KABANATA 14 : JEEP

1128 Words
Kabanata 14 : Jeep Juanita's Point of View Ang bilis ng takbo ng sasakyang pang militar. Kailangan kong malaman ang tawag sa sasakyang ito. Maaaring gawin nilang depensa at opensa ang karwaheng ito. Walang-wala ang mga kabayo at binti namin sa isang 'to. "Anong tawag dito sa sasakyan na ito?" Pabulong na tanong ko. Maaaring isa sa mga nasa loob ay  espiya ni Heneral Santiago, mabuti ng maging alerto. Baka mamaya ay ipadakip nila ako kapag nalaman niyang may nakalap akong impormasyon. "Jeep," maikling tugon ni Ethan. Tumango ako. "Ito ang naghahatid saamin kung saan namin gustong pumunta," saad niya. Kung gayon, puwede nilang sugudin ang nayon namin sa isang kisap mata. "Para po!" Sigaw ng isang matandang babae. Nag-bigay siya ng barya sa nag-mamaneho ng sasakyan. Tama nga ako, mga espanyol sila. Nag-salita ang matandang babae ng wikang espanyol. Para. "Para saan ang barya?" Takang tanong ko. "Bayad?" Sarkastikong saad ni Ethan. "Alam mo, sa panahon ngayon wala ng libre. Siguro tuli nalang ang libre," pagbibiro nito. Siniko ko siya. "Sa nayon namin bata pa lamg tinutuli na," pag-mamalaki ko. Ang ilan, kung hindi bata, pinupukpok ng mga beteranong manunuli. "T-talaga?" Hindi makapaniwalang tugon ni Ethan. Tumango ako. "Tumingin ka na nga lang sa Bintana," sambit nito. Kung gayon, isa din siyang espanyol. "Paano ka natuto mag-salita ng espanyol?" Maotoridad na tanong ko dito. "H-ha? Espanyol? Ano bang sinabi kong espanyol?" Takang tanong nito. Mukha ngang wala siyang alam sa mga pinag-sasasabi niya. Hindi kaya nag-mamaang maangan lang ang isang ito? "Bintana. Sabi mo kanina bintana," mariin kong sambit sa salitang bintana. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng bintana, naririnig ko lamang iyon sa mga kawal na kastila na nakapaligid sa nayon. "Salitang espanyol ba 'yun? Hindi ko alam," seryosong ani niya na para bang wala lang iyon sa kaniya. Nag-kibit balikat na lamang ako.  Kailangan kong mag-panggap na hindi ako interisado. Kailangan kong sumabay sa kanila. Sa ngayon, si Ethan na lamang ang dapat kong pag-sabihan ng tungkol sa nayon namin. Pero hindi ibig sabihin na sasabihin kong may rebulusyon kami laban sa kanilang mga kastila. Hindi ko alam kung dapat siyang pag-katiwalaan, maging ang utak ko sinasabing 'wag siyang pagkatiwalaan. Pero may sinasabi ang kaluluwa ko na dapat siyang pag-katiwalaan. Wala namang sigurong interes ito sa nayon namin, at wala namang mahalaga sa nayon namin bukod sa Alyansa laban sa mga kastila. "Para manong!" Sigaw ni Ethan. Agad na huminto ang sasakyang pang-militar na ang tawag ay Jeep. Mula siguro ito sa salitang ingles. Wala namang letrang 'J' sa salitang Pilipino. Hinawakan ako ni Ethan sa kamay. Lumabas kami sa Jeep at kasalukuyang nakatayo sa gilid ng napakalaking kalsada. Ibang-iba ang nayon na ito. Maluwag, mausok, madumi. Malalaki ang gusali. Madami parin namang puno ngunit nasa gilid na lamang ito ng daanan. Ibang iba sa nayon namin. Sa tapat namin, may kalayuan, isang malaki at mahabang gusali ang makikita. Mayroong malalaking litrato sa mga pader nito. Madaming sasakyang pang militar, at iba't-ibang urI, kulay at anyo ang nahinto dito. Hindi kaya ito ang pinakasentro ng nayon nila? "Ito ba ang sentro ng nayon ninyo? Ang base militar?" Hindi ko ipinahalata na may ineteres ako. Kakailanganin ko ding malaman kung ito nga ba ang sentro ng nayon nila. Nang sa gayon, madali naming matatalo ang mga kastila. "Sentro? H-hindi. Ang sentro nitong syudad na ito ay ang Municipal Hall, o Barangay Hall," sabi nito. Tumango na lamang ako. Ngayon lang ako may naintindihan. Ang Barangay ay parang nayon. Pinamumunuan ng Datu. Pinag-aralan ko ito noon. Maraming Barangay sa Mindanao. Matatapang ang mga pinuno ng bawat barangay dahil hindi sila nag-papasakop sa kahit sino. Kaya natalo nila---hindi sa natalo pero napaalis nila si Magellan nang balak nitong pasukin ang Mindanao. "Sino ang pinuno niyo?" Tanong ko. Mabibilis ang mga dumadaan na sasakyang pang militar sa harapan namin. Hindi ko alam kung bakit nakatayo lamang kami dito. "Pinuno? Baka Mayor? Mayor ba o Barangay Captain? Wala ba kayong Mayor?" Natatawang ani nito. Hindi ko siya pinansin dahil wala namang nakakatawa sa tanong niya. "Mayor? 'Yan ba ang tawag ninyo sa pinuno niyo?" Takang tanong ko. Tumango lamang siya. Hinawakan niya ang kamay ko at nag-simula na maglakad. Huminto ang mga nag-dadaanang mga sasakyan sa harap namin. Marami ding tao kaming kasabay sa pag-lalakad papunta sa kabilang kalsada. "Jeep ba ang tawag dito?" Turo ko sa isang sasakyang tingin ko ay pang-militar din. Iniisip ko na ang lahat ng sasakyan dito ay pang-militar. Dahil alam ko. . . Gaganitin nila ito laban sa amin. "Nope. It's a car, Ferari," ani niya. Napakunot ang noo ko. "P-puwede ba kapag mag-kasama tayo 'wag kang mag-sasalita sa wikang Ingles?" ani ko. "Por favore," matamis na sambit ko. Nakapag-aral din naman ako ng kaunting salita ng espanyol. Para kung sakaling kailanganin ko. Napakunot ang noo ni Ethan. "Por ano?" Takang tanong niya. "Hindi ba't maharlikang espanyol ka? Bakit hindi mo alam ang ibig sabihin ng Por Favore?" Takang tanong ko dito. Nakapunta na kami sa kabilang ibayo ng daan. Sobrang taas ng gusali. Pumasok kami sa isang malaking pintuan na gawa sa salamin. Mayroong babae doon na nag-babantay. Nakasuot siya ng puting polo na mayroong itim na linya. Kung gayon, ito ang mga militar nila. May hawak itong itim pamalo at may b***l sa tagiliran. "A-anong tawag niyo sa kanila?" Tanong ko. "Guwardiya. Nag-iikot-ikot sila dito sa SM para masigurado ang kaligtasan ng bawat isa," sabi niya. "Tungkol nga pala sa huling tanong mo saakin, Hindi ako maharlikang espanyol. Pilipino ako. Hindi ako espanyol," seryosong ani niya. Hinawakan ako ng guwardiya sa bewang. Ganito siguro ang uri ng pag-tingin nila kung may armas na dala ang isang tao. Mabuti na lamang at hindi pinadala ni Ethan ang itak ko. Ayokong mag-pakita na isang Katipunera. Nakatingin ang lahat ng tao saakin. Kumunot ang noo ko. Halos lahat sila kapag nakikita ako ay kumukunot ang noo, tumatawa at na-bubulung-bulungan. Anong meron? Hindi kaya alam na nila na isa akong Katipunera mula sa San Delfonso? Alam na kaya nila na may balak akong rebulusyon? Pero bakit sila tumatawa? Dahil ba alam nila na hindi kami mananalo at kumpiyansa sila na sila ang mag-wawagi sa nalalapit na digmaan? "Ba-bakit sila nakatingin saakin?" Kabadong tanong ko kay Ethan. "Siguro dahil sa suot mo. Old Fashion. I mean, wala nga atang fashion 'yan. Sa'n ka ba talaga kasi nang-galing?" Ani nito. Kung gayon, natatawa sila dahil sa suot ko? Tinignan ko din ang mga damit na suot nila. Magagara ito, ang iba ay halos ipakita na ang kanilang kaluluwa. Ang iba ay nakasuot ng maikling damit. Anong klaseng bayan meron si Ethan? Bakit hinayaan nila ang mga babaeng mag-suot nito? Hindi ba nila alam na sa nayon namin, kailangan mata nalang ang nakikita dahil sa sobrang taklob ng balat? "Sikreto lamang natin ito ha? Galing ako sa San Delfonso," ani ko. "Sinabi mo na saakin 'yan e. Sa Laguna 'diba? Sabi mo?" Tumango ako. "Pero San Pedro, San Pablo at Sta. Rosa lang ang meron doon," sabi niya saakin. Kumunot ang noo ko. Hindi kaya tinago ng mga kababayan ko ang nayon namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD