Nag uunahan, ang bawat pagpatak nang luha sa aking mga mata hinihintay kung may nais bang sumagot sa kanilang dalawa,
si Papu ay agad na napaupo at napasabunot sa mga buhok nito nang malamang nadinig ko ang paguusap nila,
napatigil si Mamu sa pagtangis tila ba nakakita nang multo at namumutla sa harapan ko nang mapagtantong maaring kanina pako nakatayo sa harapan nang mga ito.
Walang nais magsalita,ngayon na nasa harapan nila ako ay walang nais magpaliwanag saakin nang mga bagay bagay na ito? gaano na ba katagal nila itong pinaguusapan nang mga Del riva? isang linggo? isang buwan? o baka mas higit pa!, pakiramdam ko ay napagkaisahan nila ako,pakiramdam ko ay niloloko nila ko sa araw araw ,may itinatago pala sila akin at kung hindi ko sila nahuli ay marahil wala sino mang balak ang magtapat saakin nito. baka mamalayan konalang isang araw na unti unti ko nang nailalagay sa bitag nang mga Del riva ang sarili ko, ilan beses kona bang nakikita ang ginoo, dalawa pa lamang,pero marahil matagal na itong nakamatyag saakin at ang dalawang beses na pagtatagpo namin ay hindi aksidenteng baka nga marahil ay senyales na pala ito na isusuko na ako nila Mamu sakanya bilang kabayaran dito,baka nga nagpapakita na siya ngayon saakin dahil naniningil na ito,
lalong rumagasa ang mga luha sa aking mga mata sa isiping ito, natatakot ako,nalulungkot at nagpupuyos ang damdamin ko,
nakakapanghina nang mga tuhod hindi ko na kayang magtagal sa harapan nila Mamu at Papu,tila mnanglalabo ang mata ako at ano mang oras ay hihimatayin sa nabatid ko,
umiiling at unti unting tumalikod ako sa kanila, hindi ko alam... kung ano ang dapat kong maramdaman,walang balak magpaliwanag at magpaintindi saakin nang napakawalang kuwentang dahilan na ako ang nais na maging kapalit,sa kabila nang nagpatong patong na utang nang aking mga magulang,
lakad takbo,pero parang wala akong lakas sa bawat paghakbang ko, hindi nakikisama ang mga tuhod ko, kailangan kong makalabas sa kuwartong ito,parang angsikip sikip pakiramdam ko walang hangin, sa lugar na ito, nang malapit na ako sa pinto ay siyang tawag ni Mamu, hinintay ko kung may sasabihin ito ngunit nagkamali ako,.
"Anak Im sorry ,Im sorry, " yung lamang ang huling tinuran nito sa tuluyang pagsara ko nang pinto,
"oh.Ellizze." napapiksi ako nang mapagsino ang nabangga ko
gulat at pagaalala ang nasa mga mata ni Ellie pero wala siyang kaide idea sa mga nangyayari.
"O...okey kalang? " ani to
"Bakit???Bakit ka umiiyak?" ngunit iling lamang ang tugon ko dito at patakbong tinungo ang aking kuwarto ,
dinig ko pa ang pagtawag saakin ni Ellie na nag aalala at nalilito,hindi pa niya alam ,mukang wala din sinasabi ang mga magulang namin sakanya, mabuti na din yon baka mas magalala pa siya.
Pabagsak akong nahiga sa kama bago isinara at nilock ang pinto, yakap yakap ang teddy bear na regalo pa saakin nila Mamu sa birthday namin ni Ellie nang taon din ito,gusto ko munang mapagisa, gusto ko munang magisip, ayokong makipagusap kahit kanino, masakit ang puso ko, masakit ang pakiramdam ko, parang susumpongin ako nang trangkaso kahit wala naman akong dinaramdam talaga na sakit.
"Ellizze!!!" malalakas na katok pa nito.
Sinundan padin pala ako nito paakyat nang kuwarto.
"Ellizze ano ba? ano bang nangyayari??? hindi ko din makausap sila Mamu,nagaway ba kayo?" sigaw p nito.
"okay lang ako Ellie, masama lang ang pakiramdam ko, wag ka nang magalala,may ubot sipon din kasi ako,"pagsisinungaling ko.
"Bakit naman biglaan? sigurado kaba or nagaway kayo nila Mamu,hindi kaba pinayagan bukas sa sleep over mo?" pangungulit pa nito,
"Hindi pumayag naman sila,pero.... pero baka nga hindi na din ako makatuloy dahil sumasama talaga ang pakiramdam ko ngayon, baka.... baka napagod din ako pagkagaling sa shop, baka tatrangkasuhin din kasi ako," muli kong pagsisinungalin para wag na ako nitong kulitin.
Ayokong sabihin sakanya dahil,alam kong mas magagalit ito kapag nalaman ang nangyayari, ayoko mas sumama ang loob niya sa mga magulang namin,saaming dalawa si Ellie ang mas palaban, matapang, sutil kung maituturing, ngunit kapag alam nitong siya ay nasa tamang katwiran, hindi papayag na hindi pinaglalaban, kaya din siguro ako ang napiling ipangtubos sa ari arian dahil isa akong malamya, mahina at walang boses takot mangatiwiran kila Mamu at Papu,
ayokong magkagulo pa sila nila Papu kaya mas mabuting wag na munang nitong malaman.
"Sigurado kaba?" paniniguro pa nang huli.
"Oo,magpapahinga na muna ako," upang wag na siyang mangulit at umalis na din sa pinto nang kuwarto ko.
"Sige... may binili kami ni thomas na nilagang mais, nasa kusina para sayo iyon diba paborito mo yon,kaya sabi ni Thomas eh pasalubungan ka namin."
"Sige sige,mamaya titingnan ko babain konalang,kapag nagutom ako,salamat"
nadinig kong unti unti ang mga hakabang nito palayo sa aking kuwarto.
Hindi ko sigurado kung makakatulog ako dahil paniguradong iisipin ko ito buong magdamag at iiyak nang iiyak ang damdamin ko, hinang hina man ako ngayon sa nalaman ko, hindi ko nais makatulog sa takot na baka paggising ko ay biglang nasa poder na ko nang Mga Del riva.tila babangungutin ata ako......
Mahihinang katok ang unti unting nagpagising sa diwa ko.
"Ellizze?" si manang Ising.
"Ellizze iha? may dala akong almusal iha, pagbuksan mo ko nang pinto," nagaalalang tinig nito, nadinig siguro niya ang mga kaganapan kagabi, kayat naisipan na lamang akong akyatan nang almusal nang aming kawaksi,
kabisado na din ako nito na kapag masama ang pakiramdam o
may dinaramdam ay nais ko lamang magkulong sa kuwarto at siya namang aakyatan niya ko nang pagkain na lamang dito.
Matamlay kong binaba ang mga paa sa kama at inayos ang sarili nakaidlip lamang ako, alas sinko na halos nang umaga nang magsimulang mamigat ang mata ko,ngayon ay 10:40am na sa relong nakasabit saaking kuwarto.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto nang kuwarto at hinayaang makapasok ito at iginaya naman nito sa maliit na mesa ang mga dalang almusal para saakin.
nakahain ang Maliit na tasa nang kape, ensaymada, scrambled egg at hiniwang mansanas, hindi ako masyadong nakakakain nang mabibigat na almusal kapag may pinagdadaanan ako kaya marahil kaunti lamang at ang mga alam na paborito ko ang ihinain ni Manang Ising nagpapasalamat ako at may kagaya siya na aming Kawaksi matagal na din siya saamin at halos parang tiyahin nang ang turing namin sakanya.
yumakap lang ako nang magaan sakanya bilang pasasalamat , tila tamad na tamad din kasi akong ibuka ang bibig at kumibo.na nahimigan naman nang huli.
"ah iha hindi kaba papasok sa eskwela ngayon,? kanina ay tumatawag si Mildred nakapatay daw ang celphone mo, " ani to nang magsimula ko nang lantakan ang ensaymada sa mesa.
Umiling lamang ako nang mabagal.
"ah ang Mamu at Papu mo ay nagtungo sa Kalamansian niyo at may ron daw importanteng ura uradang nagtungo kasi ngayon doon at kailangan nilang kausapin, magisa kalang dito ngayon, dahil ako ay pupunta naman din sa Coffee shop upang tumulong mamayang mga alas dose pagkadating nnag service Kasama si Mang efren. "
Tango muli ang sinagot ko dito.
"Si Ellie daw ay dederetso nalang din sa Coffee shop pagkagaling sa eskuwelahan pero hapon na siguro siya makakarating" muling saad nito habang nilalagyan nang tubig ang baso ko.
"Ellizze sigurado kabang okay kalang magisa dito,ang hardinero kasi si kuya oscar ay hindi na nag stay in, malapit na din kasing manganak ang asawa kaya hindi din siya magtatagal at mayamaya aalis na," tigil nito sa ginagawa at tumingin sa mga mata ko.
"okay lang po ako Manang Ising ,kaya ko naman po," sa wakas ay turan ko sa mahinang boses at kumuha nang tinidor para sumubo nang itlog.
"Ganito nalang anak ha, dahil magisa kalang dito sa bahay,ngayon ay wag kang magpapasok nang kung sino sino ha.ilock mo ang pintong maige ha" anitong muli habang ginagagap ang palad.
tanging tango lamang ang tugo ko dito.
Nang sa tingin ni Aling Ising ay wala nang maihahabilin at dahil wala na din naman akong sinasagot dito ay napaalam na muna itong bababa nang kusina, sinabi niya din na iwan konalang din sa lababo ang hugasin at siya na ang bahalamg magasikaso bago magtungo sa Coffee shop.
nakatanaw ako sa bintana minamasdan ang papalayong Service van nang Coffee shop namin, lulan si Manang Ising at kuya Efren,
tiningnan kong muli ang Orasan sa Dingding nang kuwarto, 12:05noon nakakawalang gana,kahapon lang ay madaming plano para sa school ngunit nang dahil sa mga nalaman ko ay tila nawalan nang saysay ang lahat nang bagay saakin, nawalan nang saysay ang pagkatao ko, nawalan nang saysay ang mga karapatan ko.
Natawa ako nang pagak sa isiping iyon. sinadya kong patayin ang celphone ko ayokong tumanggap nang kahit ano o sinong tawag,kahit si Mildred pa ito,
nais kong magisip isip ,nais kong mapag isa, kahit ang totoo wala naman akong maisip na kahit anong magiging solusyon para matakasan ang bangungot na ito. basta ang nais ko lamang ay magisip isip.ang makahinga.
Nang malala ang liblib na lawa sa may gulod nang San vicente ang dating pinupuntahan namin nang magkasama ni Ellie at Thomas nang mga bata pa kami .nadiskubre namin ito nang minsang naglilibot at nangongolekta nang mga ibat ibang uri nang magagandang bato at shells na ginagawa namin laruan at pera perahan ,Hindi namen pinaalam ito sa aming mga magulang na dito kami noon naglalagi, dahil malayo layo na din ito sa aming mga tahanan at may mga sabi sabing delikado daw ang lugar at may mga enkantadong nangunguha nang tao dito, sikretong lugar naming tatlo ito nang mga bata pa kami, sa palagay ko hindi dahil sa kuwentong bayan din kaya pinagbabawal na itong dalawin nang sino man dahil nabili na din ito at private property na din daw ang mahiwagang lawa na ito.
Sa tingin ko sa aming tatlo nila Thomas at Ellie ay ako na lamang ang patuloy at pasikretong bumibisita sa lugar na ito, si Ellie at Thomas ay nakalimutan na ito dala na din siguro na masiyado pa kaming mga bata. Tingin ko dahil mas madaming magagandang alala din saakin ang lawa na ito,
may minsan din kasi nang ayain ko silang pumunta dito ay ayaw nila akong samahan kaya naman kapag ayaw nila akong samahang magtungo dito ay nagsosolo akong nagpupunta at nagpapalipas nang oras pakiramdam ko napupunta din ako sa ibang lugar at ibamg dimensyon kapag nagagawi ako sa Lugar.
Oo tama! ani ko sa sarili.
Dali dali akong nagayos nang aking sarili upang maligo at nag empake nang iilang gamit upang magpunta sa lawa,
Mag aalas Dos pa lamang kahit paano ay maliwanag pakong makakarating duon.
Ellie's POV:
"Ellie?" si Mildred
"Si Ellizze ba hindi siya papasok ngayon? tinatawagan ko siya nakasara ang celphone niya eh,may nangyari ba? madami pa naman kaming mga naiwang gagawin para sa Feasib." ani nang huli habang humahangos nang tawagin ako.
"Masama ang pakiramdam niya last night, hindi ko na nga ginising kasi paniguradong hindi siya papasok kinabukasan kapag ganon," saad ko dito habang inaayos ang locker ko.
"Ganoon ba?" takang tugon nito.
"Biglaan ata,magkasama pa kami kasi buong maghapon hanggang mga 6-7pm lang siguro kami naghiwalay pagkatapos namin tumulong sa Coffee shop niyo," paliwanag pa nito.
"Baka napagod ang ate, alam mo naman yun mahina ang resistensya,kung gusto mo....hmmm sige bago ako dumiretso nang Coffee shop mamayang pag out eh,sumabay ka sakin pauwe nang bahay,ihahatid kita para naman may kasama siya sa bahay, hindi siya maburyo habang nagpapahinga " Saad ko nang tuluyan nang isara ang locker ko.
"ah sige,magpapalam nalang muna ako sa mga kagroup mates ko, para makuha konalang din sakanya yung mga drafts at kami nang bahala habang nagpapagaling siya." ngiting saad nito.
nagpaalam nadin si Mildred dahil aakyat pa daw sa next class nito.
Naiwan akong napapaisip, bakit kailangan niyang magsara nang celphone kung alam niyang madami siyang inaasahang tawag at alam niyang madami silang naiwang gagawin sa skwelahan? nakakapagtaka, ganoon din ang Mamu at Papu nakakapagtaka at nakakapanibago ang mga kinikilos nila nitong mga huli.
Lawa sa may Gulod:
nakarating ako nang mga alas kuwatro na sa may lawa, kahit paano ay tirik pa ang araw,at ang gandang pagmasdan na tumatama ang liwanag nang sikat nang araw nito sa malinaw na tubig nang lawa at nagmimistula itong kristal sa bawat kislap nito sa ibabaw nang tubig. mas madami na din water lilies ngayon dito kumpara sa dati at halatang alagang alaga ang mga ito sapagkat namumukadkad ang bawat mga bulaklak nito ,mukang tunay nga ang sabi sabi na may nakabili at nagmamay ari na nang lugar na ito.
medyo napagod din akong mag lakad papunta, dahil mahirap nang magcommute or makakuha nang pampasaherong sasakyang nagtutungo dito, kaunti nalang din kasi ang nagagawi sa lugar dito,bihira ang sadyain dahil sa tingin ko nga ay naging Private property na din kasi ito. maaring ang mga dating umiikot na pampasaherong sasakyan ay iba na ang mga routa ,kaya naman malayo layo din ang pinag babaan ko ,
Nilatag ko ang dala kong kumot sa may basa basa pang lupa malapit sa tubig,
"okay lang yan" kausap ko sa sarili dahil madudumihan ko nga ang kumot na nilatag, nilabas ko ang dala kong mais na nilaga na tinabi pa ni Ellie sa ref, kagabi ang pasalubong niya sakin.. natutuwa akong masdan ang kalangitan habang nilalantakan ang mais nang naupo na din ako sa kumot na nilatag ko.
"ang ganda nang langit, ang aliwalas, " saad ko sa sarili may mga paro parong lumilipad lipad paikot sa akin ,may ibat ibang kulay nang ibong pipit at maya na nalipad at humuhuni sa langit, ang simoy nang hangin at ang himig at lagaslas nang tubig na tumatama sa aking paanan ,nakakatanggal nang stress ika ko pa sa aking sarili.
panandalian kong nakakalimutan ang aking mga isipin......
Sa Bahay nang Gonzales :
"Ellizze kasama ko si Mildred" si Ellie agad na bungad nito pagpihit nang pinto at agad binuksan ang malaking ilaw sa salas dahil nababalot nang dilim ang buong bahay.
"Si ate talaga ni mag abalang bumaba para buksan ang ilaw hindi magawa, sige na Mildred katukin mo na siya sa kwarto may kukunin pakong mga gamit sa kusina eh,"saad nito.
"Sige" sangayon nang huli.
Dire diretsong tinungo ni Ellie ang kusina upang kuhanin ang ilang mga sangkap na pinasusuyo ni Aling ising dahil mas malakas daw ngayong araw at hindi pa dumadating ang delivery na nirequest nila kaya naman,kukuha nalang muna sila sa mga stocks sa walk in cabinet nang stock room ni Papu isasama nalang daw ito sa reimbursement report nang accounting.
"Sibuyas, paprika, thyme, Penne pasta" habang binabasa ang mga nakalista sa papel na sinulat niya at chinecheck ang laman nang mga de boteng hindi pa nabubuksan at mga plastic nang ibat ibat uri nang mga Pasta,noodles at bigas sa walk in cabinet.
"Ellie!!" hiyaw ni Mildred pababa nang hagdan.
"Ellie" humahangos na tila ba nagaalalang tumitig ito sakanya...
"ummm... bakit?" walang emosyong tanong nito habang busy sa ginagawa.
"Sigurado kabang walang nasabi sayo si Ellizze kung may pupuntahan ba siya or may kikitain?" pagaalalang tanong muli nito.
at saka biglang natigilan si Ellie sa reaksyon nang kaibigan.
"Ano bang sinasabi mo?
"Wala si Ellizze sa kuwarto niya,hindi nakalock chineck ko din kahit C.r niya, pinuntahan ko din un Library niyo wala namang tao dun." ani to.
"huh? san naman pupunta si Ellizze?" at akmang ilalabas nito ang phone nang....
"Iniwan niya ang phone niya" taas nang kamay ni Mildred hawak ang celphone nito at abot nito sa huli
habang takang taka ito sa nangyayari.
"sigurado kabang walang dinadamdam si Ellizze? sigurado kaba na walang nangyari kagabi?"
Duon na dumagundong ang dibdib nito nang maalala ang eksena kagabi.
may hindi sinasabi sakanya ang mga Magulang nito, may nais itago sakanya ang kanyang kambal.
"shocks there is something fishy going on!!!" ani Ellie, at lumabas ito nang bahay na sakto naman inabutan ang ama at ina nito buhat sa pagbaba sa kotse.
"Ellie " si Mamu
"Ma ? anong nangyari kagabi?" asik nito ngunit pilit na nagtitimpi at pinababa ang tinig bagkus nagugulumihanan ay ayaw nitong magmistulang walang galang at mapagtaasan nang boses ang ina
"nawawala si Ellizze!!!"
"Anak kasi" saad ni Mamu ngunit hindi natuloy ang sasabihin
"May hindi kayo sinasabi saakin?" pagpapatuloy nito nakasunud naman sakanya si Mildred at inaawat siya nito.
"Ellie wag mo naman pagtaas nang boses ang magulang mo," si Thomas na hindi namalayan nakalapit na din pala.
"Ako nalang ata sa pamilyang ito ang nilihiman niyo, may dahilan si Ellizze bakit nagkulong siya sa kuwarto simula pa kahapon, non minsan tinanong ko kayo ay wala naman may balak magsabi sakin nang totoo... " ani to
"Pumasok nga muna tayo sa loob at mukang babagsak na ang ulan,hanapin nalang natin si Ellizze at baka nasa mga kaibigan nito," si Papu
"Paano hahanapin kung yung tao mismo ang ayaw mag pakita
iniwan niya yung telepono niya," si Ellie
Sa gitna nang pagtatalo ay unti unting bumabagsak ang maliliit na patak nang ulan
Hanggang sa tuluyang lumakas ang bawat pagbagsak nito, kasabay nang pagkislap nang liwanag na nagmumula sa kalangitan sanhi nang malalaking kidlat at pumailanlang ang napakalakas na kulog mula sa kadiliman.
Ellizze Pov:
Nagising ako nang may iilang patak nang tubig na dumadampi sa aking mga pisngi, nakatulog pala ako ...
"hala anong oras na ba,? ang dilim na nang langit" ani ko sa aking sarili.
sinipat ko ang aking pangbisig na relo na medyo nanglalabo gawa nang nabasa na din ito nang ulan, alas otso pasado na nang gabi.
sinamsam ko ang mga gamit na nagkalat upang hindi tuluyang mabasa ito, nagkanda hulog hulog pa ang iba ang baunan ko nang tubig ay naiwan sa pagmamadali, nilapag ko ang iilang gamit sa ilalim nang malaking puno nang Narra na maaring masilungan.
muli kong binalikan ang naiwang baonan sa pagmamadali ay nadulas ako sa malumot na bato at natapilok dito.
"ahhkkk" impit na sigaw ko, nakakatakot sumigaw dito nang pagkalakas lakas naisip kong Eechoe pa ito.
tumayo akong muli bitbit ang aking baunan at iika ikang tinungo ang napiling sisilungan nang tuluyang bumagsak nang napakabigat at lakas nang ulan,kasabay nang malakas na hangin.
at nagulat pa ako nang biglang may Kulog at kidlat din na kasunod nito,
Napatakip ako sa aking tainga, nang madiin dahil nasundan pang muli ang mga kulog at kidlat nito, Nabasa na din nang tuluyan ang suot kong damit gawa nang nagsimulang lumakas ang bagsak nang ulan nang natapilok ako kangina.
"arrgggg ang ginaw,shocks" kinuha ko na lamang ang kumot na ginamit kanina at binalot sa sarili.
saglit lang naman siguro itong ulan na to,
mayamaya siguro ay titila na din iyan,.
Ngunit habang tumatagal ay lalong lumalakas pa ang ulan, lumalakas ang hangin at napakadilim nang kapaligiran, tanging ang biglang pag kidlat sa kalangitan ang nagsisilbing liwanag. napapatakip nalamang siya nang tainga sa bawat pagsabog nang galit na galit na kulog sa langit.
"Diosko po,tumigil kana please, natatakot na ko" dasal nito sa sarili, nginig na nginig na din siya sanhi nang malakas na hangin at natuyuang damit sa ulan, magiisang oras na ding dirediretso ang pagbagsak nito,
mukang matutuluyan pa nga talaga akong magkatrangkaso nito,
muling anas nito,habang naghihintay nang milagro na sana kung hindi man tumila ang ulan ay may makakita sakanya at baka maaring makasilong sa tahanan nito.
"may tao ba dyan?!" sigaw ni Ellie nang minsang kumidlat pa ay may isang bulto siyang natanaw sa di Kalayuan.
"oh my God,wag ngayon, wag kang manakot ngayon, Multo ba yon?"
"wag kang lalapit, sinasabi ko sayo may kutsilyo ako dito!" abat diba kanina ay gusto ko nang saklolo ngayon na naka banaag ka nang anino nang nilalang ay parang iba ang hinhiling mo,
yabag nang mga paa papalapit sakanya,nadidinig niya ang bawat hakbang nito,
Diosko po, hindi nga ako mabebenta sa matandang binata, ma mamassacre naman ata ako nang maaga.
nakayukyuk sya habang akap akap ang kumot sa sarili
Huling hakbang nang mga mabibigat na paa nito at tumigil sa harapan niya ,
unti unti siyang nagtaas nang mga mata upang masiguradong tao nga ito at hindi engkanto,
Matiim itong nakatitig sa mga mata niya,
seryosong muka nang matangkad na lalaki na nakasuot nang itim na kapote at makapal na bota,
Unti unting nanglaki ang kanyang mga mata at
gulat na gulat ang kanyang naging reaksyon nang mapagsino ang nilalang na ito.
Si Mister Del riva,
David Del riva......
"i-ikaw?".....