KAILEA Wala pang kalahating oras ay nakarating na ako sa bahay ng isa sa mga kaibigan ko dito sa Bulacan. Marami akong kaibigan at kababata dito sa probinsya pero siyam lang ang talagang nakakausap ko at maituturing na totoong kaibigan. Hanggang ngayon na may kanya-kanya na kaming trabaho sa kung saan-saan ay sila-sila pa rin ang kasama ko sa tuwing umuuwi dito sa probinsya. “Rick, ilabas mo nga dito si Sean. Nandito na si Kai. Miss na miss na niya ang inaanak niya…” Kakarating ko pa lang ay excited na bumati sa akin ang mga kaibigan ko. Hindi kami kumpleto ngayon, na madalas namang mangyari lalo na at lahat kami ay busy na sa kanya-kanyang career. Parang kailan lang ay high school student kami at sabay-sabay kaming nag-uusap tungkol sa mga plano namin kapag nakatapos ng pag-aaral. Ngay

