Binaling ni Darent ang kaniyang tingin sa pader sa kanyang kaliwa. Sa katunayan, walang gaanong eksaktong konsepto kung saan ang 'kaliwa' na tinutukoy. May mga bakas na ng pagtanda ang mga pader, at ang puting pintura ay ay halos namamalat na, naiwan lamang ang mga pulang semento. Ang bahay na ginawa noong 1989, kahit ito pa'y isang bahay sa mga probinsya na malayo sa syudad, imposibleng 'di mawalan ng tibay dahil sa katagalan.
"Sirain ko kaya 'to." Inayos ni Darent ang kanyang posisyon at itinaas ang kanyang martilyo, at agad na sinimulan ang pagguho sa pader. Ang pader na ito ay hindi katulad ng sa pintuan o sa bintana, masasabing kayang-kaya mo itong wasakin, o sa madaling salita ito ay marupok na. Sa unang pagbasag, isang malaking biak ang nagawa, at sa pangalawang pagbasag niya'y nakabuo siya ng isang butas; madilim at 'di makita ang nasa kabila. Natural na lamang na lumakas ang pwersa ni Darent; ikaw ba naman ang halos mabaliw sa makitid at saradong silid na ito, kahit na wala siyang takot sa mga masisikip na lugar, tila bang sa loob ng silid na ito'y pilit siyang pinapabuo ng takot dito.
Hinimok ng kabaliwan, mabilis na pinagbabasag ni Darent ang pader hanggang sa nakabuo siya ng butas na kayang lusutan ng isang tao. Ang ilaw kanina ay tila nanggaling dito. Ang loob ng butas ay madilim, ngunit para bang tila may isang maliit na espasyo na maaaring pasukin.
Hingal na hingal na tiningnan ni Darent ang pader na kanyang winasak at bigla siyang nakaisip ng isang kapanapanabik na posibilidad.
Naisip niyang ang silid na ito ay sadyang mas malaki dapat, kahit papaano mas malaki kaysa sa ngayon. Dito pinatay ng mamamatay-tao ang kanyang biktima, at hinila ito sa sulok ng pader upang linisin ang mga mantsa ng dugo dulot ng pagpatay. Pagkatapos ay gumamit siya ng pulang ladrilyo at semento upang gumawa ng panibagong pader na ikinagamit ang isang ikatlong bahagi ng buong silid. Pagkatapos ay ikinulong niya ang sarili at ang kaniyang biktima sa isang ikatlong bahagi na iyon! Kailangan lang niyang pintahan kaagad ang mga ladrilyo at ayusin ang mga bagay-bagay bago pa man matuyo ang mga pader at pintura. Sa ganitong paraan, halos magiging kasing luma tingnan ang pader na ito tulad ng nakapalibot sa silid na ito. Kaya't ang mamamatay-tao at ang biktima ay maaari talagang mawala ng tuluyan mula sa silid na ito!
Kaya pala sa sandaling iminulat ni Darent ang kaniyang mga mata at unang napagmasdan ang silid, ramdam niya agad na para bang may hindi tugma sa kaniyang paligid. Maaaring ang dahilan nito'y ang mga pader ay tila bang hindi gano'n kapantay, at kung titignang maigi ay mararamdaman mong may pagkabaluktot ito.
Ang kaniyang malawak na imahinasyon ay sadyang 'di kapani-paniwala, ngunit ang posibilidad ay napakalaki rin. Si Darent ay hindi naman isang detective kaya'y hindi siya makagbuo ng lohikal na konklusyon, ngunit alam niya na mayroong talagang puwang sa likod ng mga pader. Maaaring naroon ang dalawang katawan ng mamamatay-tao at ng biktima, at ang susi ay maaaring hawak ng isa sa kanila. Nanginginig sa tuwa ang mga kamay ni Darent dahil sa pagkakataong ito'y makalalabas na talaga siya sa lugar na ito!
Patuloy na binasag ni Darent ang pader, at dahil ditto lumikha pa siya lalo ng mas malaking butas, kaya't ang puwang sa likod ng pader ay nakalantad. Ang mga alikabok ay nagsiliparan, kaya'y napaubo siya. At sa ilang mga sandali, wala ng mga nagsisiliparang alikabok, sa wakas ay nagpakita na rin ang mga bagay sa likod ng pader.
Tama ang hinala ni Darent.
Sa likod ng pader ay may mas maliit, mas makitid at parihabang hagdanan. May ilan pang natitirang materyales, mga ladrilyo, tuyong semento, at ... dalawang mga bangkay.
'Di na pinansin ni Darent ang mga basag na ladrilyo at mga tiles at sa halip ay tumungo sa tabi ng dalawang katawan habang nakayukong sinusuri ito. Hindi mapigilan ni Darent ang pag-ubo dahil sa mga lumulutang na alikabok malapit dito, at sinundan pa ng mabahong amoy ng patay dahilan na ikinasuka ni Darent. Habang sinusuri niya nang mabuti ang dalawang katawan, may kakaiba siyang nadiskubre.
Ang isa sa mga bangkay ay halos bulok, at maging ang mga bulate ay kita mo sa paligid ng bangkay. Nandiri bigla si Darent nang makita niyang na ang bulate ay kumakalog pa sa bibig ng bangkay, wala na ang mga mata, at kita ang mapuputlang mga kamay pati mga puting buto sa butas na manggas. Ang katawan ng bangkay ay nakaupo sa sulok ng pader, maalikabok ang kanyang abong damit, at isang kutsilyo ang nakaipit sa kanyang dibdib, na parang mahuhulog na ito anumang oras. Mukhang ito ang katawan ng biktima.
Hindi na niya kaya pang tingnang muli ang bangkay. Tinakpan niya ang kanyang bibig, pinihit ang ngayo'y maputla niya ng mukha upang tingnan pa ang isang bangkay.
Sa isang sulyap lang, halos isigaw ni Darent ang kaniyang buong lalamunan sa nakita.
Hindi ito siya pinangilabutan dahil sa kakila-kilabot na ang bulok sa katawan, kung gayo'y hindi matatakot si Darent sa isang patay. Ngunit ang kinakatakutan niya sa bangkay na ito ... ay dahil parang hindi ito isang bangkay! Parang buhay na tao!
Ito ay isang lalaki. May itim na buhok at guwapong mukha. Base sa kanyang magandang pagmumukha, masasabing nasa beinte anyos na siya. Walang kang bulok na makikita sa buong katawan, mula ulo hanggang paa, walang anumang bakas ng pagbulok. Suot niya ay isang itim na combat uniform, isang uri ng uniporme na nagproprotekta sa mga pwersang militar at nagsusuot ng mga bota at taktikal na mga guwantes. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa military knife. Tila ba'y parang hindi pa siya nakakaalis sa digmaan, at para bang hindi ito napapagod sa pagbabantay.
Hindi magawang huminga ni Darent at tinitigan lang ang lalaki. Sinira niya lang ang pader ng sobrang lakas ngayon lang, maraming mga labi ng labi ng bato ang nahulog sa katawan ng lalaki, ngunit hindi siya nito nagising, marahil ay talagang patay na siya? Gayunpaman, kumpara sa bulok na bangkay sa tabi niya, naramdaman ni Darent na ito ay buhay pa. Bagaman ang kaniyang mga balat ay medyo maputla, tiyak na ito ay kulay ng isang buhay na balat.
Nag-atubili si Darent nang ilang segundo, ngunit ang labis na pagnanais na makatakas ay pinilit siyang gumawa ng aksyon. Dahan-dahan niyang inabot at hinawakan ang leeg ng lalaki. Napakalamig ito sa pakiramdam at wala ng pulso. Napabuntong hininga si Darent sa natuklasan. Ayaw na ayaw niyang matagpuang buhay ang nasabing bangkay. Ayon sa mga pahiwatig, ang taong ito ay sinasabing pumatay, brutal na mamamatay-tao. Kung siya ay nabubuhay pa, marahil ay maaari niyang direktang saksakin si Darent ng kaniyang kutsilyo.
Kahit na may takot pa rin, sinimulan ni Darent kapain ang lalaki. Mabilis niyang natagpuan ang isang susi mula sa bulsa ng dyaket ng lalaki. Mula sa hugis at laki nito, masasabing ito ang susi ng pinto ng silid!
Si Darent ay nagalak sa tuwa. Lumingon siya upang tingnan ang alarm clock sa mesa: 12:54. Hindi ito tumagal ng maraming oras upang basagin ang pader. Dahil ang pader ay minadaling gawin at hindi matatag, at hindi ito itinayo ng mga propesyonal na manggagawa sa konstruksyon, madali ang pagwasak dito. Kaya't natuwa si Darent na makakatakas na siya bago pa man matapos ang itinakdang oras.
Kaya't hindi siya makapaghintay na tumakbo sa pinto at ipipasok ang susi. Tulad ng nais niya, ang susi at ang kandado ay perpektong magkatugma. Pinilipit niya ito at narinig niya ang tunog na nangangahulugang bukas na ang kandado nito. Sa pagkakatoang ito, kailangan niya lang ikutin ang hawakan at itulak ang pinto para makalabas sa nakakatakot na lugar na ito.
Makalalabas na 'ko!
Sa sandaling iikutin na sana ni Darent ang hawakan ng pinto, bigla siyang nakaramdam ng intensyon ng pagpatay.
Biglang may humawak sa braso ni Darent mula sa likuran, at gamit ang military knife sa kaniyang kamay ay direktang isinaksak ito sa tiyan ni Darent. Biglang nakaramdam si Darent ng labis na sakit sa kaniyang tiyan, namimilipit sa sakit, pawisan, at kagat-labi. Pero malakas ang loob ni Darent para mabuhay. Gamit ang kanyang siko, mahigpit niyang tinamaan ang tiyan ng taong nasa likuran niya, nagawa nitong paluwagin ang hawak nito sa braso ni Darent.
Ngunit pagkatapos nito ay hindi mapigilan ni Darent na magluwa ng dugo, dumaloy ito sa gilid ng kanyang bibig hanggang sa kanyang leeg. Sumandal siya sa pintuan, ngunit hindi niya mabuksan ang pinto. Ang sakit ay umubos ng kanyang lakas. Dahan-dahan siayang dumulas at naupo sa sahig, binaling ang tingin sa taas at tiningnan ang lalaking umatake sa kanya.
Ito ay ang mamamatay-tao. Ang lalaking walang pulso, ang taong inaakala niyang patay na sa halip ay nakatayo ngayon sa harap nito, pinapanood siya ng taimtim.
Ang lalaking ito ay tiyak na sobrang guwapo. Maikling itim na buhok at magulo na mga bangs. Idagdag pa ang ngiti sa dulo ng kaniyang na labi, na para bang ppinapahiwatig ang walang pakialam at malupit niyang personalidad. Ngunit ang kaniyang mga mata ay hindi normal na itim bagkus ito ay kulay iskarlata. Tiyak na hindi ito mga mata ng tao!
Sa puntong ito, may mga hinala na si Darent. Ang 'di maipaliwanag na silid na ito at ang kakatwang kapiraso ng papel na iyon ay nagpatanto sa kaniya na ang lugar na kanyang pinasok ay tiyak na hindi normal na mundo. At ang lalaking nasa harapan niya ang kumimpirma ng lahat ng kaniyang mga hinala. Ang lalaking ito may isang uri ng malamig at nakakatakot na aurang pumapalibot sa kaniya. Si Luo Jian ay may sensitibong pakiramdam, sobrang talas na madali niyang maiiwasan ang ilang mga aksidente, tulad ng halos tamaan ang kanyang kotse o tulad ng isang walang laman na bote ng alak na nahulog sa itaas ng building. Sa madaling salita, ang pag-iwas sa panganib ay isa sa talento ni Darent.
Hindi ko siya kayang kalabanin.
Sa oras na ito, ang hindi malinaw na intuwisyon ni Darent ay tila sinabi sa kanya ang ganitong konklusyon.
Talagang masakit ang kutsilyong nakasaksak sa kaniyang tiyan. Naramdaman ni Darent na nangangatal siya sa sakit. Nais niyang tumayo, ngunit ang lakas ng kanyang mga kamay at paa ay tila 'di na bahagi ng kaniyang katawan dahil sa sobrang sakit na dulot nito sa kanya. Nakayanan niyang baliktarin ang kaniyang sarili, ngunit nahulog siya ng pabalang sa sahig, habang pinapanood niya ang lalaki naglalakad patungo sa kanya.
Nakayukay, habang nakatingin sa mukha ni Darent, saka ngumisi.
Nakakainis talaga. Si Darent ay nakatitig sa lalaki gamit ang ngayo'y lumalabo niyang paningin. Ang lalaking ito ay talagang pinagpala ng magandang hitsura. Kahit ang baluktot na ngiti nito'y tila mga ningning sa paningin ni Darent, siya ang tipo na gusto niya.
Mamamatay na ako. Naiwang nakatulala si Darent; wala naman siyang ginawang masamang bagay sa kanyang pamu.muhay Nagtratrabaho siya sa isang maliit na kumpanya at kaunti lamang ang kinikilala niyang mga kakatwang kaibigan na may mga kakatwang libangan, tulad ng kaibigan niyang adik sa militar. Ramdam niyang naging mabuti naman siyang tao, parati siyang nakasuot ng ngiti sa lahat at kung ginagawan naman niya ang kanyang makakaya upang matulungan ang sinumang nangangailangan ng tulong. Ang tanging masamang nagawa niya lamang ay marahil ay ang pag-amin sa kaniyang mga magulang at ipagtapat na mga lalaki ang kaniyang nagugustuhan.
Bakit ako namamatay dito?
Lubos na nagdaramdam si Darent. Nais din niyang umuwi upang makita ang kanyang mga magulang sa panahon ng Bagong Taon, makita ang kaniyang mga magulang, kahit na hindi pa siya nito pinapatawad, gusto niyang makita sila at makausap. Hiniram din niya ang buong set ng mga paborito niyang disc mula kay Alan at hindi pa niya naibabalik. Dagdag pa, ang mga reports niya sa kumpanya ay hindi pa naaayos. Hindi rin siya masyadong nakikipagkita sa mga tao at ang mga taong gusto niya ay kalimiang mga straight; sadyang kaawa-awa, ngunit talagang birhen pa siya.
Hindi siya pumapayag na ganito nalang ang magiging takbo ng pangyayari. Malinaw na ang pintuan ay nasa likuran niya lamang, at maaari na siyang makalabas.
Halos gusto nang umiyak ni Darent. Sa totoo lang, umiiyak na talaga siya. Ang kanyang luha ay nagpalabo sa ng kanyang paningin, at kahit sa malabong paningin niya'y nakikita pa rin niya ang magandang ngisi ng lalaki. Gamit ni Darent ang kaniyang buong lakas, inabot ang kamay, at hinawakan ang kwelyo ng kalaban. Malinaw na ang biglaang aksiyon na ito ay nagpaghinto ng kaunti sa lalaki. Bago pa ito makapag-react, hinila pababa ni Darent ang ulo nito papunta sa kanya, itinaas ang kanyang katawan gamit ang kaniyang mga siko, at kinagat ang labi ng lalaki!
Ito'y malakas at marahas na pagkagat!
Sadyang kamangha-mangha, ang halikan ang taong pinatay niya, o 'di kaya'y halikan ang isang taong nais na pumatay sa kaniya, ngunit hindi kailanman naging kamangha-mangha ito sa isip ni Darent. Minsan lang naman niyang gustong magpakabangis, hindi niya kayang matanggap na wala siyang kalaban-laban sa taong ito, 'di niya pa nais mamatay; kaya't kung siya ay mamatay, nais niyang itatak ang kaniyang sarili sa isipan ng lalaki!
Ngunit, bigla nalang nangatal ang baga ni Darent, at ang nagsuka siya ng dugo na kaniyang ibinuhos lahat sa loob ng bibig ng lalaki.
Hindi siya nito itinulak palayo. Kung tutuusi'y inabot pa siya nito ng kaniyang mga kamay at niyakap siya. Hawak ang baywang ni Darent upang masuportahan ang kanyang bigat, at hinayaan niya si Darent na dahan-dahang tumayo. Ang kanilang mga labi ay nanatiling magkadikit at tila ba'y may konting paggalaw. Dinala ng lalaki si Darent palapit sa kanya at umupo sa kama sa likuran nito.
Dumaloy ang dugo sa buong katawan ni Darent. Ang sobrang pagkawala niya ng dugo ang nagpadilim sa kaniyang paningin. Inirap niya ang kaniyang mga mata at sumandal sa balikat ng lalaki, ngunit wala na siyang malay sa kaniyang ginagawa. Pinakawalan ng lalaki ang mga labi ni Darent, at para bang maiingat na pinagmamasdan niya ito. Ang mukha ni Darent ay tila bang nakakaawa habang nakasandal sa lalaki, namimilipit ang ekspresyon, mga balintataw sa kaniyang mga mata ay lumaki, na kung saan ay isang tanda ng labis na pagkawala ng dugo. At saka, malinaw na alam ng lalaki na ang kanyang kutsilyo ay tumama sa nakamamatay na parte, imposibleng mabuhay pa ang taong ito.
Biglang tumingala ang lalaki sa alarm clock sa mesa, 12:59. Ito ang huling minuto.
Hindi akalaing napahalakhak ang lalaki. Nilapitan niya si Darent at dinilaan ang dugo sa kanyang bibig, at pagkatapos ay kinagat nito ng magaan ang leeg ni Darent. Isang lila na marka ang lumitaw sa lugar kung saan siya kumagat. Ang marka ay tulad ng isang pabilog na tattoo na may isang ahas na kagat ang sarili nitong buntot, at pagkatapos ay hawak ang baywang ni Darent, kinaladkad habang yakap niya ito patungo sa harap ng pinto. Binuksan ng lalaki ang pintuan gamit ang isang kamay, at ang pintuan ay bumukas ng kalahati.
Wala kang makikita sa labas ng pintuan.
Wala talaga, ito ay sobrang dilim. Ang pakiramdam na ito ay parang may biglang bumukas na pintuan sa madilim at magulong kawalan. Hawak ng lalaki si Darent at tumayo sa loob ng pintuan. Tumingin siya pababa kay Darent na nawalan na ng malay, at pagkatapos nang magturo na ang mga kamay ng alarm clock sa pinakahuling segundo, itinulak niya si Darent palabas ng pintuan, sa magulong kadiliman.