KABANATA 15 : JASMIN

1049 Words
Kabanata 15 : Jasmin Ethan's Point of View Hindi na nag-iingay ngayon si Jasmin. Ayoko naman talaga siyang tawagin sa first name niya. Ang baduy. Hindi din ako naniniwala sa pinag-sasasabi niyang galing siya sa 1869 at San Delfonso. Paulit-ulit ko na ngang sinabi sa kaniya na walang ma-track ang google map na San Delfonso sa Laguna. Pero paulit-ulit niyang sinasabi saakin na Meron daw. Tinanong ko kung paano niya nasabi, ang sagot niya. . . "Basta, meron. Doon nga ako nang-galing e," halata sa itsura niya ang pag-kainis. She really reminds me of someone. And I miss her like damn! Hindi na ako nakipagtalo dahil alam ko namang hindi ako mananalo dito kay Jasmin. Siguro kung hindi ko lang siya kailangan ay pinag-tawanan ko na siya gaya ng mga taong nakakakita sa kaniya ngayon. She's actually doing some weird things. Parang aakalain mong lahat ng nakikita niya dito ay wala sa kung saan man siya nang-galing. Kailangan ko siya. Hindi dahil sa sinasabi niyang katipunera siya but a part of it. Kailangan ko ang tapang at ang pagiging agresibo niya. She's running so fast. Akala ko nga noong una may lahi siyang tigre. Bukod sa matapang at mabangis, mabilis din siya kumilos. Hindi kaya nang-dedekwat ito ng wallet, cellphone o kaya alahas kaya ang bilis niyang kumilos? Nah. Para ngang wala siyang alam sa mundo na parang bagong silang na sanggol. We lose one party member, and that is our Queen. Nakaupo na tuloy ngayon sa trono ang Heir niya. Well, hindi naman niya kami inaalipusta. She's good to us. Pero hindi siya sing galing ng nawawala naming Queen. Pumunta kami sa isang botique shop sa loob ng SM. Kanina pa palinga-linga si Jasmin na para bang inaalam ang lahat ng bagay na nakikita niya. She's totally acting weird. Dapat ba maniwala na ako kung saan talaga siya nang-galing? Wala pa naman akong nababalitaan na nawawalang babae sa Laguna, kaya hindi ko muna siya dadalhin doon. Besides, kailangan ko siyang itrain bilang isang member namin. "Oh, Ethan. What brougth you here? Ang tagal na nating hindi nag-kikita ah," Bea smiled. "Sino 'yan?" Takang tanong ni Jasmin. "Kasintahan mo?" Tanong niya. Ni minsan hindi ko pa talaga narinig mag-english si Jasmin. Hindi kaya galing siya sa mahirap na pamilya sa Laguna kaya ganito ang  suot at pananalita niya? Kaya din ba siya may hawak na itak ay dahil mag-bubukid siya? "Ate, This is Jasmin. Jasmin, kapatid ko. Si Ate Bea," pag-papakilala ko. Nginitian siya ni Ate Bea at tinignan-mula ulo hanggang paa. "Ang pangalan ko ay Jua--" tinakpan ko kaagad ang bibig niya. "Gusto mo bang makabalik pa sa inyo?" Tanong ko dito. Tumango naman ito. "Pwes, 'wag mong sasabihin sa kahit kanino ang totoo mong pangalan. Baka nag-lilibot lang ang mga kastila," bulong ko pa. Ayokong sabihin ng mga ka-party members ko na ang panget ko mag-recruit ng member dahil hindi pang-gangster ang pangalan niya. Mas maganda talaga ang pangalang Jasmin. Tumango naman siya. "Phwede bhang bitiwan mho ko?" Hindi maintindihang sabi niya. Binitawan ko ang bibig niya. "Girlfriend mo ba 'yan Ethan?" Natatawang tanong ni Ate Bea. "H-hindI. Ipapaayos ko sana sa'yo ang isang 'to. Mukhang old fashion. Kailangan ko siya," I said without hesitation. "I'll pay," dagdag ko pa dahil kahit kapatid ko siya, kailangan daw may bayad parin ang hirap niya. As if naman na mahihirapan siya sa isang 'to. Maganda naman si Jasmin at alam kong madaling ayusan. Ang luma lang talaga ng suot niyang tshirt na kulay Dirty white, at kulay Pulang pantalon. Mayroon ding pulang panyo sa leeg niya. Yung kagaya ng sa mga boyscout. Noong unang kita ko nga sa kaniya, akala ko kasama siya ni Rizal sa Luneta park. Akala ko nag-dagdag sila ng rebulto. Kaso bigla siyang gumalaw. Sa unang tingin, aakalain mo talagang isa siyang lalaki. Nakaboknay ang buhok niya. Malinis ang mukha. Hindi maputi, katamtaman lang. "Sumunod ka sa'kin, Jasmin," natutuwang sabi ni Ate Bea. "Hindi ba kastila ang kapatid mo?" Takang tanong ni Jasmin. Gusto kong matawa dahil kinagat niya ang biro ko, pero pinipigilan ko dahil baka kapag nakuha niya ang itak niya e tagain nalang ako bigla. "Hindi. Mabait 'yan," kalmado kong sambit sa kaniya. Tumango lamang siya at sumunod kay Ate Bea. Dalawang taon ang agwat namin ni Ate Bea sa isa't isa. 22 na siya samantalang 20 ako. Kasalukuyang nag-aaral sa kursong IT. Kaya ako napasama sa grupo na kinabibilangan ko ngayon, dahil alam nilang magagamit nila ako laban sa mga kalaban. I'm the Fifth member of Soliditary g**g. The Number 1 g**g in the Philippines. Walang nakakakilala saamin. We are using mask kapag mag-kikita-kita kamI. Kaso nga lang, bumagsak sa No. 3 ang g**g namin matapos mawala ng aming Queen. Every g**g group has their own leader. Minsan lalaki, at minsan babae. Hindi nang-gugulo ang g**g namin, but when it comes to g**g war, ready kami. At 'yun ang nag-papataas ng rango namin. Pero dahil nga napalitan na ang Queen namin. We say goodbye to our former spot. Hindi na nga namin siya mahanap. Pinupuntahan ko lagi ang huling lugar kung saan siya pumunta pero wala talaga siya. Kulang na nga lang matulog na ako sa kung saan siya nawala para mabantayan. Inisip na din namin na baka kinidnap for Ransom siya dahil mayaman sila. Pero kung kinidnap siya siguro dapat tumawag na ang nasa likod ng kidnap. Pero hanggang ngayon wala pa. Tumayo ako sa kinauupuan ko. Mukha namang mag-tatagal pa si Ate Bea sa pag-aayos kay Jasmin. Sa dami ba naman ng mga damit dito sa loob ng botique shop niya, alam kong hindi kagad siya makapili ng babagay kay Jasmin. Although parang lahat bagay sa kaniya. Lumabas ako ng botique shop at pumunta sa Tom's World. Nag-laro muna ako ng basketball at kung ano-ano pa. Kaso nabored ako kahit na ang dami kong nakuhang tickets. Mamaya nalang ako kakain, hihintayin ko nalang si Jasmin at sabay na kaming kakain. Yayain ko din kaya siya magsine? Tama! Dapat kuhain ko muna ang loob niya para kapag inaya ko siyang sumama sa grupo namin, mas madali dahil kasama niya ako at mababantayan ko siya mabuti. Naoag-desisyunan ko na na bumalik na sa Botique shop ni Ate Bea. Napansin ko ang isang babae na nakatayo sa tapat ng pintuan nito. Nakasuot siya ng Pulang dress na 1 inch ang agwat bago sa tuhod. Off shoulder din ito. Ang simple. Nakakulot ang buhok niya at may suot na gold necklace. Pinartneran pa ito ng dalawang gold earings na kapag tinamaan ng ilaw ay kumikinang. "Jasmin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD