-Natalia- NAKASALUBONG ko si Yaya Luz na mayroong dalang tray ng pagkain. "Kay Gray po ba iyan?" Tumigil sa paglalakad si Yaya Luz ng marinig ako. Agad naman akong lumapit kay Yaya. Pupuntahan ko ngayon si Gray. Titignan ko lang kung ano na ang lagay n'ya. "Oo. Hindi kasi kumain ng breakfast kanina," tugon ni Yaya Luz sa akin. Nag-inarte na naman siguro. "Ako na po ang magdadala n'yan. Balak ko rin pong makausap si Gray eh," prisinta ko. Inabot ni Yaya Luz ang tray sa akin kaya agad akong nagtungo sa taas. Hindi naman marami ang pagkain, pero sapat na para kay Gray. Hindi ko s'ya pinuntahan simula kaninang umaga at hindi ko alam kung hindi s'ya kumain dahil wala s'yang kasabay o ewan. Pagdating ko sa tapat ng kwarto n'ya ay tatlong katok muna ang ginawa ko bago ako pumasok sa loo

