KABANATA 18 : PAGSUBOK

977 Words
Kabanata 18 : Pag-subok Ethan's Pov, "Ano? Papunta na ba kayo?" Tanong ng kausap ko mula sa kabilang linya. "Oo, malapit na kami," saad ko habang nililiko sa kaliwa ang kotse. "Si Queen nandiyan ba?" Tanong ko. "Queen? Queen 'yung leader o Queen 'yung member?" Nakakalokong sambit ni Zoel mula sa kabilang linya. "Kelan ko bang tinawag na Queen 'yung member? Remember, Ashlie ang tawag ko sa kaniya. Second name. Kayo lang ang tumatawag sa kaniya ng Queen," pag-lilinaw ko. "Sabi mo e. Okay, I hang-up the phone now. Ano nga pala ulit ang pangalan niya?" Tanong ni Zoel. "Jasmin," maikling tugon ko bago niya ibaba ang tawag. "Sino 'yung kinakausap mo? Wala ka na ba sa iyong katinuan?" Nakatingin saakin si Jasmin as if I make a sin in her face. "Dahil 'yun dito," tinuro ko ang parang maliit na usb-ng nakalagay sa tainga ko. Dinutdot niya iyon na parang bata. "Aray!" Sigaw ko nang diinan niya ang tainga ko. "Why did you do that!?" Galit na sigaw ko. "B-bakit ka nasaktan?" Lumunok muna siya ng laway bago muling magtanong, "anong nagagawa ng makinarya na iyan?" She asked. Hays. Taong gubat yata ang isang 'to. "Dre! Millenial na po. Hanggang ngayon hindi mo pa alam ang gamit ng isang 'to?" Sarkastiko kong banggit. "Kaya nitong kumausap ng tao mula sa malayong lugar," sambit ko. "Ng hindi gumagamit ng cellphone." Kumunot ang noo niya, "ano namang kinalaman ng s-selpon?" Kunont-noong saad niya. "Basta. Mahirap ipaliwanag sa kagaya mo," saad ko. Inihinto ko na ang sasakyan sa isang tagong lugar. Ito ang secret basement ng g**g namin. Sana lang talaga hindi mabigla si Jasmin na ganito ang papasukan niya. Lumabas ako ng kotse at pinag-buksan siya ng pintuan. Hindi para mag-pakagentleman, kundi para hindi niya masira ang kotse ko. Kanina pa siya kutkot ng kutkot sa kotse ko ng kung anu-ano. "Paano mo nagawa 'yun?" Namamanghang tanong niya saakin. "Jeez. Itutulak lang Jasmin. Itutulak. Push," iritadong saad ko. I don't know about this awkward feeling, basta ang alam ko lang, hindi muna kami dapat nandito sa basement ng g**g. Baka mabigla kasi siya. "I'm glad you make it." Mula sa likuran, nakita namin ang isang matangkad na lalaki. Mukhang sindya ring guluhin ang buhok niya para magmukhang messy hair. Kahit kelan, ang hilig sa instant.  Mayroon din siyang itim na maskara sa kaliwang parte ng mukha. "Si Zoel?" Tanong ko dito. Bumaba na mula sa sasakyan si Jasmin. Kahit kailan talaga, ang kupad kumilos nitong babaeng to. Sa lahat ng babae siya pinaka-mabagal kumilos. "Sa taas," maikling tugon ni Shaun. Tinignan niya si Jasmin mula ulo hanggang paa. Then a smirk formed into his lips. "Siya na 'yon?" He asked as if Jasmin is not worth it. Hindi ko siya sinagot dahil alam kong insulto ang tanong niya. Let's see your judge once na makita ninyo ang totoong ugali ni Jasmin. Baka mamaya unang sabak palang niya tumaas na agad ang rango niya dito sa g**g. Umakyat na kami ni Jasmin sa ikalawang palapag ng isang abandonadong building. Yes. This is our g**g's meeting place. Bukod sa tago at walang tao, walang nag-mamay ari ng lupa nito kaya free kami sa kahit anong gawin namin. A beautiful girl with a mischievous smile greeted us. She was wearing a black gown and a tiara. As if she's th Queen and ready to rule her guards. "Ethan," she said. Tumingin siya kay Jasmin. "And who are you?" Tanong niya dito. "A-ako?" Hindi niya siguro naintindihan ang sinabi ni Queen Cana. "Tinatanong niya kung sino ka, sabihin mo ikaw si Jasmin," bulong ko kay Jasmin. Tumango lamang siya. "Jasmin," maikling tugon nito. Nabaling ang tingin ni Queen Cana sa akin. "So, she's the one?" Tanong nito saakin. Tinanguan ko siya. "Very well, bibigyan kita ng pag-subok upang makasali sa grupo," saad nito. Kumunot ang noo ni Jasmin na napatingin saakin. No! Sinasabi ko na nga ba. Dapat hindi binibigla ang isang ito. Baka mamaya ayaw naman niya ng ganitong gawain. "Ipapaliwanag ko mamaya sa bahay, basta kailangan mong pumasa sa pag-subok," pang-hihikayat ko. I don't know if it's enough para mahikayat siya. Nag-aalinlangan man, tumango na lamang siya. "Anong pagsubok?" Matapang na tanong ni Jasmin. "Soliditary g**g Form! One! Two!~" nagsimula na magbilang si Queen Cana. And it means, kailangan kaming mag-form gaya ng form ng isang g**g. Agad na nag-tatakbuhan dumating sa kinaroroonan namin ang ibang mga myembro ng g**g. Kabilang dito si Zoel at Shaun. Agad kaming humilera. Kumpleto kamI at ni minsan wala pang nawala. Bukod nalang kung valid ang reason at kailangan talagang mawala. But that doesn't mean they are safe from the punishment. And what it is? To fight the Queen. And no one wins. Ang Queen ang pinakamalakas saamin. Kaya nagagawa ang rango ay dahil sa kaniya. Ang makakatalo sa kaniya ang tanging papalit sa pwesto niya. Ang sumunod sa kaniya ang heir kapag nawala siya. Gaya ng nangyari kay Diana. "Nakikita mo ang Anim na taong ito?" Tanong ni Queen Cana kay Jasmin. "Si Zoel, ang Rank 2. Shaun, Rank 3. Ethan, Rank 4. Paul, Rank 5. At Rank 6, Elyxzia," dagdag niya habang pinapakilala ang isa't isa. "Anong gagawin ko?" Prangkang tanong ni Jasmin na para bang na-bobored na. "'Wag kang mag-madali, dear," nakangising sambit ni Queen. "Ang kailangan mo lang gawin ay patumbahin ang isa sa kanila. Kahit sino, at kapag napatumba mo sila, ang rank niya ang makukuha mo," She said. This is the way she entertained herself as well as finding new member. Mukhang mahihirapan si Jasmin. But I know her, hindi siya 'yung tipo ng tao na susuko agad. Sana tama ako ng pag-kakabasa sa katangian niya. Tinignan ni Jasmin isa-isa ang bawat isa sa amin. Nag-tama ang mata namin pero agad din itong natanggal nang ilipat niya ang mata sa ibang member ng g**g. "Kahit sino at makukuha ko ang rango niya?" Nakangiting tanong ni Jasmin na parang excited pa. "Yes my dear. Oo naman," ani ni Queen habang hindi naaalis ang excitement sa mga mata niya. Sandaling napatahimik ang buong gusali bago muling mag-salita si Jasmin. "Gusto kong makalaban si. . ." Itutuloy. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD