KAILEA Ilang beses at iba-iba ang tricks sa motor na ginawa ni Yuji sa buong oras ng practice nila. Bago pa magsimula ang exhibition race ay sobrang dami na ang tao na mukhang dumayo pa dito sa venue para lang manood. Nakilala ko agad mula dito sa pwesto ko ang mga kaibigan ng kapatid kong si Kyler. Mabuti na lang at nakinig ako sa mga pinag-uusapan nila kagabi dahil kung hindi ay baka hindi ko magawang manood dahil matatakot lang ako sa mga posibleng mangyari sa kanila! Si Tam ay hindi na nga halos tumingin ulit sa track kahit noong practice pa lang dahil hindi daw niya kayang manood ng ganito. I couldn’t blame her though! Kahit ako na pamilyar naman sa ganitong event ay kabado rin sa panonood dahil sa mga ginawa nila kaninang practice pa lang. Kung hindi ko lang alam na professional a

