Kabanata 17 : Zoel
Ethan's Point of View
Nakauwi na kami sa bahay. Hindi parin ako makapaniwala. Kamukhang-kamukha niya si Diana. Si Diana, ang Queen namin. Rank 2 palang noon ang g**g namin nang dumating ako. At siya ang Queen ng grupo.
Tuloy-tuloy 'yun hanggang sa naging Rank 1 kami pero kaagad naman siyang nawala. Kaya ayun, halos dalawang araw lang napunta na kami sa mas mababang rank. Nakatakdang iupo bilang Queen of all Queen of Gangsters si Diana.
Kaso nga, nawala siya.
Napatingin ako sa sofa kung saan nakahiga si Jasmin. Ang maamo niyang mukha, kabaligtaran kapag siya ay gising. Tulog na tulog siya at halatang napagod. Hindi ko parin makalimutan ang nangyari kanina sa Sine.
"I miss you, Diana," wala sa sariling sambit ko. Nagising si Jasmin at napa-ayos ng upo.
Kinusot niya ang mga mata niya at ang mumunting laway na muntik ng tumulo. I want to laugh but I don't mind to. Baka mamaya pag-dating sa bahay tutukan niya ako ng itak.
"A-anong nangyari? T-tapos na ba ang palabas?" Takang tanong niya habang tumitingin sa harapan. Tumingin siya sa projector. "Sira ba ang makina na 'yon?"
I shook my head. "Tapos na ang palabas. Kanina ka pa tulog. Dapat pala sinabi mo saakin na gusto mo ng matulog, para hindi na tayo nag-abala pang manood," prangka kong sabi.
"P-paumanhin," guilty-ng sabi niya.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko. "Tara na. Malalim na ang gabi. Gusto ko na mag-pahinga," walang emosyong sahi ko. Nag-simula na akong mag-lakad. Naramdaman ko naman na sumunod siya.
After a few moments of silence, she broke it. "S-sino ang iyong tinuran? Diana?" Napahinto ako sa pag-lalakad. Nasa harap na kami ng SM. Malapit na itong mag-sara.
Bakit ba kasi hindi ko dinala ang kotse ko? Mamamasahe tuloy kami. Nakaka-hassle lalo.
"Ethan?" Napabalik ang wisyo ko ng magsalita siyang muli.
"Oh?" Tanong ko habang tumitingin-tingin ng Masasakyan. Mag-tataxi nalang kami para hindi kami ma-hassle. Mag-papahatid ako sa tapat ng bahay. Inip na inip na akong maghintay.
"Sino si Diana?" Tanong niya.
Ibig sabihin, narinig niya ang sinabi ko? "Diana?" Kunwari'y hindi ko alam. Kumunot ang noo ko dahil hanggang ngayon ay wala paring taxi.
"May sinabi ka kanina tungkol kay Diana e. Kasintahan mo?" Makulit na tanong niya. Hays. Kung hindi lang talaga kailangan ng grupo namin ng bagong salta, malamang iniwan ko na siya sa loob ng sinehan.
"Wa-wala. Hindi ko nga kilala 'yun," pag-aalinlangan kong sambit.
"Sus, Sinungaling."
Hindi ko na lamang siya pinansin noon. Nauwi din kami sa Jeep dahil wala ng dumadaan na taxi sa harap ng SM. Mabilis lang naman kaming nakarating ng bahay. 'Yun nga lang pawis na pawis na kami dahil sa siksikang pasahero.
Napangiti ako nang makita ng buo ang kaniyang mukha. Kamukha mo talaga si Diana.
My phone rang as it tell's the caller. It was Zoel. The Gangs Rank 2. Sumunod siya sa Queen. Kaya kapag nawala ang aming Queen, malamang na malamang e siya na ang papalit dito.
Sinagot ko ang tawag.
"Ethan, ano? May nahanap ka na ba?" He asked from the other side.
"Oo, mas matapang 'to kesa sa'yo," pag-mamalaki ko. Tumingin muli ako kay Jasmin. Kaunti nalang ay babagsak na siya sa sahig.
"Talaga lang ah. Tsk," mayabang na sabi niya mula sa kabilang linya. "Dalhin mo siya dito bukas. Kailangan maging official member na siya ng Dark Guardians," maotoridad na sambit niya.
"Teka. Hindi ba pwedeng 'wag natin siyang biglain? Baka mamaya umayaw kaagad siya kapag nalaman niya ang papasukan niya," sambit ko.
"Akala ko ba mas matapang saakin 'yan? Kung matapang siya, edi papayag siya kahit alam niyang pwede niyang ikapahamak," may puntong sabi niya. "Bukas. Same time, same place. Sa lungga ng Guardians."
He ended the call. Tsk. Balak ko pa naman na utuin muna at mapalapit dito kay Jasmin. Baka kasi talaga mamaya, hindi niya magustuhan ang papasukan niya.
Papasok na ako sa kwarto ko nang makarinig ako ng malakas na pag-kalabog. 'Yung para bang may nahulog sa sahig mula sa mataas na bagay.
Napalingon tuloy akong muli sa likuran ko. Then I saw Diana's-Look-Alike. Sleeping on the floor. I can't help kaya malakas akong napatawa. Kaagad akong pumasok nang marinig kong tinanong niya kung sino ang tumatawa.
***
"Saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ni Jasmin. Buti nalang pala at marami akong napamiling damit para sa kaniya mula sa botique shoppe ni Ate Bea.
"Ipapakilala lang kita sa mga kaibigan ko," sabi ko.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko at lumabas na sa condo. Sumusunod lang saakin si Jasmin. Pumasok kami sa elevator at gaya ng ginagawa niya palagi, nasa sulok siya at nakahawak sa mag-kabilang dulo.
"For how long will you do that?" Tanong ko sa kaniya.
"Ano?" Kunot noong saad niya.
"Wala," I hissed. Hindi siya nakakapag-salita ng english, hindi din siya nakakaintindi. Kahit simpleng yes at no nga ata hindi niya alam.
Bumaba kami sa Parking lot. Pumasok ako sa kotse ko. Nahalata ko naman na hindi pa pumapasok si Jasmin sa Back seat.
"Ano? Dapat ba magpaka-gentleman pa ako at pag-buksan ka ng pinto?" Sarcastic na tanong ko sa kaniya.
"H-hindi mo sinabi na meron kang Jeep," saad nito. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Hindi ito Jeep, ang tawag dito. Car, kotse," natatawang sabi ko. She's driving me crazy. She's insane.
"Ano? Papasok ka ba o mananatili kang nakatayo diyan?" Tanong ko.
"Paano ba papasok?" Again, I sighed a deep breath. Argh! She's getting on my nerves. Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga niyang pag-buksan ko siya dahil sobrang tamad niya, o talagang hindi niya alam.
Whether I like it or not, pinagbuksan ko siya ng pintuan.
"Ah. Ganoon pala iyon," tatango tango niyang sabi.
"Ano? Hindi ka pa ba sasakay?" Iritado kong sambit sa kaniya.
"Eto na," sabi niya bago pumasok sa loob ng sasakyan. Agad akong pumunta sa drivers seat. Hays. Hindi ko alam kung tatagal pa ba ako dito kay Jasmin.
I started to drive.
Medyo malayo pa ang meeting place.
Sana lang talaga kapag dumating kami doon, Wag nila biglain si Jasmin.
Hindi pa naman siya aware sa surroundings niya.