Confrontation

3583 Words
Ikaw???? Tila nakakita nang Multo si Ellizze nang minsan pang muling kumidlat at nagliwanag dahilan upang malinaw na masilayan at mapagsino ang nagmamay ari nang Bultong nakatayo ngayon sa kanyang harapan. "What are you doing in this place at this kind of moment, Woman? supladong siyasat nang huli sakanya. halos panawan na siya nang ulirat sa kaba,lalo na sa boses nitong lalong nagpalakas nang pagkabog nang dibdib niya,animong dagundong na nagmumula sa ilalim nang lupa ang tinig nito sa lalim at laki,gayon din sa tono nang pagsasalita nitong tila galit na aksidente makita siya sa lugar. "Will you not answer me? or you will just merely waste your time examining my face here ? " sabay ngisi pa nito at duon unti unting nagbalik ako sa realidad at natauhan. "Anong ginagawa mo dito? sa gitna nang lawa at sa ganitong oras? magpapakamatay kanaba?" sipat nito sa kabuuan ko na tila binabasa kung ano ang iniisip ko, at gumamit na din nang wikang tagalog, sa waring iniisip ata nito na hindi siya nakakaintindi nang mga unang sinabi,. "Ahm naabutan kasi ako nang ulan," saad ko nang nauutal pa,at medyo naiilang pa sa itsura ko dahil sa nabasa na ang kabuuang damit na natuyo nalamang , nagusot at binalot sa sarili ang kumot na dala. in short nagmistula akong basang sisiw. "And why are you here?answer me?what brings you here at my property ,alam mo bang trespassing ka hindi mo ba nakita ang malaking sign board sa gate sa labas bago ka pumasok dito? " oh God so sa dinami rami pa pala nang nakabili nang lawa na ito,sa kamalas malasan, "hi...hindi kopo nakita ang sign board, kasi... kasi... po sa likod po ako dumadaan talaga pag bumibisita po ako sa lugar na to." walang pagsisinungaling at inosenteng saad ko. "at saka po wala na man pong Lock ang tarangkahan sa likodan gawi nito, akala ko po ay maari pa din pong dalawin po ito nang mga tigalabas kahit mayron nang personal na may ari nang lawa na ito." mahabang paliwanag ko at alumpihit na nilalaro ang mga daliri , nakayuko dahil sa takot sa mga matang nakatitig sa akin, dahilan din upang makaramdam ako nang lalong panginginig at naiihi na din siguro sa kaba. "Hay ... si kuya Pedring ,talaga sinabi nang hindi na pwedeng magpapasok nang outsider dito." bulong nito na naiiling iling pa, ngunit malinaw ko naman itong nadidinig marahil ay isa sa katiwala nito ang nabanggit na ngalan. "Are your parents know that you are here right now?" baling muli niya saakin at seryosong nagtanong ,na akala mo tatay na sinuway ang utos nang anak kung makaasta at makapagtaas kilay ito. "Ah ano po kasi.... hindi kopo kasi inaasahan na gagabihin ako tapos umulan pa po..." saad ko dito. "You should have called them instead,para masundo ka nila, " muling saad nito na tila nanenermon pa. " what do you think? this rain will stop in this height of storm for you? are you planning to get sick?" muling titig nito saakin mula ulo hanggang paa. nakakapaso ang mga titig niya,nakakailang ang panenermon niya, dinaig pa niya si Papu kung makapagsalita saakin,tila ba tingin niya sa sarili niya ay may karapatan siyang magsermon at magalit sa naabutang itsura ko sa mga oras na ito. hindi nga ba Ellizze? he has all the right to get angry, coz he is about to buy you and own you in replace of all the property that your family has. Nakakaiyak. "Okey lang ho ako, wag ho kayong magalala mamaya maya,paghina po nang ulan aalis nadin po ako.," mayabang kong pagbawing saad sakanya. "Call your parents..." tipid nitong sabi. at malumanay na nakatitig sa aking mga mata. kasing lumanay na ngayon nang unti unting humihina nang hampas nang hangin at ulan mukang nakikibagay na nga ang bagyo at unti unting humihinto na. "Ahm ano kasi sir, hindi kopo dinala ang cellphone ko bago pumunta dito..." "Damn!" ani nito na ikinagulat ko,bigla siyang nag taas nang boses at nakapagmura pa. "So dinadaan mo talaga sa tigas nang ulo mo ang magulang mo?! you go in a certain place like this ??? then not bringing your phone with you!!! is that it ??? " nakakatakot na dumadagundong na tinig na naman ang pumailanlang at tila nag eechoe na din sa gitna nang kadiliman. "Now tell me now!!! young woman?! are you that so stubborn? to just do what you want, even if it is making your family get worried?!" ani tong nakumpas pa ang kamay sa kawalan. "Ano... ano kasi...." at hindi kona napigilan ang pag alpas nang luha sa aking mga mata , "Ano po .. gu...gusto kolang naman kaninang magpahangin, magliwaliw,maayos naman ang panahon kaninang umaga.... hindi ... ko naman kasi.... hmm..hkk.hkkk" tila hirap na din akong magsalita at natataranta nadin sa kanyang galit na presensya. Tanging hikbi at luha na lamang ang kayang tumugon at magpaliwanag nang aking nararamdaman. Ang dami dami konang iniisip simula kagabi, Ang dami dami konang natuklasan na hindi ko mapaniwalaan,hindi ko naman sinasadyang ,marahil ay nagaalala na sila... gusto ko lamang magliwaliw, mapagisa at makalimutan lahat nang nangyari kagabi... tapos nadagdagan pa talaga nang sitwasyon ko ngayon,tunay ngang pinapamuka saakin na wala na kong kawala? ganoon ba? na ang liit liit nang mundo ko,kahit saang lupalop pako magpunta andyan at nandyan lang tong Weirdong MaMa na to nakabuntot, nasulpot ,palagi nasa paligid ko. Gusto kong makalimot kahit sandali lang, Gusto kong makahinga.... hindi pa talaga nag sisink in saakin lahat nang nangyayari hindi ba pedeng time out muna... hilong hilo na ko... Gusto ko lang magisip! "Mang Pedring, pakiredi yung sasakyan...." ani to sa may di katandaang lalaki na bigla din sumulpot sa kung saan na may dala dalang din itong malaking payong... "Senyorito... sige po" iniabot nito ang payong sa Ginoo, "halika na... sumilong kana dito,masiyado nang gabi kung magco commute kapa palabas nang lugar na to, madulas na din ang kalsada" ani to at inakbayan ako, panandaliang napaso ang balikat ko, nalilito ako sa biglaang naramdaman ko, Tila may kuryenteng hatid ang bawat hibla nang mga daliri nito. batid kong nagulat din siya sa naging reaksyon ko ngunit nagpatay malisya nalang ang huli. "Mang Pedring kayo na muna ang bahala sa gamit niya, pakidala na lang din sa kotse," turan niya dito at tumango lamang ang huli bagkus ako naman ay naguluhang muli na napaangat nang titig sakanya. ngunit nahimigan naman ang nais kong itanong. "nabasa ka, kailangan mong mapatuyo at magpalit nang damit ,before I drive you home". ani to na saglit lamang akong tinitigan sa mata. Dinala niya ako sa may kalakihang silid, inutusang maligo muna sandali nang sarili at magpatuyo. Paglabas ko nang banyo ay nakita ko din ang pamalitan ko nang damit na nakapatong sa ibabaw nang kama. Isang puting baro,nang aking iladlad ito ay napagtanto kong isa itong Tshirt nang lalaki, at marahil ay kanya ito... sabagay saan naman ito kukuha nang pambabaeng kasuotan sa mga oras na ito, lalo pa at kaka tigil lamang nang malakas na ulan.gayon din mukang siya lamang ang nakatira sa ngayon sa bungalow na ito kasama ang kawaksi na tinawag niyang Mang Pedring kanina lamang. mahinang katok ang nadinig ko sa pinto mabuti at tapos na akong magbihis. "pasok" ani ko. "Senyorita, mag mainit na tsokolate daw po muna kayo sabi ni Señorito Ralph," ani nang huli. binababa niya ito sa maliit na mesa malapit sa kama habang ako naman ay kakatapos lamang na magsuklay nang buhok at napatingin sakanya at muling itong nagsalita "Baka raw po siponin or malamigan kayo kasi kayo ,bago po kayo bumiyahe pauwe maya maya ay ubusin niyo daw po muna iyan,nang mainitan din daw po ang inyong sikmura." saad nitong muli. "Ah mang Pedring... tama po diba? wag niyo na po akong tawagin Señorita hindi po ako sanay,wala pong ganyang tawag saakin sa bahay kahit amin pa po silang kasambahay,ay pamilya po ang turing namin sakanila." mahabang turan ko sa Ginoo. "Saka sino pong Ralph? Diba po David ang pangalan non amo niyo.?" mausisa kong tanong dito habang unti unting iniinom ang tsokolate. "ah David Ralph po kasi ang tunay na pangalan nang amo ko,Dave kapag mga malapit na kaibigan kalimitan niya ang tawag skanya " saad nito na tila tuwang tuwa habang nagkukuwento. "...at kapag Ralph naman po nakasanayan na naming mga nakalakihan niya,bata pa kasi siya ay mas iyon ang naging tawag namin sakanya bilang palayaw po niya."ani nitong muli habang inaalayan akong maubos ang tasa nang tsokolate at kinuha na nito nang natapos na ako at nilagay na sa maliit na tray na dala nito. " kaming malalapit na naglilingkod sa kanya ang nasanay na tumawag sakanya nang ganoon po."muling paliwanag nito. "o siya senyorita , bababa na po ako hintayin niyo nalang po si Sir Ralph at may kinausap lamang sa telepono,at magbibihis lang daw siya sandali nang maihatid ka na niya, naiayos kona din ang sasakyan,at yung mga gamit niyo po,nga pala ay nasa Compartment po," nginitian konalamang ito at nagpasalamat, at ganong din ang huli ngumiti na lamang din ito bago bumaba, ang sabi ko wag na señorita at hindi ako sanay, masiyado naman pormal tong weirdong lalaking to,sinanay niya yung mga kawaksi nila na ganoon ang tawag sakanila... Ilan minuto pa ay may muling kumatok sa pinto, pakiwari ko ay iyong weirdo na ito dahil iba ang bigat nang bawat katok nito hindi kagaya nang kanina, agad akong napatayo at pinagbuksan na lamang ito nang pinto. abot abot langit ang aking kaba nang pagbuksan ko ito nang pinto dahil hinagod na naman ako nang nakakatunaw na titig, magmula sa aking mukha pababa hanggang aking hita, isang maliit na boxers shorts lamang kasi ang aking suot pakiwari ko ay sakanya din ito, hindi ito masiyadong kita dahil abot hanggang tuhod ang malaking Tshirt na suot ko. Wala siyang kahit anong sinabi pero sapat nang kabahan sa mga nanunukat na paninitig nito saakin. "Come on ,i'll bring you home " tipid at sa maawtoridad na tinig na saad nito at nag patiuna nang bumaba nang hagdan ,dahan dahang sumunod na lamang ako dito, Sa loob nang Sasakyan,habang inaayos ko ang seatbelt ko, "I already call your parents, I talk to Mister Gonzales your Dad, " seryosong litanya nito habang nagmamaneho at hindi tumitingin saakin, "They are God Damn worried about you Woman," saad nito malumanay ngunit parang nagbabanta ang tinig nito habang patuloy na nagmamaneho. Hindi na lamang ako tumugon, alam ko naman na may pagkakamali din ako kila Mamu at Papu sa ginawa ko,kahit gusto kong makipag talo sa mga oras na ito para sabihing wala siyang karapatan na pagsabihan ako ay hindi ko nalamang isinatinig. nakabibinging katahimikan nalamang ang naging tugon ko dito. Nakatingin lamang ako sa bintana nang sasakyan buong biyahe,animo ay tinatandaan ko ang bawat daan na aming tinatahak. hindi ko namalayan na muli akong dinalaw na naman nang antok at ginupo nito. Ellizze ...ellizze ....hey,.wake up , we are here now. nagising ako nang mahihinang tapik sa aking pisngi ,unang bumungad saakin ang mga mata nang Weirdong lalaki na naman na ito, Pati ba naman sa panaginip? minsan pang kinurap kurap ko ang aking mga mata. Nang napagtanto hindi na pala ito isang panaginip. "uhmmmm....ah..andito na pala tayo?" nakakatawa, hinayaan niya ko matulog sa byahe dahil kabisado talaga niya ang daan papunta sa bahay namin, sabagay andito nga din pala siya non isang hapon. nang minsan nadatnan namin siya ni Mildred na kinausap pa sila Papu. nilinga linga kopang muli ang mata sa magkabilang bintana upang itago ang aking pagkailang sakanya. nauna na din siyang bumaba. at nakita kong sinalubong siya nila Mamu at Papu, habang ako naman ay pumunta muna sa compartment upang kuhain ang mga gamit ko, "Ellizze" si Ellie nang makababa nang bahay ito at yumakap pa saakin , "Saan kaba galing?hindi ka din nagpaalam kila mamu at papu,hindi mo din dinala ang Celphone mo?" kasunod din ay lumapit din saamin si Thomas na tuwang tuwang yumapos din sa akin. at saglit naman humiwalay c Ellie nang may biglaan tumawag sa Telepono. "Grabe, Ellizze nag alala kami sayo,sabi ko na nga kay Ellie eh kung hindi bumuhos ang malakas na ulan ay magtutungo kami sa Lawa eh baka sakaling nanduon kanga, pero nang may tumawag kay Papu mo eh kahit paano kumalma kami dahil nasa ayos ka naman daw na kalagayan" inilihim kona lamang sa huli na duon nga ako nanggaling sa lawa. Habang Mahabang naglilitanya ito ,masayang masaya na ligtas naman akong nakauwe animo ay nabunutan pa nang tinik sa pakiramdam. Maya maya ay bumalik na din si ellie na nakavideo call na si Mildred. dahil nasa group project nga pala namin ito, hindi pala ako nakapunta sa balak na sleep over namin. parang nalungkot naman ako bigla,sabagay kasalanan ko din naman ito masiyado akong nagpaapekto at nagpadala sa panibugho nang damdamin ko, pero hindi naman siguro masisi nito ang nararamdaman ko, "Hoy bruha ka, akala koba masama ang pakiramdam mo,bigla kanalang nawawala ha,may hindi ka samin sinasabi nila Ellie ha,"ani pa ni mildred nang minsan tinapat nito sa muka ko ang Cellphone nito. "Wala naman nag pahangin hangin lang ako" tipid kong ngiti sa mga ito at kay mildred, "asus... Ellie bantay bantayan mo yang ate mo,ang sabihin mo na kasi Ellizze, kung umaaura kana? may sinisekreto ka na saamin,mamaya malaman laman namin tinanan kana niyan ha, baka bigla ka nalang ibahay niyan ilayo kana samin,hahaha" sabay sabay pa nilang tawanan, nailang ako bigla dahil habang nakikipag usap si Mister Del riva saaking mga magulang ay nakamata siya saamin , naka Loud speaker din kasi kami marahil nadidinig niya ang mga pinaguusapan. "Pinagalala mo si Thomas, aba diba Thomas,naku dahil sa may manhid manhid dyan sa tabi tabi,mukang si Ellizze eh may napupusuan na palang iba, mukang sinukuan ka na niya, tama ba ko Ellizze,?" pangbubuskang muli ni Mildred kay Thomas na kakamot kamot lamang nang ulo at walang kamalay malay naman si Ellie sa itinatakbo nang usapan. at siya namang kinapula nang pisngi ko,. hindi manhid si Thomas mali ka jan Mildred,sadyang hindi niya lang talaga ako tipo, panigurado kong napapansin niya at nararamdaman niya ang pagtatangi ko sakanya,ayon nga lang ,hindi niya maaring bigyan pansin itong nararamdaman ko at suklian dahil alam ko namang kapatid lamang ang tingin niya higit saakin at si Ellie ang matagal na niyang Hinahangaan kumpara saaming dalawang kambal, kung siguro ibang tao ang mababalitaan kong nagugustuhan nito ay mas maaring masakit at magdadamdam pa ako,pero sa isiping si Ellie ito ay,masaya naman ako para sa kambal ko,masaya din ako para kay Thomas , napaka bait niya at maalaga sa kapatid ko, "Oh siya magpapaalam nako, madami pa kaming gagawin, Ellizze buksan mo yung cellphone mo ha, tatawagan kita mamaya,iuupdate kita sa mga gagawin mo,sige na..." ani mildred. "opo,sige na bye..." animo ay matanda ang kausap ko dahil sa huling turan nito at kinawayan ko na lamang siya celphone bago tuluyan patayin ni Ellie ang tawag. napalingon akong muli sa mga magulang ko at seryoso silang naguusap at nakita kong nag aya na din Si Papu na papasukin ang Weirdong lalaki na ito,sa bahay namin, abat welcome pa talaga, Habang busy naman naguusap sila Ellizze at Thomas , tinutulungan na din kasi nila akong ibaba ang iilang mga gamit ko sa sasakyan ni Mister Del Riva. Nagpaalam muna ako sakanila na aakyat na muna sa loob,susundan sila Mamu at Papu para estimahin ang aking bisita kuno. Lingid pa din sakanila ang tunay na pakay nang Ginoong malayang pinapapasok sa loob nang aming Tahanan, at wala akong balak na malaman ito nila Ellie. "I dont want this to happen again Mister Gonzales, ngayon palang nga napapabayaan niyo na siya at hindi napapasunod ,ano pa kaya kapag nasa poder kona? "Dinig kong malakas na turan ni Mister Del riva nang sundan ko sila sa opisina ni Papu. "Madali kasing magulohan ang anak ko na si Ellizze kapag may biglang mga problema na pumapasok sa isip niya ,ang isa sa gusto niyang ginagawa ay mapagisa.. ayaw niyang nagiisip nang kung ano ano...."ani Papu. "Paano nalang kung hindi ko agad siya nakita,ang lakas lakas nang bagyo,paano nalang kung may mangyari sakanya sa lugar na yon, pati ako magiisip pa....ayoko nang mauu.." "Who are you talking to my parents in that manner you Weirdo?" Basag ko sa seryosong pinaguusapan nila na kinagulat nila Mamu at Papu "Anak Ellizze," si mamu at dinaluhan ako nito upang pigilan at pakalmahin na baka ano pa ang masabi ko. Blankong nakatingin lamang saakin si Mister Del riva,hindi mabanaag kung anong naglalaro sa kanyang isipan nang mga oras na iyon. "Hinde Mamu, anong karapatan niya na pagsabihan kayo nang paraan niyo nang pagpapalaki saakin? tama ba ko nang nadinig ko, minamanduhan niyo kayo?" asik kong muli,salit salitan ko silang tiningnan sa mga mata, si Mamu ay tila nag aalala na at dali daling tinungo ang pinto nang opisina kung nailock ko ba ito,at nagaalalang baka may ibang makadinig nang aming mga paguusap. napapataas na din kasi ang aking boses . "Ellizze, Mister Del riva's intension is not what you think!"Si Papu,. "Oh the hell I care, kanina pako nagtitimpi sa Weirdo na yan eh, hoy!!! Mister saakin ok lang na sigawan mo ako,but not my Parents you dont have any say with that "baling ko sakanya. "Mister Gonzales,can you please leave us alone,I want to talk to your daughter in sincerely manners " matalas na tingin nito saaking mga mata,na tila nakikipagsukatan nang tapang. para namang mga maamong tupa ang Mamu at Papu na kay daling napasunod nito, ano bang ang pinakakain nito sa magulang ko at napakadali nitong manipulahin, naging sunud sunuran sa bawat utos nito. kaya lalong nagisilakbo ang damdamin ko at nagiinit lalo ang dugo ko sakanya. "Now talk woman,"aniya pa nang kami na lamang dalawa ang naiwan. "kanina ang tahi- tahimik mo, ngayon na kausap ko ang magulang mo,ang tapang tapang mo,how funny" sarkastikong saad nito, tila gustong sabihin saakin matapang lang ako dahil nasa harap nang Mamu at papu,ngunit bahag naman ang mga buntot ko sa oras na kaming dalawa lamang ang magkaharap nito. "Alam kona ang totoo...akala mo porke sunud sunuran sayo ang Parents ko,madali mo na kong makukuha? ano bang tingin mo sakin,gamit,regalo na may kapalit na halaga?!" sigaw ko sa harapan niya. "Ganyan ba talaga kayong mayayaman,pati ang paghahanap nang magiging katuwang sa buhay,nang magmamahal or baka nga asawa lang talaga hindi magmamahal! katumbas lang nang salapi,pera lang,?parang nabibili lang sa supermarket ano? tama ba ko?." nakikinig lang siya sa bawat puyos nang damdamin ko. I cried my heart out,lahat nang gusto kong isigaw na sama nang loob ,gusto kong ilabas sa pagmumuka niya,gusto kong sumabog,gusto kong magwala,para maibsan ang sakit na nararamdaman ko pagtataksil ...pakiramdam ko pinagtaksilan ako. betrayal of my own family ...nila Mamu at Papu,ang sakit sakit .... "Tapos kanaba?" anito tila malumanay pa. "Simple lang naman ang solusyon dyan... kung ayaw mong maikasal sakin,ayaw mo kong maging asawa diba,"matalim na titig naman nito pagkatapos. "Bayaran niyo ,ang lahat nang Utang niyo sa Del Riva,actually sinalo kona lahat nang utang niyo kay Uncle dahil siya talaga ang pinagkakautangan niyo,kasama na pati ang mga interests...basta ibalik niyo lahat nang binayad ko, " at hamalukipkip pa ito habang nag sasalita,tila niyayabang saakin kung may choice naman ako ay gawan ko nang paraan. ngunit may choice nga ba ako? "then we are all trough" pagtatapos pa nito sa mga kataga... "You're such a Beast !!!" angil kong muli sakanya. "bakit ?Im giving you options,if you have the money then return it back to me,then you are free for all I care," ngisi pa nito saakin. "Tandaan mo Ellaizza Luis Gonzales,and soon to be Del riva," pang uuyam na turan nito sa akin, na tila ba gusto kong mandiri ,kilabutan at masuka. "I am a well known business man,I wont risk any single penny on my pocket with out any collateral!!!" "Put that in your mind, I am a business man,your father needs help, I was being so generous to help your family,but I need.... something in Return," pagdidiin pa nito sa huling kataga. "Wala nang libre sa panahon ngayon," nakangisi pa rin nitong pinagpatuloy ang sinasabi. "Ang kapal nang muka mo, Ito ang tatandaan mo Mister Del riva,kahit anong mangyari hindi ako magpapakasal sayo, !!!kinasusuklaman kita!!! "Nandidiri ako sayo,I hate you, I hate you so much!!!! dali daling tinawid ni Mister Del riva ang pagitan namin,at hinawakan ako nang mahigpit sa baba at pilit tinaas ang muka sakanya, "Wala kanang magagawa Ellizze,kasuklaman mo ko pandirihan mo,ko,wala kanang magagawa,!!!" titig na titig ang huli saaking mga mata na nanglilisik at nagbabanta,tila ba ano mang oras ay pwedeng kumain nang kabuuhan ko. "bibigyan kita nang isang linggo,ibabalik mo ang pera ko, o mawawala sayo ang mga ari arian niyo ,kung tutuusin nga kahit kuhanin kopa nang buo lahat nang ari arian niyo hindi pa din kayo makakabayad sa utang niyo sakin,dahil pati mga interests nang utang niyo binayaran ko!!!,."mahabang saad nito. "Mark my Word! ikaw pa isang araw....ikaw pa ang magmakaawa sakin,magsusumamo sakin na lalapit at kailangan ang tulong ko, ang sinasabi mong pinandidirihan mo, ang siyang mag aahon sa lusak na kinatutungtungan mo ngayon!" at saka niya padarag na binitawan ang baba ko na hinawakan nang pagkahigpit higpit sanhi nang pamumula nito, Tinalikuran niya na ako at walang lingon likod na tinungo ang pinto,pabalibag na sinara ito dahilan para mapapiksi ako sa pagkagulat dito. Mark my word,isang araw,ikaw pa ang magmamakaawa saakin at magsusumamo, paulit ulit na pumapailanlang ito sa pandinig ko....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD