MARSHALL's POV Naglalakad kami papuntang sakayan ng taxi dito sa Manila, actually hindi ako pamilyar sa place na ‘to napakadaming tao, napakadaming dugo. Napailing ako sa naiisip ko, hindi pupwede ‘to napakadaming temtasyon, napatingin ako kay Fiolee na masayang masayang kausap si Prince. Sanay na siya sa mga ganitong eksena kung saan kaliwat kanan makakaamoy ka ng sariwa at mababangong dugo pero napipigilan niya naman. Hanga talaga ako sa kaniya kasi lahat kinakaya niya. “Bakit Marshall may dumi ba ko sa mukha?” napailing ako, nakatitig na pala ako sa kaniya. “Wala-wala may iniisip lang ako kaya napatulala ako sayo, ganda mo kasi,” nakita ko siyang ngumiti at bigla akong hinampas sa likod. Pakiramdam ko maisusuka ko ang baga at atay ko sa hampas niya eh. “Ano ka ba! Alam ko na ‘yun,

