MARSHALL's POV Nagpasya kaming bumalik na sa Manila at hindi na inintay pa ang birthday ko, mas pinipili ko nang manatili dito sa unit namin kesa sa lugar na ‘yun kung saan na ganap ‘yung trahedya kahapon. Puno ng masasaya at masasaklap na ala ala ang lugar na iyon at hindi makakabuti kay Fiolee kung magtatagal pa kami doon. Tungkol naman kay Prince ay ayos na siya, kahit minsan ay halatang isinusuka niya ang pagiging bampira, ano pa nga ba ang magagawa niya kundi ang magtiis? Sa ngayon ay kasama niya si ate Ainah sa bahay nila Reyly para turuan siyang pigilan ang sarili sa paghahanap ng dugo at mas maintindihan pa ang mga bagay bagay tungkol sa pagiging bampira. Kailan ba daratingsa buhay namin ang maging normal? Sabagay pano namin makukuha ‘yun kung ‘di naman din kami normal, ‘di kami

