KAILEA “Why? What happened?!” Halatang-halata ang pagkagulat din ni Liv dahil sa biglaan kong pagtayo at pagmumura matapos kong aksidenteng ma-send kay Yuji ang message na dapat sana ay buburahin ko lang. “Oh, my gosh! Liv! Anong gagawin ko?!” Muling napatingin ako sa phone ko at nakumpirma na na-send nga ang message kay Yuji. Wala pa naman siyang reply pero siguradong mababasa niya ang message ko. Shìt! Bakit nga ba walang unsend feature sa text? Paano ko namang mababawi ang message ko sa kanya?! “Anong gagawin saan?” Nakalapit na si Liv dito sa table ko kaya binalingan ko siya at naghanda sa pakikipag-usap pero agad na nagbago ang isip ko matapos maalala ang mga nangyari sa amin ni Yuji noong nakaraan. “What?” She asked when she saw the hesitation in my face. Huminga ako ng malal

