KAILEA Pagpasok ko sa kwarto ay agad na sinarado ko ang blinds dahil nakatapat sila sa kwarto ko at pwedeng pwede akong masilip dito ng Yuji na ‘yon! Baka kung anu-ano pa ang isipin niya kapag napansin niyang nasa tapat sila ng kwarto ko! “Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘yon! Lahat ba ng babaeng nakikilala niya ay nagkakaroon ng gusto sa kanya para isipin niyang pati ako na taken na ay magkakaroon pa ng interes sa kanya?!” Halos padabog na umupo ako sa kama nang maisarado ko ang blinds dito sa kwarto. Nag-iinuman sila at mukhang kanina pa sila nagsimula kaya mukhang lasing na si Yuji! “Nakakainis! Bakit ba kailangan pang dito siya matulog?! Ang dami namang hotel na malapit dito! Kasalanan talaga ni Kyler!” Sa inis ko ay agad na nilabas ko ang phone at hindi na nagdalawang isip

