“Why are you here, Kai?”
Kakarating ko pa lang sa venue ng event ay agad na nilapitan ako ni Kuya Kade. He looks really good wearing his not so usual suit. Mukhang nagpagwapo pa talaga ng todo dahil kasali sa event ang girlfriend niya!
“Hindi ba nabanggit ni Liv sayo?” nakataas ang kilay na tanong ko. Nagsalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin.
“Na ano?” tanong niya.
“That I am attending this event on her behalf,” sagot ko. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya.
“Why? Ano namang dahilan at hindi siya makakapunta dito?” usisa niya pa. Tumaas ang kilay ko.
“Do you really have to know her reason, Kuya? Besides, it's too personal to share it with you,” paliwanag ko at saka luminga sa paligid para tingnan kung nandito na si Rodge.
Siguradong nandito na siya dahil halos magsisimula na ang event nang dumating ako. Knowing him, hindi siya na le-late sa mga ganitong event kaya siguradong nandito na siya kanina pa.
“If you are looking for your boyfriend, he's already inside and talking to Dad and other potential donors,” sambit ni Kuya Kade kaya tumango lang ako sa kanya at saka pumasok na sa loob para hanapin si Rodge.
Totoo ang sinabi ni Kuya Kade. Nang hanapin ko si Daddy ay nakita ko siya na may kausap na kung sino-sino doon. Isa na si Rodge sa mga kasama sa grupo nila kaya napangiti ako at napatitig sa kabuuan niya.
As usual, he looks formal with his tailored black suit. Mukhang kagalang galang talaga at mukhang handang sagutin ang lahat ng itatanong ng kahit na sinong miyembro ng media na magtatanong sa kanya.
Cameras are everywhere. Hindi na ako nagulat na may media na mag co-cover sa event na ito dahil karamihan sa mga nasa listahan ng pupunta ay mga politicians.
Nakikita ko pa kung paanong sundan ng tingin ni Rodge ang bawat camera na nakikita niyang nakatutok sa kanya. Siguro ay sanay na sanay na siya na kahit na ang pag ngiti sa camera ay mukhang praktisado na niya.
Nagsimula ang fundraising event pero wala sa sinasabi ng facilitator ang atensyon ko. Sa totoo lang ay isa lang din naman talaga si Rodge sa dahilan kung bakit ako pumunta dito. Wala sa loob ko ang makinig kung ano ang project na gagawin kaya ginawa ang event na ito. I was just thrilled with the idea of attending the same event with Rodge.
Muling binalingan ko siya ng tingin pero hindi niya pa rin ako napapansin kahit na kanina ko pa sinasadya na tumingin sa gawi ng table kung saan siya nakaupo.
He is just busy with his phone and not actually listening. Kumunot ang noo ko at inilabas mula sa purse ang phone ko. Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita na wala siyang kahit na anong message sa akin. I tried sending him a message.
Me:
Are you busy today?
I don't usually send him a message and ask him about his whereabouts. Hindi rin siya madalas na magsabi sa akin kung ano ang mga ginagawa niya pero wala namang kaso sa akin ‘yon dahil hindi ko rin gusto ang update nang update sa kung ano ang mga ginagawa ko. Hassle para sa akin ang ganung setup kaya masyadong convenient ang makahanap ng kagaya ko na walang pakialam kung mag update ang partner o hindi.
Hindi nagreply si Rodge sa message ko pero hawak-hawak niya pa rin ang phone niya at inabot na siya doon ng halos kalahating oras.
Maya-maya ay nakita kong tumayo siya at dumiretso sa gawi ng comfort room. Susundan ko sana siya doon pero napatigil ako nang makita ang lalaking lumapit at nakipag kamay kay Daddy.
Sa halip na tumayo ako at susundan sana si Rodge ay napako ang mga mata ko sa lalaking kausap ni Daddy.
The man who was talking to the cat at the parking area earlier is also here!
Nakangiti siya kay Daddy habang nakikipag usap. Sa sobrang curious ko kung ano ang ginagawa niya dito ay hindi na tuloy nawala ang tingin ko sa kanya.
Hanggang sa natapos na siya sa pakikipag-usap kay Daddy ay hindi ko pa rin magawang alisin ang titig sa mukha niya.
He looks really good especially when he smiles and a dimple on his cheek is showing.
I gasped as he turned his gaze towards me. Sunod-sunod na napalunok ako nang hindi ko nagawang iiwas agad ang tingin sa kanya. Kumunot tuloy ang noo niya at binalingan ang wine na iniinom!
“What the hell are you doing, Kailea? Bakit ka ba naninitig ng ibang tao?!” mariing sita ko sa sarili. I was about to look away when he turned his gaze back to me!
“Shìt! He caught me looking at him again!”
I saw how he bit his lower lip and just after a second, I met his knowing gaze again!
Kabadong-kabado tuloy ako nang tumayo siya at saka diretsong naglakad palapit dito sa table kung saan ako nakaupo!
“Do you have something to say to me?”
Hindi man lang siya nagdalawang isip na magtanong nang nakalapit sa akin! He looks intimidating up close!
Parang ibang tao siya ngayon na kaharap ko dito sa event kesa sa lalaking nakita kong nakikipag usap sa pusa kanina!
“No. Wala naman akong sasabihin,” mabilis na sagot ko.
Napapamura ako sa isip habang nakatitig sa kanya. Kung gwapo na siya sa malayo ay mas gwapo pa siya at sobrang lakas ng dating ngayon na malapit siya at nakikipag usap sa akin!
“Then why do you keep looking at me?” diretso at prangkang tanong niya. Tumagilid pa ang ulo niya at mukhang titig na titig din sa akin kaya nahihirapan tuloy akong umakto ng normal!
“Do you have a boyfriend?” tanong niya kaya agad akong tumango. Tumango rin siya at mukhang hindi naman nagulat sa sinabi ko.
“I'm sorry if you caught me looking at you. I just thought you were someone I knew. Kamukha mo lang pala,” mabilis na paliwanag ko. Naglapat ang mga labi niya kaya lumitaw ng bahagya ang dimple sa kabilang pisngi niya.
“I see,” sagot niya. Muntik pa akong mapasinghap nang itukod niya ang isang palad niya sa ibabaw ng table at yumuko para muling salubungin ang titig ko!
Namilog ang mga mata ko dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin!
“I thought you wanted to cheat on your boyfriend with me…” sambit niya habang titig na titig sa akin!
I was speechless and totally lost in his gaze after hearing what he said!
Humalakhak siya at saka umayos ng tayo kaya ilang beses na napakurap ako.
“You don't really believe what I said, do you?” tanong niya at saka ngumisi sa akin. Mas lalo akong napamaang sa harapan niya dahil mas lumitaw pa ang dimple niya nang kagatin niya ang ibabang labi!
Gosh! His dimple suits him well!
Pagkatapos kong tumitig sa dimple niya ay bumaba ang tingin ko sa mga labi niya na medyo basa at namumula dahil kakatapos niya lang kagatin! Narinig kong nagmura siya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Natigilan ako nang makita na bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Gulat na gulat ako nang ilapit niya ulit ang mukha sa akin at saka muling nagsalita.
“But I'd prefer it if you considered believing what I said…” muling sambit niya bago ngumisi ng nakakaloko sa akin at mabagal na bumaba ang tingin sa dibdib ko!
“Yuji!”
Kung hindi pa dahil sa lalaking tumawag sa kanya ay hindi niya pa ititigil ang paninitig sa mga dibdib ko!
Agad na tinakpan ko ng palad ang dibdib ko habang ramdam ko ang kung anong kaba at pag-iinit ng mga pisngi matapos ang ginawa ng lalaking ‘yon na pakikipag-usap sa akin!