FIOLEE's POV Oras na para itama ko ang mali, para balikan ang mga bagay na iniwan ko na lang biglaan at 'yung taong sinaktan ko. Gusto ko huminge ng tawad sa kaniya, gusto ko siyang yakapin at sabihing sorry. Sana nga lang hindi pa huli ang lahat, sana pag niyakap ko siya yakapin niya rin ako pabalik. Pero mukhang malabo na 'yun at dahil doon kinakabahan talaga akong harapin siya. "Fiolee sigurado ka bang kaya mo na?" Tumango ako sa kaniya at ngumiti. "Kailangan ko nang gawin 'to, isa pa miss ko na talaga siya haha." napabuntong hininga ako at unti-unti na kong kinakabahan. Habang nasa byahe kami ni Julienne sakay sa kotse niya ay palapit kami ng palapit sa unit kung saan ko siya iniwan biglaan, kung saan binaon ko siya sa limot at ngayon babalikan ko siya? Mukhang mahirap nga ata 'yu

