KABANATA 13 : WALLET

1159 Words
Kabanata 13 : Wallet Juanita's Point of View Nag-lalakbay kami ni Ethan sa isang lugar kung saan maraming tao. Hindi ako pinayagan ni Ethan na dalhin ang itak ko. Noong una ay naiinis ako sapagka't kailangan ko iyon upang depensahan ang aking sarili. Pero sa huli, hindi ko maintindihan. Parang sinabi nalang ng puso ko na sundin ang nais niya. Alam kong nakakagulo, pero para kay Pepe lang ako. Minsan na rin naman akong nag-taksil kay Pepe, 'yon ay ang araw kung kailan ko inibig si Andres. Pero hindi ko naman sinasabi na silang dalawa ay ipag-papalit ko kay Ethan. Hamak na mas gwapo pa si Pepe at Andres kaisa sa isang 'to. Kung sabagay, mukha siyang amerikano. Madaming tao sa paligid, kay ingay. Kay sakit sa tainga. Madami ding mga karwahe. Ang isa pa dito ay ginagamit ng mga sundalo. May mga sakay itong kababaihan, bata o matanda, lalaki at mga buntis. Hindi kaya kailangan ko na silang iligtas? Pero sa mukha kasi nila, at ayon sa nakita ko, sila mismo ang kusang sumakay. Mukhang mas gusto nga nilang sumama para hindi na lamang masaktan. Sa kabilang dako, madaming mga kababaihang nag-titinda. Ang iba ay matanda na. Kung gayon kahit sa nayon na ito hindi nakaligtas sa pang-aapi ng mga espanyol ang mga matatanda. Nakakaawa. Lumapit ako nang may makitang isang matandang lalaki. Nakaupo siya sa lupa at may lata sa harapan niya. Mukhang isa siyang pulubi na namamalimos sa gitna ng maraming tao. "Mabuti lang ba ang iyong kalagay Tatay?" Tanong ko dito. Tumingin siya saakin. NgumitI ng mapait. "Gutom na ako iha," nag-mamakaawang sabi niya sa isang malambot at mahinang boses. Bakas sa kaniyang boses ang pang-hihina. "Ethan, may dinala ka bang makakain?" Tanong ko sa kasama ko. Kunot-noo lamang ang ekspresyon sa blanko niyang mukha. Umiling siya. "Wala kahit isa?" Takang tanong ko. "Wala. Pero kung gusto mo," may inilabas siyang itim na bagay. May kinuha siya mula rito. Isang pera. "Eto nalang, tatay, bumili ka nalang ng makakain," ani niya. Akmang ilalagay na ni Ethan sa bulsa ang itim na bagay kung saan galing ang pera nang hablutin ito ng matandang pulubi. "Tatay! Oy teka!" Mabilis akomg tumakbo. Anong meron sa matanda na iyon? Bakit niya kinuha ang pag-mamayari ng iba? Hindi ba siya makuntento sa kung anong ibibigay sa kaniya ni Ethan? Masikip sa dinaanan ng matanda kaya kailangan ko pang itabi ang mga nakakasalubong ko sa daanan. Ang iba sa kanila ay dumadaing at nagagalit. Hindi puwedeng makatakas si Tatang. Kahit na pinapahirapan kami ng mga espanyol, hindI parin dapat ganito ang magiging resulta. Dapat maging magalang at mabait parin sa kapwa Pilipino. Dapat, makuntento sa kung ano mang meron ka. Mabilis kong nahabol ang matanda. Binato ko ito ng isang mansanas na nakita ko sa isang aleng nag-bebenta ng mga prutas. Timaan ko ang paa nito kaya nawalan siya ng balanse. Wala paring palya hanggang ngayon. Natumba siya at dinadaing ang sakit na nakuha mula sa pag-kakabagsak sa lupa. Gano'n ba talaga kalakas ang pag-bato ko? Kaagad kong pinulot ang lalagyan ng pera. "Sa susunod, kahit tayo ay dukha at nag-hihirap na, 'wag tayong gagawa ng masama sa kapwa. Makuntento sa kung anong meron tayo," pangaral ko sa matanda. Masama itong tumingin saakin. "Madaling sabihin saiyo dahil wala ka sa pusisyon ko!" Ang kaninang malambot at nang-hihinang boses niya ay napalitan ng poot at galit. Tumayo siya at ika-ikang nag-lakad palayo. "Hoo! Hoy Jasmin!" Napalingon ako sa likuran ko. Tumatakbong dumating si Ethan sa kinatatayuan ko. Agad siyang napahawak sa magkabilang tuhod nang maabutan niya ako. "Ang aking pangalan ay binabanggit bilang Hasmin at hindi Diyasmin. At mas nais kong tawagin sa pangalang Juanita," pag-tatama ko sa kaniya. Inabot ko sa kaniya ang lalagyan ng pera. Napataas naman ang kilay niya. "N-nakuha mo?" Bakas ang pagka-mangha sa mukha niya. "Ano nga palang tawag sa bagay na iyan?" Tanong ko. Kung ang lugar nga na ito ay tagong base militar nI Heneral Santiago, mabuti pang ang lahat ng bagay dito ay malaman ko ang gamit at kahinaan. "Ito?" Tinuro niya ang itim na bagay na kinuha ko mula sa matanda. "Ang tawag dito ay wallet, wala bang ganito sa pinanggalingan mo?" Natatawang tanong ni Ethan. Umiling ako at hindi siya pinansin. Kung gano'n, ang wallet ang nag-lalaman ng kayamanan ng isang tao. Ang selpon ang makapag-tuturo kung nasaan ang isang bagay, at kaya nitong makita ang lahat. Ang elebeytor ay naglalayong hiluhin ang isang tao. Lahat ng mga ito ay mapanganib, lalo na kapag nakulong ka sa Elebeytor mag-isa. Isa talagang henyo si Heneral Santiago. Lahat gagawi  niya para sa kapurihan. Nag-lakad na ako. Naramdaman ko naman na sumusunod saakin si Ethan. Kailangan kong malaman ang lahat ng bagay dito. Hangga't kaya ko, pipilitin kong mag-isip ng mas magandang plano para matalo ang mga imbensyon ni Heneral Santiago. "Oh, saan ka pupunta?" Tanong ni Ethan mula sa likod ko. "Saan ba dapat?" Takang tanong ko bago siya lingunin. "Pupunta tayong SM. Bibilhan kita ng bagong damit," nakangiting sabi niya saakin. Napatingin ako sa damit ko. "Ano namang masama sa soot ko? Nakakakilos akong mabuti dito, kita mo nga, nahabol ko ang kumuha ng walet mo dahil mas madaling kumilos dito," sambit ko. "Alam ko. Pero hindi 'yan ang angkop na damit sa panahon ngayon. I think you should try rip jeans, or printed t shirts," napakunot naman ang noo ko. Ang naintindihan ko lamang ay ang mga unang salita. Isa nga siyang maharlika. Kaya niyang magsalita ng wikang Ingles. Kung gano'n, halos lahat ng tao dito ay nakapag-aral ng Ingles. Hindi kaya dinala ako ni Heneral Santiago sa Yuropa? "Tara na," hinawakan ako ni Ethan sa pulsuhan at winagayway ang kaniyang kanang kamay sa tabi ng daan. Isang sasakyang pang-sundalo ang huminto sa tapat namin. "A-anong ibig sabihin nito? S-saan mo a-ako dadalhin?" Natatakot na ani ko. Mukhang balak niya akong isakay sa sasakyang pang-militar. Ano kayang binabalak nI Ethan saakin? "Ito ang magdadala saatin sa SM," ani nito. Napakunot noo ako. Ibig sabihin, sa nayon na ito, ang sasakyang pang-militar ay taga-hatid sa kanila sa kahit saan man sila pumunta? Napansin ko din na walang kabayo sa daan o baka na sinasakyan ng mga magsasaka at kababayan sa nayon namin. Wala akong nagawa nang ipasok niya ako sa loob. Masikip dito dahil may bubong. Madaming tao ang nasa loob at nakaupo ng tabi-tabi. May bintana sa dalawang gilid. Umupo si Ethan malapit sa kung saan kami pumasok kanina. Samantalang ako, hindi pa umuupo. Gusto kong tumalon palabas dahil baka mamaya ay dalhin niya ako kay Heneral Santiago. Pero biglang umandar ang sasakyan at nasubsob ang mukha ko sa sahig nito. "Ayan, sabi ko kasing umupo ka na e," seryosong ani ni Ethan. Nag-bulong bulungan naman ang mga taong nasa loob ng sasakyan. Wala man lang ni isa ang tumulong saakin. Ibang-iba ang nayon na ito sa nakagisnan ko. Tumayo ako mag-isa at umupo sa tabi ni Ethan. "Sigurdahin mo lang na hindi mo ako dadalhin kay Heneral Santiago," ani ko sa kaniya ng pabalang. Natawa lamang siya pagtapos kumunot ang noo. "Hindi kita dadalhin kay Heneral Santos," ani nito. "Santiago," pagtatama ko. Mukhang binge ang isang 'to. Saan naman kaya ako dadalhin nito? At tsaka, ano 'yung SM?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD