Jealousy

3632 Words
David POV : Masakit madinig ang mga katagang binitawan ni Ellizze saakin, nangdidiri siya, hindi niya gustong makipagkasundo saakin, puwes hindi ako papayag na ilalayo sila ,partikular na siya nang mga magulang niya dahil plano na nilang lumikas patungong,Amerika. napagusapan na namin ni Mister Gonzales ang tungkol dito, ipagkatiwala nila saakin ang anak nila at ako ang bahala sa mga ari arian nila at mga pagkakautang.nabibigla lang marahil ang anak nila,hindi din kasi nila ipinaliwanag dito nang malinaw ang mga kondisyones ko, at nakiusap pa saakin na sila na ang bahalang magpaliwanag dito, dahil masyado pa daw bata si Ellizze para maintindihan ito. "Mister Del Riva" ani mister Gonzales na naghihinty at nang salubungin ako buhat sa paglabas ko nang opisina niya nang tapusin ang paguusap namin ni Ellizze. mababanaag ang pagaalala sa kanyang muka nang mabasa niya sa mga mata ko ang inis nang aming pagtatalo nang kanyang dalaga. "Mister Del Riva,? okay lang po ba kau, pagpasyensyahan mo na muna si Ellizze na bibigla pa din kasi siya sa mga nangyayari," anito saakin. "hayaan mo at kakausapin ko siya, mamaya, sasabihin ko sakanya na mabuting tao ka din naman talaga iho." anito "Anselmo, masyado kang kampi sa binata na yan, talagang desidido kapa na parang binebenta mona talaga nang buo ang anak ko sakanya," ang misis nito na nakairap at padabog na dinaluhan naman ang kwartong iniwanan ko si Ellizze. ikinangisi ko nalamang ang magkaibang reaksyon nang magasawa, magkaibang pagtanggap saakin at pagkagusto. natural lang din naman sa isang ina marahil na ayaw niyang kung sino nalang ang pagkakatiwalaan sa dalaga anak nito. hindi nga naman niya ako kilala marahil dahil balik balik ako sa states. at iba ang imahe na dala nang aking uncle bitbit ang Del Riva na apilido dito sa aming bayan. "Mister Gonzales, aasahan ko ang pagpapaliwanag mo sakanya, and dont worry naiintindihan ko naman, she is just being amuse with all this situations every things happening right now as whirlwind to her, " kibit balikat ko nalamang. "Hindi naman siya mabibigla marahil kung kagaya nang nais ko two years ago,you let her know everything that I am planning, " ani kong muli at tumingin sa Ginoo, na alangan nalamang ngumiti at tumingin saakin,. "well Mister Gonzales,it was late evening now, lets call it a night then, madami pakong gagawin bukas sa opisina ko, I just wanted to personally send her home to make sure ,she will be safe." "Ah sige po Mister Del riva, pasyensya na po ulit.at maraming salamat ," yuko nito at lahad nang kamay tanda nang pagbibigay pasasalamat saakin. Hinatid niya na ako patungong labasan nang kanilang tahanan malapit sa aking sasakyan,.. natanawan ko pa din nang mga mata ang kambal ni Ellizze na si Ellie katuwang ang isang Lalaki, na tantya ko ay kasing edad din nila, matapos kuhanin ang iilang gamit ni Ellizze buhat sa aking compartment ay kasalubong kong sila nang ipapasok ang mga ito. tumingin lamang saaking ang kambal nito at walang pagaalinlangan na ngumiti bilang pasasalamat marahil, at ang binatilyo naman ay tumungo bilang pagbati habang kasunod nang huli. napahinto ako sa aking paglalakad at nilingon likod upang makita kung saan sila na tutungo , paakyat ang dalawa nang hagdan , sa kuwarto sa itaas siguro ni Ellizze, sa kilos nito, tingin ko ay hindi na iba sa Pamilyang Gonzales ang binatilyo, kaibigan nang pamilya, kaibigan nang kambal? napaka lapit nito sa dalawa maging sa ama at ina nito, na tila kahit ang pagpasok sa kaloob looban nang bahay nila ay maluwag sakanya. "Who is that guy? sino iyon..," pagkuwan ay walang pasubaling tanong ko sa kasama. "Ahh... si Thomas ,Sir Del Riva , " ngiting turan nang ginoo. "Kaklase siya ni Ellie, kababata nilang mga kambal matagal na silang magkakasama halos parang magkakapatid na din silang magtuturingan, " paliwanag nitong muli. Hindi ko pinansin ang huling turan nito,sa pagkakatanda ko hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang Binatilyo,nang minsan sumilip ako sa Eskuwelahan nila ay nakita kong kasama ito ni Ellizze sa may bench sa ilalim nang puno nang eskuwelahan nito. masayang nagtatawanan at nagkuwekuwentuhan, pakiwari ko iba ang saya ,ang ningning nang mga mata ni Ellizze sa kanyang pakikipagusap at pagkukuwentuhan dito, ang mga titig nang mga mata niyang tila nangungusap dito.,malayong malayo kung paano niya ako tingnan at titigan. "you sure he is just a friend huh?" pang aasar kong turan at dire diretso na muling humakbang pababa nang maliliit na hagdan patungo sa aking sasakyan na naka parada. hindi kona hinintay ang isa sagot nang Ginoo. "Salamat po ulit Mister Del Riva,magsabi lang po ulit kayo,kung kelan ninyo nais bumisita ," paalam nang ginoo nang maka akyat na ko saaking Hummer at magsimula itong pa andarin. tango lamang ang itinugon ko habang kuma kaway sa akin ang ginoo nang tuluyan konang sinara ang pinto at nang mag simulang paandarin ang gulong nang sasakyan na lulan ako. "Hmmm... that Thomas is something" ani ko saaking isip. "Anak Ok kalang ba" si Mamu nang agad niya akong dinaluhan sa opisina ni Daddy pagkatapos kong makausap ang ginoo na yon. "Maa...." sabay mahigpit na yakap sa dito, pakiwari ko maiibsan nang mga yakap nito ang sama nang loob na dinulot nito, hindi ko hinayaan maglandas ang luha o maiyak sa harapan nito, ayokong isipin niya pang masama pa din ang loob ko sakanila at baka tuluyan pa silang magalala. nais kong ipakita na okay na ako, na kaya ko ang naging komprontasyon namin ni Mister Del riva, na hindi ako apektado o takot dito, tanging ang kinagalit kolang naman na kung bakit naginit ang ulo ko ay nang madinig na pinapagalitan niya ang Mamu at Papu mo, at tila tinuturuan sa paraang nang pagsweto sa inasal ko, oo kasalanan ko nga ang naging padalos dalos at hindi pagpapaalam sa mga matatanda ko kung saan nagtungo, walang ibang dapat sisihin sa katigasan marahil nang ulo ko kundi ako, pero ang manduhan niya pa ang magulang ko,hindi ata ako makakapayag nang ganoon,... sino ba siya sa akala niya? kung ako ang binili niya ako lang ang manduhan niya,wag na wag niyang pakikialaman o tuturuan ang mga magulang ko sa paggiging inaasal ko,dahil kung tutuusin bukod sa wala siyang karapatan ay mas maituturing na mas wala siyang modo at respeto sa mga naka katanda sa kanya kagaya nang inaakto niya kanina sa mga ito. Mas kulang nga siya sa patnubay at turo nang mga magulang niya sa pakiwari ko,sabagay ano nga ba ang ineexpect mo sa isang laki sa galing sa marangya at kilalang pamilya ,na marahil ay sa mga katulong nalamang lumaki. at ang mga nagsipag alaga dito hanggang sa mag kaisip,dahil na din marahil sa sobrang tuon nang pansin nalamang sa trabaho at negosyo nang mga magulang nito. "Anak,gagawa nang paraan ang Mamu ha, pipilitin ko ang Papu na hindi matuloy ang napagkasunduan nila, anak marami pa din naman paraan,siguro mas mabuting aalis muna kami ni Papu at magpupunta nang states,sa mga kamaganak natin duun sa partido nj Papu mo,dun na muna kami magpapalamig, "Ani mamu nang hawakan ako sa pisngi at halik halikan ito,tinitingnan din niya ako sa aking mga mata,upang siguruhin na wag akong magalala. " sa indonesia na muna namin kayo ipapadala para mapagpatuloy siguro ang pagaaral duun, sa mga kamaganak ko,oo mahirap magadjust doon dahil iba ang kultura at nakagawian pero mas mainam na dun dahil hindi nila kayo matutunton,wala silang idea na may kamaganak ako duun " Half indonesian ang Mamu, ang lolo ko ang indonesian pero dito na siya lumaki at nagaral kasama ang lolo at lola ko, only child din kasi ang Mamu,dito din nagsimulang magnegosyo ang Lolo namin,at ito nga ay kasama sa mga negosyong naiwan ngayon at kasama din sa pinalalago nila Mamu at Papu. ang pangarap nang pamilya ni Mamu,at ganon din pangarap ni Papu. "Pero mamu,ayoko po kayong lumayo, ayoko na magkahiwa hiwalay tayo, saka paano ang coffee shop sinong magpapatakbo, ang kalamansian ang kapehan,saka paano ang mga trabahador natin na umaasa sa mga pagkakakitaan nila saatin kung biglang aalis kayo." litong lito na tanong ko. "Ang mga ariarian natin nabili na ni Mister Del riva,lahat yun siya na ang magpapatakbo anak, ang mga trabahador hindi sila magugutom,magpapatuloy ang trabaho nila sa pangangalaga na ni Sir Del riva, pero kasi anak..." nagsisimula nang maiyak na lahad ni Mamu. "Anak kasi,kasama sa binayaran din niya yung mga interests nang pagkakautang na dumoble na nang dumoble sa panahon na hindi sinabi nang tiya Magda niyo,nang pinagkanulo niya si Papu at ang mga negosyo."hikbi nito habang sinasaad pa. "Anak dalawang milyon din over 8 years simula nang sinangla ito ni tiya Magda mo,sa mga Del Riva nanganak nang nanganak ang interests dahil malaki din ang kinuha niyang pera,ang inutang niyang pera at ang kinolateral niya itong mga lupain natin at negosyo..." anito "hindi ko maintindihan mamu." saad ko dito. "yung mga ari arian natin bayad na,kahit mamulubi na tayo dahil nakapangalan na sakanya lahat yon, pero kasi..." hikbi muling paliwanag nang Ginang "...... yung interests ,binayaran lahat ni David Del Riva sa uncle Antonio niya, " "anak kasi ikaw ,.... ikaw ang gusto niyang kapalit nang mga interests na yon." tuluyang hagulgul pa nito. nakakapanglumo... natigilan ako... gusto kong makahanap nang solusyon nang paraan,pero paano? ayokong magkahiwa hiwalay kami nila Mamu. "Mamu ok lang ako,wag kayong magalala,wag kanang umiyak," hagod ko pa sa likod nito habang yakap yakap. upang pagaanin ang loob nito, ako naman ay nanglalamig ang mga palad maging ang ulo ko at para bang pinasukan nang hangin at hindi agad makarehistro nang maayos sa aking isipan ang bawat nangyayari. "Wag kang magalala anak, masosolusyunan din natin ito.,kagaya nang sabi ko, sa states muna kami magpapalamig at kayo sa indonesia para mahirapan silang matunton tayo" lahad muli nang ina. "Kapag nakaluwag luwag naman eh unti unti nating huhulugan ang interests na utang natin kay Sir Del riva anak." Paano nga kaya mangyayari yon,ayoko na takbuhan namin ang utang sa mga Del riva,pero alam kong tutol naman ang mamu sa solusyon at kondisyon nang Del riva laban saamin, tutol si Mamu dahil para bang isa akong bagay na gusto nilang kunin kapalit nang pagkakautang namin sakanila....... Sa mga Del Riva.... Ilan araw nadin nakasara ang Coffee shop, ang kalamansian ,kapehan at coprahan ay patuloy padin naman walang alam ang mga mga trabahador namin sa bawat nangyayari... sa Coffee shop naman, bagkus nagtataka sila sa mga nangyayari at biglaang pagsasara ay nakinig naman sila sa Memo ni Papu na magrerenovate lang naman daw muna ito, bigyan daw sila nang kahit dalawang buwan. ibinigay n din niya sa mga ito ang huling sahod dito bago nagsara. Pahayag pa ni Papu kung maiinip daw ang mga ito ay wala namang problema sakanila na maghanap na muna nang bagong mapapasukan. Patago din kasi nilang inaayos ang mga papeles namin, sila mamu sa pagpunta sa America mauuna silang umalis, upang hindi halata, kami din naman ay pagtapos nang mga limang araw , flight na din namin patungong indonesia, hindi pa din alam ni Ellie ang nangyayari ang alam lang niya ay magbabakasyon kami, dahil nataon pa na semestral break na ngayon, at naisip niyang hindi naman malayo ang Brunei, pero nilihim kasi nila Mamu na sa Indonesia talaga ang tungo namin Kay Ellie, at malayo sa tourist destination ito nang brunei ika pa ni Mamu. at naisip kasi ni Mamu dahil hindi alam nang mga Del riva ang tungkol sa angkan nila Mamu,hindi nito maiisip na sa indonesia ang tungo namin na kambal, upang lituhin din sila marahil. Nakokonsyensya ako at kinakabahan, hindi ko din alam kung tama ba ang gagawin namin, makapangyarihan ang isang David Del Riva pakiwari ko dahil isa na siyang ganap na established na negosyante bukod sa kilalang pamilya nito.hindi kami sigurado kung uubra ang mga plano ni Mamu, Hinayaan nalang din kasi siya ni Papu sa mga gusto nito at siya ang magdesisyon, dahil sa tuwinang nadidinig ko naman silang nasa opisina ni Papu,ay lagi silang nagtatalo ,nagtataasan nang boses,at lagi siyang sinisisi ni Mamu,lagi din ang pagiyak ni Mamu sa gabi, kaya alam kong hindi kayang tiisin ni Papu ito, ito din ang unang beses na nakikita ko silang nagaaway at dahil hindi din biro ang dahilan. Malapit na kaming umalis, ilan araw nalamang sila Mamu at Papu ay bukas na ang flight. patago ang alis nila kahit ang mga kawaksi ay unti unti nilang pinagbakasyon at hindi na sinabihan,sa muling pagbabalik naman nang mga ito ay hindi ito dapat mabahala dahil si Mister David Del riva na ang hahalili sa lahat maging ang pagpapasahod sa mga ito. Tanging ang inaalala ko lamang pagtapos nang apat na araw ay kami naman ang maglalaho sa lugar nang san Vicente, baka hanapin kami nila Mildred at Thomas, si Mildred ay maari naman sigurong matawagan ko siya kapag nasa indonesia na kami.ang sabi nila Mamu at Papu ay isekreto daw ito sakanila dahil para maiwasan ang mabulilyaso ang mga plano dahil na din sa malakas na koneksyon nang Del riva, baka matunugan daw ito nila. Ngunit may nagsasabi saakin na kailangan kong magtapat na din kay Thomas,hindi ko alam kung para saan pero tingin ko ito na ang huli naming pagkikita,matagal kong iningatan ang aking nararamdaman para sakanya,alam kong hindi kami parehas nang nararamdaman subalit nais ko itong ipagtapat sakanya ngayon. pakiramdam ko makakapagpagaan ito sa mga lihim na kinikimkim ko sa loob ko, batid kong hindi ako ang tinatangi niya at alam kong iba ang magiging tugon niya, pero ika nga nila "once and for all,let out your feelings ," ipagtatapat ko sakanya na siya ang unang lalaki na tinatangi ko sa pagkatagal tagal na panahon.Ipag tatapat ko din sakanya ang tungkol sa mga nangyayari ngayon sa pamilya namin. "Thomas," tawag ko sakanya nang minsan dumaan ito sa harap nang bahay namin. "Ellizze, kumusta nga pala, si Ellie ba nandyan,yayayain ko kasi siya mamaya sa bayan may Event duun para mamaya ,darating din kasi ngayon yung sikat na Chef na paborito ni Ellie,para magsign sa mga libro nito."anito sa mahabang paliwanag habang nakangiti. "ahh... hindi ko kasi alam eh, tingin ko may usapan din sila ni Mildred,lumabas siya saglit pero pabalik na din siguro" ani ko. "ah ganoon ba,sige babalik nalang ako mamaya,mukang busy din sila Mamu at Papu mo, may pupuntahan ba sila?" anito nilingon ko lamang sa terrace si Mamu na nakamata saamin habang may inaayos na mga papeles sa lamesa si Papu naman ay alam kong nasa loob naman nang opisina nila, kaunti lamang ang inempake nilang mga gamit, upang hindi din mahalata,ganoon din ang saamin ni Ellie nakaempake na para sa darating na araw. "Saglit lang Thomas!, ano kasi ..." napalingon ako sa hindi kalayuan nang biglang may magparada nang sasakyan at bumaba ang isang kilalang bulto. si Mister Del riva, na tila nang aarok na nakatitig saaking kabuuan ,marahil galit pa din siya sa naging paguusap namin, non nakaraan,wala siyang alam sa mga plank nila Mamu, nang minsan taasin kong muli nang tingin ito buhat sa terrace ay nataranta ito at sinilid lahat nang mga papel sa bag na kanina lamang ay binabasa nito. Muli kong minasdan si Sir David na nakatitig pa din saamin, ni Thomas duun lamang siyang kumilos at naglakad nang biglaang tinanguan ito ni Thomas at binati nang matamis na ngiti. tutungo ito sa Opisina ni Papu. muli kong ibinalik ang tingin kag Thomas,namumutla man ako at kinakabahan sa biglang pagsulpot nito ,ay pakiramdam kong mas dapat ngayon na niya malaman ang totoo...wala na kong oras pa. gusto ko lang magtapat at gusto kolang sabihin dito na aalis na kami. "ano nga ulit ang sinasabi mo Ellizze?"balik tanong saakin nang huli. "Gusto kitang makausap Thomas duun,tayo sa may Garden ayos lang ba?" ani ko na siya namang sinangayunan ng huli. Ipinaliwanag ko ang lahat kay Thomas at pinagtapat sakanya ang aking nararamdaman, kinakabahan man ako nais kong mabatid niya ito nais kong gumaan ang pakiramdam ko, kagaya nang naunang turan ko sa aking isipan , nagtapat din siya saakin na tanging kaibigan lang ang turing niya saakin, humingi din siya nang paumanhin saakin dahil hindi daw niya napahalagaan or napagtuunan nang pansin ang aking damdamin. Sa gitna nang aming paguusap at yakapan dahil na din para pagaanin ang aking pakiramdam. Dama ko naman na may mga matatalim na matang nakamasid saamin, at nang minsan kong hinanap ito ay nakita kong muli ang mga mata ni Mister Del riva, nakatuon itong mabuti saamin habang sila ni Papu ay palabas nang muli nang bahay at hinahatid siya sa sasakyan nito, mababanaag naman sa itsura ni Papu ang pagkabalisa at pamumutla marahil sa kaba, dahil na din sa konsiyensa na niloloko namin at pinaiikot ikot ang huli. Nang nakasakay na ito sa sasakyan nito ay agad naman Pinasibad nang harurut ito ,tila galit maging ang paraan niya nang pagpapatakbo dito. kinurot ako nang konsyensya niloloko ba namin ang Weirdo na yon, ani nang isip ko "Wala akong pakialam sayo"bulong ko sa sarili. ngunit nadinig pala ito ni Thomas. "Sorry Ellizze, nasaktan ko ba ang damdamin mo, wag ka naman magtanim nang sama nang loob sakin, magkaibigan pa din naman tayo hindi ba? ani Thomas na kakamot kamot pa nang ulo. "Naku hindi Thomas ,hindi ikaw yun,ano kaba?" natatawa naman na turan ko. nang muli akong magseryoso,tingin ko pagkakataon na din ito upang sabihin ko ang tungkol kay Sir Del riva. "Thomas kasi, by next week pasikreto kaming aalis ni Ellie, ...." ani ko na siyang kinatigil nito. "Huh?anong .... pasikreto?". "ang sabi kasi sakin ni Ellie mag babakasyon daw kayo sa Brunei?" ani nitong muli. "Hindi...sinekreto kasi ni la Mamu, hindi kami sa Brunei lalapag, sa indonesia lang pero sa probinsya nang side nang Pamilya ni Mamu,baka... dun na din kami magstay for awhile at magpatuloy nang school since isang taon nalang naman if ever....." ani kong muli "Bakit ??? bakit parang biglaan,parang di din namin alam ni Mildred, kahit si Ellie hindi alam?bakit kahit kambal mo di niyo sinasabihan, ano bang nanyayari? gulong gulo na tanong ni Thomas saakin,kahit ako din naman, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kahit ako din naman naguguluhan, "Ano kasi... just to make it short.... I know its hard to believe... and believe me... it is also hard to explain...." natulo na ang mga luha sa mata kong na saad dito na siyang kinabahala naman nang huli. "hey...wag ka umiyak Ellizze,nakupo ano nalang sasabihin saakin ni Ellie niyan,sabihin pinaiiyak kita."aligagang punas nang mga luha saaking mga mata . "We need to hide..Thomas," na natigilan sa pagpupunas sa aking hilam na pisngi. "a...ano? si Thomas "Yung lalaki kanina...si Sir David Del riva, yung sumakay dun sa itim na hummer, yung napapadalas na nabisita kay Papu, yung lalaking yun na naghatid saakin non minsang hinahanap niyo ako, dahil sa lahat nang ulan." mahabang turan ko. nakikinig lamang si Thomas saakin. "Nakakasundo akong kuhanin niya, "hagulgul kong muli at tila naguguluhan naman lalong nakatitig saakin si Thomas "Siya... si Mister Del riva ang nagbayad nang utang namin sa uncle Antonio niya,yung kilalang haciendero nang dito sa kalapit bayan natin, kasama na ang interests... " "Ellizze hindi ko maintindihan,ano ba ang gusto mong sabihin,hindi ko alam ano ba ang tinutumbok nang paguusap na to,lalong gumugulo?!" si Thomas. "Ako ang gusto niyang maging kabayaran nito, gusto niyang kuhanin ako. " hagulgul kong muli. "Gusto niyang maikasal kami sa lalong madaling panahon,! kapalit nang pagkakautang nang pamilya namin sakanila!!!" muli kong saad. "kaya... hindi pa namin pupwedeng sabihin kay Ellie dahil alam naming mabibigla siya,kaya kahit yung paglipad namin,hindi niya talaga alam ang totoong dahilan, magpapakalayo layo muna kami" saad ko sa humahagulgul na tinig... "kaya din lahat ngayon kona gustong ipagtapat sayo Thomas,dahil baka ito na ang huli nating pagkikita." "Ellizze wag kang magsalita nga nang ganyan" awat nito saaking sinasabi at siyang lapit saakin, pinisil ang aking mga palad.upang kumalma ako. "naiintindihan ko sila Mamu at Papu,naiipit lang din sila sa sitwasyon, pero wag mong isipin na ginugusto nila to, at naiintindihan ko din kung padalos dalos ang plano niyo,makakaasa kayo saakin, walang lalabas na impormasyon ukol dito." saad pa nitong taas nang dalawang kamay sa ere tanda nang pangangako. "Anong sabi niyo?" "Ellie" sabay namin lingon kay Ellie nang madinig ang tinig nito, nadinig ata niya ang lahat. Natulala na laman ako at si Thomas ay agad na dinaluhan ito,mukhang nagbabadya ang galit sa mga mata ni Ellie. "Ate?tama ba ang nadinig ko?" sigaw nito. "Sumagot kayo Thomas?!" tingin naman nito kay Thomas at pilit winawaksi ang mga braso dito, "Ellie kasi..." saad ko "All this time pinaglilihiman niyo akong lahat,nila Mamu,Papu, ikaw??? ate wala kang tiwala saakin???kahit ikaw????" anito. "Ayaw lang kitang magalala ,ayaw lang kitang magalit kila Mamu at Papu,ayokong isipin mo na pinagkanulo nila ko sa mga Del riva... hind nila gusto ang mga nangyayari kahit sila,naiipit lang sa sitwasyon...." "Yeah right! kaya pinili niyong lahat na magsinungaling saakin, nagmumuka akong walang kwenta sa pamilya na ito na walang pakialam,pati ba naman pagpunta natin this week out of the country,?" saad nito na naghihimutok na. "This is all Lie!?" "Wala kayong tiwala saakin,ganon din tingin niyo wala,akong silbe sa pamilya na to Ganoon ba?" "nagugulity ako ngayon, it excites me akala ko,akala ko kasi bakasyon ang pupuntahan ko yun pala,f*ck" iiling iling na saad nito. "Ginawa niyo kong tanga, pakiramdam ko din nililihim nila Papu sakin to ,dahil alam nilang magtatanim ako nang sama nang loob sakanila tama ba ko?" "Wala kayong tiwala saakin...ikaw,wala kang tiwala saakin,kapatid moko Ellizze, pakiramdam ko hindi niyo ko pinagkakatiwaalaan lahat!" "Ellie!!!Ellie sandali" sigaw ko dito hinawakan lamang ako sa balikat ni Thomas,at sinenyasan na siya na ang bahala at hahabol sa kambal ko,.. "Ako na munang bahala,ipapaliwanag ko sakanya,wag kanang magalala" abot tanaw ko nalaman sila hanggang sa kainin ang mga anino nito sa dilim... "Im so sorry Ellie".....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD