KABANATA 12 : KILALA

1024 Words
Kabanata 12 : Kilala Ayesha's Point of View Mas lalong lumakas ang mga tilian sa lugar kung nasaan kami. Napahinto si Diana sa pag-lalalad. Kumunot ang noo niya. "Tara na sabi e," inis na ani ko sa kaniya. "No. I don't know. Hindi ako makalakad. Parang. . .parang kilala ko siya," ani ni Diana. She's acting weird again. Ano bang sinasabi niya? "Hindi ka lang pala gangster, you're the laziest gangster I've ever encounter. Gusto mo bang buhatin pa kita kaya ka huminto? If your slaves will do that for money, then sila lang 'yon," inis na ani ko sa kaniya. Alam ko, I'm bad. Pero hindi ko na kasi mapigilan ang ugali niya. Hays. Or maybe I'm just too judgemental? Ugh! Now I hate myself. Tinaasan ko lang siya ng kilay, binigyan ng what-are-you-waiting-for-look.  Lumingon siya sa likod. "Pwede ko bang tignan kahit saglit lang?" Parang batang pag-papaalam niya. I took a deep breath. "Fine. Basta saglit lang ah," ani ko sa kaniya. Hindi kasi siya puwedeng mawala dito. Kapag nakita siya ulit ng mga Katipunero baka mamaya kuhain siya. Hknahabol pa naman siya ngayon. Naglakad na siya patungo sa mga nag-kukumpulan na tao. Sumunod nalang ako dahil wala naman akong magawa. Ewan ko ba, parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi kaya dahil ang daming tao? "Bakit mo siya pinayagan, ate Ayesha?" Takang tanong ni Lilia saakin. Napatingin ako sa kaniya. "Hindi naman siguro siya mawawala. Babantayan naman natin siya e. Tignan mo, para siyang bata na ngayon lang nakalabas sa bahay nila," ani ko. Napatingin ako kay Diana. She's acting weird. Para lang sa pinag-titinginan ng mga babae, sumisiksik siya sa crowd. Akala ko pa naman hindi siya ganong klase ng babae. Hindi naman siguro husga kung nakikita ko na mismo sa harap ko 'diba? "May punto ka po. Kaso, hindi niyo po ba naisip na baka mamaya makita siya ni Heneral Santiago at ipahuli?" Tanong ni Lilia saakin. "Hindi naman siguro. Sa dami ng babae dito sa lugar na ito, tingin mo mapapansin si Diana?" Tanong ko pabalik kay Lilia. Nag-kibit balikat siya. Sumiksik nalang kami sa mga tao at hinabol si Diana. Parang sardinas.  "Akala ko ba galit ang mga tao dito kay Heneral Santiago?" Bulong ko kay Lilia para hindi marinig ng mga nasa paligid. Napataas ang kilay niya. "Kung anak ni Heneral Santiago si Agustus, ibig sabihin dapat galit din sila diyan 'di ba?" She shrugged her shoulders. "Sa mukhang 'yan, tingin mo ba magagalit ang mga kababaihan? Siguro ang mga lalaking na-mumugad lawin pwede pa," nakangiting ani ni Lilia. Tumingin ako sa mga kalalakihan. Nakasimangot sila at nag-mamaktol. Mukhang ang ilan sa nililigawan nila ay nandito sa kalandian. Hindi ko inaasahan na noon pa man madami ng babaeng ganito. I take a look at Agustus. Well, maputi siya kumpara sa mga kalalakihan dito sa nayon. Makinis ang balat, may katangkaran, mapupungay ang mga mata. Nakasoot siya ng isang dirty white na polo. 'Yung kagaya ng mga sundalo. Seryoso din ang aura niya. Katabi lang namin si Diana. Tahimik siyang nag-mamasid. "Pwede na ba tayong umalis?" Tanong ko kay Diana. Naiingayan na kasi ako sa lugar. Hindi ako sanay sa ingay. She shook her head. Hindi siya lumingon saakin. "Why do I have this feeling na kilala ko siya?" She whispered. Napakunot naman ang noo ko.  "Kilala mo siya?"takang tanong ko. Napatingin naman ako kay Lilia. "Ikaw Lilia, kilala mo ba siya?" Tanong ko kay Lilia. "Ilang araw na siyang namamalagi dito sa nayon. Pero mukhang ngayon lang siya pinakilala ni Heneral Santiago," sabi ni Lilia. Tumango lamang ako at binalik ang tingin kay Diana. "I don't know him," pagdidiin niya. Mukhang sa sarili niya sinasabi na niya na weird siya. Hinawakan niya ang dibdib niya. Tumingin siya kay Lilia bago saakin. "Tara na," ani niya bago nag-lakad palabas sa crowd. Sumunod kami kaagad ni Lilia. Hindi siya puwedeng mawala sa mga paningin namin. "Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ni Lilia. "Hindi ko din alam," kunot noong saad ko. Pag-dating namin sa loob ng kubo, napansin kong may nakahandang pag-kain sa lamesa. Gaya ng upuan, ang lamesa ay gawa din sa bamboo. "Alam niyo na ba kung anong pinag-kakaguluhan ng mga kababaihan sa nayon natin?" Tanong ni Niko. "Lalaki," maikling tugon ni Lilia. "Hindi na ako mag-tataka. Halos kababaihan ang nandodoon. Ano daw bang pangalan ng lalaki?" Takang tanong ni Juan. "Agustus? Oo. Agustus. Anak ni Heneral Santiago," sagot ni Lilia. "Upo na kayo," sabi ni Lilia then she offered me and Diana to take a sit. Pinaupo niya kami sa harap  ng lamesa. Umupo naman ako. Saglit na napatigil sa ginagawa ang mga kasama namin. Maging si Nanay Clarita na nag-lalagay ng Sabaw sa malukong napatigil sa ginagawa. "A-anak ni Heneral Santiago?" Gulat na tanong ni Nanay Clarita. "O-opo. B-bakit po?" Utal na tanong ni Lilia. "Wala. Ngayon ko lang kasi nabalitaan na may anak ang demonyong 'yon," may poot na sambit ni Nanay Clarita. I wonder kung bakit ganito nalang ang galit ni Nanay Clarita kay Heneral Santiago. Dahil ba isa siyang espanyol? O may iba pa? Siguro nga masama talaga siya. Kasi kung hindi naman siya gano'n kasama, siguro hindi gagawa si Juanita ng rebulusyon laban sa mga Espanyol. Siguro dapat ko nalang hilingin na matapos na agad ito. Bumalik ang lahat sa kaniya-kaniya nilang ginagawa. May pritong isda sa lamesa. Mayroon ding Sinigang. Mukhang sa taong ito, alam na ng mga Pilipino ang pagluluto ng sinigang. Humigop ako ng sabaw. "Mmm. . ." Mas masarao ito kaisa sa sabaw na nakagisnan ko. "Fish?" Tinignan ni Diana ang nasa lamesa. "And, what is this? A soup? Sinigang?" Maarteng ani ni Diana. "Hindi mo naman siguro ikamamatay ang pag-kain ng Isda? At tsaka. 'Wag ka ngang maarte. Masarap kaya ang Sinigang," ani ko sa kaniya. Mukhang bumalik na ang gana niya sa pagiging maarte matapos ng makita niya si Agustus. "Masarap ang Sinigang? Bakit, dahil kasing Asim mo?" Natawa siya sa sinabi niya. Maging sina Nanay Clarita at mga kapatid ni Lilia. "Matinik ka sana," inis na ani ko. Akala ko kanina hindi siya marunong kumain. Pero nagulat ako ng marunong din siya mag-kamay. Wala kasing kutsara at tinidor kaya kamay kami. Pero mas masarap kumain kapag kamay lang. "Aray! T-tub-tubig!" Agad na naglagay si Nanay Clarita ng tubig sa baso. Hinagod naman ni Khan ang likod ni Diana ng maubo ito. "Natinik nga," natatawang bulong ni Lilia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD