YUJI Kanina pa kumukunot ang noo ko at napapamura habang nakatingin sa profile ni Kailea Laurel. Hindi ko alam kung bakit pagkatapos niyang kunin ang contact number ko ay hindi man lang siya sumubok na tawagan o kaya ay mag-iwan ng message sa akin. It's been two fùcking days! Dalawang araw na pero hindi man lang niya ako kinamusta! Wala tuloy akong choice kung hindi ang hanapin na lang muna ang profile niya sa social media para magbakasakali at maging updated tungkol sa kanya at sa mga ginagawa. She fùcking removed her cat's collar too! Hindi ko alam kung inalis lang niya pansamantala o inayawan na ng tuluyan ng pusa niya kaya hindi na niya ibinalik ang collar! Whatever her reason was, it is still making me lose my mind! Lalo na at wala man lang siyang naging reaksyon sa anonymous ema

