KAILEA Habang nakasakay kaming dalawa sa elevator ng lalaking nagligtas sa pusa kong si Willow ay napapaisip ako kung ano ang nangyari at nakawala doon si Willow. Imposible na nga na makawala sa mismong cage ay mas lalong imposible pa na makawala sa shelter mismo. Magtatanong na sana ako at uusisain siya kung paanong nangyari na nakawala si Willow sa shelter pero agad na na-distract ako sa pagkakalapit ng mga katawan namin. Naiintindihan ko naman na hindi niya gaanong maigalaw ang isang paa niya na nabunggo ng sasakyan ko pero ilang na ilang ako kapag halos mapayakap na siya sa akin! Hindi naman sana malikot ang elevator pero bakit ba siya napapayakap sa akin? Kumunot ang noo ko nang muling napamura siya at napayakap na naman sa akin. Sa sobrang pagkakalapit ng mga katawan namin ay ha

