MARSHALL's POV Sa isang iglap lahat nagbago, sa isang iglap nawala lahat at sa iglap ‘yung dating masaya naming samahan na wala. Simula ng nalaman nila ang totoo nagbago ang tingin nila sa’min, parang ‘yung masayang bonding namin kanina napalitan ng takot at kaba ngayon. Pinapakinggan ako si Fiolee na kasalukuyang umiiyak dahil sa mga na gawa niya, naikwento na namin lahat at halos gusto niya na ding patayin ang sarili niya dahil sa mga na gawa niya. Napatay niya ang mga taong matagal na nanilbihan sa’min, at na patay niya ang tinuturing naming kapatid, si Prince. Tama patay na siya at bukas isisilang siyang muli sa ibang katauhan at kaanyuan bilang isang bampira. Alam ko kinamumuhian niya ang pagiging bampira namin pero tinanggap niya ito, ano kaya magiging reaksyon niya kung bukas p

