FIOLEE's POV "Fiolee!" Nakita ko si Julienne na kumakaway sa'kin kaya agad akong tumakbo papalapit sa kaniya. "Bhess!" maiyak-iyak ko siyang niyakap, sa tagal ng hindi namin pagkikita ay lahat ng ala ala ko ditto sa Pilipinas ay bumalik sa memorya ko. ❦❦❦ Matapos namin magkita ay umalis na kami sa airport at pumunta sa bahay nila, Isa na siyang accountant sa isang sikat na bangko dito sa Pilipinas at sabi niya baka daw next year ay magbalak na sila magpakasal ni Bruce pag nakaipon na sila at makabukod. "Ikaw lang mag-isa dito bhess?" Tumango siya. "Malayo kasi kung sa Cavite pa ko titira kasama nila mama, mahihirapan akong byumahe pag nagkataon." tumingin ako sa paligid at parang lalo kong na miss pumunta sa unit namin. Kung saan kasama ko si Marshall. "Fiolee ayos ka lang? At saka

