FIOLEE's POV “Ang saya niyo naman.” nakita kong nanginginig ang mga kamao niya at ang sama ng tingin niya saming dalawa, ano bang problema nito. “Marshall.” hahawakan ko sana ang kamay niya pero agad siyang naglakad papalayo sa’kin, teka nga ano bang pinaghihinutok ng taong ‘to? “Sige Shun babye,” sabi ko kay Shun saka tumakbo papunta kay Marshall pero hindi ko na siya na abutan. Sinubukan kong sundan ang amoy niya sa hangin pero wala akong maamoy, baka isa iyon sa mga natutunan niya. Napalingon ako sa liblib na parte ng park, kung saan madaming puno at malapit na papuntang gubat. Ewan ko pero may nag uudyok sa’king pumunta doon kaya naman sinundan ko ang paa ko at hinayaang pumunta bandang kakahuyan. “Marshall?!” Sigaw ko, pakiramdam ko kasi may nakatingin sa’kin. “Marshall! lumab

