-Natalia- "BAKIT tulala ka sa phone mo?" basag ni James sa katahimikan. Nandito kaming dalawa sa shooting range n'ya, sa isang room na wala namang gumagamit. Umayos ako ng upo sabay tago ng phone ko. Kaninang tanghali ay nagpaalam ako kay Gray na pupuntahan ko si James, at agad itong pumayag. Ngayon ay hinihintay ko kung tatawagan n'ya ba ako o ite-text man lang na bumalik na, pero inabot na ako ng gabi ay wala pa rin akong natatagap sa kan'ya. "Wala lang. Mayroon lang akong iniisip," tugon ko. "Sa itsura mo ay parang dilikado ka sa boss mo. Hindi ka ba n'ya pinapahirapan doon?" nag-aalalang tanong ng kaibigan ko. Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa tahimik na lugar na ito. Hindi ko nakikita si Gray na delikado sa akin. Ngumisi ako ng konti para naman mabawasan ang pag-aalala

