KABANATA 16 : PALAKA

1028 Words
Kabanata 16 : Palaka Ethan's Point of View "Jasmin." Hindi ako makapaniwala na mas nag-susumigaw na ngayon ang ganda sa mukha niya. Alam kong maganda siya kahit noong una pa lang kaming mag-kita pero iba kasi ang dating niya ngayon. Napakagat ako sa ibabang labi ko. No. You'd gonna be kidding me Ethan. Hindi ka naman niya inaakit. Pero bakit ganito 'yung nararamdaman ko? Bakit. . .feeling ko kamukha niya 'yung former Queen namin? "Sabi ko naman sa'yo e! Hindi bagay saakin ang mga ganitong pananamit. Hindi ako makagalaw ng maayos kapag may lumaban saatin," nakasimagot na maktol niya. Tumawa lang ako. "Anong hindi bagay? Sakto lang," I said then smiled. Lumabas mula sa glass door si Ate Bea. Nakangiti siya. "Tada! Blooming na si Jasmin! Bagay na bagay talaga sa kaniya ang pangalan niya. She's beautiful. Mag-kasing ganda kami," nilapit pa niya ang mukha niya kay Jasmin. "Oo, mag-kasing height din kayo," sabi ko bago tumawa ng mahina. May kaliitan kasi itong si Jasmin, and Also Ate Bea. Hindi naman gano'n kaliit, tama lang para sa isang babae. Hinampas ako sa balikat ni Ate Bea. "'Yung bayad mo doble!" Inis na sambit nito. I grinned. "Gusto mo triple pa e," nakangising sabi ko sa kaniya. "Yabang mo talaga! Porket mas malaki ang pamana," naiinis na sambit ni Ate Bea. "Anong magagawa natin? Mas maputi ako e," natatawang asar ko sa kaniya. Kinurot ko ang magkabilang pisngi niya. "Aray! Bitiwan mo nga ako Ethan! Gano'n ba 'yon? Kung sino mas maputi, siya may mas malaking mana!? Humanda ka sakin. Mag-kokojic ako," sabi niya sabay pinilit na tanggalin ang pag-kakakurot ko sa mukha niya. "Kahit gamitin mo pa lahat ng kojic, 'di ka na puputi. Gusto mo samahan pa kitang mag-pa glutathione?" Pagbibiro ko. Tinanggal ko na ang kamay ko sa kaniya. Nilabas ko na ang wallet ko at binayaran siya. "Mabuti naman at madali kang kausap," sabi niya saakin. Gaya ng sinabi niya, dinoble ko ang bayad. Hindi kawalan ang 15,000 sakin. "Mauna na kami sa'yo Dearest Sister," nakakalokong ngiti ang binigay ko sa kaniya. "Sige my dearest little Junior---este Brother," humahagikgik siyang pumasok sa loob ng shop niya. Bwiset! Ang galing na talagang bumanat ng isang 'yon. "Tara," sabi ko sa kaniya. HindI parin siya sanay sa soot niyang damit. Nag-lakad na ako. Sabay kaming nag-lalakad. "Hindi ba parang ipinapakita ko na ang aking kaluluwa sa damit na ito?" Tanong niya. "Ahm. . .Hindi naman. Uso 'yan ngayon. If you look at any angle of this Mall, lahat ng babae nasoot ng magandang damit. Ang iba nga kulang nalang mag-b*a't panty nalang," sabi ko. Tumango siya ng nakakunot ang noo. Alam kong may part sa sinabi kong hindi niya naintindihan and that was the english part. "Gutom ka na ba?" Tanong ko dito. Tumango naman ito. Hindi na ako nagsalita at dinala siya sa food court. "Pumili ka na ng gusto mo," sabi ko sa kaniya. Madaming tao dito. Siguro ay dahil mag-didilim na. Tumingin-tingin siya sa mga pag-kain. "Ano 'yan?" Takang tanong niya kasabay ang pag-turo sa isang pagkain. "Steak," maikling sabi ko. Tumango naman siya. "Gusto mo ba?" Tanong ko dito. "Ayoko niyan. Napaisip lang ako kung ano 'yun. Para kasing kakaiba sa paningin. Gusto ko. . . Ah, ito!" Turo niya sa isang pagkain. "Adobo?" Kunot noong tanong ko dito. "Oo! Masarap 'yan!" Sabi niya pa. Tinignan ko ang Adobo. "Seryoso ka ba talaga?" Tanong ko dito. Tumango naman siya. Bahala nga siya. 'Wag lang niya ako sisisihin kapag hindi niya nagustuhan ang lasa nito. Umorder na ako at kinuha na namin kaagad iyon. Umupo kami malapit sa inorderan namin. Maingay na sa paligid dahil sa dami ng tao na nag-uusap. "Salamat po ama sa pagkaing biyaya ninyo sa akin sa araw na ito," nakapikit na saad ni Jasmin habang nag-dadasal. Meron pa palang mga taong kagaya niya? "Whoo! Kakain na!" Sigaw niya. Nilagyan niya ng sabaw ang kanin niya. Kinain niya ito. Ang masayang mukha niya ay unti-unting nag-lalaho. "Bakit?" Tanong ko dito. "P-parang iba ang l-lasa. B-bakit gano'n?" Takang tanong niya saakin. "Ano bang meron dito?" May tinusok siya siya mangkok. "Akin na nga," kinuha ko ang tinidor at tinusok ang dinudutdot niya. Ang baboy naman ng babae na ito. Siya nga lang yata ang nag-kakamay dito sa food court. Nanlaki ang mata niya nang makita niya kung anong tinusok ko. Sinabi ko naman, 'wag siyang magsisisi sa pagkaing kukuhain niya. "PALAKA!?" -×- Nag-lalakad na kami papuntang sinehan. Tinanong ko siya kung gusto na niyang umuwi, pero tanging iling lamang ang sinagot niya. Siguro gutom na siya. Pag-katapos kasi niyang makita na palaka ang sahog sa adobong kinain niya, nawalan siya ng gana at halos masuka. Hindi ko pala siya nasabihan na palaka ang laman ng adobo. Akala ko naman kasi kumakain siya ng palaka. Bumili ako ng Large na pop corn at pumasok na kami sa loob ng sinehan. Tinanong ko siya kung anong gusto niyang panoorin, at sinabi niya na kahit ano. Nagulat pa nga siya dahil bakit daw sobrang laki ng lugar. E TV lang naman daw kami manonood. Natatawa na talaga ako sa kaniya. Para talaga siyang bata na walang muang. Horror ang papanoorin namin. Sabi naman niya kahit ano. Pwera Usog ang pamagat ng panonoorin namin. Umupo kami sa taas dahil puno na ang tao sa ibaba. Namatay na ang ilaw hudyat na magsisimula na ang palabas. Nag-pplay na ang sine. Nakita ko sa mga mata ni Jasmin ang pag-kamangha. "Paano ninyo napalaki ng sobrang laki ang inyong telebisyon?" Takang tanong nito saakin. "Dahil doon," tinuro ko ang projector sa pinakaitaas kung saan lumalabas ang movie. "Siya ang nagpapalaki ng pinapanood niyo?" Namamanghang tanong nito. Tumango lamang ako at nag-simula ng manuod. Subo lang ako ng subo ng pop corn. Inalok ko si Jasmin pero ang sabi niya ayaw  daw niya. Nasa part na kami kung saan binuhasan ng laway 'yung babaeng nausog ni Catalina. "Pwera Usog!"  Malakas na sigaw ng babaeng mang-gagamot. Tumagal pa, ang daming nag-titilian na babae sa loob ng sinehan. Akala mo naman nakakatakot. Hindi naman pala Horror ang napasukan ko, Suspense pala. Mapapansin mo din na OA ang mga babae sa loob ng sinehan, minsan 'yung lalaki. KunwarI natatakot pero ang intensyon lang talaga e makayakap. Unti-unti akong nakaramdam ng bigat sa kaliwang balikat ko kaya napatingin ako doon. Natutulog si Jasmin. Nakatulog pala siya. Natapos na ang movie at nag-sialisan na ang lahat ng nanonood kanina. Tinignan ko lang ang mukha niya. Naaalala ko nanaman siya. "I miss you, Diana."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD