-Natalia- "MAGKITA tayo. Birthday ni Papa kaya dapat nandoon ka," inbita ni James sa kabilang linya. Nasa shooting range ako ngayon ng tumawag si James sa akin. "Hindi ko alam kung makakapunta ako," seryoso kong sagot. "Saglit lang naman," pangungulit ni James. "Susubukan ko..." Napaiwas ako ng mayroon akong maramdaman sa leeg ko na mayroong hahalik doon. Gulat kong tinignan si Gray na. "Ayaw ka lang papuntahin ng boss mo. Ang yabang talaga ng isang iyon!" inis na saad ni James. Lalapitan ako ni Gray kaya hinarang ko ang kamay ko sa harapan n'ya para hindi ito pumunta sa akin. "Busy lang kami ngayon. Marami kasing ginagawa si Gray kaya hindi ko maiwanan," paliwanag ko. Biglang napangiti si Gray sa saad ko. "Sige. Baka kasi mas close na kayong dalawa," nagdadamdam na saad ni Jame

