KABANATA 8 : PETMALU, WERPA

1111 Words
Kabanata 8 : Petmalu, Werpa. Ayesha's Point of View "Mga werpa sakay na dito!" Maraming tao sa paligid. Nagkalat ang mga jejemon at gangster. Alam ko kung nasaan ako. Hindi kaya bumalik na ako sa panahon ko? Napatingin ako sa likod, kanan at kaliwa ko. Nasaan naman 'yung bus na sinasakyan namin? Hindi kaya naligaw ako? O kaya naiwanan na ako? Base kasi sa nakikita ko, nasa manila ako. Maraming nasa tabi at nagtitinda ng kung ano anong mga gamit. May mga prutas at gulay, may mga bracelet, at kung ano ano pang palamuti sa katawan. Marami ding nagyoyosi sa tabi, ang ilan pa nga'y nakuha pang mag-vape sa tapat ng Jollibee. Malayong-malayo ito sa napuntahan ko kanina. Then, I realized, this is the beginning of Juanita's Story. How did I know? Simple lang. Sa hindi kalayuan, isang babaeng, sabihin na nating makaluma ang soot niya. She's also holding her bolo. Halos lahat ng dumadaan sa paligid, iniiwasan siya. Nilapitan ko siya para makita ko ang mukha niya. She's gorgeous. Pilipinong-pilipino ang balat---Morena. "Anong nayon ang aking napuntahan? Taksil na Heneral Santiago. Pinadala ba niya ako sa isang malayong syudad?" Masamang nakatitig ito sa mga tao. Kahit na maganda siya, ang aura niya, matapang. Nakatayo lang naman siya sa isang fast food restaurant. Ang Jollibee. Lahat ng dinadaanan niya, lumalayo sa kaniya dahil sa hawak niyang itak. Nabanggit ko na ba na mayroon din siyang red na telang nakatali sa leeg niya? 'Yung tipong ang soot niya ay pang-katipunero kahit na isa siyang babae? Ilang minuto pa siyang tumingin-tingin sa paligid. Nakakunot ang noo at tila may malalim na iniisip. May binulong siya sa hangin kaya agad akong lumapit sa kaniya upang marinig ang sasabihin niya. Hindi sa chismosa ang peg ko but I want to hear every single word that will come out in her mouth, siguro para alam ko kung anong iniisip niya sa mga oras na ito? "---khang base militar ito ng Heneral Santiago na iyon! Bakit hindi nasulyapan ng mga katipunero ang nayon na ito noon pa man?" Kunot noong ani niya. Isang jeep ang huminto sa harapan ni Juanita. Mula sa loob, isang driver ang ngumiti sa kaniya, pero napalitan ito ng takot nang makitang may hawak siyang itak. "Miss? Sakay ka?" Sabi ng driver, hindi alintana ang nakikitang itak. "Sino ka? Anong iyong nais?" Tanong ni Juanita. "Where are you going? Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog beautiful lady?" Nang-uutong sabi ni manong driver. Siguro napansin niyang ang layo ng sagot ni Juanita sa tanong niya kanina. "Isa ka bang maharlika? O isa karing kaaway kagaya ni Heneral Santiago? Sandali! Namumukhaan kita! Ikaw ang katipunerong nag-taksil kay Bonifacio!" Tinutok ni Juanita sa Driver ang itak niya. "M-miss!? H-hindi k-kita maintindihan!" Sigaw ng driver. Agad niyang pinatakbo ang Jeep at mabilis itong naglaho sa paningin ko. Mukhang natakot lahat ng tao sa kaniya, madami ding nakatingin na mga tao sa kaniya. Sa 'di kalayuan, isang batang lalaki ang mapangahas na lumapit kay Juanita. Sa tantsa ko, 25 years old ang lalaki. "Petmalu! Ang ganda mo bakla! Chinorva mo si Manong Driverski! Taga saan ka Day!" HindI pala siya binatilyo. Binatilya pala ang loka. I didn't notice dahil sa damit niya. Siguro hindi siya ladlad? "Sino ka? Isa kang estranghero! Isa kang salot sa bayan, isang huwad na lalaking nagpapanggap na babae! Kung inaakala mong mapapasunod mo ako sa'yo, nagkakamali ka!" Sambit ni Juanita. Mula sa ngiti, naging taas kilay ang itsura ng bading na lumapit kay Juanita. "Are you saying na isa akong salot sa lipunan!? Ang sakit mo naman magsalita bessy! Che! Porket maganda ka lang at morena, akala mo kung sinong Lodi! Diyan ka na nga!" Iniwan siya ng bading na akala mo'y may luhang pinupunasan. Prrrrt! (Pito ng Pulis) Naalerto si Juanita sa pito ng pulis. She look around and find where that sound came from. Nakita niya sa likod niya ang mga pulis na tumatakbong papalapit sa kaniya. "Ma'am, ibaba niyo ho ng maayos ang itak ninyo," sabi ng isang pulis. "Ayoko. Hindi ako puwedeng manatili sa lugar na ito," agad siyang tumakbo palayo sa mga pulis kaya hinabol siya ng mga ito. Siguro kung hindi ko alam na galing siya sa 1869, malamang inisip kong she's out of control. Sinundan ko sila. Madaming saksakyan ang dumadaan sa tinakbuhan ni Juanita kaya ang iba dito'y malakas na pumreno. Ang iba pa nga'y sinigawan siya ng "HOY MAGPAPAKAMATAY KA BA!?" Mabilis tumakbo si Juanita. No wonder dahil isa siyang katipunera. May konek ba 'yon? Nevermind. Narinig ko ang pag-sigaw ni Juanita, ilang hakbang lamang ang layo ko sa kaniya. Hindi maitatanging sobrang laki ng mga hakbang niya, although she's a girl. "Kay daming karwahe! Kailangan kong makabalik sa kampo upang maka-pag pulong at makapaghanda sa pag-aalsa ng mga espanyol!" Sabi ni Juanita habang tumitingin-tingin sa paligid. "Tigil!" Pumutok ng b***l ang mga pulis. Hingal na hingal na huminto sa lilim ng puno ang mga ito. Hindi nila ipinutok kay Juanita ang b***l---sa itaas nila ito ipinutok. Nakarating na sila sa isang Park. If I'm not mistaken, Rizal Park. Nako! Ano kayang iisipin niya kapag nakita niya si Rizal na naging isang rebulto? Patuloy sa pagtakbo si Juanita, tila ba walang kapaguran. Hindi ko alam pero kahit ako hindi nakakaramdam ng pagod sa pag-takbo. Maybe I want to know every details about her? Napahinto si Juanita sa isang malaking rebulto. To be exact, rebulto ni Rizal. "Hindi maaari! Nadakip na nila si Pepe ang aking irog! Tunay na malalakas ang mga tao dito't nagawa pa nilang gawing isang rebulto si Pepe, kaawa-awang bayani," napaluhod si Juanita sa sahig at binitawan ang kaniyang itak. "Crying for a monument?" Napalingon kami ni Juanita sa nagsalita sa likod niya. Mabilis na napahawak sa kaniyang itak si Juanita at agad na tumayo; pinunasan ang luha. "Sino ka estranghero?"  Tanong ni Juanita. "Hey Hey! That's too sharp. Don't kill me, I don't want to die yet," sabi ng lalaki habang humahakbang pabalik. "Isa ka bang maharlika? Nagsasalita ka sa wikang ingles," nakakunot noong saad ni Juanita. "It look likes, you don't speak in english," sabi ng lalaki. Nahalata niyang lalong tumaas ang kilay ni Juanita kaya nagsalita siya. Marami na ring nakatingin kay Juanita dahil sa hawak niyang itak, and also her way of clothing? "Ako si Ethan. Ikaw si. . .?" "Juanita Jasmin," ibinaba na ni Juanita ang dala niyang itak at nakipagkamay kay Ethan. "Ayun! Habulin niyo!" Sa 'dI kalayuan. Mukhang nakasunod ang mga pulis kay Juanita. Natataranta na si Juanita. Akmang tatakbo na siya at aalis nang. . . "Pwede kitang samahan, may alam akong mapag-tataguan," sabi ni Ethan. Hindi naman alam ni Juanita ang gagawin kaya tumango na lamang ito at sumama kay Ethan. Tumakbo sila ng sabay palayo. Sino si Ethan? At bakit niya kinunsinte si Juanita? Teka. Hindi kaya isa ring sindikato si Ethan? Hays. 'Wag naman sana. Unti-unting umikot uli ang lahat. "Kamusta ang paglalakbay sa nakaraan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD