MARSHALL's POV Marshall sorry. Sorry “Tssk ‘di ko kailangan ng sorry mo.” bulong ko sa sarili ko habang iniinum ang alak na hawak ko. Naiisip ko na naman ‘yung pangyayari kanina kung pano siya huminge ng tawad. “Anong problema mo tol?” Tinapik ako ni Aries ‘yung may ari ng bar na ‘to, nakilala ko siya sa mga gang war na minsan ay nasalihan ko at madalas siya rin ang nag aakyat ng droga dito sa Pilipinas. “Wala.” nagbuntong hininga ako tumayo na. “Uuwi ka na agad?” Tumango ako. “Dadating ‘yung mga chikabebs na dala ni Yoh mamaya, ayaw mo makipagkilala? Hahaha.” binatukan ko siya. “‘Di na, kayo na lang.” tinaas ko ang kamay ko saka kinaway ‘to. “Ganiyan ka naman eh, lagi kang umaalis pag may mga babae na haha.” hindi ko na siya nilingon at dumaretsyo sa unit ko. Pagpasok ko ay nani

