"Mamu ,Papu andito na po kami ni Mildred" ani ko pagpasok sa loob nang aming tahanan
" Mano po " lahad ko nang palad at yuko upang mag mano at magbigay galang kila Mamu , ganon din si Mildred,
"kaawaan kayo nang diyos mga iha" ani Papu, na tila balisa, si mamu na tipid na ngiti lamang ang sinukli,
"ah nasaan si Ellie," ani Papu
"mahuhuli daw po siya nang uwe dahil may meeting pa sila sa dean po nila Papu,"paliwanag ko,
" Siguro po ay mamaya kapag nagtakipsilim na ay magtetext po yun kung aabutin po sila nang dilim pauwe ,mukang may competition na naman pong sasalihan ang grupo nila Papu,"
mahabang saad ko sa ama.
"Ah ganon ba, pero bakit parang napaaga naman ang uwe niyo ? " ani naman ni mamu
"Half day po kasi kami ngayon tita,may mga exams lang po kami, saka bukas din po kasi ay mas madami kaming gagawin," paliwanag ni Mildred
"ah Tita ako na din po ang magpapaalam kay Ellizze,bukas po ay may sleep over din po kasi kami sa kaklase namin kila Naneth po kami matutulog diretso na din po kasi kami pagtapos nang klase ay sisimulan napo namin ang pagbuo nang feasib report po namin" Aniya muli.
"ah ganon ba,salamat Mildred ,sa pagkakatanda ko ay Nabanggit naman saakin ni Ellizze at ayos lang naman Diba Anselmo? " sabay lingon ni Mamu kay Papu na tila natutulala
"Halika kayo Ellizze, Mildred mag meryenda na muna kayo, nagluto si manang Ising nang paborito mong Suman, at sapin sapin, yung iba din kasi ay dadalhin sa coffee shop natin dahil may mga special order galing sa regular client"
si Mamu habang inaayos ang hapagkainan para saamin nang niyaya niya kami sa mesa
"mabuti na nga lang at hindi busy si Manang ising dahil hindi na maisingit ni Kuya Rixor ang mga orders dahil madami pa din ang nakalinyang order sa shop natin,mabuti at madaling napakiusapan si manang." anito na tila may iniiwasang usapin kaya ang dami nang pinaliliwanag ,
"Wow tita mukang masarap to, Tita tutulong din ako sa coffee shop ngayon ha, kahit sa kusina lang ako,ayos lang sakin, wala din naman akong gagawin ngayon" ani Mildred na sinusubo ang Sapin sapin,
"Abat oo naman iha, maraming salamat din at tutulong ka saamin ano bang nais mong kapalit ?nakakahiya din kasi at napaladalas ang pagtulong mo saamin,baka isipin nang tiyahin mo ay inaabuso kana namin," ani Mamu
"Diba Anselmo? Anselmo?" ani Mamu si Papu ay tila balisa pa din,
"Parine na muna dito at magmeryenda bago ka magtungo sa Coffee shop," ani mamu kay Papu,
ngunit ngiti lamang ang tinugon nito
"Mariana aakyat muna ako sa kwarto at Magpapahinga mamaya maya nako susunod sa Coffee shop"ngiting tipid nito at umakyat na muna.
"Okay lang po kila tiya yun,tita walang problema kesa naman po magpapakalat kalat ako kung san san bago umuwe galing skwela,saka kung sakaling gabihin ako ay may susundo naman po sakin panigurado,"
Ngiti pa ni Mildred sa aking ina, ako naman ay patuloy na nananihimik at nakikiramdam sa bawat ikinikilos nila.
"Sigurado kaba iha"
"Naku oho,sapat na sakin ang libreng meryenda at pakape" busy sa pagkutkot nang latik at pagsawsaw nang Suman dito.
"Mamu ang sarap nito ha,... hmmm" sabay kagat at simot nang latik sa mga daliri nit.
"Asus nakiki Mamu kana din ha" ani ko,
"Bakit bawal ba?" ani to na nagbibirong nakangiti saakin. sabay kaming nakangitian at nagtawanan nang huli
si Mamu naman ay tila balisa parin ngunit tinutuon ang patulong saaming kawaksi sa pagbabalot nang suman at sapin sapin na order daw nang isa saming regular na cliente sa coffee shop.
"Mamu?"
"hmmmm?" napatigil ito sa kanyang ginagawa
"ano yon anak?" malambing na turan nito
"Yung bisita niyo.... yung malaking Mama kanina,..." tila wala sa loob na tanong ko habang tinutusok sa plato ko ang sapin sapin.
"Yung malaking tao knina Ma,mukang hindi siya taga dito saatin? pero mukang galing siya sa mayamang pamilya? hindi naman siya anak ni Don Del Riva diba? " ani ko na napatingin na kay Mamu,
"Sino siya?sinong sadya niya si Papu ba? Kamaganak ba siya ni Don Del riva? " muling saad ko,
"ah ano kasi anak, hindi ko din siya kilala" piksi nitong sagot sa tanong ko.
"hindi talaga ako kasali sa usapan nila nang Papu mo, pero alam ko may importanteng bagay silang pinaguusapan ni Papu kanina" paliwanag pa nito.
Maaring importante pero maselan ba ang usapan at hindi maaring ipaliwanag saakin,hindi ako naniniwalang hindi alam ni Mamu, hindi papayag si Mamu na hindi siya kasangkot sa mga usapin hinggil sa negosyo maging sa ibang may koneksyon sa aming pamilya.
"Manang Mariana, may tawag po sa telepono galing sa Coffee shop" isa sa aming kawaksi sa bahay.
"Ah ganoon ba, marahil yan na yung sa cliente" anito at sinabihan itong susunod na upang daluhan ang telepono.
"Sige lang kain pa kayo ,madami pa dyan Ellizze bigyan mopa si Mildred ,wag kayong magalala may tinabi naman nako para kay Ellie at Thomas,Saglit lang mga iha ,"
ani Mamu at hinawakan pako sa balikat bago tinungo ang telepono sa Sala.
"Hmmm ang sarap...sana diba lagi akong nakakatikim nang ganto kasarap na mga kakanin at libre pa,hehe" si Mildred.
"Hoy!!!Ellizze?" kastigo ni Mildred saaking malalim na pagiisip.
"Hmmm" ani ko nang magulat dito.
"Haist nako,tulala kana dyan,ano bang iniisip mo kanina pako nagsasalita dito eh?
"hmmmm..." hindi ko alam ano nga ba ang iniisip ko,napayuko nalang ako habang hawak hawak padin ang tinidor at nilalaro sa pinggan ang pagkain nakahain dito.
"Huy!!! ano ba Ellizze,masama yan sa gracia ah, pinaglalaruan mo,sige ka gagabaan ka,amina nga yan, akin na ako nang kakain kung wala kang gana,para kang pinagsakluban nang langit at lupa eh" anito at tuluyang binawi ang pinggan saakin.
"Ano ba kasing iniisip mo?"
"Wala..." saad ko
natigilan ito sa pagkutkut nang latik.
"Wala pero sambakol ang muka mo,bakit ba kasi? iniisip mo ba yung lalaki kanina na nakasalubong natin?"
ani pa nitong muli
"Hindi ,hindi ko alam... may kaba kasing biglang lumulukob sakin,parang may nililihim sila saakin.saamin ni Ellie,
" Alam mo you think too much... hala... tapusin na natin tong meryenda nang makapunta na tayo sa Coffee shop ,paalis na yung service niyo sinasakay na yung orders,baka naman maiwan pa tayo eh ayokong maglakad Ellizze malayo layo din dito yung shop niyo. " sabay subo pa nitong muli.
"saka wala kabang tiwala kay Mamu, sabi niya wala hindi niya alam. masyado kang nagaalala,gumagawa kalang nang isasakit nang ulo mo kakaisip, " saad pang muli nito.
Napatingin na lamang ako sakanya habang nilalantakan ang kakanin...
baka nga...gumagawa lang ako nang sariling ikasasakit nang ulo ko, nang sariling ikapag aalala ko...
Sa Coffee Shop:
"Good Evening po Maam Ellizze"
bati nang isang staff pagpasok namin ni Mildred sa loob.
"Hellow po miss Mildred" ani naman nang isa.
" Hellow din," kaway pa nito sakanila,
"huy pahiram naman ako nang apron at uniform niyo magduduty din ako kasama niyo, dito nalang din ako sa take order okay lang ba Allysa?" aniya sa isang staff na close na niya.
"Sure po, sige po halina kayo sa Locker kukunin ko yung extrang uniform ko dun nadin po kayo magpalit, iguguide kona din kayo sa mga pending tables po," ngiti pa nito habang inaanyaya siya sa loob.
"Ai gusto ko yan,shala,huy madami bang cute na naka dine in ngayon? baka may masilayan ako ngayon" bulong pa nito kay Allysa sabay naman silang naghagikgikan nito.
"super close..." bulong ko nang makalayo na sila saakin at kumaway si Mildred.
"Miss yna, hellow pede kobang makita ang mga ending inventories for cut off last 1-15 nang Month na to," ani ko naman kay Miss Yna ,on duty manager nang Coffee shop ngayon,
"Opo kukunin ko po sa loob,hiniram din kasi kanina at inaupdate din nang warehouse man natin para mamonitor ang existing stocks and replenishment,sa opisina na po muna kayo maam," ani pa nito at ngiti
"Naku hindi na Miss Yna,dito nalang ako sa reception area para nakikita ko din ang flow nang guests natin, "
Ngiti ko dito, ayoko din kasi sa loob nang office dahil busy din duon gawa nang mga naiwang paper works nila kagaya nang mga sales report at gayon din dahil kadugtong nito ang cashier area,baka mapressure lang ang kahera kapag nakita akong nakatambay sa loob at hindi makapagfocus sa trabaho nito,
Nais ko din kasing makita ang mga muka nang mga pamilyar na guests at mga bagong muka nang guests na pumapasok sa Coffee shop.
"Miss Ellizze, pasyensya na po, " ani nang isang staff na humahangos na lumapit saakin.
"Yes?" ani ko naman kahit busy sa pag estima nang mga guests kasama nang isang staff at pagsagot nang telepono nang mga upcoming reservations and functions.
"Maam kasi,yung regular client na matandang Lalaki ,si Mister Amora po,tanda niyo ?" paliwanag pa nito at binaba ko na ang hawak na ballpen at tinoon ang pansin dito.
"nakita kasi niyang nandito ka ngayon, gusto po niyang kayo ang kumuha nang order niya at magserve sakanya, namimiss kana din daw po kasi niyang kakuwentuhan."ani tong muli.
"ah ganon ba?sige sabihin mo susunod ako ,pasyensya na at may tinatapos lang paakyat nadin kamo, nasa anong table daw ba siya?"
tanong ko dito at naghahanda nang ayusin ang sarili upang akyatin ito at ipapaliwanag ko muna sandali ang nasimulang logbook bago iwan sa kasama sa reception.
"Nasa second floor po, table 29 po, siya."
"ah sige sabihin mo paakyat na kamo,isabay mo na din ang hot caramel machiatto and garlic bread, on the house na kamo since palagi naman kamo siya dito."
ngiting turan kopa dito.
"sige po maam" anito bago umalis at umakyat sa second floor
"Salamat"
"Mister Amora hellow po" ngiti kong bungad pag akyat sa taas sa maliit na solong lamesa nang ginoo at solong nakaupo duon, naabutan kopa siyang nagbabasa nang dyaryo mukang hinihintay talaga ako nito.
"Hellow iha!" ngiti nito at tayo pa, kinamayan ko naman ito at beneso.
Bigla naman akong natigilan parang may mainit na mata kung saan na nakatunghay saamin, nararamdaman kong nakamasid kung saan,sa malayo,hindi ko sigurado o baka guni guni ko lang.
"how's your busines Mister Amora?" tanong ko dito nang muling maupo,at umupo na din ako sinamaham siya sa kanyang munting mesang napili malapit sa veranda nang shop,mahangin at maaliwalas.
"Its good,good,I have not seen you in a while iha, seems busy from school huh?" tawa pa nang matandang ginoo,na mukang tuwang tuwa na naman sa aking presensya,
masyado kasi akong palakaibigan at approachable ika nga nito at nakikita niya sakin,ang kanyang apo, na ngayon ay nakabase sa Europe at nagaaral nang masteral nito sa business and accounting din, nabanggit niya pa saakin na oras na umuwe ito ay ipakikilala niya saakin ito dahil madalas daw talaga niyang naikukuwento ako dito tuwing tumatawag via video call at long distance call.
Super close sila nito ani nang matandang ginoo kaya naman,
tuwang tuwa siya kapag naabutan ako sa shop, ito ang madalas nitong tambayan kapag nag papalipas nang oras buhat sa mahabang byahe sa mga lupain nito ganon din sa negosyo nitong coprahan,
Tinutulungan na din siya sa pagpapatakbo nang bunsong anak nito,
binata pa daw ang kanyang bunso kung hindi nga lang daw masamang mag reto ay nireto na din niya ako sa kanyang anak,ngunit panigurado daw na hindi maiibigan ito nang kanyang bunsong anak, dahil napakaseryoso nito sa buhay at sa prinsipyo.
Andami lagi namin napagpagkuwentuhan at lagi kaming nagkakatuwaan sa kwentuhan namin palagay na palagay kami nang loob sa bawat isa,parang sariling lolo nadin kasi ang tingin ko sakanya,maaga kaming naiwan nila lolo at lola,
hindi na namin nakita sila sa aming paglaki,
kaya siguro nakahanap din ako sa katangian nito nang isang Abuelo na maituturing.
"Oh paano iha, tumatawag na ang anak ko, baka gabihin na daw kami sa daan nang driver ko, sige at mauuna na kami, magiingat ka ha,salamat sa oras mo," ani pa nito at inaalalayan nang driver nito pababa nang second floor.
"Sige po,ingat po kayo ha, salamat din po sa masarap na pakikipagkuwentuhan,,sa uulitin" ngiti ko pa dito at kaway sa kanila.
naramdaman ko na naman ang mainit na mata kung saan,hindi talaga ako nagkakamali may matamang nakatingin talaga saamin buhat kanina pa, nilinga linga kopa ang aking mga mata, sa kanan at saaking kaliwa, hanggang nagpasya akong itaas ang aking paningin sa third floor.
saglit akong nagulat nang mahuli ang mata at mapagsino ang matang pinagdududahan kong kanina pang nagmamatyag saamin,saakin kanina pa...
ang lalaki na minsang nakita ko sa aming tahanan, ang lalaking iyon...na may matatalim na titig...mga seryosong mata,
dahan dahan niyan kona lamang na binawi ang mga mata dito pakiramdam ko kasi ay walang balak na maunang mag bawi ito nang titig marahil tinatantya din kung sino sa aming dalawa ang unang mapapaso at magbabawi nang tingin,at nagtagumpay nga ang ginoo..
saglit na muli kong inangat ang tingin dito hindi na ito nakatingin saakin ,nakatutok na ito sa taong kausap, at sa isang waiter staff na dumalo upang iabot ang mga order nito,
"Weirdo" bulong kopa at dali dali nang bumaba nang hagdan upang magtungo sa reception area.
" maam may nagpapaabot po, " ani nang staff pagbalik ko sa reception area
"huh?" sino na naman kaya?ani ko sa isip .
isang bungkos nang Pink tulips nakabox pa ito tanda na imported at naka preserve para hindi malanta agad.hindi kagaya nang mga normal na mga bulaklak na natatanggap nito.
"kanino nanggaling?" ani ko sa staff.
"Courier lang po ang naghatid maam," ani muli nito.
"Ang sabi konga po ay hintayin kayo upang marecieve pero ang sabi ay kahit sino naman daw ay maaring mag recieve,
Marahil siguro po ay nagmamadali,kaya,tinawag ko si Miss Yna kanina para irecieved napo," malumanay na paliwanag pa nito.
"ahh,baka nahuli lang nang dating pero baka galing kay Mister Amora" Paliwanag ko nalamang dito kahit hindi ako sigurado,.
"Maari rin po hindi kona din po kasi inabala pa kayo sa taas,dahil nakakahiya pong makaisturbo kanina,ang sarap din po kasi nang kuwentuhan niyo ni sir"
ngiti pa nito.
"kaya nga ang dami naming mga baon na kuwento eh,marahil pasasalamat niya tong flowers sa pagdalo at pasama ko sakanya kanina sa table niya,"
ngiti ko muli dito at inaamoy pa ang box nang bulaklak mismo.
"Salamat ha"ani ko sa staff
"abat,panibagong admirers na naman yan, Ellizze,asan ang chocolate?"
si Mildred habang papalapit saamin dala pa ang isa sa menu board nang shop,
"Walang chocolate, hehe,sira ka talaga galing kay Mister Amora to, yung regular guests namin,andito kasi siya,kanina," paliwanag kopa.
"asus porke galing sa guests ,walang chocolate? ang hina mo naman,dapat may fudang din,kuripot naman niyang guests na yan" biro pa nito.
"yung bibig mo Mildred,baka mamaya hindi pa nakakalayo yung tao,madinig ka,saka anong kuripot tulip ito,mamahalin ang tulip, galing pa ito sa mga kilalang shops at preserve pa ito ,import galing netherland wag ka nga!!!".
Irap kopa dito at itinabi ang bulaklak sa likod nang reception area.
"ah basta kung walang foods,mahinang klase nang guests." talikod nito.
"kulit mo talaga Mildred,dami mong sigurong dragon sa tyan" bulong kopa dito at balik na sa trabaho. nangingiti naman ang staff sa nasaksihang kulitan namin dalawa ni Mildred nang maalala kong itanong dito.
"Ah nga pala ang Papu ba hindi susunod dito sa shop?" tanong ko sa staff,
"ah maam tumawag po kanina kay miss Yna, hindi daw po muna,bahala na daw po muna sila sa operation nila Chef Rixor, " saad nito.
"ahh,bakit daw?" tipid ko kunwareng tanong habang chinecheck ang mga bill out jackets at Po's nang monitor nang table upang di mahalata na tila wala akong alam sa plano nitong biglang di pagbisita sa shop.
"ang sabi lang po nagkaroon nang emergency sa kalamansian po at kapehan nagloko po ata ang gamit sa irigasyon,nasira daw po ata "
patay malisyang sagot nang staff ngunit hindi sigurado,
"ahh ganon ba,salamat"
Sa Bahay:
Nakauwe nako nang bahay, binaba lamang ako nang driver sa tapat nang aming ancestral house babalik pa kasi ito sa Coffee shop
nauna nadin na
naihatid namin sa malapit na sakayan si Mildred gamit ang service na ito nang shop,
Nauna na kaming umuwe kesa sa mga Closing shift ,hindi na namin hinintay ang closing,dahil may pasok pa din kami kinabukasan,hindi ko na din balak magpahuli at magpaiwan pa sa shop,at baka maabutan pa nang ibang mga guests,
lalo na nang weirdong lalaki na mukang madami pa silang pinaguusapan nang kasama niya.at aabutin pa nang siyam siyam sa loob nang aming Coffee shop.
ayokong maabutan niya pa ako hindi kona kayang makipagtagisan pa nang titigan sa weirdo na yon.
"Helo po manang asan ang Mamu at papu?"
tanong ko sa isang kawaksi bago umakyat nang kwarto ipapabatid ko lamang sakanila na nakauwe na ako at aakyat upang magbihis at matulog ,maaga pa naman alas otso palang nang gabi,pero pagod na din ako at inaantok,hindi pa daw nakakauwe si Ellie marahil madami pa silang ginagawa.
"Nasa Opisina niya iha," kumain kana muna nang hapunan,nagluto nang paborito mong paksiw ang Mamu mo,ipaghahain na muna kita," anito
"naku manang hindi na ho,busog din po ako at matutulog na,titingnan kolang po muna sila mamu,at sasabihing nakauwe na ako,tirhan niyo na lamang po ako,para sa baon ko po, bukas"
saad ko dito at muling bumaba patungo sa silid nang opisina ni Papu,
"sigurado ka iha?" tanong muli nito
"opo,maraming salamat po"
"Mamu, papu..." hindi ata nila nadidinig na kumakatok ako,baka nasa may sulok sila sa library section nang opisina ni Papu.
pinihit ko ang seradura nito at kusang bumukas ang pinto,
"hindi nakasara?" bulong ko sa sarili.
"Anselmo,bakit naman ganito, bakit kasi hinayaan mo si ate magda,nagtiwala ka sakanila, paano na?" si Mamu,umiiyak ba ito habang kausap si Papu,
"hindi ko kaya,ang bata pa niya.. ayuko kunin nalang niya ang lahat saatin,wag lang si Ellizze!!!"
hagulgul pa nitong muli.
" Mariana,kumalma ka nga,baka marinig ka nang mga kasambahay natin,o nang mga bata."
"hindi ako makapapayag sa gusto nang David Del riva na yan,ano bang tingin niya sa anak ko, gamit na pwede niyang ariin..!"
sigaw pa ni Mamu, ako ba yung pinaguusapan nila,pangalan ko ba yon?
hindi ko hustong maintindihan, David Del riva?
"kapag hindi tayo pumayag ,higit pa sa mga ari arian na naipundar natin para sa mga anak natin ang mawawala, makukulong tayo Mariana,mas mabuti nang mamatay na lamang ako kesa makita at kaawaan tayo nang mga anak natin,nang mga bata ang magalala sila habang nasa kulungan tayo ang isipin pa nila at damdamin ang problemang ito!" ani Papu.
"Anselmo ang bibig mo!" sigaw ni muli ni Mamu,
"Kaya okay nalang sayo kahit na kapalit nang lahat nang ito ay ipauubaya natin si Ellizze kay David Del riva? na masunod ang Kagustuhian nito? kapalit nang Ancestral house nang Kapehan at kalamansian,nang Coffee shop??? ang kunin saatin sin Ellizze ganon,ba? kapalit nang kalayaan na ito,?"
"Hindi kona alam,Mariana!!! hayaan mo muna akong mag isa !Tama na gusto kong mapag isa!!! Si Papu
"Kung di ka nagtiwala sa lintek na half sister monayan ,hindi mangyayari to!!! ngayon pati mga anak ko mgdudusa, pati mga anak ko nadadamay!!! lalong lalo na si Ellizze!!!
"Anong tungkol saakin Mamu? anong sinasabi niyo? sinong David Del riva??" umaagos ang luha singit sa usapan nila, pakiramdam ko may bigik sa aking lalamunan at hindi ako makahinga nang husto ,hindi ko mapigilan ang masaganang pagdaloy nang luha sa mga mata ko, ako ba ang hinhinging kabayaran nila? hindi ko man nadinig ang kabuuan nang kanilang pagtatalo,
Malinaw lang sakin na niloko kami ni Tiya Magda,
at unti unting pagreremata ng mga ari arian ni Papu at Mamu,dahil kung hindi ipakukulong sila nang mga Del riva,
"tama ba ang dinig ko???? ako ,ako ang kapalit?ako ang gustong kabayaran nang nang mga Del riva?!?!!"
tanong ko habang tumatangis at nagagalit dahil mukhang matagal tagal na nilang nililihim ito saamin, lalo na saakin.
"Ellizze anak" si Mamu at dadaluhan sana ako, ngunit iwinaksi ko ang mga palad nito.
"No I need an Answer now!!!!"
nakakabinging naisigaw ko sa sa nagpupuyos na damdamin,
unang beses na sinigawan ko ang akin ina at ama dahil sa galit? sa pagkalito....
pakiramdam ko pinagkakaisahan nila kong lahat...
"answer me... huhu"sigaw kong muli habang patuloy na pag agos nang mga luha ko.
itutuloy.....