KAILEA “Shìt! How dare that guy–Oh, my God!” Napasapo ako sa noo at halos pabagsak na binalik ang phone matapos ang hindi inaasahang phone call mula kay Yuji Romualdez! Ramdam na ramdam ko ang biglaang pagtaas ng presyon ko dahil sa ginawang pagtawag ni Yuji dito mismo sa opisina ko. Alam ko naman na hindi imposible para sa kanya ang malaman ang number ng landline dito sa mismong opisina ko pero hindi ko akalain na tatawag lang siya sa akin para… para mang-asar dahil sa text message na hindi ko naman ginusto na i-send sa kanya! “What happened? Who was on the line?” kunot ang noo na usisa ni Liv nang makita ang reaksyon ko. Kahit kailan ay hindi ako na-stress kahit na hindi madali ang maging presidente ng Laurel Construction. Masyado ring mahaba ang pasensya ko sa lahat ng tao kahit na

