Kabanata 9 : Pagpupulong
Diana's Point of View
"Where are we going?" I asked. We are walking I think atleast a half hour? Masakit na ang paa ko. I never knew na ganito ka-petmalu ang lakarang magaganap. If I only knew na mangyayari 'to, I should ask dad for a car.
Tumaas ang kilay ng mga kasama ko, halatang hindi nila naintindihan ang mga sinabI ko. Geez. Napaka-low class naman pala ng mga tao dito, hindi sila marunong mag-english.
Kanina, 'yung matandang babaeng kausap ko, tinanong niya kung isa ba akong maharlika. If I'm not mistaken, maharlika means mayaman/dugong bughaw kahit pula ang dugo ko.
"I said, saan ba tayo pupunta?" Paguulit konng tanong ko sa wikang tagalog.
"Ah. Pag-pasensyahan mo na kami binibini. Sa lugar na ito, tanging ang mga maharlika lamang ang maaaring mag-salita sa wikang ingles. . ."sabi ng isang lalaki sa kanan ko. Nauuna siyang maglakad.
Mas matangkad siya saakin, mayroon din siyang dimple sa kaliwang pisngi, lagi siyang nakangiti. His eyes is her asset. Gwapo pero. . .not my type.
"Kahit marunong ka magsalita sa wikang ingles, basta isa kang mababang tao, hindi ka puwedeng gumamit ng salitang 'yon. Nagtataka nga kami kung sino ka e, isa ka bang maharlika?" Tanong ng lalaki sa likuran ko.
Mas matangkad siya saakin ng kaunti, walang dimple pero makinis ang balat. Medyo maputi din siya, seryoso kung magsalita. Mukha din siyang intsik kasi 'yung mata niya singkit.
"Yeah. I can buy you with just a single snap," sabi ko sa pag-mamayabang na tono.
"A-ano?" Tanong nilang pareho.
"Sabi ko, oo," I said. Grabe naman sa lugar na 'to. Paano ba kasi ako napunta dito? Ah. Oo. Nasa loob ako ng Jollibee, I don't know pero niyaya ako ng mga cheap kong friends na doon kumain ng tanghalian.
Sabi ko pa nga mas masarap sa Mamahaling restaurant kaso ang budget nila pang Jollibee lang. Nag-CR ako saglit at nanalamin. I need to retouch. Ito ang hate ko sa mga fast food chain e, masyadong madaming tao.
Nakaka-hagard.
Then, tumingin ako sa salamin, it's weird because, it looks like a whirpool. Parang bermuda triangle na may umiikot-ikot. Nakakahilo. Then, ayun. I found out na nakatayo na ako sa isang low class na lugar.
"Sino 'yang kasama niyo?" Tanong ng isang matandang babae. Hindi ko alam kung sinong tinatanong niya until I found out she's looking in this two boys in front and back of me.
"Kanina pa siya humihingi ng tulong, naka-bangga namin siya. Ano nga ulit ang iyong ngalan?" Tanong ng lalaking nasa harapan ko. Ang lalaking nasa likuran ko pumasok sa loob ng kubo kung nasaan ang matandang babae.
"Diana," maikling tugon ko.
"Ako pala si Clarita. Pwede mo akong tawaging Nanay Clarita o kaya't Lola Clarita," nakangiting sabi ni Nanay Clarita. Something is in her eyes, excitement? Maybe. Kamukha din siya ng nag-aruga saking yaya ko.
"Ako si Niko, ang kasama natin kanina ay ang kapatid ko, si Khan," pag-papakilala saakin ni Niko. "Tuloy ka," sabi nito. Inalalayan niya ako dahil may parang hagdan sa kubo bago ka makaakyat sa pintuan nito.
Pag-pasok ko sa loob, nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa isang upuang gawa sa bamboo? Low class but it looks like a simple one. Isa pang lalaki ang nakita ko, kausap niya ang dalawang babae. Ang isa ay bata ang isa naman ay parang 15 years old.
"Diana?" Bulong ng babaeng parang 15 years old.
"How did you know my name?" Kunot noong tanong ko dito. Paano niya nalaman na Diana ang pangalan ko? E ngayon lang nga kami nag-kita. Or maybe because I am that popular kaya niya ako nakilala?
"Ah. . .Sinabi ni Nanay Clarita!" Sambit ng bata. "'Di ba nanay?" Tumingin ito sa direksyon ni nanay Clarita. Napatingin ito sa bata bago saakin.
"A-ah oo. Pasensya na ah, natuwa kasi ako't may bisita kami," sabi ni Nanay Clarita. But I feel something weird.
"Nasaan ba tayo?" Tanong ko. Inikot ko ang tingin ko sa loob ng bahay. Simple lamang ito at walang pang one fourth ng bahay namin.
"San Delfonso," sabi ng lalaking nakaupo sa upuang gawa sa bamboo. Seryoso siyang tumingin saakin. Well, moreno. Tingin ko matangkad siya. Matipuno at malakas ang appeal. Medyo malapit na sa type ko.
"And who are you?" Tanong ko. I don't know but there are four boys in this four corner of the house. And I'm interested in everyone of them, pero hindi ko sila type.
"Hechos," maikling tugon nito. Mukhang serious ang datingan nitong isang 'to.
"Juan ang pangalan ko," kwelang sabi naman ng lalaking kanina ay kausap ng dalawang babae.
"Lilia, gusto mo bang malaman ang buong pangalan ko? Ako si Lilia Hermoso Del Jose Mendoza Jimenez Alfonso y Ca---"
"Okay, enough," sabi ko habang sinesenyas ang kamay ko para huminto siya. Wow. She has the longest name I've ever heard. Tumingin naman ako sa katabi niyang dalagita.
"Ayesha," sabi nito. Parang hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako. Well, lahat naman ng taong nakakasalubong ko, mapa-SM man o kahit saan ako magpunta, na-Sta-Starstruck. Dinaig ko pa ang artista sa kasikatan.
"It looks like, ikaw lang ang may magandang pangalan, Ayesha. No offend guys pero, bakit parang ang luma ng mga pangalan niyo? At bakit pati ang mga damiy ninyo, ang babaduy?" Sabi ko.
Tinignan nila ang mga soot nila. "Kung sa panahon namin, ito na ang pinaka-disenteng pananamit, malamang ang soot mong 'yan ang pinaka-malaswang damit na nakita namin," sabi ni Hechos.
"Pasalamat ka at nakita ka namin, kung hindi nahuli ka na ng mga katipunerong humahabol sa'yo kanina. Ang malala, baka gahasain ka pa nila, o kaya'y pugutan ng ulo sa pag-suway sa kanilang utos. Bawal ang ganiyang damit binibini," sabi ni Khan.
Napalunok ako ng laway. I admit it, I thanks them for saving me sa mga katipunero? "I-I can manage!" Matapang na sigaw ko.
Nag-kibit balikat silang lahat.
"Hindi ka maniniwala pero. . ." Lumapit saakin ang babaeng nag-ngangalang Ayesha. She's weird. "We're here at year 1869," sabi nito.
"Are you kidding me?" Tinaasan ko siya ng kilay. Tinignan ko isa-isa ang mga taong kasama ko sa loob ng kubo. Anong nasinghot niya para sabihing nasa 1869 ako?
I was ready to laugh when she said, "don't dare to laugh. Find the truth on your own. Bakit hindi mo tignan kung anong date sa calendar ng Cellphone mo?" Matapang na ani ni Ayesha.
"But please make me laugh when I saw year 2017," sarkastika kong sabi sa kanila. Kinuha ko ang phone ko mula sa pocket ng soot ko. Hinanap ko ang calendar. Ilang segundo akong napatitig sa taon, this is set-up.
"Ngayon naniniwala ka na?"