at patapos nang sinalansan ang mga filing, habang si Mildred ay busy sa pagkain,
"hmp"tapik ko sa kanyang kamay,
"aray naman para pakpak nang manok lang eh," paliwanag nito nang natatawa,
"ang takaw takaw mo kasi, naubos mona yung nasa plato mo pati pa naman yung nasa akin,ang dami mo na atang bulate eh o baka baracuda na yan Mildred ha,"
"Baliw to hindi ba pwedeng nasasarapan lang ako sa adobong niluto ni Ellie,palibhasa hindi ka marunong magluto eh, kaya umaasa nalang tayo na ipag pack lunch lagi ni Ellie, magaral ka nga magluto Ellizze",
"Abat saating dalawa kahit paano marunung naman ako magluto,mas masarap nga lang talaga magluto si Ellie,anong magagawa ko swerte kolang talaga na may kapatid ako,di tulad nang iba dyan,halos magpaampon na sa kila Mamu at papu para maging parte nang pamilya namin" birong parinig ko pa dito habang nagsisimula nang isubo ang kanin at karne,
"Che! hmp apakayabang mo talaga Ellizze if I know Gusto mo din naman magkaron nang extrang kapatid bukod kay Ellie, "sabay sundot pa sa tagiliran ko na kinatawa ko naman at muntik nang mabulunan,
"Naku sinasabi ko sayo Ellizze mamimiss mo din ako" saad pa nito.habang nililigpit na ang lunch box at sinisilid sa bag nang biglang dumating si Thomas,
"Hi Girls," anito
"oh yung prince charming mo" bulong pa nito kaya naman nasiko ko pa si Mildred at baka marinig pa nito,
"O thomas, asan c Ellie tapos na ba kayong maglunch?"ani ko dito
"Naku,umakyat nang Lab,sumubo lang nang kaunti,pinatawag nang Dean namin,busy na naman,may irerecomend na naman na competition para sa grupo namin,mukang luluwas na naman kami sa semestral break para sumali sa competition," litanya pa nang huli,tila nalulungkot dahil mapapagod at wala na naman silang bakasyon,pero sigurado akong hindi ganon ang reaksyon ni Ellie,marahil tuwang tuwa pa ito dahil may event na naman sila, panibagong achievement at experience na naman ito para sa kapatid.
"sus! kunware kapa, ayaw mo non masosolo mo na naman si Ellie" ani mildred na medyo napalakas at nadinig nang husto ni Thomas ngunit nangiti na lamang ito at nagpatay malisya, tila nahiya din ang huli.
"Mildred ano kaba" saway ko dito,
"ay sorry, nahurt kaba" bulong niya sakin,
kaya naman nakurot ko siya nang madiin sa tagiliran,pero mukang hindi naman ito nasaktan,bagkus tawa pa ito nang tawa na tila ba nakikilit pa.
"Ate, " biglang sulpot ni Ellie kung saan,
"Oh Ellie, naglunch kanaba?"tanong ko dito,
"uhu,"sagot nito hawak pala niya ang malaking bag marahil mga gamit,at inaayos ang laman sa loob nito,
"may biglaan kasing meeting from dean and department" aniya
"late na kaming makkaauwe ni Thomas, so pakisabi nalang kila Mamu and Papu,saka, hindi ako makakatulong ngayon sa Coffee Shop, medyo hindi naman peak ang araw na ito for sure hindi naman kailangan mag double time sa shop."
ani pa nito na salit salitan ang tingin saaming tatlo nila Mildred at Thomas, si Thomas na mukang kahit hindi pa hinihingi ang opinyon niya ay wala nang magagaw dahil nakapagdesisyon na si Ellie,alangan naman iwan niya sa ere ang kapatid ko aba at di naman maari at makakapayag dun,
"Okey lang, ako nang bahala,half day lang naman kami today, kasi mga exam lang meron kami pero bukas bawi ka kila Mamu ha mag ssleep over kasi kami sa classmate namin,para sa feasibilities studies namin, diba Mildred,?"
tango nman ni Mildred,
" Tutulong na din ako sa coffee shop, since halfday lang nga kami para matagal ko din makasama si Ellizze ,tapos bonding na din kami sa kuwarto niya, alam mo yung tuturuan ko siyang mag make up,saka magkulot" biro pa nito.
"Wala ka bang bahay?" hindi kaba hahanapin sainyo, saka kung gagabihim ka paano na sinong maghahatid sayo?"
mausisang saad ni Thomas ,matagal tagal na din naming kaibigan si Mildred,ngunit hindi pa kami nakakatungo sa bahay nila, ang sabi niya ay wala na siyang mga magulang at sa mga kamaganak nakatira pero ni minsan ay hindi siya nang banggit nang kahit sinong pangalan nito, minsan nagabihan naman siya saamin ay nagulat nalang kami at kahit siya nang biglang sinundo siya nang napakagarang itim na Hummer na ang sabi lang niya ay sasakyan nang tiyuhin niya ngunit Lulan nang panahong iyon ay driver lamang kaya hindi na niya pinakilala saamin at sumibad na,
"Hoy ang harsh mo sakin ah!, palibhasa tinabla lang kita kanina bumabawi ka ha" sabad ni Mildred kay Thomas,
na ngingisi ngisi lang ang huli.
"Tama na nga kayo,at baka san pa mauwe yang buskahan niyo!" ani ko naman sakanila
"ito kasing Thomas na to eh,naguumpisa" ani Mildred at si Ellie naman ay tahimik na nakatingin at nakikinig lamang nagugulimihanan sa pianguusapan,
*Ding Dong
"O tumunog na ang bell,last na subject namin yon Ellie, pasok na kami at after nito uuwe na din kami, Thomas bantayan mo si Ellie ha,ingat kayo, ha ihatid mo si Ellie gang pinto nang bahay," biro kopa dito at tingin kay Ellie,
" Hindi na ko bata ihahatid pa hanggang pinto," seryosong turan nito,
"abat syempre gagabihin kayo,mahirap na,alam mo naman ang panahon ngayon lalo at liblib ang lugar natin Ellie" litanya kopa.
"Opo Manang" anito sa huli,sutil talaga tong si Ellie minsan, seryoso at tahimik lahat nang gusto nasusunod. hindi pwedeng pigilin o awatin.
"Sige ako na bahala,safe sakin si Ellie" ngingisi ngisi tingin saakin at kay Ellie ni thomas,
"Tara na sa Room Ellizze,aba at masungit si Miss Malabanan,alam mo naman matandang dalaga yun," ani Mildred at ineempake na ang natitirang gamit namin,
"Sige ito na" ani ko at nagsimula na din mag empake nang gamit,nauna nang tumakbo si Mildred patungo sa hallway papunta sa department namin, muli lamang akong tumingin at kumaway kila Ellie at iniwan na sila matapos magempake.patakbong tinungo ang ming silid.
"Ellizze? ano yan Love letter na naman ba?" basag sa akin ni Mildres buhat sa likuran nang magsimula na kaming maupo para sa huling klase tango lamang ang tinuran ko sakanya,
"si Arthur na naman ba ang nagbigay?"
tanong nito nang buklatin ko ang maliit na envelope nan kapatong sa mismong upuan ko, na may nakasulat na ( To : Ellaizza Luis from an admirer)
iba ang penmanship marahil hindi si arthur saka hindi Letter kung magbigay ang isang yun, chocolate at flowers at pangalan talaga niya ang sinusulat dito.
"Hindi ako sigurado, iba ang sulat kamay eh"
"ahhh baka kabilang section yan,pinasuyo lang" anito na habang nilalabas ang notebook at ballpen sa bag nito tila ba sanay na sanay na sa ganap sa buhay ko,
"wala man lang chocolate para iyo lang talaga,basahin mo daw kasi,"
Saad pa ni Mildred madalas kasi kapag may mga tsokolate ay hati hati sila nang mga classmates namin ,sila na ang kumakain nito.
hinahayaan konalang sila, na appreciate ko naman kapag may kasamang bulaklak ay siya naman inuuwe ko at kung maganda ang pagkakapitas ay tinatanim kong muli.
"Class there will be a foundation event this coming week, biglaan dahil may isang pilantrophist na nagbigay nang malaking share sa school natin at dito sa San vicente para sa mga charity foundation kagaya nang para sa libreng opera sa mga batang pinanganak or may inborn palatte at sa charity organization sa mga breast cancer patient bilang pagtanaw nang malaking pasasalamat at pagkilala,dito sa school nang san vicente unang gaganapin ang event, upang makilala din nang lahat ang taong nasa likod nito. "
mahabang pagbabalita at pagpapaliwanag nang aming gurong si Miss Malabanan.
"So yes ,...kailangan niyong magdouble time ,
hindi dahil madami kayong proyekto at mga ibang school activities na ginagawa ay hindi kayo aattend at magpaparticipate, bilang respeto na din natin ito sa tumutulong sa lugar natin,okay kids... ?" anito
"Yes maam!" sabay sabay na sagot nang mga estudyante sa klase ni Miss Malabanan.
"class dismiss" anito at nauna nang lumabas nang klase,
Marami akong nadidinig na reklamo at bulung bulungan nang mga classmates ko habang kanya kanya kaming nageempake nang mga gamit bago umuwe.at lumabas nang class room.
"ano bayan,ambusy na nga nang schedule natin mandatory pang umatend sa event na yan," ani nang isa
"Ang tanong mamaya sobrang boring nang event na yan,kasi for sure motivational speaker and mga talk about sa buhay itatackle niyan, haist imbes mamaximize natin ang oras ang lapit nang matapos ang semester dami pang pending haist" reklamo din nang isa.
"wag naman kayong ganyan,Im sure kapag pogi yang bisita na yan nagkakagulo na kayo at di na magkandatuto" singit naman ni Mildred sa mga ito.
"sus! pilanthropist nga eh ibig sabihin napakaseryosong tao and half of his life tinuon sa trabaho at mga foundation at mga organization,Im sure kamuka ni katsupoy yan,haist kaumay!!!"
Litanya naman nang isang kaklase ko na lihim na kinatawa ko naman,
"galit na galit??? highblood yarn?" bulong ko naman.
"Hoy!!! hindi lahat nang pilantrophist matandang mayaman na madaling mamatay! grabe ka sa imagination mo,atsaka ano naman kung seryoso sa buhay,the more serious the more na malakas ang dating at nakakaguwapo yun!" si Mildred,
"alam mo! saatin dito ikaw tong lakas nang imahinasyon mo, nasobrahan ka kakabasa nang Romance pocket book mo,itigil mo yan" ani nang isa.
"ano bang iniisip mo,kamuka ni Jungkook? or kaya naman ala- mafia ang datingan at angas ? seryoso kamo ala Min yoongi ba yan?" ani nang isa.
"hoy kayong dalawang mga kutong lupa,kapag talaga dumating yung event at mali kayo sa mga sinasabi niyo tingnan natin kakainin niyo yan sinasabi niyo!!! ,baka kayo pa nga unang magtitili eh, lakas mo makalait sakin na nagbabasa nang Pocketbook eh ikaw nga eh kalakas nang loob mong pangarapin na papatulan ka ni Jungkook, eh ang lakas naman nang putok mo!"
asar na saad ni Mildred nadidinig na sila nang ibang studyante at natatawa na sakanilang tatlo dahil sa palitan nang mga kuro kuro.
"alam mo ikaw Mildred ano bang pinuputok nang butsi mo???? affected much ka? Nakakarelate kaba?,bakit naniniwala kabang may poging Mayaman ?halika na nga Abril, may saltik na naman tong si Mildred may buwanang dalaw na naman siguro o baka nakalimutan na naman magpaturok nang pampakalma niya.,"
ani nang huli at tuluyan nang lumabas nang classroom.
hindi ko talaga nagawang awatin si Mildred dahil naunahan nako nang pagkatuwa sa tinatakbo nang diskusyon nila,.
"tinatawa tawa mo dyan?" ani Mildred sa akin,.
" huh?wala, para kasi kayong mga bata simpleng bagay pinalalaki niyo pa, kahit ano naman mangyari eh kailangan padin natin sumunod sa school regulation,mandatory daw sabi ni Miss Malabanan e di for sure kailangan nang attendance for clearance natin yan."
ani ko at tinapos na ang pagliligpit nang aking ibang gamit na ilalagay sa locker.
"Asus,hindi ka din naniniwala sakin,pareho nang dalawang kutong lupa na yun" at tinuro pa ang dalawa na palabas na nang pinto,
"Sinasabi ko sainyo tatawanan ko talaga kayo kapag unang una pa kayong laglag panty at tulo laway sa darating na event! lakas niyo kasi,kasing lakas nang putok niyo"
at sinaway ko na ito dahil mamaya kung san mapunta ang pangbubuska nito sa dalawang kasagutan kanina.
Pauwe nang Bahay:
"Mamu,papu andito na po kami kasama ko po si Mildred!!! ani ko paakyat nang hagdan tungo sa loob nang bahay.
si Mildred ay hindi padin tapos sa kakakuwento at pagpapatawa saakin at binabalikan pa ang bawat eksena sa kaninang diskusyon nila ni Abril,
naghahagikgikan pa kami paakyat nng hagdan.
"sinasabi ko sayo pogi yung Pilanthropist na yan pang pocket book yan,ala Christian Grey ganorn.." pangungulit pa nito saakin
" alam mo ikaw Mildred tama kana,malapit nakong maniwala kila Abril adik ka nga ata kakabasa nang pocketbook eh, andami mong nalalaman eh,hahaha" saad kopa.
"hoy hindi ah!" si Mildred
" Alam mo ikape mo yan!!! para naman nerbiyos nerbiyosin ka,halika sa loob may mga bagong ani nang kapeng Barako si papu at papa giling lang kahapon dadalhin na sa coffee shop yun mamaya eh.ipagtitimpla kita nang kape,cafe latte' ba ang gusto mo?" tanong ko dito.
"Ayownnnnn!!!!yes please friend!!!tulad nang dati ang paborito ko"
nagniningning na matang saad pa nito.
Nang maulinagan namin ang baritonong tinig buhat sa taas, na kinatigil namin dalawa sa paghaharutan,.
Hindi boses ni Kuya Rixor ,hindi si Papu, mas malaki mas malalim ,malaking tao nanggagaling ang tinig at may mga pinaguusapan sila.
"Well Mister Gonzales, Mrs Gonzales, if you will excuse me, I have a lot of things to attend to."ani nang tinig na kinahinto namin sa hagdan,
pinakiramdaman namin ang unti unti ang yabag nang sapatos na nagmumula sa loob nang bahay at tuluyan kaming napahinto sa pag akyat nang hagdan....
Isang malaking bulto nang lalaki ang niluwa buhat sa loob nang bahay , na siyang tuluyang kinatigil namin ni Mildred sa pag akyat nang hagdan.
Isang Lalaking ,may kakisigan, matikas at matipuno, kung tama ba ang aking pagtingin,mamula mula ang balat ,mukang meztisuhin na sinunog nang sikat nang araw ang balat marahil ay dahil sa init nang araw dito sa pinas o dahil sinadya nang sanhi nang sunbathing? kung tama ba ang akin tingin.
sa aking tingin din ay muka siyang galing sa mayamang Pamilya,ngunit sino naman, wala naman akong kilalang mayamang pamilya na maaring magtungo saaming tahanan maliban kay Don Antonio Del Riva, subalit masiyado nang matanda ang Don para maging ito,
kung ang anak naman nitong Sa pagkakadinig ko ay si Leonel Del riva ,sa pagkakatanda ko din ay nasa bente otso o bente nuebe ang edad noon.
Hindi katandaan ang itsura nang huli,pero hindi din kasing bata ni Señorito Leonel bagkus hindi ko pa nakikita sa personal ang haciendero,at marahil hindi ito yun sa taglay na kutis nang balat nito ay malabo, palaging bilad sa init ang balat nang karaniwang mga magsasaka at haciendero sa lugar na ito.
tinapik ako ni Mildred sa braso sapagkat nakaharang na pala ako sa hagdan na dadaanan nang ginoo, at matagal nadin pala kaming nagkakatitigan,hindi ko namalayan na hindi man lang ako nailang o natakot na nakatitig sa mga mata nang ginoo ganong mukang napakaseryoso at matamang nakatitig din ito,at hindi nababanaag ang pagbawi nang mga titig nito saakin,
nang magising ako sa tila aking panaginip ay dagli kong iniwas ang aking mga mata at gumilid. upang makadaan ito.
nakatalikod ako ngunit nadidinig ko ang bawat yabag niya pababa nang hagdan, hindi namin napansin ni Mildred ang kotseng nakaparada kanina,marahil dahil abala kami sa paguusap at kuwentuhan dahilan nadin dahil kami ay naghaharutan sa daan.
sakanya pala iyon at may bisita pala ang Mamu at papu,.
Tila bigla aking kinabahan,hindi ko alam kung anong nangyayari o nahihimigan ngunit parang may bumubulong saakin na tinig ,parang ang pagdalaw nang ginoo ay hudyat nang may paparating na sakuna.
"okey kalang?" ani Mildred nang nakasunod na siya saakin sa hagdan paakyat.
"uhmmm..." ngiting tipid ko dito...