KABANATA 19 : NIKO

982 Words
Kabanata 19 : Niko Ayesha's Point of View Ilang araw na kami dito. Ilang araw na akong nananatili sa 1869. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko na nakabalik ako sa nakaraan. Pero isa lang ang nasa isip namin ngayon. Kailangan naming Labanan ang mga kastila at si Heneral Santiago para makabalik na ako sa panahon ko. Pero paano? "Bibili lang ako ng pag-kain sa palengke, kayo muna ang bahala sa ating bahay," sabi ni Nanay Clarita. Tumango lamang ang mag-kakapatid. Lumabas na si Nanay Clarita. Tahimik sa bawat sulok ng bahay nila. May sari-sariling ginagawa. Para bang, wala ang isa't isa. May mga sari-sariling mundo. Napalingon ako kay Diana. Ilang araw na din siyang hindi kumikibo. Sa halos tatlong araw namin dito, walang nangyaring maganda. "Ate Ayesha, anong nangyari kay Ate Diana?" Bulong na tanong saakin ni Lilia. I shrugged my shoulder. "Ewan. Mukhang malalim ang iniisip. May problema ata," sagot ko kay Lilia. Humikab ako. Hindi ako inaantok. Ang gusto ko lang, umuwi na saamin. Gusto ko na matapos ang panaginip na ito. Pero hindi ako magising. Kasi totoo ito. Lahat ng nahahawakan ko, totoo. Lahat ng nakikita ko, totoo. Hindi ito pantasya lamang. Hindi ito biro at lalong wala ako sa panaginip. "Lilia," tawag ko. Lumingon naman agad siya saakin at kumunot ang noo. "Bakit?" "Kung tatlong araw na akong nandito. Ibig sabihin din ba tatlong araw na akong nawawala saamin?" I asked. Baka kasi mamaya hinahanap na ako ng pamilya ko. "Hindi po. Hindi naman nila malalaman na nandito ka," nakangiting sagot ni Lilia. Bakas sa mukha niya na alam niya ang nangyayari at planadong-planado ang lahat base sa mukha niya. Kinunutan ko siya ng noo. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kaniya. "Kapag natapos na ang labanan ng Kastila at Pilipino, malalaman mo din ang tinutukoy ko," sabi niya. Kahit na nalilito. Hindi na ako nag-abala pang itanong kung anong ibig sabihin niya. Hindi ko pa talaga siya maintindihan. Masyadong malawak para saakin ang pag-iisip niya. Parang hindi siya bata. Para siyang seventeen years old kung makapag-salita. Mukhang wala na akong ibang pag-pipilian kundi ang hintayin na matapos ang Kastila laban sa Pilipino upang matapos na ang lahat. At upang malaman ko ang tinutukoy ni Lilia. "Ah. A-ayesha. Pwede ka ba ayain sa labas?" Napalingon ako kay Niko. Seryoso ang mukha niya at bakas ang pag-kahiya. Kumunot ang noo ko pero nginitian ko naman siya. "O-oo naman," sagot ko kahit gusto kong itanong kung bakit. "Labas lang kami," sabi ko kay Lilia. Tumango lang siya at pumunta sa bakuran nila. Sabay kaming lumabas ni Niko sa kubo. Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang nararamdaman ko sa kaniya. May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maintindihan. First time, pinansin ako ng isa sa apat na mag-kakapatid na lalaki. At niyaya pa niya akong lumabas. Halos tatlong araw ko na rin napapansin na ganito ang kinikilos niya sa tuwing lalapit ako sa kaniya. Balisa, hindi mapakali, at minsan nauutal. Natatakot ba siya saakin? Gano'n ba ako kapanget? Tsk. Hindi naman ako panget. And I admit hindi din ako gano'n kaganda. Kumbaga, sakto lang. "G-gusto mo bang pumunta sa Parke? Mayroong nagaganap doong pyesta. Gusto mo bang m-manuod ng sayaw?" Tanong ni Niko saakin. Para sa isang tao na nakapag-aral sa Europa, nakakagulat na hindi mataas ang tingin niya sa sarili niya. Parang normal na tao lamang siya. Sayang at hindi niya nagamit ang napag-aralan niya. "Oo naman!" Agad na pag-payag ko. "T-talaga?" Hindi maka-paniwalang sabi ni Niko. Nginitian ko siya at tinanguan. Bakas sa mukha niya ang tuwa at kasabay no'n, hinatak niya ang kamay ko. Tumakbo kami. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko na nag-mumula sa kamay ni Niko. Ang buhok niyang nakakasabay sa uso kung nasa taon ko siya, messy. Ang labi niyang kissable lip. Napakagat ako sa labi ko. Ano bang iniisip ko? "Nasa kabilang barangay pa ang parke. Mah kalayuan ito. Gusto mo bang sumakay sa kalesa?" Tanong nito saakin habang tumatakbo. "K-kalesa?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Agad akong tumango. Ngayon pa lamang ako makakasakay ng kalesa. Madalas akong makakita ng kalesa sa Intramuros pero hindi pa ako nakakasakay. Sa 'di kalayuan, may isang brown na kabayo. May kalesa itong hatak-hatak. Naka-park lang iyon sa tabi ng isang malaking puno. Tumigil kami sa pag-takbo. Hinabol ko ang hininga ko. Ang layo din pala ng tinakbo namin ni Niko. Huminto kami sa tapat ng isang kubo. Gaya ng kila Niko, katamtaman lamang ang laki nito. "Mang Alonzo!" Sigaw ni Niko habang kumakatok. Naka hawak pa din ang kamay niya sa pupulsuhan ko. Bumukas ang pintuan. Niluwa nito ang isang matandang lalaki. Nasa mid 50's na siguro ang tanda. "Oh. Niko, anong kailangan mo?" Tanong ng matanda. May ngiti sa labi niya. "Pwede ko ho bang mahiram ang kalesa? Nais po sana naming pumunta sa kabilang bayan. Manunuod kami ng Pyesta," saad ni Niko. Tumingin siya saakin, nakangiti siya, bago ibalik ang tingin kay Mang Alonzo. Napatingin si Mang Alonzo sa kamay naming mag-kahawak. Oh my! Mukhang mali ang iniisip niya lalo na't napangiti siya ng malawak. "Pwedeng-pwede mo gamitin iho! At kung balak mo makipag-talik at ayaw ng iyong ina, pwedeng-pwede kayo dito sa kubo ko," nakakalokong sabi ng matanda. Lanya! Pinag-kamalan ba niya kaning mag-jowa? Like what the heck!? Bakit kasi may pahawak-hawak pa si Niko? Akala naman niya hindi ako kinikilig. "Nako. Mapag-biro ka talaga Mang Alonzo. Manunuod lang kami ng kaibigan ko. Walang ibig sabihin ang pag-hawak ko sa kamay niya. Bago lamang siya dito," saad ni Niko habang nag-kakamot ng batok. Buti naman at nilinaw niya. "O sya. Sige, hiramin niyo ang kalesa. Pero ibalik niyo rin bago mag ala-syete ng gabi," bilin ni Mang Alonzo. "Salamat ho!" Sabi ni Niko. Sinarado na ni Mang Alonzo ang pintuan ng kubo. Nag-lakad na kami papunta sa kalesa. Umakyat doon si Niko kaya doon lang naputol ang pag-hawak niya sa kamay ko. Madali siyang naka-akyat dahil siguro, sanay na siya. "Akyat na," saad ni Niko habang nakangiti. Nilahad niya ang kamay ko at inalalayang sumakay. "Medyo malayo pa ang barangay dito. Mukhang gagabihin tayo," kahit nakatalikod siya saakin. Alam kong nakangiti siya. Heck! Why do I feel this thing!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD