KABANATA 10 : KAKAIBA

1101 Words
Kabanata 10 : Kakaiba Juanita's Point of View Dinala ako sa isang magandang bahay ng lalaking nag-ngangalang Ethan. Sinabi niya na ang tawag daw dito ang Kondo. Kanina ay pumasok kami sa isang pintuan na nakati sa gitna. May pinindot si Ethan sa gilid nito at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bigla akong nahilo. "A-anong tawag dito?" Tanong ko sa kaniya. Nakahawak ako sa magkabilang dulo ng maliit na silid na ito. Nasa sulok ako. Biglang tataas, tapos biglang bababa ang nararamdaman ko. "Elevator," natatawang tinignan ako ni Ethan. Biglang tumunog ang kinalulugaran namin at nahating kuli ang pintuan sa gitna. "Sabihin mo saakin, paano nagawa ng mga kastila ang ganitong sasakyan?" Tanong ko sa kaniya. Lumabas kami doon at napansin kong ibang lugar na ito. "Kastila? Hindi ko alam ang tinutukoy mo," nakakunot noo niyang sagot ang tanong ko. "Kagaya ba ito ng Salamin ng Panahon? Kaya mo ba akong ibalik sa nayon namin? Sa San Delfonso?" Tanong ko sa kaniya. Nagsimula siyang maglakad kaya sinundan ko siya. "San Delfonso? Saang probinsya ka ba galing? Pwede kitang tulungan sa pamamagitan nito," may bagay siyang tinaas at inalog. "A-ano naman ang b-bagay na 'yan?" Tanong ko. Madami na akong nakitang kakaibang bagay. Kung gayon, madami ng nalikhang bagay ang mga tauhan ni Heneral Santiago upang labanan kami. "Cellphone," maikling tugon nito. "Anong nagagawa ng bagay na 'yan?" Hangga't maaga kailangan kong malaman ang kalakasan ng mga bagay na ginawa ng mga kastila. Nang sa gayon, malaman ko ang kahinaan ng mga ito. "Madami." Kinabahan akong bigla nang sabihin niya ang salitang 'Madami' kung gayon, Ang bagay na ito lamang ang magiging katapat namin sa oras ng labanan. Hindi puwedeng mangyaring ang mga hukbo ko ang matalo sa labanan ng Pilipino at Espanyol. "Gaya ng. . .?" "Gaya ng kaya niyang hanapin ko anong lugar ang gusto mong puntahan. Pwede kang makipag-kumunika sa mga tao. Pwede kang manood dito, puwede kang tumawag, at mag-selfie," sabi nito. Lahat ay naintindihan ko na. Ang kagamitang ito ay kayang gawin ang lahat. Magaling talaga ang mga kastila, matatalino sila. Napahinto ako't napataas ang kilay. "Ano ang selfie? Isa ba itong uri ng b***l?" Tanong ko. "B-b***l?" Napatawa siya bigla. "Hindi! Ang selfie ay pag-kuha ng litrato. Ganito," hinawakan niya ako sa kamay. Aalisin ko sana ang mga kamay ko dahil baka isa lamang itong patibong ngunit may narinig akong isang tunog. "A-anong ginawa mo!?" "Wala. Nag-selfie, ito oh," pinakita niya saakin ang litrato mula sa Selpon niya. Kita sa larawan ang pagalis ko sa kamay ko. Habang si Ethan. . .nakangiti siya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, ngunit hindi puwedeng mabitag ako. "Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko nang magsimula na siyang muli sa paglalakad. "Sa condo ko? May mga tatanungin sana ako sa'yo," sabi nito bago may pindutin sa gilid, may nakadikit sa pader at may mga pinindot siyang numero doon bago buksan ang isang pintuang gawa sa bakal. "Isa bang uri ng base militar ang nasa loob niyan at kailangang gawa sa makinang na bakal ang pintuan nito?" Tanong ko. Umiling lamang siya bilang sagot. "HindI ito base militar o kung ano pa. Isa lamang itong kwarto. Kwarto ko," sabi niya. Pinapasok niya ako't sinara ang pintuan. Sa ganitomg oras dapat iniisip kong isa lamang siyang huwad, pinapagaan ang loob ko upang mapbitag sa isang patibong. Pero hindi. Hindi ko alam kung bakit ka'y gaan ng loob ko sa lalaking ito. "May mga tatanungin ako sa'yo ayos lang ba? Kanina ka pa nag-tatanong saakin kaya I assume na puwede akong magtanong," nakangiting ani nito. "Upo ka," pinaupo niya ako sa isang upuan. Malambot ito. Isa nga bang maharlika ang taong 'to? Posibleng oo dahil sa magagarang gamit na nandito sa loob ng kanyang silid. O baka naging maharlika siya dahil kay Heneral Santiago? "Kung tatanungin mo kung nasaan ang mga kasamahan kong katipunero, hindi ko sasabihin sa'yo," diin kong sabi sa kaniya. Tinignan ko ang mga mata niya para malaman kung magiging seryoso ba ang usapang ito. "Hindi iyon. Tatanungin ko sana, isa ka bang probinsyana? Sabi mo kasi saakin kanina taga-San Delfonso ka? Saang parte ng pilipinas iyon?" Tanong nito saakin. "Luzon, Laguna." "Sa laguna? Hmm. . ."napahawak siya sa baba niya at nag-isip. Iniisip ba niya kung paano kami aatakihin? Kung gano'n, nagkakamali siya ng kinalaban. Hindi niya mapapasok ang kuta ng hukbo ko. "Hindi mo malalaman ang kuta namin,"nakangising sabi ko sa sarilI ko. "Meron bang San Delfonso do'n? Hindi ba San Pedro? San Pablo? O baka Santa Rosa?" Tanong nito saakin. Kung gano'n hindi niya alam kung saan ang San Delfonso? "Teka, I-go-google map ko," sabi niya. Napakunot ang noo ko ng may ginawa siya sa selpon niya. Kakaiba. Mukhang lahat ng kasagutan sa tanong niya ay makikita sa kagamitang iyon. "Wala naman e!" Sambit niya. "I-google ko nalang mamaya," sabi niya bago bitawan ang hawak niya. "Bakit ganiyan ang soot mo? At bakit may dala-dala kang itak? Para saan 'yan?" "Ito?" Tinaas ko ang hawak kong itak. Napa-urong naman siya sa gulat. "Ito ang tatalo sa mga kastila. Lagi ko itong dinadala para kung sakaling dumating ang mga kastila, may pang laban ako. Tungkol sa pananamit ko? Anong masama dito? Nakakagalaw kaming maayos sa ganitong ayos ng damit." Tumango lamang siya. Halatang hindi maintindihan ang mga sinasabi ko. "Sabi mo mga katipunero? So may mga kasama ka pa? Linawin ko lang, hindi ka galing sa ano mang okasyon na ang tema ay Katipunero right?" Sabi nito. "Wala akong maintindihan sa iyong tinuran. At oo, katipunero. Bakit ang dami mong tanong? Isa ka bang tauhan ni Heneral Santiago?" Pagbalik ko ng tanong. "Sino naman si Heneral Santiago?" Kunot noong sabi niya. Kung gayon, hindi niya kilala ang tinutukoy kong sakim sa kapangyarihan. "Isa siyang masama, sakim at mapang-linlang na Heneral sa pinang-galingan ko. Tanong ko lang, kailan mo pala ako ibabalik sa San Delfonso?" "Paano kita ibabalik kung wala namang San Delfonso na na-ttrace ang google map?" Natatawa siya. Anong nakakatawa sa tanong ko? "Seriously, saan ka ba talaga galing? Tumakas ka ba sa mental? O nagka-amnesia ka?" "Ha? Mental? Ano 'yun?" Takang tanong ko. Sa tanang buhay ko, kahit minsan wala akong narinig na salitang Mental. "Lugar para sa mga walang tamang pag-iisip," sabi nito. Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong tingin ko sa'kin? Isang baliw?" Sabi ko sa kaniya. Tumayo ako mula sa pag-kakaupo. Umiling siya. "Hindi naman. Alam mo ba kung anong taon na? Ang baduy ng outfit mo, kahit nga pangalan mo 'di sabay sa Millenial. Juanita?" Tumawa siyang muli. Anong nakakatawa sa pangalan ko? "Taon? 1869. Ikaw ang hindi sabay sa taon. Ang lugar na ito, para akong dinala sa hinaharap," sabi ko habang tumitingin sa pwede kong labasan. "1869? Geez. 2017 na kaya!" Sabi niya. "At sabihin ko lang ah, bukas 2018 na," sabi niya. "2017? Anong kalokohan ito?" 2017 daw, hays. Mga pilipino nga naman. Mahilig manloko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD