-Natalia- KASAMA ako ni Gray sa office ni Ma'am Loretta dahil mayroong inaayos si Gray. Hindi ko naman inaalam kung ano iyon dahil hindi ko rin maiintindihan. Ako lang ang pumasok dito sa loob ng building, pero sila Samuel ay nasa labas ng building. Hindi ako makapasok sa loob ng office dahil mayroon itong ka-meeting. Tanging alam ko lang sa nangyayari ay mayroon silang problema na inaayos. Bahagyang nabaling ang ulo ko sa bandang pinto ng office ng makarinig ako ng ingay. Hindi ko kilala ang mga taong kasama ni Gray doon kaya hindi ko sila p'wedeng pagkatiwalaan. Hinugot ko ang baril sa likuran ko at papasok na sa loob ng mapalingon ako sa likuran ko ng mayroong humawak sa braso. Pagtingin ko kung sino ay Edward. "Don't," saad nito. Nalipat ang seryoso n'yang tingin sa hawak kong b

