MARSHALL's POV Hindi ko na matiis ang nararamdaman ko, ayaw ko nang pigilan ang sarili ko. Gusto ko na siyang yakapin at sabing mahal na mahal ko siya na kahit anong nangyari ay napatawad ko na siya, Pero huli na nga ba ang lahat? “Dalian mo mag drive Prince ano ba!” Sigaw ko kay Prince parang nagpipigil ng emosyon, natatawa ba siya? “Prince dalian mo ‘di ako nagbibiro!” Sumeryoso ang mukha niya at namadaling minaneho ang sasakyan. Habang papalapit kami nang papalapit sa kinaroroon ni Fiolee ganun din kabilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ako na baka mahuli na ako. Nagsisisi na ko na hindi ko agad siya pinatawad at pinili ko pang magpatigas, nung pag-uwi niya pa lang dito ay sumaya na ulit ang puso ko pero may parte ditong sobrang nagagalit sa ginawa niya kaya na gawa ko ang mga b

