KAILEA Tawa pa rin nang tawa si Liv kaya hindi ko matuloy ang pagkukwento sa kanya sa mga nangyari sa akin sa nagdaang linggo. Hindi ko alam kung saang parte siya natatawa. I am only expecting her to scold or nag at me because of what happened. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit tawa siya nang tawa samantalang wala namang nakakatawa sa mga sinabi ko. Kung meron man akong nararamdaman tungkol sa nangyari sa akin noong isang linggo ay walang iba kundi guilt. Bumuntonghininga ako at naalala na naman si Rodge. I don't know what’s gotten into him these past few days. Pagbalik niya galing sa business trip niya sa Singapore ay bigla na lang na naging madalas ang pakikipag usap niya sa akin. Hindi ko tuloy alam kung naninibago lang ako o sadya talaga na parang may nagbago sa pakikitungo niy

